Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

The Midnight Apparition

Story Rating:

This story happened way way long ago, let's start. My mom wa......

Paalam Kaibigan (Ang kwento sa likod ng Maymomoo!)

Story Rating:

Unang linggo ng buwan ng Enero 2006 ng mangyari ang isang tr......

Basement CR

Story Rating:

Nung nasa basement na kame pag bukas palang ng bestfriend ko......

LALAKING ITIM

Story Rating:

Sunday ng tanghali nun, nagluluto ang pinsan kong si kuya JR......

SLEEP PARALYSIS

Story Rating:

Sobrang bigat na ng kung ano mang bagay ang naka dagan sa di......

The Winged Creature

Story Rating:

People say we shouldn't be scared of the dark. It's because ......

 Fiction Huwag Magtiwala

Story Rating:

Sa isang maliit na Sitio sa isang isla malayo sa pamayanan m......

 Fiction Reception

Story Rating:

Ms. ano ho ang kailangan nyo at sino ang hinahanap nila? hin......

Lagim sa Nayon

Story Rating:

Ang mundo ay nababalot ng misteryo at kababalaghan. Kahit na......

Hindi ako naniniwala sa Multo

Story Rating:

4th year high school ako noon, janitor ang tatay ko sa eskwe......

HEADLESS PRIEST APPARITION

Story Rating:

When I was around 10 to 12 years old, I used to hear unusual......

Kababalaghan sa bagong bahay

Story Rating:

year 2008 na isipan nila mama and papa na mas palakihin pa y......

ang lalaking naka barong

Story Rating:

This story happened last 2014 my best friend kasi akung boy ......

ang lalaki sa balete

Story Rating:

pero para may feeling na nag pu push kay myca na lumingon ul......

PANAGINIP

Story Rating:

It happened way back 2004 i think maliit pa yung bahay namin......

Ang batang lalaki

Story Rating:

Ang kwentong ito ay mula pa sa kabataan ko at ako'y pitong t......

KAMA

Story Rating:

This happened to me when I was young, I think 13 palang ata ......

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

Ang lalaking walang Mukha 3 (Short Story)

Story Rating:

kararating lang ng kapatid kong lalaki dito sa cebu almost......

Hatinggabi

Story Rating:

Pumunta kami don sa probinsya namin sa Samar para mag bakasy......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

"Kilabot Sa Bahay Namin"

Story Rating:

Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......

The Gifts

Story Rating:

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Check-in

Story Rating:

Wala akong magawa kundi magpalipas ng gabi sa Baguio nang ma......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Totoo talaga ang aswang own experienced

Story Rating:

September 8, 2017 dito nagsimula lahat around 10:00 pm hindi......

HEADLESS PRIEST APPARITION

Story Rating:

When I was around 10 to 12 years old, I used to hear unusual......

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

Paalam Kaibigan (Ang kwento sa likod ng Maymomoo!)

Story Rating:

Unang linggo ng buwan ng Enero 2006 ng mangyari ang isang tr......

Ang Prosisyon

Story Rating:

Noong buhay pa ang aking lola ay hilig niyang mag tanim ng m......

Kababalaghan sa Dorm

Story Rating:

Gusto ko lang ishare sa inyo yung experience namin ng mga ka......

LALAKING ITIM

Story Rating:

Sunday ng tanghali nun, nagluluto ang pinsan kong si kuya JR......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Huwag Magtiwala

Story Rating:

Sa isang maliit na Sitio sa isang isla malayo sa pamayanan m......

 Fiction Reception

Story Rating:

Ms. ano ho ang kailangan nyo at sino ang hinahanap nila? hin......

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......


Pinoy Horror Story



All story content featured on this website are sole © Copyright of Maymomoo! and in such may not be downloaded, reproduced, copied, edited or used in any way without written permission from Maymomoo! Admin.

All rights reserved. Maymomoo! © Copyright 2006-2020

Story Rating

Rated (5/5)
by 2 user(s)


Unang linggo ng buwan ng Enero 2006 nang mangyari ang isang trahedyang ikinasawi ng aking kaibigan. Itago nalang nating siya sa pangalang “Kiks”.

Bagong salta lang sa aming lugar sina Kiks at ang kanyang pamilya. Galing sila ng Baguio at napiling lumipat sa aming lugar sa Pangasinan. Isa siguro kami sa unang mga naging kaibigan nya sa aming lugar kahit pa hindi kalapitan ang aming bahay sa kanilang bahay. Madalas ay nagjajam lang kami sa swing sa harap ng aming bahay. Magaling kasi siyang gumitara at ako nama'y nag-aaral palang gumitara non. Di kalaunan ay naging karelasyon ng aking ate si Kiks ngunit di din nagtagal yun. Sa kabila non, nanatili padin ang aming pagkakaibigan.

