Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Anting-anting

Story Rating:

...

The Midnight Apparition

Story Rating:

This story happened way way long ago, let's start. My mom wa......

Paalam Kaibigan (Ang kwento sa likod ng Maymomoo!)

Story Rating:

Unang linggo ng buwan ng Enero 2006 ng mangyari ang isang tr......

Basement CR

Story Rating:

Nung nasa basement na kame pag bukas palang ng bestfriend ko......

LALAKING ITIM

Story Rating:

Sunday ng tanghali nun, nagluluto ang pinsan kong si kuya JR......

SLEEP PARALYSIS

Story Rating:

Sobrang bigat na ng kung ano mang bagay ang naka dagan sa di......

The Winged Creature

Story Rating:

People say we shouldn't be scared of the dark. It's because ......

 Fiction Huwag Magtiwala

Story Rating:

Sa isang maliit na Sitio sa isang isla malayo sa pamayanan m......

 Fiction Reception

Story Rating:

Ms. ano ho ang kailangan nyo at sino ang hinahanap nila? hin......

Lagim sa Nayon

Story Rating:

Ang mundo ay nababalot ng misteryo at kababalaghan. Kahit na......

Hindi ako naniniwala sa Multo

Story Rating:

4th year high school ako noon, janitor ang tatay ko sa eskwe......

HEADLESS PRIEST APPARITION

Story Rating:

When I was around 10 to 12 years old, I used to hear unusual......

Kababalaghan sa bagong bahay

Story Rating:

year 2008 na isipan nila mama and papa na mas palakihin pa y......

ang lalaking naka barong

Story Rating:

This story happened last 2014 my best friend kasi akung boy ......

ang lalaki sa balete

Story Rating:

pero para may feeling na nag pu push kay myca na lumingon ul......

PANAGINIP

Story Rating:

It happened way back 2004 i think maliit pa yung bahay namin......

Ang batang lalaki

Story Rating:

Ang kwentong ito ay mula pa sa kabataan ko at ako'y pitong t......

KAMA

Story Rating:

This happened to me when I was young, I think 13 palang ata ......

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

Ang lalaking walang Mukha 3 (Short Story)

Story Rating:

kararating lang ng kapatid kong lalaki dito sa cebu almost......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

"Kilabot Sa Bahay Namin"

Story Rating:

Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......

The Gifts

Story Rating:

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Check-in

Story Rating:

Wala akong magawa kundi magpalipas ng gabi sa Baguio nang ma......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Totoo talaga ang aswang own experienced

Story Rating:

September 8, 2017 dito nagsimula lahat around 10:00 pm hindi......

HEADLESS PRIEST APPARITION

Story Rating:

When I was around 10 to 12 years old, I used to hear unusual......

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

Paalam Kaibigan (Ang kwento sa likod ng Maymomoo!)

Story Rating:

Unang linggo ng buwan ng Enero 2006 ng mangyari ang isang tr......

Ang Prosisyon

Story Rating:

Noong buhay pa ang aking lola ay hilig niyang mag tanim ng m......

Kababalaghan sa Dorm

Story Rating:

Gusto ko lang ishare sa inyo yung experience namin ng mga ka......

LALAKING ITIM

Story Rating:

Sunday ng tanghali nun, nagluluto ang pinsan kong si kuya JR......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Huwag Magtiwala

Story Rating:

Sa isang maliit na Sitio sa isang isla malayo sa pamayanan m......

 Fiction Reception

Story Rating:

Ms. ano ho ang kailangan nyo at sino ang hinahanap nila? hin......

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......


New Pinoy Horror Story



All story content featured on this website are sole © Copyright of Maymomoo! and in such may not be downloaded, reproduced, copied, edited or used in any way without written permission from Maymomoo! Admin.

All rights reserved. Maymomoo! © Copyright 2006-2020

Story Rating

Rated (5/5)
by 1 user(s)


Eksklusibong ibabahigi ang kwentong eto sa Maymomoo.com

Ang kwentong aking ibabahagi ay hango sa totoong pangyayari na naranasan ng aking kaibigan. Medyo sensitibo ang kwentong ito sapagkat ipinagbawal itong pagusapan o di kaya’y mabangit sa kahit sino man. Sa ngayon, ay iilang mga tao lamang ang nakakaalam nito.

