Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Anting-anting

Story Rating:

...

The Midnight Apparition

Story Rating:

This story happened way way long ago, let's start. My mom wa......

Paalam Kaibigan (Ang kwento sa likod ng Maymomoo!)

Story Rating:

Unang linggo ng buwan ng Enero 2006 ng mangyari ang isang tr......

Basement CR

Story Rating:

Nung nasa basement na kame pag bukas palang ng bestfriend ko......

LALAKING ITIM

Story Rating:

Sunday ng tanghali nun, nagluluto ang pinsan kong si kuya JR......

SLEEP PARALYSIS

Story Rating:

Sobrang bigat na ng kung ano mang bagay ang naka dagan sa di......

The Winged Creature

Story Rating:

People say we shouldn't be scared of the dark. It's because ......

 Fiction Huwag Magtiwala

Story Rating:

Sa isang maliit na Sitio sa isang isla malayo sa pamayanan m......

 Fiction Reception

Story Rating:

Ms. ano ho ang kailangan nyo at sino ang hinahanap nila? hin......

Lagim sa Nayon

Story Rating:

Ang mundo ay nababalot ng misteryo at kababalaghan. Kahit na......

Hindi ako naniniwala sa Multo

Story Rating:

4th year high school ako noon, janitor ang tatay ko sa eskwe......

HEADLESS PRIEST APPARITION

Story Rating:

When I was around 10 to 12 years old, I used to hear unusual......

Kababalaghan sa bagong bahay

Story Rating:

year 2008 na isipan nila mama and papa na mas palakihin pa y......

ang lalaking naka barong

Story Rating:

This story happened last 2014 my best friend kasi akung boy ......

ang lalaki sa balete

Story Rating:

pero para may feeling na nag pu push kay myca na lumingon ul......

PANAGINIP

Story Rating:

It happened way back 2004 i think maliit pa yung bahay namin......

Ang batang lalaki

Story Rating:

Ang kwentong ito ay mula pa sa kabataan ko at ako'y pitong t......

KAMA

Story Rating:

This happened to me when I was young, I think 13 palang ata ......

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

Ang lalaking walang Mukha 3 (Short Story)

Story Rating:

kararating lang ng kapatid kong lalaki dito sa cebu almost......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

"Kilabot Sa Bahay Namin"

Story Rating:

Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......

The Gifts

Story Rating:

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Check-in

Story Rating:

Wala akong magawa kundi magpalipas ng gabi sa Baguio nang ma......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Totoo talaga ang aswang own experienced

Story Rating:

September 8, 2017 dito nagsimula lahat around 10:00 pm hindi......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

HEADLESS PRIEST APPARITION

Story Rating:

When I was around 10 to 12 years old, I used to hear unusual......

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

Paalam Kaibigan (Ang kwento sa likod ng Maymomoo!)

Story Rating:

Unang linggo ng buwan ng Enero 2006 ng mangyari ang isang tr......

Ang Prosisyon

Story Rating:

Noong buhay pa ang aking lola ay hilig niyang mag tanim ng m......

Kababalaghan sa Dorm

Story Rating:

Gusto ko lang ishare sa inyo yung experience namin ng mga ka......

LALAKING ITIM

Story Rating:

Sunday ng tanghali nun, nagluluto ang pinsan kong si kuya JR......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Huwag Magtiwala

Story Rating:

Sa isang maliit na Sitio sa isang isla malayo sa pamayanan m......

 Fiction Reception

Story Rating:

Ms. ano ho ang kailangan nyo at sino ang hinahanap nila? hin......

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......


Pinoy Horror Story



All story content featured on this website are sole © Copyright of Maymomoo! and in such may not be downloaded, reproduced, copied, edited or used in any way without written permission from Maymomoo! Admin.

All rights reserved. Maymomoo! © Copyright 2006-2020

Story Rating

Rated (5/5)
by 1 user(s)


Noong panahon ko, usong uso ang mga aswang, multo at kung ano ano pang elemento. Pero hindi ako naniniwala hanggat hindi ko nakikita, ika nga "to see is to believe". Pero nagbago ang pananaw kong yon.


