Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

Sabi nila

Story Rating:

Paakyat na si Linda ng makasalubong ang kumareng si Mary sa ......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

1000 peso bill (Short Story)

Story Rating:

Last year ito nangyari sa may kwarto ko, bali nakikitira lan......

White Lady

Story Rating:

Usong uso pa dati 'yung laro na "BANG SAK" 'yung parang tagu......

Doble (Short Story)

Story Rating:

Pasko nun,at alas 12 na ng hatinggabi,pero kami ay tuloy par......

Dalaw

Story Rating:

Nung mga panahon na yun ay pinaghahandaan ng parents ko ang ......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Jollibee Scare 3

Story Rating:

Ang sabi nya, nung tinitigan nya yung lalaki, nakita nyang n......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

ANG MANIKA KONG SI SAM

Story Rating:

I have this doll named SAM, binigay sya sakin ng lola nung 9......

Jollibee Scare 4

Story Rating:

Marami nang crew ang nakakakita sa multo ng isang bata sa is......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

New Fictional Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......

 Fiction Horror House

Story Rating:

Nang makalayo na ay hapung-hapo na tumigil sila sa isang tab......

 Fiction Hanggang sa Kabilang Buhay

Story Rating:

...


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Walang Bampira sa Pilipinas “ANO BA NAMAN ITO?” galit na tanong ni Brando.


“Hindi ba nila alam na walang bampira sa Pilipinas!” Kasalukuyang pinapanood ng lalake sa maliit na telebisyon na nasa kanyang harapan ang isang sikat na soap opera tungkol sa mga bampira. Ayaw naman talaga niya sa palabas na iyon ngunit wala naman siyang ibang mapagpipiliian dahil ‘yun lamang ang istasyon na nakukuha ng kanyang TV.


Wala rin naman kasi siyang ibang mapagkakaabalahan. Wala kasing kalaman-laman ang maliit na bahay na kinaroroonan niya. Tanging ang telebisyon lamang na nakapatong sa isang kahoy na lamesa, ang lumang silya na inuupuan niya, at ang batang nakagapos at nakapiring ang mga mata na nakahiga sa isang maduming kutson ang makikita sa loob ng bahay. “Nakakatawa naman ito,” sabi ni Brando sa bata.


“Tingnan mo, ang panget-panget pa ng effects!” Biglang naalala niya na hindi nga pala makikita ng bata ang pinapanood niya. “Ay, sori. Nakapiring ka nga pala.” Isinandal ni Brando ang hawak niyang Armalite sa pader at kinuha ang isang sigarilyo na nakaipit sa kanyang tainga. Dinukot niya sa bulsa ng kanyang pantalon ang kanyang lighter at mabilis na sinindihan ang yosi. Malalim ang unang hithit niya, ninanamnam ang usok. “Ay, sarap!”


Sa palabas, dalawang sikat na artista ang naglalaban. Napatawa si Brando ng malakas. “Grabe talaga ‘to. Nakakatawa!” Biglang nag-ring ang cellphone niya na nasa kanyang bulsa. Nagmamadali niya itong kinuha at sinagot. “Hello, Lucas… oo, ayos lang dito… tahimik naman ‘yung bata… sige… sige.” Muli siyang bumalik sa kanyang panonood. “Alam mo bata,” sabi niya sabay lingon sa batang nakahiga, “ang mga bampira kasi, pang-ibang bansa lang ‘yan. Dinala lang ‘yan ng mga mananakop dito.” Hindi umiimik ang bata. Tahimik lamang itong nakikinig. “Saka, ano bang maganda sa mga bampira? Unang-una, mga bangkay na sila. Wala na silang nararamdaman.


Tapos, araw lang patay na sila.” Patuloy lang sa paglalaban ang dalawang bampira sa palabas. Umuungol pa sila na parang mababangis na hayop. “Isa ‘yan sa mga dahilan kung bakit ayoko ng palabas na ito. Bakit hindi sila nasusunog sa araw? Mali! Maling-mali!” Muling nilingon ni Brando ang bata. Wala pa rin itong kibo. Napakunot ang noo niya. Noong dinukot kasi nila ang bata, ni hindi man lamang ito sumigaw o nanlaban. Ni hindi rin umiyak. Sintu-sinto ‘ata ito, naisip niya. Pero siguradong tiba-tiba kami kapag natubos na ‘to. Muli siyang humarap sa TV. “Isa pa. Bakit puro magaganda at guwapo ang mga bampira? Saan ba nila nakuha ang ideya na ‘yun? ‘Di ba isang malaking kalokohan?” Tumayo siya at nag-inat-inat. Pagkatapos ay lumapit siya sa TV at pinatay ito.


“Ewan ko ba kung bakit gusto ng mga Pinoy ang mga bampira, eh-“ Naputol ang sinasabi ni Brando ng isang malakas na kalabog ang narinig niya mula sa bubong. Nagulat siya at napatingala. “Ano ‘yun?” Naalala niya na inilapag nga pala niya ang kanyang baril. Kukunin na sana niya ito ng biglang bumukas ang pinto ng bahay. Pumihit si Brando upang makita kung sino ang di-inanyayahang bisita ngunit bigla na lamang niyang naramdaman na may humawak sa leeg niya at itinulak siya paatras. Napapikit siya sa sakit ng humampas ang kanyang katawan sa pader. Pagkatapos ay naramdaman niya na inangat siya ng kung sino mang sumasakal sa kanya.


“Walang-hiya ka!” Kakaiba ang tunog ng boses na narinig niya. Garalgal ito na para bang galing sa ilalim ng lupa. Napadilat tuloy siya. Gimbal siya sa kanyang nakita. Isang babae na gulu-gulo ang buhok ang nasa harapan niya. Sakal-sakal siya nito gamit ang isang kamay lamang. Galit na galit ang mga mata nito na kulay dugo. Ngunit ang totoong nagdulot sa kanya ng matinding takot ay ang matatalas na ngipin ng babae. “B-Bampira!” mahinang sabi ni Brando. Biglang napakunot ang noo ng babae. “Anong bampira? Hindi mo ba alam na walang bampira sa Pilipinas? Aswang ako.” Sa isang mabilis na pagkilos ay ibinaon ng babae ang kanyang kamay na may matutulis na kuko sa tiyan ni Brando. Napanganga lamang ang lalaki sa sakit, ni hindi na nagawang sumigaw.


Inilabas ng babaeng aswang ang kanyang kamay at itinapat sa mukha ni Brando. Nakita ng lalaki na hawak-hawak nito ang kanyang atay. Bigla siyang binitiwan ng babae. Bumagsak siya sa lapag na parang isang gulay. Hindi naiintindihan ni Brando kung ano ang mga nangyari. Pumikit siya, umaasa na pagdilat niya ay matutuklasang panaginip lamang ang lahat. Ngunit bago niya tuluyang maipikit ang kanyang mga mata, nakita niya na ibinigay ng babaeng aswang ang kanyang atay sa bata, na hindi na nakagapos. “Anak, ayos ka lang ba? Heto, alam kong gutom na gutom ka na.” “Salamat nay. Buti na lang dumating ka na. Kanina pa ako naiinis sa lalaking ‘yan. Kanina pa sabi ng sabi na wala daw bampira sa Pilipinas. Eh, talaga namang wala! Takot lang nila sa atin, di ba?” Sabay na tumawa ang mag-ina.


  

Story Archive