Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

momoo sa office

Story Rating:

nito lng November nagpalit ng gwardya dahil expire na yung k......

Abortion

Story Rating:

Lamay kasi nung namatay naming kamag anak kaya kwentuhan kam......

Katok!

Story Rating:

Bale dalawa sila ng kaibigan niyang tumira sa boarding house......

Feet on the ground / white lady

Story Rating:

Simbang gabi, yan ang isa sa mga paborito kong gawin bago ma......

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

Headless Man

Story Rating:

Nasa 3rd year na yata ako nun nung nangyari ung encounter ko......

3rd eye

Story Rating:

Bata palang ako nakakakita na ako ng mga nilalang na d nakik......

Ang putol na daliri

Story Rating:

Naiwan si Tonyo nang siya ay 18 taong gulang pa lang at lolo......

Pasahero

Story Rating:

Kwento ito ng kuya ko nung gumamit siya ng kotse pauwi mag-i......

Triple D - Don't Dare Devil

Story Rating:

Galing ako nun sa prayer meeting namin dito sa Pasig and we ......

Top Horror Stories

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction Titig

Story Rating:

Mga alas tres na ng hapon ay nasa daan pa rin sila Fritz. Al......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Estudyante

Story Rating:

1st year college ako that time at SA(Student Assisstant) ako......

Kasabay

Story Rating:

Tinatahak ko ang mahaba at bako-bakong daan na napapaligiran......

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


THIS is not my story. Pero ikinuwento lang sa akin ng Papa ko ang kaniyang mga karanasan tungkol sa mga ghosts and other spirits noong mga kabataan niya. It was in the 80’s, dito sa aming Probinsiya ng Nueva Vizcaya.

Hindi pa gaanong kamodernisado dito noong mga panahong iyon, at dito sa aming Barangy ay nasa paanan na ng bundok, magubat at wala pang matinong kalsada, kakaunti pa ang mga kabahayan at malayo sa isa’t-isa.

YEAR 1980’S.

GABI. Magkasama ang magkapatid na sina Joe at Edie sa kakahuyan upang manghuli ng mga paniki. Isa kasi iyon sa mga exotic delicacy nila sa kanilang baryo.

Tanging flashlight lamang ang dala nilang ilaw, at tigi-isa sila ng gagamiting panghuli. (Gawa iyon sa dalawang kawayan, at may net sa gitna) Kailangan muna nilang maghanap ng mga bungang kahoy at doon na ipupwesto ang panghuli.

“Wala naman yatang mga paniki sa bandang ito.” Nababagot na sabi ni Edie.

“Maghanap na lang ako sa itaas.” Kakamot kamot na saad naman ni Joe. Tumango na lamang si Edie. Pagkaalis ni Joe ay naisip naman niyang bumaba upang makapaghanap ng mga bungang kahoy na siguradong kinaroroonan ng mga paniki.

Sa gilid ng bato ay tumalungko si Edie upang ayusin ang pagkakatali ng net sa kawayan ng panghuli niya sa mga paniki.

Napakatahimik ng paligid, at tanging mga huni ng kulisap lamang ang naririnig. Ilang saglit pa’y may kung anong kumakaluskos mula sa itaas.

May paparating.

Ang kapatid na niya siguro itong dumating. Napangisi siya. “Ano, wala ka rin bang nahuli?” tuloy parin siya sa ginagawa.

Hindi siya nito kinibo. Pero naramdaman niya ang pag-upo nito sa bato sa kaniyang likuran. Panay pa ang malalakas at mabibigat nitong paghinga na tila ba pagod na pagod.

“Mukhang pagod ka yata a. Kung wala pa tayong mahuhuli dito, ay pwede pa tayong pumunta sa itaas. Baka naroon lang ang mga paniki sa may balete. Pero susubukan ko muna dito kung meron.” Dagdag niya.

Hindi parin ito sumagot. Dinig na dinig pa rin niya ang paghinga ng kasama. Napakunot-noo siya. Ngayon lang niya napansin……. na bakit parang may mali.

Tumindig siya at lumingon sa likuran. Tumaas ang mga balahibo niya sa batok at nanlamig ang katawan. Pagka’t wala siyang ibang kasama dito.

Nag-iisa siya.

Pero sino ang taong dumating kanina at naupo pa sa kaniyang likuran?

Inilibot niya ang hawak na flashlight sa paligid. At sa may mga puno ng kape at halamang biga ay nahagip pa ng ilaw ng kaniyang flashlight na tila may dumaang lalaking nakaputi.

Nakita pa nga niyang dumaan iyon sa likod ng maliit na puno pero wala ng lumabas sa kabila.


***

SAMANTALA. “Wala na yata kaming mahuhuli ngayon.” Bulong ni Joe sa sarili. Lumapit na siya sa gamit na panghuli na nakapwesto na sa puno ng chesa at itiniklop na iyon.

Mayamaya lamang ay natatanaw na niya mula sa di kalayuan ang ilaw mula sa flashlight ng kaniyang kuya. Buhat-buhat nito sa balikat ang gamit at kung hindi lang sana madilim ay makikita niya ang pamumutla ni Edie.

“Wala din ba doon? Maghahanap pa ba tayo?” tanong niya.

“Umuwi na tayo.” Mahinang sabi nito na tila ba balisa.

“Bakit? Hindi na ba tayo pupunta pa sa itaas?”

“Hindi na. Umuwi na tayo. Para kasing may mali dito, e.”

“Paanong may mali?” kunot noo niyang tanong.

“Basta. Sa bahay ko na lang iku-kwento.” Pilit nito. Hindi na siya nagtanong pa at minabuti na nga nilang umuwi. Pagkarating nila sa kanilang bahay ay sinimulan na nga ni Edie na magkwento.

Hindi na nagtaka pa si Joe. Marami kasing mga kakaibang bagay ang nangyayari sa kanilang baryo. Lalo pa at pinaliligiran ang kanilang lugar ng makapal na kakahuyan.

***

KINABUKASAN. Nabalitaan na lamang nilang namatay na ang isang matandang lalaki sa kabilang Barangy kahapon ng umaga. Si Mang Andring. Noong malakas pa lamang daw ito’y madalas nagpupunta sa kakahuyan ang matanda upang manghuli ng mga paniki.

Nagkatinginan na lamang ang magkapatid. At nasa isip parin ni Edie kung posible nga kayang ang naka-encounter niya kagabi sa kakahuyan ay ang multo ni Mang Andring.

_The End_

  

Story Archive