Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

lola (true story)

Story Rating:

...

Si Lola Aswang

Story Rating:

I came from a underprivileged family kaya during high school......

"MAG INGAT SA MGA SANGLA TIRA"

Story Rating:

Mag ingat tayo sa mga kinikuha nating sangla tira. Gaya nala......

OUTING

Story Rating:

This is the first time that I will share creepy things durin......

HAUNTED HOUSE

Story Rating:

Itago niyo nalang ako sa pangalan na Pathcuhay. Mero......

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

Sundo

Story Rating:

Ang kwento ng aking ama bago siya namatay!...

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......

Humihinga

Story Rating:

gusto ko lang i-share ang aking karanasan nung akoy medyo ba......

Babaeng nakaputi

Story Rating:

Ito ay nangyari sa aking pinagtatrabahuhan sa bandang taguig......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Sa Zambales

Story Rating:

Itago nyo nalang ako sa pangalang Kristy. Mga 19 years old a......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......

 Fiction Black lady sa Bahay

Story Rating:

I remember na Saturday pala ngayon. So Uuwi na ako samin kas......

 Fiction Kasakay

Story Rating:

Sabi ko imposible, nakasabay ko pa sya kanina sa dyip ng ala......

 Fiction Manananggal

Story Rating:

Ilang linggo palang nakakalipas ay nakaramdam na ako na may ......

 Fiction Ang Nakaputing Babae (Short Story)

Story Rating:

oong 2010 lumipat ang pamilya nina kuya ng bahay. Wala pa si......

 Fiction Sa Aming Bahay (Short Story)

Story Rating:

Minsan sa aming hagdan mayroon akong nakitang isang lalaking......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang supultorero si Ivan sa isang cemetery ng Laguna.Siya a......

 Fiction BARANG

Story Rating:

Nagsimula lang naman siyang magduda nang minsang makatanggap......

 Fiction Valentine Message

Story Rating:

"Look, hon, tingnan mo," nakangising sabi ng lalaki sa nobya......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 7 user(s)


Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya kasi ang nag refer sa akin. Sabi niya, yung account niya raw dati ang pinaka okay sa lahat. Una, sobrang avail, siguro 10-20 calls lang ang natatanggap nila everyday. Pangalawa, malaki pa ang sahod. Pangatlo, may morning shift sila at higit sa lahat, hindi sila nag-iingles, Tagalog, Visaya or Taglish ang kanilang mga customers. May English minsan but once in a blue moon lang yun.


10 am yung shift ng pinsan ko. 15 agents lang sila at that time sa floor kasi weekend yun. Wala masyadong agents kasi sa gabi pa pumapasok ang ibang agent sa ibang Line of Business.(LOB)


"Nina, bumalik ka nga dun sa west wing. Ang ingay mo.." sabi ng isa niyang kasamahan. Nina nga pala ang name ng pinsan ko.


"Grabe naman siya oh, baka mamiss mo ko." pagbibiro niya sa kasamahan niyang si Marcko.


"Guys, be quite. Busy ako, I cant concentrate. Ang ingay niyo.." sabi ni TL Jake.


"Sorry TL."


At tumahimik sila.


Lumipat ang pinsan ko at umupo siya malapit sa entrance at exit ng office, which is in the west wing. For you to get in or out, gagamitan mo to ng access card. Pag di mo na swipe ng maayos, di kana makakalabas o makakapasok.


Usually, walang agent na umuupo dun kasi di lang sila agent, kundi magiging security guard din sila kung sila'y nandun dahil of course, bubuksan nila ang pinto kung may agent na hindi nakapag-swipe ng mabuti sa access card. At malayo rin ang TL's station so bihira lang na ang TL ang nagbubukas.


Pero gusto dun ng pinsan ko kasi di malamig, bahala na raw kung maging lady guard siya. Basta di lang siya mamatay sa lamig.


"Toot." tunog ng door. 


Everytime may lalabas at papasok, that door will slam talaga. So ikaw kung nandun ka, di mo talagang maiwasan na tumingin kung sino mang agent ang walang pakialam sa lakas ng pag sarado ng pintuan.


Until one time, bigla itong sumara nang malakas. Nagulat ang pinsan ko at napatayo ang ibang agent kasi parang sinadya ito sa pag sara.


"Hoy Nina, wag kang mag wild jan!" pagbibiro ng iba niyang kasamahan.