Isang araw, nalaman namin ang isang masamang balitang pumanaw na si Kiks. Naaksidente daw siya. Pauwi siya noon sakay ng kanyang motor. Ang sabi nila ay nakainom siya. Habang binabay-bay niya ang isa sa mga madilim na tulay pauwi sa kanila ay biglang bumungad sa kanya ang isang pedicab bike sakay ang isang mag-anak. Nabangga nya ito ng kanyang motor habang siya ay tumilapon sa kabilang parte ng kalsada. Sa di inaasahang pagkakataon ay paparating naman ang isang Provincial Bus (Five Star) na nakasagasa sa kanya. Napuruhan siya sa ulo. Dead on the spot.

Ikinagulat naming lahat ang balita sapagkat sa aming alaala ay isang masayahin at palabirong kaibigan si Kiks. Ikinalungkot din ito ng kanyang pamilya sapagkat siya lang ang kanilang nag-iisang anak.

Isang linggo din tumagal ang burol ni Kiks. Sa huling araw ng kanyang burol, dumalaw kami ng aking ate kasama ang aming pinsan upang masulyapan sa huling pagkakataon ang aming kaibigang si Kiks. Papalapit palang kami sa kanilang bahay ay medyo naninindig na ang balahibo ko. Noong mga panahong iyon di pa ako masyadong paniwala sa mga multo kaya binabalewala ko nalang yung nararamadaman ko o minsan nakikita ko. Ang paniwala ko sa sarili ko kathang isip ko lang yun o di kaya guni-guni.

Habang nasa burol kami, samo't saring mga kwento ang aming naririnig tungkol sa malakas na pagpaparamdam ni Kiks. Mga di mapaliwanag na pagpatay sindi ng mga ilaw malapit sa kanyang ataol. Mga kandilang namamatay kahit wala namang malakas na hangin at madami pa. Pero ang isang kwentong naibahigi sa amin ng mismong mga tagaroon  na kaibigan din ni Kiks ay nangyari sa isa mga gabi ng kanyang burol.

Payapa daw ang gabing iyon, ng biglang sumabog ang salamin ng kabaong ni Kiks! Nagkanda-basag basag daw ito. Sobrang nagulat at natakot daw ang lahat non sa burol. Sa takot ng iba ay nagsi-uwian na daw sila. Pagkatapos ikwento sa amin iyon ay mas lalo kaming kinilabutan. Pero mas kabado akong tignan siya sa kanyang kabaong. Hindi ko talaga nakagawiang tumingin sa mga patay. Minsan kahit malapit na kamag-anak pa hindi ko tinitignan. Pero dahil naging malapit na kaibigan si Kiks ay pinilit kong sulyapan sa huling sandali ang aking kaibigan.

Dahan dahan kaming lumapit noon sa kanyang kabaong ang totoo medyo nagkaka hilaan pa kami non dahil ang sabi nila hindi daw maganda ang naging itsura ni Kiks pagkatapos ng aksidente knowing na napuruhan siya sa ulo. Inipon ko ang aking lakas ng loob para sulyapan siya... nang magulantang ako sa aking nakita. Sa aming alaala ay gwapong lalake kasi Kiks subalit ng makita ko siya sa kanyang kabaong ay naghalong takot at lungkot ang aking naramdaman. Ang kanyang mukha ay puno ng malalaking tahi. Wala din sa tamang porma ang hugis ng kanyang ulo. Ang sabi nila sa amin ay pinuno nlng daw ng bulak ang kanyang ulo upang magkahugis ito. Sobrang kabado ako non halos gusto ko ng ilayo ang aking tingin sa aking kaibigan pero ayaw kong ipakita ito sa kanyang mga magulang na sa mga oras na iyon ay nasa likuran lang namin.

Nagpalipas lang kami ng mga ilang oras at nagdesisyon nadin kaming umuwi. Dahil nga di nman kami naniniwala non sa mga multo o mga pamahiin ay hindi kami "nagpagpag". Mag hahating gabi nadin noon, naglalakad kami pauwi. Ramdam kong may parang sumusunod sa aming likuran. Ayaw kong iparamdam sa mga kasama ko non ang aking kaba hindi ko din binanggit sa kanila ang aking nararamdaman sapagkat ayaw kong magkatakutan kami. Binilisan ko nalang ang aking lakad pauwi hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay.

