Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

"Neneng"

Story Rating:

Hello po sa inyong lahat. Ako po si Philip. 1st time ko lang......

Haplos ni Lola at ang mga paru paro

Story Rating:

Sa burol malaki ang lugar may dumapong paro paro sa labas ti......

Kalampag ng Pinto

Story Rating:

Unang taon ko noon sa isang pribadong unibersidad sa Iloilo ......

Creepy Stories ( Part 9 )

Story Rating:

Bago niya patakbuhin ang kotse sabi nya groufie daw kami so ......

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Pangitain

Story Rating:

Nangyari ito years ago pa, nasa college ako noon. Meron akon......

Sino Ba 'Yun?

Story Rating:

I have 2 stories. The first was told by my mother. The secon......

School Stories 2

Story Rating:

Hi ako nga pla si Jandel. 20 years old. Gusto ko lang ishare......

OPISINA (Story 1)

Story Rating:

Sa office namin, natural na ang takutan. Itinayo ang Buildin......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......

 Fiction Magkasintahan (Short Story)

Story Rating:

Meron magkasintahan. Sobra nilang mahal ang isa't-isa. Konte......

 Fiction Lalaking Naka-itim

Story Rating:

Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at ha......

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 3 user(s)


Nakatira ako bahay na medyo bagu-bago kumpara sa mga bahay na nasa street namin. Hndi ganun kalaki pero hndi rin naman ganun kaliit. Bungalow na sakto lng para sa aming tatlo nila mama at papa. May sarili akong kwarto. Sa aking kwarto ay may kama na sakto lng para sa akin, maliit na lamesa at bangkuan kung saan ako nagdodrawing at nagkukulay. At syempre ang malaking damitang kahoy (wardrobe).


 


Yung wardrobe ay napakalaking damitan na gawa sa kahoy na dark brown ang kulay at makaluma ang design. Itong damitang ito ang pinakamalaki at pinakamataas sa lahat ng gamit ko sa kwarto na halos umabot na sa kisame. Tipikal na wardrobe. Yun parang sa Narnia. May dalwang drawer sa baba at double door para sa mga polo, dress, jacket at coats na hangeran nmn yung bndang taas.


 


Hndi ko na maalala kung kelan pa sa kwarto ko ang WD (WarDrobe). Cguro simula sanggol pa ko andun na un. Hndi ko to pinapansin, pero nitong nagkakaedad na ko medyo nabobother na ko sa presence nun. Hndi gaya ng mga WD sa mga horror movies na pag may nilalagay kang gamit bigla nlng mawawala. Ito iba. Kapag may nilalagay akong gamit o laruan sa loob. Pag tingin ko sira nlng bigla o kaya kulang ang parts or bigla nlng sobrang dumi na may itim itim na makakapal na alikabok.


 


One time naglagay ako ng box ng crayons dun, at pagbalik ko para kunin tunaw na ung mga crayons. Nagkahalo halo na ung kulay at nagkalat sa drawer. Tas isa pa, nung binigyan ako ng tita ko ng manika na hindi ko nmn ganun kagusto, tinabi ko sa loob ng drawer ng WD. Then after a month dumalaw ung tita kong nagbigay ng manika. Sabi ni mama ipakita ko daw ung manika and pretend that I liked it. Ngpunta ako sa room at binuksan ko ung drawer ng WD, pero wala. Wala ung manika. Hinanap ko sa buong WD pero wala. Ang nakita ko lng ay ang isang sapatos nung manika. At sympre. Hndi natuwa sa pagkawala ng manika at sa paliwanag ko sila mama at papa. At un napagalitan ako.


