The Philippines top horror story archive.
Story Rating:
...
Story Rating:
This story happened way way long ago, let's start. My mom wa......
Story Rating:
Unang linggo ng buwan ng Enero 2006 ng mangyari ang isang tr......
Story Rating:
Nung nasa basement na kame pag bukas palang ng bestfriend ko......
Story Rating:
Sunday ng tanghali nun, nagluluto ang pinsan kong si kuya JR......
Story Rating:
Sobrang bigat na ng kung ano mang bagay ang naka dagan sa di......
Story Rating:
People say we shouldn't be scared of the dark. It's because ......
Story Rating:
Sa isang maliit na Sitio sa isang isla malayo sa pamayanan m......
Story Rating:
Ms. ano ho ang kailangan nyo at sino ang hinahanap nila? hin......
Story Rating:
Ang mundo ay nababalot ng misteryo at kababalaghan. Kahit na......
Story Rating:
4th year high school ako noon, janitor ang tatay ko sa eskwe......
Story Rating:
When I was around 10 to 12 years old, I used to hear unusual......
Story Rating:
year 2008 na isipan nila mama and papa na mas palakihin pa y......
Story Rating:
This story happened last 2014 my best friend kasi akung boy ......
Story Rating:
pero para may feeling na nag pu push kay myca na lumingon ul......
Story Rating:
It happened way back 2004 i think maliit pa yung bahay namin......
Story Rating:
Ang kwentong ito ay mula pa sa kabataan ko at ako'y pitong t......
Story Rating:
This happened to me when I was young, I think 13 palang ata ......
Story Rating:
Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......
Story Rating:
kararating lang ng kapatid kong lalaki dito sa cebu almost......
Story Rating:
Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......
Story Rating:
Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......
Story Rating:
6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......
Story Rating:
Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......
Story Rating:
Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......
Story Rating:
Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......
Story Rating:
Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......
Story Rating:
Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......
Story Rating:
Wala akong magawa kundi magpalipas ng gabi sa Baguio nang ma......
Story Rating:
Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......
Story Rating:
A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......
Story Rating:
...
Story Rating:
September 8, 2017 dito nagsimula lahat around 10:00 pm hindi......
Story Rating:
Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......
Story Rating:
Unang linggo ng buwan ng Enero 2006 ng mangyari ang isang tr......
Story Rating:
Noong buhay pa ang aking lola ay hilig niyang mag tanim ng m......
Story Rating:
Gusto ko lang ishare sa inyo yung experience namin ng mga ka......
Story Rating:
Nung nasa basement na kame pag bukas palang ng bestfriend ko......
Story Rating:
Sunday ng tanghali nun, nagluluto ang pinsan kong si kuya JR......
Story Rating:
4th year high school ako noon, janitor ang tatay ko sa eskwe......
Story Rating:
Sa isang maliit na Sitio sa isang isla malayo sa pamayanan m......
Story Rating:
Ms. ano ho ang kailangan nyo at sino ang hinahanap nila? hin......
Story Rating:
Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......
Story Rating:
Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......
Story Rating:
Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......
Story Rating:
Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......
Story Rating:
Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......
Story Rating:
Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......
Story Rating:
Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......
Story Rating:
Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......
Story Rating:
Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......
Story Rating:
Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......
Story Rating:
Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......
Story Rating:
Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......
Story Rating:
Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......
Story Rating:
Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......
Story Rating:
Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......
Story Rating:
Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......
Story Rating:
Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......
Story Rating:
Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......
All story content featured on this website are sole © Copyright of Maymomoo! and in such may not be downloaded, reproduced, copied, edited or used in any way without written permission from Maymomoo! Admin.
All rights reserved. Maymomoo! © Copyright 2006-2020
Rated (5/5)
by 4 user(s)
Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lalaki na isang pulis. Pero hindi sa bala ng baril o sa engkwentro namatay. Nalunod.
Nung araw na yun umalis ng bahay ang asawa ni Anna, officemate ko. Nagtaka sya dahil papasok daw ito sa trabaho pero hindi naman ito naka-uniporme. Hindi naman sinabi ng asawa kung ano ang gagawin sa headquarters at basta nalang umalis. Samantalang sya ay pumasok na rin sa trabaho. Mga 1030 ng umaga nag-ring ang phone nya habang nasa opisina. Sinagot nya ang phone, nasa kabilang linya ay isa sa mga kaibigan ng asawa nyang pulis.
"Anna, wag kang mabibigla. Patay na si Rudy!"
Hindi nakapagsalita ang kaibigan kong si Anna sa sinabi ng kausap nya sa phone. Ang asawa nya, patay na daw! Mga ilang minuto ang lumipas saka ko nakita na tumulo na ang luha ni Anna, at tuluyan nang humagulgol.
"Anong nangyari???!!" tanong ni Anna sa kausap.