 

Ako si Lorna, at isa akong OFW. Matagal-tagal nadin akong nag-tratrabaho sa ibang bansa bilang isang skilled worker. Dito nadin ako tumanda at sa awa ng Diyos ay kasama ko din dito ang aking pamilya. Masasabi kong nakasanayan ko na ang pamumuhay dito.

 

Isa akong Katoliko at aktibo ako sa mga activities sa simbahan. Tuwing linggo ay nagsisimba ako at kung may mga events sa simbahan ay sumasama din ako. Isa sa mga activities ng simbahan na aktibo kong sinasalihan ay ang LSS o ang Life-in-the-Spirit Seminar. Isa itong seminar na kung saan may mga talks na naglalayong ipaalam sa atin, ang tunay na kapangyarihan ng Holy Spirit sa ating araw-araw na pamumuhay.

 

Taon-taon itong ginaganap na kung saan ang pakay namin ay humanap ng mga bagong kasapi upang makilahok at iparanas sa kanila ang tunay na kapangyarihan ng Holy Spirit sa kanilang pamumuhay. Taong 2016 ng mangyari ang isang bagay na kaylanman ay diko inaasahang masasaksihan ko first-hand. Abala kami noon sa pag-organize ng LSS, bilang isang aktibong miyembro ng simbahan at aktibong participant ng LSS ay naatasan nadin akong maging isang “shepperd” na kung saan magkakaroon ako ng aking “lamb”. “Lamb” ang tawag namin sa mga bagong sali sa LSS at bilang isang “sheperred” ng aming mga lamb, responsibilidad namin na gabayan sila. Pinapayuhan namin ang aming mga lamb na isurrender na lahat lahat sa Panginoon.

 

At Doon ko na nga nakilala si Maria. Siya ang aking naging lamb ng taong iyon.

 

Si Maria ay nagtatrabaho bilang isang Domestic Helper. Lumaki siyang katoliko, subalit katulad ng mga karamihang miyembro nito ay hindi siya aktibo. Masasabi kong normal naman si Maria, medyo maputi at may kapayatan. Mahiyain din siya at di masyadong palakibo.

 

Inumpisahan ko nading kausapin si Maria, upang mas makilala ko pa siya ng lubos. Don ko nalamang laking probinsya siya mula sa Visiyas. Lumaki siyang kasama ang kanyang ina hanggang sa mapag-pasyahan nadin nya mangibang bansa.

 

Nasa mga ikalawang araw nadin kami noon ng LSS ng magtapat sa akin si Maria na lubos kong ikinagulat.

 

“Ate Lorna, may gusto po sana akong sabihin sa inyo...”

 

“Sige anak, sabihin mo lang. I-surrender na natin lahat ng ating mga agam-agam at worries sa Panginoon” sagot ko sa kanya

 

“Ang pamilya ko po kasi ay kaanib sa isang kulto. Mula pagkabata ko ay namulat na ako sa ibat-ibang bagay kasama ang aking ina.” usal ni Maria

 

Nagulat ako at nakaramdam ng kaba. Hinugot ko ang aking lakas ng loob at paniniwala upang tanungin si Maria.

 

“Anak, handa ka bang talikuran ng lahat ng iyon? Handa ka bang iwanan na ang mga ito sa iyong nakaraan at tanggapin si Jesus sa iyong buhay bilang iyong tagapagligtas?”

 

“O….opo ate Lorna” ang tila di komportable nyang tugon.

 

Hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay at akin siyang ipinagdasal.

 

...

 

Takipsilim ng ikalawang araw ng LSS noon na kung saan gaganapin ang Baptism of the Holy Spirit. Nasa kabilang banda ako noon ng silid at diko masyadong tanaw si Maria. Sa parteng ito ng seminar ay inaasahan madadama mo ang kapangyarihan ng Holy Spirit. Normal na ma-“slain” o di kaya himatayin ang mga kasapi at ang iba din ay maaring makaranas ng tinatawag na speaking of tongues na kung saan pinaniniwalaang nagsasalita ang taong ito sa isang linguwaheng hindi nya alam. Na kung saan, ayon mismo sa biblya ay “For anyone who speaks in tongue does not speak to men but to God”. Mapayapa at kagalakan ang aming nadarama sa mga oras na iyon nang biglang may tumawag sa akin.