Pagdating nmin sa tapat ng aming bahay di padin nawala ang kaba sa dibdib ko. Ramdam ko padin yung kung anumang nakasunod sa amin. Patay lahat ng ilaw sa bahay noon. May konting ilaw lang na nanggagaling sa maliit na pulang ilaw sa altar sa harap ng aming bahay. Naglakad kami papunta sa harapang pinto ng aking subukang buksan ay nakalock ito kaya naisipan naming dumaan sa bodega papunta sa pinto sa aming likurang bahay. Pag-harap na pag-harap ko sa aming bodega ay naaninagan ko ang hugis ng isang lalakeng nakatayo sa tapat ng pinto. Bahagyang nakayuko ito at nakatitig sa amin ng aking Ate.  Hindi ko maaninagan maigi ang kanyang mukha. Hindi ganun kalinaw ang anyo nya. Sa aking takot napa-atras ako. Inilayo ko ang aking paningin sa takot subalit naglakas loob ulit akong tignan siya at andun padin siya nakatayo sa aming harapan. Inilayo ko ulit ang aking tinging... sa pangalawang beses ay muli ko itong tinignan ng bigla itong maglaho. Sobrang natatakot na ko noon. Pero di ko nalang sinabi sa aking ate sapagkat ayaw kong magkatakutan kami. Ang sabi ko nalang sa kanya.

"Wag na tayo dumaan dyan sa bodega. Dito nalang tayo sa gilid ng bahay dumaan papunta sa likod. Baka makagat tayo ng bagong panganak na aso natin."

"Tara sige." ang sagot ng naman ng ate ko.

Na-ngangatog na ang mga tuhod ko noon sa takot pero minadali kong maglakad papunta sa aming likuran. Hindi ko nadin sinubukan pang tumingin sa aking likuran. Naglinis na kami at natulog. Hindi ako paladasal na tao noon pero sa gabing yon, nagdasal ako bago matulog.

Kinabukasan, maglalaba ako noon kasama ang aking Ate. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinubukan kong sabihin sakanya ang mga nangyari nong gabing iyon. Ang sabi ko...

"Alam mo ba yung nangyari kagabi?"
 
Nang biglang sumagot agad si ate.

"Oo! May lalakeng nakabuntot sa ating pauwi! Sinusundan tayo!"

Nagulat ako sa sinabi nya at di nako nakapagsalita. Itinuloy pa nya ang kanyang kwento.

"Nakita ko din yung lalake nakatayo sa harap ng bahay natin. Naka-hooded jacket siya. Nakita ko na siya doon palang sa harapan ng pinto hanggang sa may tapat ng pinto ng bodega!"

Sobrang nagulat ako sa sinabi nya ni wala akong binanggit sa kanyang ni isang detalye ng mga nakita at naramdaman ko. Pero mas detalyado yung nakita nya sa nakita ko. Mahilig mag-suot ng hooded jacket si Kiks sapagkat laking Baguio siya.

Kinumpirma ko sakanya lahat ng nakita at naramdaman nya ay nakita at naramdaman ko din. Nagulat kaming dalawa at kinilabutan. Lalo na ako sapagkat mulat sapul na nakakakita ako ng mga ligaw na kaluluwa ay hindi ko yun pinaniniwalaan at iniisip na kathang isip ko lang. Pero that time nadama at nakita ng ate ko yung naexperience ko.

Simula noon ay onti-onti na kong naniwala na may mga kaluluwang ligaw talaga sa ating paligid. Mga kaluluwang hindi matahimik o mga kaluluwang hindi tanggap ang kanilang pagkamatay.

Alam naming si Kiks yung nakita namin ng gabing iyon. Siguro iyon na ang paraan nya para magpaalam sa amin. Ang sabi ng ate ko, si Kiks nga daw talaga iyon. Nakita nya ito na nakatingin at naka ngiti sa amin. Maliwanag ngang may mas malakas na third-eye ang ate ko noon kesa sa akin.

Dahil sa pangyayaring ito. Nagpasya akong umpisahan ang Maymomoo! upang magkaroon ng proper venue ang mga katulad kong may mga kwentong kababalaghan ayon mismo sa aming karanasan.

Para sa aming kaibigang na si Kiks, kung nasan ka man ngayon, ipinagdadasal kong nawa'y nahanap mo na ang iyong katahimikan. We miss you dude! Hanggang sa muli...


   

Story Archive