"Nagka-yayaan kasi kami mag-swimming ngayon dito sa club house ng isang subdivision sa Novaliches. Hindi namin napansin eh, mabilis ang pangyayari. Nakita na lang namin na nakalutang na sya. Sinubukan namin i-revive pero wala na. Sabi sa ospital puno na daw ng tubig yung baga."
Wala nang nagawa si Anna. Tinanggap na lang nya ang sinapit ng asawa na ayon sa mga doktor ay na- cardiac arrest kaya nalunod. Nairaos ang burol at libing nang ilang linggo lang. Lumipas ang mga araw. Gabi gabi syang nagpapadasal sa bahay nila na siya at ang 2 anak na babae nalang ang nakatira ngayong wala na ang kanyang asawa. At dun nagsimula ang mga hindi maipaliwanag na pangyayari.
Nasa opisina si Anna, nakaharap sa computer. Samantalang kami ng ibang officemate nya ay nagkekwentuhan sa likod nya nang bigla nya kaming tawagin.
"Oh my God! Huy, tignan nyo to." tawag ni Anna.
Lumapit kami agad sa kanya. Nakita namin sa screen ng computer nya, naka Full Screen ang video ng cctv ng pagka-lunod ng asawa nya! Ikinwento nya sa amin na humingi sya ng CCTV footage nung subdivision kung saan nalunod ang asawa nya. Nakatutok ang cctv sa pool kaya kitang kita kung paanong habang nagsi-swimming si Rudy (na magaling lumangoy) ay biglang humawak ito sa dibdib, nahihirapan man pero pinilit lumangoy papunta sa gilid kung saan andun ang mga kaibigang nagke-kwentuhan. Pero walang nakakapansin sa kanya. Nasa gilid na sya at konti nalang ay makaka-ahon na nang unti unti ay lumubog na sya. Mga isa't kalahating minuto pa ang lumipas bago sya napansin ng mga kaibigan at ini-ahon sa tubig. Pero patay na sya.
Nagulat si Anna. Hindi sya makapaniwala. Isinave daw nya ang video na yun sa USB nya at siguradong hindi nya yun tinransfer sa computer nya. Hindi rin nakasaksak ang USB nya sa computer. At kung sakali man daw na andun nga sa computer ang videong iyon ay hindi naman daw nya yun io-open, at lalong hindi yun kusang magfu-full screen. Pinakita pa nya samin ang nagtaasang balahibo nya sa sobrang pagtataka at kilabot na rin. Pinindot na nya ang X at sumara na ang video. Tinry nyang hanapin sa computer nya ang video kung sakaling andun nga pero hindi nya nakita.
Nung mga sumunod na araw, ay naging sunud-sunod na rin ang kwento samin ni Anna. Isang gabi umuwi sya sa bahay, sinalubong sya ng 2 anak.
"Mama, andito si Papa kanina, hanap ka." sabi ng panganay nya na 8 yrs. old
"Naku ate yang dalawang yan kanina pa sinasabi na andito daw si kuya, natatakot nga po ako eh!" sabat naman ng katulong nila.
"Anak, diba si papa wala na? Diba every night pinagpe-pray natin sya?" explain nya sa bata
"Hindi 'Ma, andito si Papa, sabi nya bat daw wala ka hinahanap ka nga eh"
Minsan naman, kakatapos lang nyang maligo nang sa paglabas nya sa banyo ay naamoy nya ang pabango ng asawa. Hindi yun maaring magalaw ng mga anak dahil itinago nya ang natitirang pabango nito sa damitan nya. At may mga araw na bigla nalang hahalimuyak ang amoy nito sa buong bahay nila.
Isang araw galing sa palengke si Anna, paguwi nya ng bahay nagulat sya na basang basa ang sahig! Mga patak ng tubig na para bang may naglakad dun na basang basa ang paa o katawan.
"Naty, bakit basa yung sahig, pakipunasan nga at baka madulas ang mga bata" utos nya sa katulong.
"Ate Anna, kanina pa ko nagpupunas nyan. Bigla bigla nalang magkakaron ng basa, hindi po kaya may tumatagas dyan sa tiles?" sabi ng katulong.
"Si Papa yan, dumadaan. Basa kasi si Papa parang naligo sa ulan" sabat ng panganay nyang anak.
"Naku ate talagang ako'y kinikilabutan na!" sagot ng katulong.
Isang gabi, nasa bahay ang mga mandarasal at kasama si Anna nagdadasal sa altar para sa kaluluwa ni Rudy. Maya maya ay may narinig si Anna na parang patak ng tubig. Lumingon sya at may isang area sa sahig na basa ng tubig. Mahinang tinawag ni Anna si Naty at inutusan na punasan ang tubig sa sahig. Nakaupo na sya ulit katabi ng mga mandarasal nang bumulong ang panganay nyang anak sa kanya.
"Mama, si Papa andyan, nakatayo". Hindi nya pinansin ang sinabi ng anak.
Natapos ang pagdarasal ng gabing yun, nagpaalam na ang mga mandarasal at sinabing babalik nalang bukas. Lumapit sa kanya si Aling Pilar, ang namumuno ng dasalan.
