Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

The Midnight Apparition

Story Rating:

This story happened way way long ago, let's start. My mom wa......

Paalam Kaibigan (Ang kwento sa likod ng Maymomoo!)

Story Rating:

Unang linggo ng buwan ng Enero 2006 ng mangyari ang isang tr......

Basement CR

Story Rating:

Nung nasa basement na kame pag bukas palang ng bestfriend ko......

LALAKING ITIM

Story Rating:

Sunday ng tanghali nun, nagluluto ang pinsan kong si kuya JR......

SLEEP PARALYSIS

Story Rating:

Sobrang bigat na ng kung ano mang bagay ang naka dagan sa di......

The Winged Creature

Story Rating:

People say we shouldn't be scared of the dark. It's because ......

 Fiction Huwag Magtiwala

Story Rating:

Sa isang maliit na Sitio sa isang isla malayo sa pamayanan m......

 Fiction Reception

Story Rating:

Ms. ano ho ang kailangan nyo at sino ang hinahanap nila? hin......

Lagim sa Nayon

Story Rating:

Ang mundo ay nababalot ng misteryo at kababalaghan. Kahit na......

Hindi ako naniniwala sa Multo

Story Rating:

4th year high school ako noon, janitor ang tatay ko sa eskwe......

HEADLESS PRIEST APPARITION

Story Rating:

When I was around 10 to 12 years old, I used to hear unusual......

Kababalaghan sa bagong bahay

Story Rating:

year 2008 na isipan nila mama and papa na mas palakihin pa y......

ang lalaking naka barong

Story Rating:

This story happened last 2014 my best friend kasi akung boy ......

ang lalaki sa balete

Story Rating:

pero para may feeling na nag pu push kay myca na lumingon ul......

PANAGINIP

Story Rating:

It happened way back 2004 i think maliit pa yung bahay namin......

Ang batang lalaki

Story Rating:

Ang kwentong ito ay mula pa sa kabataan ko at ako'y pitong t......

KAMA

Story Rating:

This happened to me when I was young, I think 13 palang ata ......

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

Ang lalaking walang Mukha 3 (Short Story)

Story Rating:

kararating lang ng kapatid kong lalaki dito sa cebu almost......

Hatinggabi

Story Rating:

Pumunta kami don sa probinsya namin sa Samar para mag bakasy......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

"Kilabot Sa Bahay Namin"

Story Rating:

Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......

The Gifts

Story Rating:

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Check-in

Story Rating:

Wala akong magawa kundi magpalipas ng gabi sa Baguio nang ma......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Totoo talaga ang aswang own experienced

Story Rating:

September 8, 2017 dito nagsimula lahat around 10:00 pm hindi......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

HEADLESS PRIEST APPARITION

Story Rating:

When I was around 10 to 12 years old, I used to hear unusual......

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

Paalam Kaibigan (Ang kwento sa likod ng Maymomoo!)

Story Rating:

Unang linggo ng buwan ng Enero 2006 ng mangyari ang isang tr......

Ang Prosisyon

Story Rating:

Noong buhay pa ang aking lola ay hilig niyang mag tanim ng m......

Kababalaghan sa Dorm

Story Rating:

Gusto ko lang ishare sa inyo yung experience namin ng mga ka......

LALAKING ITIM

Story Rating:

Sunday ng tanghali nun, nagluluto ang pinsan kong si kuya JR......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Huwag Magtiwala

Story Rating:

Sa isang maliit na Sitio sa isang isla malayo sa pamayanan m......

 Fiction Reception

Story Rating:

Ms. ano ho ang kailangan nyo at sino ang hinahanap nila? hin......

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......


Pinoy Horror Story



All story content featured on this website are sole © Copyright of Maymomoo! and in such may not be downloaded, reproduced, copied, edited or used in any way without written permission from Maymomoo! Admin.