Isang araw, niyaya ako ng kababata ko na magpunta sa Bicol dahil daw nagpapasama yung isa naming kaibigan sa huling lamay ng kanyang lolo. Since bored ako at walang magawa, ay nag-oo ako. Nag arkila kami kinabukasan ng isang sasakyan na kasya naman kaming 8. Umalis kami ng maaga para hindi kami masyadong gabihin sa daan pag uwi. Buong byahe ay nagpalitan lang kaming magkakaibgan sa pagmamaneho. 5 kaming lalaki at 3 ang babae. medyo madilim na noong nakarating kami sa destinasyon namin since gabi na rin naman ay napag pasyahan naming doon na lang matulog sa bahay ng kaibigan namin. Akala doon ang lamay ngunit hindi pala. Kaya naman nag-ayos kami at naglakad na lang papunta sa bahay ng lolo niya. Medyo magubat at madilim ang dinaanan namin. Pagkarating doon ay pinakain muna kami at nagpahinga naman sa labas. Naghanda ng lamesa at baraha ang nanay ng kaibigan namin at napagpasyahan naming maglaro muna pampalipas ng oras.


Habang naglalaro kami ay biglang may lumapit sa amin na matandang lalaki.


"Mga totoy, pwede bang makisali sainyo?" wika niya.


Dahil mga mababait kaming kabataan, tumango kami at nakiupo siya sa amin. Habang naglalaro ay binigyan siya ng pagkain ng kaibigan ko. Ngunit pag dating niya ay may binulong siya agad sa akin.


"Pre, di pala taga dito yan. Wala daw nakakakilala dyan."


Pareho kaming natigilan dahil akala namin taga dito siya at pinaupo pa namin. Pero hinayaan na lang namin dahil mukha namang mabait.


Habang nagsasaya kami, bigla siyang nagsalita.


"Gusto niyo ba makaranas ng kakaiba?" wika niya.


Dahil sobrang curious naming magkakaibigan ay tumango kami. 


Una nagkwento muna siya, na siya raw ay nakakakita ng mga bagay ng hindi nakikita ng ordinaryong tao. At syempre walang naniwala samin. Tumawa siya.


"Alam kong hindi kayo naniniwala. Gusto niyo ba maniwala? Patunay?"


Natawa ako. At biglang tumingin siya saken.


"Pumikit kayo. Wag na wag kayong didilat hanggat hindi ko sinasabi."


At dahil curious kaming magkakaibigan at naniniwala kami na nagbibiro o nagsisinungaling lang ang matanda ay ginawa namin. Pumikit kaming magkakaibiganm. Bigla siya lumapit isa isa sa amin. Hinawakan ang aming noo at may binigkas na hindi namin naintindihan. Biglang may malamig na hangin akong naramdaman. At naririnig ko ang mga kaibigan kong babae na natatakot na.


"Sige imulat niyo na mga mata niyo at tumingin lang kayo sa akin" wika niya. at ginawa namin. Nakatingin lang kami sakanya. 


"Paguwi niyo, maghawak hawak kayo ng kamay at huwag na huwag kayong bibitaw sa isa't isa. May madadaan kayong malaking puno ng balete sa daraanan niyo. May makikita kayong babaeng nakaputi ang palakad lakad doon." wika niya.


At dahil takot na takot na ang mga babae naming kasama ay nagpupumilit na silang umuwi. Dahil nga di ako naniniwala sa sinabi ng matanda ay napagdesisyonan naming umuwi na pero sinunod namin ang bilin niya na maghawak hawak ng kamay. Iniwan na namin siya doon. Habang naglalakad ay lumingon muli ako sakanya at nakita kong nakaupo lang siya doon tila ba na hinihintay na babalik kami. 


Habang naglalakad ay natatanaw na namin ang sinasabi ng matanda. Pero biglang tumindig ang balahibo ko sa katawan at nanlaki ang mga mata namin. May naglalakad na babaeng nakaputi. Mahaba ang buhok at tila nakalutang ito. Dahil sa sobrang takot nagiyakan na ang mga kasama kong babae at dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, di rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hanggang sa hinila na ako ng mga kasama ko pabalik.


Nagtataka ang mga tao kung bakit mga nagiiyakan na ang mga kasama namin. Hinanap ko ang matanda ngunit wala akong nakita. Hanggang sa humangin ng malakas at napuwing kaming magkakaibigan. Sa sobrang takot ay doon na kami pinatulog sa bahay ng lolo ng kaibigan ko.


Kinabukasan ay nagdali dali kaming magayos. Bago kami umuwi ay pinagdasal kami ng mga nakakatanda. Nagpaalam na kami sakanila at nagpasalamat.


Paguwi sa bahay, di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Akala ko hindi totoo. Akala ko kwento kwento lang para sa mga bata. Pero ako mismo nakakita. Sa ngayon, wala namang kakaibang nangyari sakin o sa kahit sino sa mga kaibigan ko. 


   

Story Archive