"Anna, kaibigan ko nga pala, si Vicky" pinakilala ni Aling Pilar kay Anna ang kasama nitong babae.
"Kamusta ho, salamat ho sa pagpunta" sabi ni Anna.
"Iha, ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyong asawa. Matanong ko lang, nalunod sya?" tanong ni Aling Vicky.
Um-oo naman si Anna.
"Wag ka sana magagalit sakin, hindi ko alam kung maniniwala ka at maiintindihan ko rin naman kung hindi. Hindi mo naitatanong isa kong espiritista. Nandito ang asawa mo."
"Ho? Ano hong ibig nyong sabihin?" tanong ni Anna.
"Ang asawa mo kako, nandirito sa bahay mo. Katunayan nasa likod natin sya kanina nung nagdarasal tayo. Basang basa sya. Alam mo kasi kapag nakakakita ako ng kaluluwang basa ang buong katawan, alam kong lunod ang ikinamatay non. Malapit na ang ika-40 days ng asawa mo kaya mas kaya nilang magparamdam sa mga nabubuhay"
"Kaya ho pala laging may mga patak ng tubig sa sahig namin. At sinasabi din ng panganay ko na nakikita nga daw nya ang papa nya."
"Iha, hindi maganda ang pagkamatay ng asawa mo. Galit sya at ayaw pa nyang mamatay."
Umiyak si Anna sa narinig. Hindi pa pala matahimik ang kaluluwa ng asawa nya. Sinuggest ni Aling Vicky na itutuloy pa rin ang gabi-gabi nilang pagdadasal. At makabubuti daw na ipag-tirik ito ng kandila sa simbahan.
Dumating ang ika-40 days ng kamatayan ng asawa ni Anna. Pumunta kami sa bahay nila para sumali sa huling padasal. Habang nagdarasal sila kasama ang grupo nila Aling Pilar at Aling Vicky, biglang namatay ang isang kandila gayong walang bentilador na nakatutok sa kanila. Sinindihan naman agad yun ni Anna. Nang masindihan ang kandila, sabay namang namatay ang isa pang kandila sa bandang kanan ng altar. Nagkaka-sikuhan na kaming magoofficemate, para bang kami kami eh nagpapakiramdaman.
"Andito sya." bulong ni Aling Vicky.
Sumunod na nagpatay sindi ang ilaw sa sala. Nagkatinginan man ang mga mandarasal ay tuloy pa rin sila sa pagdadasal. Maya maya nagsalita ang panganay ni Anna.
"Mama, si Papa!" sabi ng panganay nyang anak.
Nagulat ang lahat nang biglang bumagsak sa sahig ang pitchel na nakapatong sa lamesa. Natapon sa sahig ang tubig. Tapos ay biglang humalimuyak sa buong bahay ang paboritong pabango ni Rudy.
"Jusko po ate Anna, anong nangyayari??!" takot na tanong ng katulong nyang si Naty.
"Anna, kausapin mo sya. Kausapin mo ang asawa mo na lumagay na sa tahimik" Sabi ni Aling Vicky.
Umiyak na si Anna habang nagsasalita. Yung ibang mga officemate namin napakapit pa sa braso nung mga officemate naming lalaki dahil malamang sa takot. Nakita namin si Anna na yumuko, nagsasalita sya habang umiiyak at hindi na namin masyadong naintindihan ang mga sinabi nya. Basta narinig lang namin ang mga salitang "Rudy, please!" at "Rudy, mahal na mahal kita".
Maya maya parang biglang pumayapa lahat. Tumahimik. Natigil yung pagpatay sindi ng ilaw. Wala na din ang amoy ng pabango kanina. Gumaan ang kanina'y mabigat na pakiramdam sa loob ng bahay. Tapos mahinang nagsalita si Aling Vicky habang hinahagod ang likod ng umiiyak pa rin na si Anna.
"Narinig ka ng asawa mo Anna, ok na, payapa na sya."
All rights reserved. Copyright © 2006-2017
Maymomoo!™ is a site that features a collection of True Philippine Horror Stories, contributed by Filipinos worldwide, based on their personal encounters. Maymomoo! ™ is derived from two Filipino words "May" and "Momoo". "May" means "there is" and "momoo" which means "ghost".
Basically Maymomoo! ™ is an unsponsored site, that grows with audience participation. Donations, submissions and new information help the site to grow. It started to be online in 2006, and was developed by JAPworxs™. This site was bring into reality due to a ghost encounter that is believe to be true by the developer or the administrator of this site.
This site is developed and maintained by JAPworx™. The contents of this site is reserved for the use only of Maymomoo! ™
If you have any comments, suggestions or any other concerns. You may e-mail us at admin[at]maymomoo.com.
The LORD is my light and my salvation; whom will I fear? The LORD is the strength of my life; of whom will I be afraid? - Psalm 27:1
HS