 

Madilim ang buong silid noon dahil nakapatay lahat ng ilaw. Makikita mo lang ang liwanag na nanggaling sa mga kandilang nakasindi. Maya maya pa ay biglang may pumukaw sa akin

 

“Ate Lorna! Ate Lorna! Si Maria po nawalayan ng malay at tila iba na ang ikinikilos.” pabulong at natatarantang sabi sa akin.

 

Dali-dali akong lumapit kay Maria noon at nakita ko siyang nakahiga na at tila walang malay nang biglang lumingon ito sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang galit… ang kanyang mga mata ay nanlilisik habang nagpupumiglas ito. Napakalakas nya sinusubukan namin siyang pigilan pero iba ang kanyang lakas. Biglang nag-iba ang pakiramdam ng mga tao noon sa paligid, ang kapayapaan ay biglang napalitan ng kaba at takot.

 

Nagsisigaw si Maria. Iba ang boses nya. Napakalalim nito at puno ng galit. Binulungan ko si Maria na magdasal siya. Nakita kong pilit nitong sinusubukang magdasal ngunit sa bawat subok nyang magdasal ay hindi nya ito mabuo. Sinubukan nyang dasalin ang Apostle’s Creed.

 

“Ahhh…I …… the father almighty. Creator of Heaven ….. earth... … ascended in .siteth at the right hand… “

 

Paulit-ulit nyang sinusubukang magdasal pero paulit ulit din hindi nabubuo ang kayang dasal. Tila ba hirap ito at may mga salita o katagang hindi nya mabanggit.. Sa mga oras na iyon ay pinalibutan namin siya at pinag-pray over.

 

Onti-onti ay kumalma na si Maria at sa awa ng Diyos ay nairaos din namin ang LSS noon. Nagsi-uwian na ang lahat habang ako ay naiwan pa sa kuwarto nang biglang may tumawag nanaman sa akin.

 

“Ate Lorna! Si Maria yung lamb mo nasa may gilid ng kalsada po naglulupasay!”

 

Kinabahan ako at nataranta. Nagulat ako sapagkat akala ko’y ok na ang lahat. Dali-dali akong naglakad palabas upang hanapin si Maria. Nakita ko siya sa may hintuan ng bus nakahandusay at tila nangingisay. Agad ko siya nilapitan. Nanlilisik nanaman ang kanyang mga mata at damang-dama ko ang galit nya.

 

Sa mga oras na iyon ay tumawag na kami ng ambulansya at itinakbo na namin siya sa hospital. Habang nasa loob kami ng ambulansya ay patuloy padin sa pagwawala at pagpupumiglas ni Maria. Sobrang lakas nya at nahirapan ang mga responders noon na kunin ang kanyang mga vitals.

 

Dumating kami sa Hospital at sinuri na ng mga Doctor si Maria. Hindi ako umalis sa hospital non bilang kanyang sheperred. Kasama ko din ang ilan pa sa mga senior sheperred’s upang umalalay sa amin. Medyo matagal din kaming naghintay noon hanggang sa nakausap nadin ang mga Doctor na sumuri sa kanya. Ayun sa mga doctor ay normal naman daw lahat ng vitals ni Maria at wala naman silang nakitang kakaiba o sakit… Parang di ko nadin ikinagulat ang sinabi ng Doctor sapagkat alam kong iba ang nagyayari kay Maria na hindi maipapaliwanag ng kasalukuyang siyensya.

 

Pinuntahan na namin si Maria sa kanyang kwarto. Dala ko noon ang isa sa mga Krus na gamit namin sa simbahan at nakatayo ako sa harap nya nakapalibot kaming lahat noon sa kanyang kama habang ipinagdadasal siya. Nang biglang napabangon ito at napatitig sa amin. Tumawa ito ng malakas at nagsisigaw at ibang iba ang kanyang boses. Malalim ito  na tila boses ng lalakeng galit na galit. Sa kalagitnaan ng mga pangyayari ay tumawag sa amin si Sister hiniling nya na makausap nya si Maria. Inilapit ko ang telepono sa tenga ni Maria ngunit habang kinakausap siya ni Sister ay pinagtatawanan lamang niya ito. Kinuha ko ang telepono at at kinausap si Sister sinabi nyang ipagpatuloy lang namin ang aming pagdadasal. Sinabi din ni Sister na alamin namin kung may mga amulet ba or anting-anting si Maria.