"Lady guard, paki-usapan mo naman yang mabubuti mong agent na wag i-slam ang door." dagdag pa ng isa.


"Mga sira, wala akong nakitang taong lumabas o pumasok!" sagot ng pinsan ko.


"Hala ka.. baka may multo.." pagbibiro ni Marcko.


"Guys, tama na nga yan. Go back to your work." At nilapitan si Nina ng kanyang TL.


"Sigurado kabang walang tao?" 


"Opo TL. Pero di po ako natatakot. Mas natatakot pa po ako sa inyo eh. Hahaha" dinaan nya nalang sa biro.


At nagsibalikan na sila sa pagtatrabaho nang mag-ring ang phone ng TL nya at sagutin nito iyon.


Nakareceive ng tawag si Nina, nang biglang nagkagulo dun sa station ng TL niya.


"Ano po? Imposible naman yan boss. Nagsend na ako ng report sa mga ahente ko ngayon. 11 lang sila at ang apat ay naka Lunch break." paliwanag ni TL Jake sa kausap niya sa Phone.


"Hindi maari, may nakita akong isang agent pa na naka-login. Check mo nga ulit." sabi ng workforce.


Nag headcount si TL Jake sa mga agent na nasa loob ng production floor. 


"Eleven, oh si Nina Montenegro ang 11th agent dito boss."


Nakatingin lang si Nina sa kanyang TL. 


"May agent ka bang Michelle Torres?" tanong ng workforce.


"Wala po."


"Sige, saglit lang. 'Wag mong ibaba ang phone." sabi ng workforce.


Dahil hindi mapakali si Nina, tinanong niya ang kanyang TL, "TL ano po ba ang problema?" 


"Ewan ko kay Boss Jigs, sabi niya may isang agent daw dito. Eh eleven lang naman ang bilang ko, maliban sa 4 na naka lunch break." paliwanag ni TL Jake.


"Jake, hello?"


"Yes boss. Oh ano na po?"


"Check mo nga sa west wing, sa cluster E kung may naka login ba."


At dahil nasa cluster E na siya, kung saan dun rin naka upo si Nina. "Si Montenegro lang po." sagot niya hanggang sa may nakita siyang isang PC na naka turned on.


Nilapitan niya ito at tiningnan ang station. Naka standby mode ang PC  at nakalagay ang pangalang Michelle Torres.


"Boss, meron pong PC dito na may naka login Michelle Torres."


"Yan nga sinasabi ko. Di ko makita ang site niya eh. Wait lang check ko nga lang dito."


Biglang dumating ang isa pang TL na si TL George na dumaan dun malapit sa west wing. 


"What's going on?" tanong niya nila TL Jake at Nina.


Matagal na si TL George sa company na yun. Siya ang pinaka tenured sa mga TL sa kanilang account kaya Tatay ang tawag ng ibang agent sa kanya.


"Tatay, may agent po nakalog-in." turo ni Nina sa PC.


"Sir, ito po." sabay pakita ni TL Jake sa pangalan.


"Michelle Torres? Teka familiar ko tong name nato ah.."


"Kausap ko ngayon si Boss Jigs." dugtong ni TL Jake.


 Binigay niya ang phone at nag-usap sila. 


"Bro, George to. Parang familiar sakin tong si Michelle Torres." sabi ni TL George habang naka titig parin sa monitor.


"Oo nga din Bro eh, pinatawag ko na ang HR para macheck ang records. Kanina pa naka login kasi. Refresh na ako ng refresh dito." sabi ni Jigs.


Ilang saglit lang ay biglang nagulat si Jigs sa nalaman.


"George, Jake, paki off niyo yang PC na yan! Ngayon din!"naka loundspeaker siya


"Ha? Bakit? Ano na?" 


"Nakita namin dito, wala na yan."


"Anong wala na? terminated? resigned?" naguguluhan si TL Jake.


"Matagal na yang patay. Siya yung agent na namatay jan sa site niyo. Alala mo ba George?" dagdag ni Jigs.


"Ay oo, yung inatake. Kaya pala familiar. Ka-teammate ko pa to dati eh."


At simula nun, di na bumalik yung pinsan ko sa pag-upo nya dun sa West Wing, kahit na raw malamig sa ibang cluster atleast airconditioned, hindi dahil sa may kaluluwa.


  

Story Archive