Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

Creepy Stories (Part 12)

Story Rating:

Nagtatrabaho ako noon sa isang opisina sa Ortigas. Meron kam......

Katok (based on personal experience)

Story Rating:

...

SPIDERMAN

Story Rating:

Hello po sa inyo! Ako nga po pala si Jeff, gusto ko lang po ......

Selos (2)

Story Rating:

Continuation ito ng kwento ko tungkol sa experience ko ditto......

Selos

Story Rating:

Hatinggabi na ng matapos ung movie ng mapansin kong nakatulo......

Pssst... I heard it too!

Story Rating:

This story is not really a terrifying one. It was one of tho......

Totoo talaga ang aswang own experienced

Story Rating:

September 8, 2017 dito nagsimula lahat around 10:00 pm hindi......

APARTMENT FOR RENT

Story Rating:

Madami ng cobwebs sa loob kasi raw matagal na siyang di nabu......

Basement

Story Rating:

Bata pa lang ako ay nakakaramdam nako ng mga kakaibang bagay......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Nangyari 'to nung bata pa ko, siguro nasa 7-8 yrs old ako nun year 2007 or 2008 yata 'yun (23 yrs old na ko ngayon).

Usong uso pa dati 'yung laro na "BANG SAK" 'yung parang tagu-taguan pero "BANG" 'yung sinasabi nung taya kapag nakahuli na siya.. at "SAK" naman 'yung sasabihin nung mga nagtatago sabay kunwaring saksak sa may taya.

Tantsa ko bandang alas 7 na kami natapos maglaro nun, pagkatapos namin ay pumunta kami sa isang bukid malapit sa bahay ng kalaro ko.. 

'yung pinuntahan namin na 'yun ay parang malaking kulungan pero 'yung harang bakal lang na manipis, "screen" tawag ko dun haha..
tapos sa may bandang dulo nun ay may pintuan na bakal na kulay green, hindi ako sigurado sa kulay kasi gabi at madilim na..

tapos sa loob nun may mga tumpok ng mga dayami, kasi nga nasa bukid 'yun..
tapos ang nilaro naman namin dun ay 'yung baril barilan na kunwari 'yung kamay 'yung baril namin..

anim kaming naglalaro dun, nakapwesto kami malayo sa may pintuan na bakal,
tapos ang laro namin nakatago kami sa tumpok ng dayami, tapos kunwari may mga kalaban kami sa may kabilang dayami, tapos baril baril kami sa kalaban namin.

tapos kapag natalo na namin 'yung mga kalaban namin ay lalabas na kami sa may pintuang bakal sa dulo..

pero nung mga oras na 'yun.. 
pagkatingin ko sa may pintuan, may nakita akong nakaharang na kulay puti..
tapos nagtataka ako kasi hindi ko makita 'yung pintuan kasi may nakaharang na kulay puti,
tapos tinitigan ko ng maiigi.
hanggang sa napansin ko na korteng tao yun, tapos 'yun na nga, babaeng nakaputi 'yung nakaharang sa pinto.
tapos ang nakakapagtaka ang tangkad n'ya halos kasing taas na n'ya 'yung pinto..
tinitigan ko pa ng maiigi tapos napansin ko din na nakalutang s'ya, tapos walang mukha, blangko lang 'yung mukha n'ya at may mahabang buhok..
medyo kinilabutan na ko nun.
sinabi ko na sa kalaro ko na may nakaharang na babae dun sa may pintuan tapos pagkatingin nung kalaro ko, bigla na lang siyang sumigaw, ang sabi niya
"WHITE LADY 'YUN!!" tapos narinig din ng iba ko pang kalaro tapos napatingin din sila dun tapos ayun na nga nagtakbuhan na kami palabas sa may pinto na malapit sa samin hindi dun sa kabilang pinto na may nakatayong babae..

tumakbo kami lahat sa tapat ng bahay ng kalaro ko..
Napaupo na lang ako sa sobrang takot at pagod sa pagtakbo tapos hingal na hingal din mga kalaro ko sa pagtakbo, tapos mga nagtatawanan pa kami nung medyo nakapahinga na..
Mga ilang minuto bumalik kami dun.. tiningnan namin 'yung pinto kung may nakaharang pa tapos ayun nga wala na 'yung white lady sa may pinto..
tapos takbuhan ulit kami pabalik sa tapat ng bahay ng kalaro ko.. haha 'yun lang salamat!!..

First time ko magkwento dito ng ganito.. haha
salamat sa mga babasa.


  

Story Archive