All rights reserved. Maymomoo! © Copyright 2006-2020

Story Rating

Rated (4/5)
by 2 user(s)


Sa isang maliit na Sitio sa isang isla malayo sa pamayanan may isang lugar kung saan magkakakilala ang mga nakatira dito. May isang magandang babae galing sa isang malaking syudad nagbakasyon kasama ang kanyang kasintahan kung saan ito ang kanyang bayang sinilangan at upang ipakilala narin sa kanyang mga kamag-anak. Sa unang araw pa lamang ay masaya ang dalaga, ating pangalanang Karen, siya ay maganda, maputi, mahaba ang buhok, matangkad, makinis ang balat at nasa edad 21. Kasalukuyan siyang graduating student sa kilalang Universidad at kaklase niya ang boyfriend. Umuwi sila dahil sem break.


Napakaganda ng isla, sagana ito sa mga magagandang tanawin at mayaman sa likas na yaman kung kaya't maganda ang ani ng mga pananim sa lupa at maraming nakukuha sa ilog at dagat. Kaso nga lang bihira lamang ang mga turistang nagpupunta dito, dahil may mga balitang kumakalat na hindi na nakakabalik ang mga taong nagagawi dito sa hindi maipaliwang na dahilan.


Sa pangalawang araw ng pananatili ni Karen sa lugar ay napansin niya ang mga kakaibang kilos ng mga taong nakakasalamuha niya sa labas ng bahay, maliban na lamang sa magulang at kapatid ng kasintahan niyang si Daren. Sa tuwing lumalabas siya ng bahay ng mag-isa at kausap ang mga tao, palagi na lamang siyang sinasabihan na mag-ingat at huwag basta-bastang magtitiwala kahit kanino. Saka naman biglang aalis ang mga ito at iniiwanan siya na puno ng katanungan. Nahihiya naman siyang punain ang bagay na ito, itanong kay Daren at sa pamilya nito ang  tungkol dito.


Isang hapon sa kanyang paglilibot napadako siya sa batis na may kalayuan sa kabahayan may nakita siyang babaeng nakatayo paharap sa batis. Maganda ang tindig. Nakasuot ito ng puting bistida, mahaba ang buhok na nilipad ng hangin,maputi at makinis rin ang balat kagaya niya. Nilapitan niya ito, tumikim muna siya bago nagsalita. '' Hi!'' bati niya rito. Saka namang lingon ng babae.


Laking gulat niya nang maaninag ang mukha nito. Hindi niya lubos akalaing na may isang magandang dilag ang naninirahan sa isla. Tiningnan siya nito mula ulo hangang paa matalim ang mga matang pinupukol. ''Lisanin mo ang lugar na ito habang maaga pa.'' Babala nito sa kanya. ''Bakit mamatay ba ako kapag hindi ko ginawa iyon?'' Tiningnan ni Karen ang kaharap. Napansin niya nag lumbay sa mga mata nito. ''OO! kaya ngayon pa lang umalis kana bago sumikat ang araw,... dahil hindi muna ito masisilayan kung hindi mo susundin ang sinasabi ko sa iyo.'' Napamaang na lamang si Karen. Napadako ang tingin niya mula sa kung saan, ng may narinig siyang kakaibang tunog, saglit lang iyon. Sa pagbalik sa kaharap naglaho ito na parang bula. Lingon dito, lingon doon ang bukod tanging nagagawa ni Karen sa biglaang pagkawala ng dilag. Naisipan  iya na lamang ang magtampisaw sa batis hangang sa nanawa at umuwi.


Sa hapunan nadulas ang labi ni Karen at nakwento ang tungkol sa tagpong pagkita niya sa dalaga doon sa batis. Nasabi niya ang mga katagang sinabi nito sa kanya. Sa pagkasabi niyang iyon ay napatigil ang mag-anak at nagkatinginan ng makahulugan. ''Ang tatay ni Daren ang unagn nagsalita. ''Huwag kang maniwala sa mga sinabi niya sa iyo, may sira ang ulo ng babaeng iyon?''