 

Patuloy lang kami sa aming pagdadasal hanggang sa kumalma na din siya at nagkaroon ako ng pagkakataong tanungin siya.

 

“Maria, kamusta ka? Gusto ko lang sanang malaman kung may mga amulet o di kaya mga anting-anting kang isinusuot o naitatabi?” tanong ko sa kanya

 

Sumagot naman si Maria..

 

“Opo ate, meron po akong anting-anting na kuwintas na binigay sa akin ng nanay ko noon. Ang sabi nya ay wag na wag ko daw iyong tatanggalin. Pero nung sumama ako sa LSS  itininabi ko na iyon sa aking kuwarto.” mahinang tugon nito

 



 

Mayamaya pa ay dinalaw na din ng aming Parish Priest si Maria. Kasama ko siya noon at inilabas ko siya sa hallway sakay ng wheelchair. Nang papalapit na si Father kay Maria ay laking gulat ko ng biglang tila napatalon ito papasok sa ilalim ng wheelchair. Takot na takot ito at nagsisigaw. Tila ba nagtatago ito.

 

“Andyan na sila papalapit na silang apat! Sobrang lapit na nila. Natatakot ako….” ang takot at paiyak na daing ni Maria.

 

Nakita ko din ang cellphone ni Maria sa mga oras na iyon at nakita ko ang usapan nila ng kanyang ina.

 

Ang sabi ng kanyang ina sa kanyang mensahe  “Bakit mo kasi inalis yung anting-anting mo. Binilin na kitang wag na wag mong tatanggalin iyon!” kinilabutan ako.

 

Dahil sa nangyari ay dali-dali nadin akong nagpasyang puntahan ang bahay kung san nakatira si Maria upang kunin ang amulet o anting-anting na nabanggit nya. Sa tulong ng matalik na kaibigan ni Maria ay pumunta ako Building kung saan siya nakatira… bago ako pumunta ay binalaan kaming huwag na huwag daw naming hahawakan ang amulet kahit anong mangyari at kailangang masira namin ito. Pagdating ko sa kuwarto ni Maria ay andun na ang kaibigan nito. Nakita na daw nya ang amulet hinawakan daw niya ito gamit ang isang panyo at itinapon sa basurahan. Kinuha namin ang trashbag at tumungo sa elevator upang bumaba. Pinindot ko ang Ground Floor button. Habang pababa kami ay bigla na lamang nagpapataas baba ang elevator.. Ilang ulit kaming umakyat at bumaba na tila ba’y ayaw kaming paalisin. Sobrang takot namin sa mga oras na iyon. Napapapikit nalang ako at nagdadasal. Pilit naming pinindot ang Ground Floor ng paulit-ulit hanggang sa awa ng Diyos ay nakarating nadin kami sa Ground Floor. Sa takot namin ay nagtatakbo kami palabas ng elevator. Sa labas ng building ay naghihintay pa ang ilan sa aming mga elders upang tulungan kami. Humanap kami ng lugar kung saan namin masusunog ang anting-anting. Sinilaban na namin ang thrash bag kung saan namin sinilid ang amulet. Nag-alab ito - mainit at malakas ang apoy habang unti-unting naging abo ang lahat maliban sa isa… ang anting-anting ni Maria nagliliyab ito at nag-iiba iba ang kulay ng apoy nito. Tumagal pa at naging abo nadin.

 

Pagkatapos non ay pinuntahan namin agad si Maria sa hospital. Naging kalmado nadin ang kanyang itsura. Matino na din namin siyang nakakausap.

 

“Ate malayong malayo na po sila… halos di ko na po sila makita...” sabi ni Maria.

 

Pagkatapos noon ay onti-onti nading nanumbalik ang lahat. Nakalabas nadin ng hospital si Maria. Pinayuhan ko siyang patuloy lang sa pagdadasal at palakasin ang kanyang tiwala sa Diyos. Nagdaan pa ang mga ilang buwan ay nakaalis nadin si Maria at lumipad ng ibang bansa upang magtrabaho.

 

Hanggang ngayon ay kinikilabutan parin ako pag naa-alala ko ang mga nangyari. Hindi ko lubos isiping ang mga bagay na madalas ay napapanood ko lang sa pelikula ay mararanasan ko din.

 

May mga iba pang nangyari na connected sa nangyari kay Maria. Susubukan ko nalang ulit itong ibahagi sa aking susunod na kwento.





   

Story Archive