Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

The Midnight Apparition

Story Rating:

This story happened way way long ago, let's start. My mom wa......

Paalam Kaibigan (Ang kwento sa likod ng Maymomoo!)

Story Rating:

Unang linggo ng buwan ng Enero 2006 ng mangyari ang isang tr......

Basement CR

Story Rating:

Nung nasa basement na kame pag bukas palang ng bestfriend ko......

LALAKING ITIM

Story Rating:

Sunday ng tanghali nun, nagluluto ang pinsan kong si kuya JR......

SLEEP PARALYSIS

Story Rating:

Sobrang bigat na ng kung ano mang bagay ang naka dagan sa di......

The Winged Creature

Story Rating:

People say we shouldn't be scared of the dark. It's because ......

 Fiction Huwag Magtiwala

Story Rating:

Sa isang maliit na Sitio sa isang isla malayo sa pamayanan m......

 Fiction Reception

Story Rating:

Ms. ano ho ang kailangan nyo at sino ang hinahanap nila? hin......

Lagim sa Nayon

Story Rating:

Ang mundo ay nababalot ng misteryo at kababalaghan. Kahit na......

Hindi ako naniniwala sa Multo

Story Rating:

4th year high school ako noon, janitor ang tatay ko sa eskwe......

HEADLESS PRIEST APPARITION

Story Rating:

When I was around 10 to 12 years old, I used to hear unusual......

Kababalaghan sa bagong bahay

Story Rating:

year 2008 na isipan nila mama and papa na mas palakihin pa y......

ang lalaking naka barong

Story Rating:

This story happened last 2014 my best friend kasi akung boy ......

ang lalaki sa balete

Story Rating:

pero para may feeling na nag pu push kay myca na lumingon ul......

PANAGINIP

Story Rating:

It happened way back 2004 i think maliit pa yung bahay namin......

Ang batang lalaki

Story Rating:

Ang kwentong ito ay mula pa sa kabataan ko at ako'y pitong t......

KAMA

Story Rating:

This happened to me when I was young, I think 13 palang ata ......

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

Ang lalaking walang Mukha 3 (Short Story)

Story Rating:

kararating lang ng kapatid kong lalaki dito sa cebu almost......

Hatinggabi

Story Rating:

Pumunta kami don sa probinsya namin sa Samar para mag bakasy......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

"Kilabot Sa Bahay Namin"

Story Rating:

Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......

The Gifts

Story Rating:

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Check-in

Story Rating:

Wala akong magawa kundi magpalipas ng gabi sa Baguio nang ma......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Totoo talaga ang aswang own experienced

Story Rating:

September 8, 2017 dito nagsimula lahat around 10:00 pm hindi......

HEADLESS PRIEST APPARITION

Story Rating:

When I was around 10 to 12 years old, I used to hear unusual......

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

Paalam Kaibigan (Ang kwento sa likod ng Maymomoo!)

Story Rating:

Unang linggo ng buwan ng Enero 2006 ng mangyari ang isang tr......

Ang Prosisyon

Story Rating:

Noong buhay pa ang aking lola ay hilig niyang mag tanim ng m......

Kababalaghan sa Dorm

Story Rating:

Gusto ko lang ishare sa inyo yung experience namin ng mga ka......

LALAKING ITIM

Story Rating:

Sunday ng tanghali nun, nagluluto ang pinsan kong si kuya JR......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Huwag Magtiwala

Story Rating:

Sa isang maliit na Sitio sa isang isla malayo sa pamayanan m......

 Fiction Reception

Story Rating:

Ms. ano ho ang kailangan nyo at sino ang hinahanap nila? hin......

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......


Pinoy Horror Story



All story content featured on this website are sole © Copyright of Maymomoo! and in such may not be downloaded, reproduced, copied, edited or used in any way without written permission from Maymomoo! Admin.

All rights reserved. Maymomoo! © Copyright 2006-2020

Story Rating

Rated (5/5)
by 1 user(s)


Ang mundo ay nababalot ng misteryo at kababalaghan. Kahit na laganap na ang agham at teknolohiya ay mga bagay pa rin tayong hindi maipaliwanag sa mundong ito, mga bagay na hanggang ngayon ay palaisipan parin. Ako si Sam at ito ang istorya ko. 