''Kilala niyo po siya?'' Ang tanong ni Karen. ''Oo kilala namin siya'', ang sabad naman ng Nanay ni Daren,''Siya ay may pagtingin sa aming anak na si Daren,'' Tumingin si Karen sa kasintahan.''Matagal niya ng gustong angkinin si Daren, ginawa niyang lahat ng bagay, pero hindi siya nagwagi.,,, sa mga nagdaang taon pinapatay niya ang mga babaeng nagugustuhan ng anak namin.'' Maluha-luhang sambit ng Ina ni Daren. ''Ganon po ba, nakakalungkot naman! Siguro kaya po sinasabi ng mga tao sa paligid natin na huwag ako bastang maniniwala ay dahil sa babaeng iyon.''


''OO tama ka iha!'' Ang ama ni Daren, samantalang si Daren ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. ''Iha kumain ka ng marami ngayong gabi,, sadyang inihanda namin niyang lahat para sa iyo.'' Masayang pagbibigay pugay ng Ina ni Daren. ''Hindi ka namin pababayaan na saktan ka ng babaeng iyon,, Ni sa kadulu-duluhan ng iyong buhok ay hindi niya mahahawakan.'' Dugtong pa nito. Saka naman ang pagsali ni Daren sa usapan. ''OO Naman Ina hindi ko hahayaaang mangyari iyon, handa kong ibuwis ang aking buhay para sa kaligtasan ng aking minamhal na si Karen.'' Sabay hawak sa kamay ni Karen at tumingin sa mga nito, tanda ng sensiridad. Matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng dalaga ng biglang nanlalabo ang kanyang paningin at nawalan siya ng malay.


Sa pagising, pagmulat ng mata ay nakatali na siya ng mahigpit sa isang matabang tangkay, na tinabas na sangay ng punong kahoy. Madilim na ang paligid at napapalibutan siya ng apoy apat na dipa mula sa kinatatalian niya. May isang babae siyang naaninag palapit sa kanya at ng dumaan sa apoy parang wala itong nararamdamang init at tuloy-tuloy ang paglapit sa kanya. Nakita niya ang familliar na mukha. Ito ang babaeng nakita niya sa batis. ''Sinabihan na kita, hindi ka nakinig.'' Malungkot at malumanay ang salitang namutawi mula dito. ''Nakaramadam si Karen ng pagkanginig dahil sa tindi ng kabang nararamdaman, alam niyang nasa piligro ang kanyang buhay. ''Tulungan mo ako! Parang awa mo na!.. tulungan mo ako.''


''Huli na ang lahat!,,, Alam mo ba kung bakit ka sinabihan ka nila na huwag magtitiwala kahit kanino ay dahil alam nilang magtatagpo ang landas natin.,,, at ng sa ganon ay hindi mo ako paniniwalaan sa aking sasahinin.'' Katahimikan,, ''Ang galing nila anoh! Alam mo bang ikaw ang pang-isang daan na gagawin nilang alay at kakain mamayang hating gabi.'' Napatigalgal si Karen sa kanyang naririnig.


Saka naman ang paglapit pa ng isang lalaking kilalang-kilala niya si Daren, gaya ng dilag ay para itong hindi nakaramadan ng init sa pagdaan sa apoy na lumalagablab. Nakatingin silang pareho sa papalapit na lalaki at galit ang nababanaag ni Karen sa mga mata ng dilag habang nakatingin kay Daren. Ng makalapit na ang lalaki ay agad itong lumapit sa dilag at akmang yayakapin, ngunit umiwas ito. ''Hangang ngayon ba galit kapa rin sa akin! Hindi mo ba rin tangap na ang mga kagaya natin ay hindi para sa mga normal na tao gaya nila.'' Sabay turo kay Karen na ikinagulat nito. ''Kalimutan mo na ang lalaking iyon!,,, wala na siya patay na siya at hindi na siya babalik kahit kailan.'' Sabay dapo ng kaliwang kamay ng dilag sa mukha ni Daren, napahawak ito sa mukha kung saan dumapo ang sampal. ''Tama nga lang sa iyo na naging halimaw ka sa mundong ito.'' Saka tiningnan si Karen. ''Hindi totoong may pagtingin ako sa halimaw na ito.'' Sabay alis patungo sa lugar kung saan mararamdaman niya nag presinsya ng namayapang kasintahan at doon ibinuhos ang luha.


