Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Anting-anting

Story Rating:

...

The Midnight Apparition

Story Rating:

This story happened way way long ago, let's start. My mom wa......

Paalam Kaibigan (Ang kwento sa likod ng Maymomoo!)

Story Rating:

Unang linggo ng buwan ng Enero 2006 ng mangyari ang isang tr......

Basement CR

Story Rating:

Nung nasa basement na kame pag bukas palang ng bestfriend ko......

LALAKING ITIM

Story Rating:

Sunday ng tanghali nun, nagluluto ang pinsan kong si kuya JR......

SLEEP PARALYSIS

Story Rating:

Sobrang bigat na ng kung ano mang bagay ang naka dagan sa di......

The Winged Creature

Story Rating:

People say we shouldn't be scared of the dark. It's because ......

 Fiction Huwag Magtiwala

Story Rating:

Sa isang maliit na Sitio sa isang isla malayo sa pamayanan m......

 Fiction Reception

Story Rating:

Ms. ano ho ang kailangan nyo at sino ang hinahanap nila? hin......

Lagim sa Nayon

Story Rating:

Ang mundo ay nababalot ng misteryo at kababalaghan. Kahit na......

Hindi ako naniniwala sa Multo

Story Rating:

4th year high school ako noon, janitor ang tatay ko sa eskwe......

HEADLESS PRIEST APPARITION

Story Rating:

When I was around 10 to 12 years old, I used to hear unusual......

Kababalaghan sa bagong bahay

Story Rating:

year 2008 na isipan nila mama and papa na mas palakihin pa y......

ang lalaking naka barong

Story Rating:

This story happened last 2014 my best friend kasi akung boy ......

ang lalaki sa balete

Story Rating:

pero para may feeling na nag pu push kay myca na lumingon ul......

PANAGINIP

Story Rating:

It happened way back 2004 i think maliit pa yung bahay namin......

Ang batang lalaki

Story Rating:

Ang kwentong ito ay mula pa sa kabataan ko at ako'y pitong t......

KAMA

Story Rating:

This happened to me when I was young, I think 13 palang ata ......

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

Ang lalaking walang Mukha 3 (Short Story)

Story Rating:

kararating lang ng kapatid kong lalaki dito sa cebu almost......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

"Kilabot Sa Bahay Namin"

Story Rating:

Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......

The Gifts

Story Rating:

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Check-in

Story Rating:

Wala akong magawa kundi magpalipas ng gabi sa Baguio nang ma......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Totoo talaga ang aswang own experienced

Story Rating:

September 8, 2017 dito nagsimula lahat around 10:00 pm hindi......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

HEADLESS PRIEST APPARITION

Story Rating:

When I was around 10 to 12 years old, I used to hear unusual......

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

Paalam Kaibigan (Ang kwento sa likod ng Maymomoo!)

Story Rating:

Unang linggo ng buwan ng Enero 2006 ng mangyari ang isang tr......

Ang Prosisyon

Story Rating:

Noong buhay pa ang aking lola ay hilig niyang mag tanim ng m......

Kababalaghan sa Dorm

Story Rating:

Gusto ko lang ishare sa inyo yung experience namin ng mga ka......

LALAKING ITIM

Story Rating:

Sunday ng tanghali nun, nagluluto ang pinsan kong si kuya JR......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Huwag Magtiwala

Story Rating:

Sa isang maliit na Sitio sa isang isla malayo sa pamayanan m......

 Fiction Reception

Story Rating:

Ms. ano ho ang kailangan nyo at sino ang hinahanap nila? hin......

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......


Pinoy Horror Story



All story content featured on this website are sole © Copyright of Maymomoo! and in such may not be downloaded, reproduced, copied, edited or used in any way without written permission from Maymomoo! Admin.

All rights reserved. Maymomoo! © Copyright 2006-2020

Story Rating

Rated (3/5)
by 2 user(s)


Nakatira sila sa isang isla na malapit sa Puerto Galera. Pangingisda ang tanging ikinabubuhay ng mga tao sa kanilang lugar. Simula sa mga ninuno niya hanggang sa Tatay niya ay magngingisda. kahit pa sila ay mga nakatapos ng high school doon pa din sa pangingisda ang bagsak nila. Anim silang magkakapatid panganay at bunso lalaki tapos apat silang maria. Pangalawa siya sa bunso at siya ang peyborit ng kuya niya.

Nung minsan bumagyo sa kanila kailangan iligpit ang mga bangka dahil baka maanod ng alon, ang binatilyo nyang kuya at ang tatay lang niya ang may kakayahang mag sagawa nito. Ang iba nilang kamag-anak ay abala rin sa pag liligpit ng kanilang mga bangka kaya silang dalawang mag-ama ang nag ayos. Matagal bago raw nila natapos ang pagliligpit ng mga bangka dahil sa lakas ng hangin na sinasabayan pa ng malakas na ulan.

Nang matapos daw ang Tatay at ang kuya niya ginaw na ginaw raw ang Kuya niya. Talaga naman daw pong umaalog ang baba sa panginginig ng katawan. Nagpakulo ang nanay niya ng tubig para mabantusan daw ang kuya niya. Ibinuhos ng dahan dahan sa paa ang tubig na mainit init ng dahan dahan na may kasamang mga dahon dahon, parang damong marya at hamayana ang pagkakasabi niya sa akin. [hindi ko po alam kung tama ang narinig ko ha? kwento lang sa akin ito at pinilit ko lang maalala ang mga detalye ayun sa aking pagkakarinig.] Pero nung gabi raw na iyo hindi tumigil ang kuya niya sa panginginig ng katawan. Hangang sa umabot na ng madaling araw at ang bagyo ay pahupa na hindi pa rin tumitigil ang kuya niya sa panginginig.