 


Noong bata palang ako napakasaya ng buhay ko. Hindi naman kami mayaman pero kumportable kami at buo ang pamilya namin. Taong 2002, ako ay anim na taong gulang pa lang. Nag-away away ang mama ko at ang mga kapatid nya. Himbis na ayusin ng lola ko ang pangyayari, pinaboran nya lang ang mga kapatid ng mama ko. Hindi ko man alam ang buong pangyayari pero ang tanging alam ko, malalim ang pinag-ugatan ng alitan nila. Umabot sa punto na nagdesisyon si mama at papa na lumipat nalang kami ng tirahan dahil hindi na kaya ni mama makita ang pagmumukha ng pamilya nya.


 


 


 


Hindi naman malayo ang nilipatan namin pero sapat na ang layo nito upang mabuhay kami ng mapayapa. Nang makarating kami sa nayon na iyon sobrang tahimik. Malayo rin ang pagitan ng mga bahay. Maraming puno at maraming matataas na damo. Tanging paghampas ng hangin lamang ang maririnig mo sa paligid. Nang maisaayos namin ang aming mga gamit, napagdesisyunan ko at ng mga kapatid ko na maglibot libot. Nilibot namin ang nayon na iyon upang makita namin kung may tindahan ba na malapit sa amin. Napansin ko na ang bawat bahay sa lugar na iyon ay may malalaking rosaryo na gawa sa bawang, nakasabit ang mga ito sa kanilang mga pintuan. Kahit naman bata palang ako ay alam ko na may mali sa lugar na nilipatan namin.


 


 


 


Isang gabi habang kami ay natutulog, nakarinig kami ng naglalakad sa bubong namin. Hindi lang basta lakad, parang may kumakalmot sa bubong namin. Sa lakas ng yabag at kalmot masasabi mong malaki ang nasa taas ng bubong. Nagising kaming lahat. Lumabas si papa na may dalang asin at bawang. Natakot kami sa kadahilanang baka kunin si papa ng kung anong nilalang sa taas ng bubong namin. Nagsaboy ng asin at mga butil ng bawang si papa sa bubong. Naglagay din sya sa paligid ng bahay namin. Makalipas ang ilang sandali, tahimik na ulit ang paligid. Bumalik na kami sa pagtulog. Medyo nahirapan pa nga akong matulog sa takot na baka bumalik yung "nilalang" sa bahay namin.


 


 


Lumipas ang ilang oras, madaling araw na nun. Nakarinig kami ng isang malakas na ungol sa labas. Waring nanghihingi ng tulong. Base sa boses nya, alam mong hirap na hirap na sya. Hindi kami lumabas ng bahay ay pinilit kaming matulog ni mama at papa.


 


 


Kinabukasan, maraming tao ang nagkukumpulan sa pinakamalapit na bahay mula samin. May mga pulis rin. Lumapit ang isang pulis at tinanong ang papa ko. Hindi ko narinig ang pinagusapan nila, pero alam na tungkol iyon sa kung anong nangyari sa kapit bahay namin.


 


 


Walang anu ano'y lumabas ako ng bahay upang makita ang nangyari. Parang may sariling buhay ang mga paa ko. Dinala ako ng mga paa ko sa kubo na dinumog ng mga tao. Sa liit ng katawan ko ay nakasingit ako sa mga tao. Sumilip ako sa bintana ng bahay na iyon. Bangkay ang aking natagpuan, wakwak ang bibig hanggang sa panga. Ang pagwakwak ay hindi ginamitan ng kutsilyo dahil kitang kita ko na pirat ang laman. Narinig kong nauusap-usap ang mga tao. Ayon sa kanila, hindi tao ang may gawa ng karumal-dumal na krimen- kundi aswang. Doon ko napagtanto ang dahilan kung bakit may mga rosaryo na gawa sa bawang ang mga bahay. Tinignan ko ang pintuan ng namatay, wala itong nakasabit na rosaryong gawa sa bawang. Ito marahil ang dahilan kung bakit nalooban sya ng aswang. 


 


Takot na takot ako sa aking nakita. Pakiramdam ko ay hindi ako makakatulog ng gabi sa pangamba na baka bumalik ang aswang sa aming bahay. Naisip ko tuloy na kung hindi lumabas si papa para magsaboy ng asin at bawang sa taas, baka isa sa amin ang pinagpiestahan ng aswang na yun. 


 


Nasan na kaya ang mga aswang? Nagpakalayo na ba sila o patuloy silang nakikisalamuha sa atin?


 


Maraming salamat sa pagbabasa.


   

Story Archive