 


Nagsisimula na kong mainis sa WD. Lagi nlng ako nasisisi nila mama at papa sa mga sira sira, kulang kulang at sobrang aalikabok at duduming laruan o gamit na nilalagay ko dun. Di sila nakikinig o naniniwala na ung WD ang may gawa. Meron pa ko isang damitan na maliit. Ung 3 layers na drawer na kulay light blue at my mga sticker sticker pa. hndi ko alam ang twag sa wardrobe dati kaya pag sinasabi ko kila mama. “ung damitan ang may gawa”. Tas ung isa kong damitan lagi ang naiisip nila. Naiinis ako dahil d ko maipaliwanag ang gusto kong sabhin nuon kaya iiyak nlng ako. Kaya para masolve probelma ko hndi ko nlng ginamit ung WD, tutal d nmn dun nilalagay ni mama un mga malilinis kong damit. Kaya tinigilan ko na rin maglagay ng mga gamit dun. At di ko na din iniintindi pag nagbubukas sara ang double door ng WD tuwing gabi. Magaling ako mgpretend na d ko naririnig kaya nakakalimutan ko nlng.


 


 


 


Fast forward. Mga ilang taon sa elementarya. Grade 5 or 6 dko maalala. Meron akong kaibigan na for the first time ever!! Na makikisleep over sa amin. Excited kmi pareho kasi pareho kaming movie fanatics and we spent the evening watching 3d or animated movies sa sala. At nung oras na para matulog tinulungan kmi ni papa maglatag ng higaan nmin sa kwarto. Pagpasok na pagpasok nya sa kwarto. Nanlaki ang mga mata nya at tuwang tuwa ng makita nya yung WD. After mag goodnight ni papa at umalis, dali dali syang lumapit dun at excited na sinabing kamukang kamuka daw un ng WD sa napanuod nya dati sa Narnia. Sabi pa nya “natry mo na bang pumasok sa loob?” Sabi ko “hndi pa”, at  dali dali syang nagyaya na buksan dw nmin un double door at icheck baka my portal na papuntang Narnia. Ni sa panaginip hindi ko ginustong buksan at pumasok sa loob nun WD na un dahil sa mga naexperience ko dun. I tried to distract my friend with games or magkulay, magdrawing or manuod ulit ng movie but pursigido tlga sya. Sabi nya isara ko daw ung pinto ng kwarto at baka dw hndi mag activate ung magic. Hndi ako pumapayag kasi nga ayaw ko. Pero mapilit tlga sya. Hndi ko na sya napigilan at binuksan nya ung double door ng WD at pumasok sa loob, bago ko pa sya masundan sinara na nya ung pintuan ng WD. I tried to play it cool, sabi ko pa “haha ano nakita mo naba daan papuntang Narnia? Kuha nba ako ng pang ginaw?” Pero walang sagot. After ilang minutes sabi ko “ok tama na. lika na dto lumabas kna dyan tutulog na tau” pero wala paring sagot. Napansin ko na medyo umuuga uga ung WD at inisip ko na gumagalaw sya sa loob pero d parin nya binubuksan ung pinto. Kaya nag ipon na ko ng lakas ng loob at binuksan ko ang double door ng WD.


 


Apoy!! Ang loob ng wardrobe ay parang impyerno. Nag aapoy na usok ang bumulaga direkta sa muka ko. Naramdaman ko na unti unting nasusunog un mga dulo ng buhok ko. Sinigaw ko name ng frnd ko pero wala. Sa sobrang kapal ng usok wala akong makita sa loob. Sa sobrang takot at kaba sinara ko ang pinto at napaso ang dalwang kamay ko sa handle ng double door. Napaka init. Sobrang sakit.


 


Tumakbo ako palabas ng kwarto, sumisigaw at tinatawag sila mama at papa. Hinila ko ang nagtataka at gulat na gulat na si mama papunta sa kwarto. Ang double door ng WD ay sarado, walang usok, walang apoy walng kahit anong nasusunog. Yung frnd ko andun nakahiga at natutulog.. habang binibitawan ko na si mama wala na rin un paso sa mga palad at kamay ko. Pero ung sakit at ung init andun parin. Tinitigan ako ni mama at sabi “ssshhh… wag kang maingay natutulog na ung frnd mo” tas lumabas na sya ng kwarto.