Naiwan ang magkasintahan, ''Walang hiya, napakawalang awa mo.'' Hagulhol ni Karen. Tumawa lang si Daren ng nakakaluko. ''Ang mga taong kagaya niyo ay madaling otuin, Anoh! Nakakatuwa kang pagmasdan. Magpaalam kana sa mundong ito dahil malapit na ang iyong kamatayan.'' Para itong demonyo kung magsalita. ''Maya-maya lamang ay matitikman mo ang hapdi at kirot bago ka malagutan ng hininga.'' Saka ito umalis at iniwan siyang mag-isa. Sinubukan niyang kumula sa pagkakatali ngunit bigo siya sa higpit na pagkakatali sa kanay. Isang pulang likido ang nagyo'y dumadaloy mula sa kanyang balat na nasugat sa kanyang pagpupumiglas. Nasa ganon siyang ayos ng matanaw niya ang isang lupon ng mga tao na papalapit sa kanyang kinaruruonan, pumaikot sa labas ng apoy at pumasok ang magulang ni Daren kasama siya na may mga dala-dalang matalim na itak, telang itim at isang maliit na kahon. Nilapag nila ito sa lupa. Binuksan ang kahon at tumambad ang laman ng nasa looob nito.


Humalimuyak sa paligid ang lansa ng dugong nakalagay sa isang bote ng tubig na katamatam lang ang laki. Ginamit ang dugo upang gumuhit sa lupa kasabay ng pagdadasal sa wikang latin na hindi niya naiintindihan. Pero para sa kanya para silang nagdadasal sa demonyo. Kitang-kita niya ang pagbagago ng anyo ng mga tao sa paligid niya. Unti-unting naging isang pangit na anyo na parang mga halimaw na makikita sa mga horror movies. Na ngayo'y masayang pinagmamasdan siya. Lumiwanag ang ulap at kitang-kita ang kabilugan ng buwan. Tanging mga ungol ang naririnig niya sa kapaligiran gawa ng mga halimaw sa paligid niya.


Kahindik-hindik ang pangyayaring kanyang nasasaksihan.Gustuhin niya mang tumakas ngunit malabong maisakatuparan ang gusto niyang mangyari. Napaihi siya sa kabang kanyang nararamdaman. Hindi niya lubos akalain na dito ang kahahantungan ng kanyang buhay. Kung bakit kasi nagtiwala siya sa isang taong magdadala ng kanyang kamatayan. Nahahabag siya sa kanyang sarili at sa kanyang magulang na walang alam sa nangyayari ngayon sa kanya. Kung bakit kasi hindi siya nakinig sa payo ng kanyang magulang, na layuan na ang lalaki dahil hindi maganda ang pakiramdam nila dito sa tuwing nakikita nila, ramdam ng mga ito na ang lalaki ay isang masamang nilalang. Huli na ang lahat para magsisi at wala na siyang magagawa kung hindi ang tangapin ang kanyang masaklap na kapalaran.


Nakita niya si Daren na ibang-iba na ang mukha sa lalaking kanyang tunay na minahal ngunit balat kayo lamang ang pagmamahal niya para sa babae. At ramdam niya na ang dilag sa batis ang kanyang tunay na iniirog. Pero ramdam niya rin na iba ang tinitibok ng puso ng dilag, doon sa lalaking nabangit kanina at parang siya ang may malaking dahilan kung bakit ito namatay. Sa tantiya niya ay mukha naman itong mabait, na parang sinusumpa ang lahing kanyang pinagmulan. Dahil bukod tanging ito lang ang hindi niya nakikita.