Ng umaga na at payapa na ang panahon nag pasya ang Tatay niya na sumamang mangisda sa mga kamag anak nila. Pero dahil katatapos pa lang ng bagyo ay pinigilan sila ng Nanay ng lola ko. At sinabing delikado pa ang lagay ng dagat dahil malalaki at matataas pa ang alon. Na kinontra naman ng mga tiyuhin niya at sinabi na hindi na ganun kalaki ang alon. At dahil sa ilang araw na rin silang walang huli hindi rin napigilan ang mga kalalakihan na pumalaot. Hindi rin masyadong ininda ng Tatay ng Lola ko ang lagay ng Kuya niya kasi sa probinsya nila hindi uso yung mga eksaheradong pamantayan sa pag aalaga ng maysakit. Ika nga nila daw... "lagnat lang yan pag pinagpawisan ka wala na yan!"

Mga dapit hapon na wala pa rin daw ang Tatay at Tiyuhin ng Lola ko at ang Kuya naman ni Lola ay lalong gumagrabe ang lagay. Lahat nga mga Tiyahin niya ay nasa kanila na at nag darasal para sa kuya niya at lahat sila ay nag iiyakan na rin. Dahil sabi niya parang nagdedeliryo na ang Kuya niya.

Ng mga panahon namang iyon swerte ang Tatay nila at ang dami nilang huling isda. Kaya nag pasya sila na uuwi na. Pero dahil may kalakihan ang net ni Tatay at marami talaga siyang huli nasa hulihan siya ng mga kasama niya.

Habang naglalayag sila pabalik may naaninag daw ang Tatay ng Lola ko na ilaw pero ang sistema lang ito ay pabalik at hindi papunta sa aplaya. Pero hindi na niya ito masyadong pinansin. Ng malapit na raw ang ilaw nakita ng Tatay ng Lola ko ang Kuya niya na nakasakay sa balsa at basang basa at nagsabi na... "Tay tulungan mo ako giniginaw ako." Na para naman daw ipinako ang Tatay niya ng mga sandaling iyon at hindi nakakilos. Kasi paanong naksakay ang Kuya niya sa balsa eh wala naman sa kanilang lugar ang may balsa.

Pero nug sumigaw na raw ang Kuya niya dahil malayo layo na ang agwat ng balsa at bangka ng tatay niya parang natauhan ang Tatay niya at tumalon sa dagat at hinabol ang balsa ng kung saan nakasakay ang kuya niya na basang basa at umiiyak.

At habang lumalangoy daw ang Tatay niya panay ang dasal at dahil din sa mag hapon silang nangisda pagod na rin ang tatay niya pero dahil daw sa nakikita ng Tatay niyang kalagayan ng Kuya niya. Nag karoon siya ng ibayong lakas upang habulin ang balsa at sa awa ng Diyos naabutan niya ang balsa. At niyakap ang Kuya niya na basang basa. At sumigaw raw ang Tatay niya at humingi ng tulong sa mga Tiyuhin niya. Pero parang walang nakakarinig sa mga kasama niya.

Kaya ang ginawa niya tumalon uli sa tubig at hinila ang balsa papunta sa bangka niya at nung mapag dikit na raw ng Tatay niya ang balsa at bangka pinalipat ng Tatay niya ang kuya niya at binitawan na niya ang balsa. At nagsimula ng mag sagwan ang Tatay niya.

Pagdating nila malapit sa aplaya nandun na ang mga kasama ng Tatay at hinintay sila. Tinanong siya kung ano yung kinuha niya? at sinabi niya na nakita nga niya yung Kuya ng Lola ko.

Tapos may dumating na Tiyahin daw niya at ibinalita na patay na ang Kuya ng Lola ko at hindi raw makapaniwala ang Tatay ng Lola ko kaya sabi niya... "Kasama ko pa nga lang siya. Paanong patay na?"

At hinanap niya ang Kuya ng Lola ko pero sa mga oras na yun hindi na nila ito makita. Pero ang sabi naman ng mga Tiyuhin ng Lola ko may kasama nga ang Tatay ng Lola ko sa bangka pero hindi nila nakita ang mukha dahil malayo ang pwesto nila.

At dahil sa balita pinabayaan na muna nila ang mga huli nilang isda. At nagpanakbuhan sila sa bahay ng Lola ko upang tignan ang Kuya ng Lola ko. Pagdating nila dun ay maliwanag na may nakasinding kandila. At mula sa labas tanaw nila ang Kuya ng Lola ko na nakahiga sa sahig.

Pag dating nila sa may pintuan iyak ng iyak ang Nanay ng Lola ko. Napaiyak na rin daw pati ang Tatay ng Lola ko at sinabi niya na... "Paano nangayari ito kasama ko pa lang siya kanina at basang basa nga. Sabi niya sa akin... "Natakot siya na lumusong ako at baka hindi na niya ako makita" ... kaya sumunod siya sa akin. Ng biglang nagsalita ang kuya niya ng... "Tay, pahingi po ng tubig uhaw na uhaw ako!" At lahat ng tao sa kanilang lugar ay nagulat sa kanilang nasaksihan. At sa isang banda ay natuwa rin sa mga naging kaganapan. Sabi ng Kuya niya... "ang layo ng nilakbay niya nakasakay daw siya sa balsa."

Base, nga daw po sa mga sabi sabi ng mga matatanda kund hindi naabutan ng Tatay ng Lola ko ang balsang sinasakyan ng Kuya niya malamang patay na siya. Iyung balsa daw po na iyun ay "Balsa ni Kamatayan"


   

Story Archive