 


Nagtataka. Nilapitan ko ang kaibigan ko. Nakita ko syang namumulta at nanginginig habang nakabaluktot na parang fetus sa knyang higaan. Hndi kami nagusap at nagsalita. After ilang mins bumangon sya at tinawagan ang mama nya para sunduin na sya. Dumating mama nya at umuwi na sila. Ilang beses ko syang sinubukang kausapin at tanungin sa school kung ano ba tlga ang nangyari pero umiiwas sya. After ilang days lumipat na sila ng bahay at lumipat na sya ng school.


 


After that night, ayaw ko nang matulog dun sa kwarto na un kasma ung WD. Sinara ko ang pinto ng kwarto ko at dun ako nakitulog sa kwarto nila mama at papa. Nung early elementary years ko narealize ko na kht ano at kht knino ko sabihin ang nangyari sa WD walang maniniwala sakin. Kaya kinimkim ko at sinarili. Naapektuhan ang aking grades, social life at nilayuan ako ng mga friends ko. Napansin nila mama at papa na nagbago ang behavior ko. Nagbasa basa sila ng mga books about how to deal with problem children.


 


After months nung sleepover incident. Nakita ko kwarto ko na nakabukas. Bagong pintura, mga bagong rugs, maliit na carpet, mga décor sa pader at pinaka importante sa lahat wala na ung wardrobe. Para akong nabunutan ng napakalaking tinik ng makita ko na wala na ung WD. Niyakap ko sila mama at papa dahil nagustuhan ko ang bagong design ng kwarto ko. Naging maaus ang buhay ko. Gumanda ang grades ko, naging maayos ang social life ko at naging ok na pakiramdam ko.


 


Sorry medyo humahaba na. But here’s one more part of the story.


 


Last week. Btw, college na ako, umuwi ako dahil bakasyon. Meron kming project na magsearch ng mga lumang articles sa dyaryo. So imbes na bumili ako sa mga tindahan ng lumang dyaryo, I just browsed online sa newspaper’s archived ng aming bayan. Un front page nun issue from November 1943 ung headline “TRAGIC FIRE pumatay ng 3 katao sa [address]”. Un nsa picture ay isang family. Nanay, tatay at anak na batang babae na my hawak na manika.


 


Ang address sa headline ay ang exact address ng aming bahay. at sa background nung family picture ay ung wardrobe.


 


Napatili ako at nanakbo papunta sa akin si mama. Pinakita ko ung laptop ko sa knya tinuturo ko ung WD na nsa picture. Kht ngaun na matanda na ko hirap parin ako magexplain pag nagugulat ako or excited or kinakabahan. Mejo naiinis si mama. Sinusubukang intindihin ung gusto kong sabhin. Tiningnan nya ung picture at nanlaki mata nya. Sabi nya “Ahh! Parehong address tama ba? Cguro d ko nabanggit sau na nung bata kapa. Ung bahay na nakatayo dito dati about 1940s ay nasunog, kagaya nung nsa headline. Ang lote ay matagal naging bakante. Ilang taon din. Bago nmin bilin ng papa mo sa murang halaga at naipatayo tong bahay na to bago ka ipanganak. Nakangiti sya habang nagkukwento. Expecting na maimpress ako sa kanilang bargain skills ni papa.


 


Medyo kumalma na ko at nakapag salita ng maayos. Sabi ko “Hindi yan ma. Yung Wardrobe! Yang damitan na yan. Yang malaking cabinet na yan na nasa picture, kapareho nung wardrobe na nsa kwarto ko nung bata pa ko.”


 


Kumunot ang kilay ni mama at tiningnan ulit un picture. “anong wardrobe?”


 


Tinuro ko ulit sa picture. “Yan! Yang damitan na yan, ganyng ganyn un nsa kwarto ko nuon. Naalala mo ma?”


 


Nagtataka syang tiningnan ako. At hnding hndi ko malilimutan ang mga sumunod nyang sinabi.


 


“Wala tayong Wardrobe”


 


 


  

Story Archive