Mga ilang minuto din ang lumipas, humawi ang mga tao upang bigyang daan ang taong kararating lamang. Isang mag-asawa na maganda ang kasuotan ang dumating at kagalang -galang tingnan, yumuko ang mga tao, ay hindi mga halimaw pala, kasama na si Daren at magulang, upang magbigay pugay sa mag-asawa. Ang mag-asawa ay ang kanilang pinuno


Lumapit ang dalawa sa pinagdausan ng dasal na katatapos lamang bago sila dumating. Nag-usal ng dasal sa wikang latin at kagaya ng nangyari nagbago din ang anyo ng mag-asawa na mas lalong nakakatakot kumpara sa iba.


Nag-usap ang mga ito sa harapan niya. Unang bumungad ng salita ang ang lalaking kararating lamang. ''Umpisahan na ang kapistahan!'' at biglang nagsigawan ang mga halimaw. Nababakas dito ang nag-uumapaw na kaligayhan sa kanilang pangit na itsura.


May kinuhang matulis at matalim na tabak ang babaeng reyna mula sa apoy, kumislap mula sa liwanag ng buwan. Lalong nanginig ang buong katawan ni Karen dahil alam niya ang susunod na gagawin nito, at hindi nga siya nagkamali. Lumapit kanya ang lalaking hari it tinuruk sa gitna ng kanyang ulo pababa sa kanyang katawan, hangang umabot sa sakang. Napaluha at napasigaw si Karen sa sobrang sakit na naramdaman sa mga oras na yaon. Mabilis bumulwak ang pulang likido sa kanyang katawan at nakita niyang nagsalok ang reynang halimaw ng kanyang dugo ng napuno na ito ay agad niyang tinakpan at nilagay sa mallit na kahon. Lahat ng halimaw ay nakatingin sa kanya na maligaya, habang nakikita siyang nanghihina sa sobrang kirot na nararamdaman. Paglinga niya ay nakita niya ang isang magandang babae na familiar ang mukha na nagmamsid mula sa kalayuan.


Nagtagpo ang kanilang mata. Nababakas dito sa mata ng dilag ang lungkot at galit sa nasasaksihan. Muling nanumbalik ang tingin ni Karen sa mga halimaw nasa kanyang harapan. ''Tito  mawalang galang na! Nasaan na po si Abby?'' Ang tanong ni Daren sa haring halimaw. ''Iwan ko ba sa babaeng iyon? Ang tigas ng ulo, ilang beses na namin sinabihan na kahit anong mangyari siya ang susunod na magiging reyna at ikaw naman ang maging hari, pero ayaw kaming pakingan.'' Sa inis na boses ng hari. ''SO SIYA PALA ANG PRESNISA NG MGA HALIMAW.'' Ang nasa isipan ni Karen. ''Pero bakit parang kinamumuy-an niya ang lahing pinangalingan.'' dagdag pa ng isipan ni Karen. ''Itigil na iyan, hayaan mo siya sa gusto niya sa ngayon. Hindi magtatagal at kusa din niyang tatangapin ang kanyang kapalaran.'' Ang sabad ng Reyang halimaw. ''Bakit hindi na lang tayo magsaya at simulang kainin ang masustansyang pagkaing nakahain sa atin.'' Suhistyun ng Nanay ni Daren habang malapad ang ngiti.


Ang lahat ay napatingin kay Karen na nakangisi. Ang apat ay kumuha ng kanya-kanyang patalim. Itak naman ang hawak ng hari. Lahat ng ito ay puro matatalas. Suminyas ang hari sa isang mababang uri ng halimaw upang buhusan ng tubig ang nakapalibot na apoy at ito'y naapula.


Sa pag-apula ng apoy ang hari ay agad na lumapit kay Karen. Wala ng lakas ang babae kung kaya't wala na siyang kakayahan para muling makasigaw ng gitlian ng hari ang kanyang leeg. Tumalsik ang dugo na isang mabangong halimuyak ang langsa para sa mga halimaw. Nakatirik na lamang ang mata ni Karen ng siya ay tuluyang nalagutan ng hininga. Lumapit at pumaikot ang mga halimaw habang pinagmamasdan ang hari sa paghihiwa sa ibat-ibang parte ng katawan, habang naglalaway sa takam na matikaman ang kanyang laman.


   

Story Archive