Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Ang Kotse

Story Rating:

Gusto ko lang i share ang aking experience sa inyo, sana mag......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

Ang Matanda sa Bintana ( zitskylove)

Story Rating:

Taong 1989 noong ako ay ipanganak, ang sabi ng nanay ko, lap......

Ghost Town Dos

Story Rating:

Hello po eto po ulit ako si Zac. Tagal naman po ulit na hind......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

Multo ng Nakaraan

Story Rating:

Hi! This is a true story na nangyari pa noong grade 6 pa lan......

Class Room

Story Rating:

Thursday or Friday yata ito nanyare,Grade 5 palang ako.Isa s......

Jueteng (2egundo)

Story Rating:

Bata pa ako nung nangyari ito. Elementary days pa yun. Batan......

Creepy Stories ( Part 10 )

Story Rating:

Portal. Yun ang nakita ko sa gitna ng mga malalagong puno nu......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......

 Fiction Magkasintahan (Short Story)

Story Rating:

Meron magkasintahan. Sobra nilang mahal ang isa't-isa. Konte......

 Fiction Lalaking Naka-itim

Story Rating:

Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at ha......

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (2/5)
by 1 user(s)


'Shania, dinala ko nga pala mga libro mo. Pinakealamanan ko na ang locker mo kasi may mga assignments tayo dyan. Ito nga pala yun ibang notes natin pati na rin pointers to review para kahit andito ka sa ospital, may maisagot ka sa final exam natin next week." Kinuha ni shania ang mga libro at notebook na dinala sa kanya ni meray, tiningnan nya ito isa isa at saka pinagtatapon sa lapag. "Ayoko nito meray!! Ialis mo yan sakin!! Hindi ko na magagamit yan. Hindi na ako magiging abogador, doktor o kung ano paman. Dahil mamamatay na ako! Mamamatay na ako!!!" Sumobsub si shania sa kanyang hospital bed at doon ay binuhos ang luhang patuloy ang pag-agos sa kanyang mga mata. "Shania, andito lang ako para sayo. Wag kang mawalan ng pag-asa." Nagyakap ang dalawa ng mahigpit ngunit patuloy ang pagluha ni shania.

Si shania at meray ay 4th year highschool. Magpinsan buo sila, magkaklase, magkabarkada. Sila lamang ang tanging magkasama sa kanilang paaralan simula noon pa man. Namatay ang tatay ni shania noong tatlong taon gulang palang sya. Kanser sa utak ang kinamatay nito. Ang nanay naman nya na kapatid ng nanay ni meray ay namatay rin ng sya'y pinanganak. Kaya naman tinuring na syang anak ng kanyang tyahin at kapatid para kay meray. Nang mag sampung taong gulang si shania ay nadiagnose ito na may kanser sa buto. Hindi pinaalam ng magulang ni meray ito sa kanilang dalawa. Hindi naman sila ganoon kayaman kaya hindi nila napagamot si shania. Lahat ng simtomas ng may kanser ay naramdaman ni shania, pagpapasa ng katawan, pagdurugo ng ilong at kung ano ano pa ngunit hindi nya ito inalintana dahil akala nya ay ordinaryong nangyayari lang ito lalo at mainit ang klima sa pilipinas. Nang maging labing anim na taon gulang si shania ay dumating na ang hangganan ng kanyang sakit. Nahimatay sya sa kanyang klase na nagdurugo ang ilong at dinala ng prinsipal sa ospital. Doon ay pinagtapat ng magulang ni meray ang lahat. Ngunit huli na ang lahat. Isang bwan nalang ang itatagal nya sa mundo...

"Shania, may awa ang dios. Lumapit ka sa kanya." Bumitiw si shania sa pagkakayakap kay meray.

"Kasalanan nyo to. Kasalanan ng magulang mo! Nanghinayang kayo sa pera. Ayaw nyo akong ipagamot! Noon nyo pa pala alam!"

"Hindi ko alam shania! Sumpa man! Kung pwede lang na..."

"Kung pwede lang ano meray? Kung pwedeng ikaw ang may sakit? At ako ang pwedeng gawin ang lahat ng gusto ko? Kalokohan! Wala ninoman gugustuhin magkakanser tulad ko!!"

"Shania, mahal na mahal kita. Ikaw lang ang pamilya ko, ang kaibigan ko. Maniwala ka sa akin!"

"Umalis ka na meray. Umalis ka na. Hindi kita kailangan.." Ayaw man ni meray ay umalis na lamang ito. Malungkot na malungkot ang mukha ni meray. Nang makalabas na ng pintuan si meray ay humagulgol muli si shania. Hindi makapaniwala sa kanyang malupit na tadhana.

****************

"Ring... Ring.... Ring.... Hello?"

"Hello meray?"
"Shania?"

"Oo, si shania nga ito. Pwede mo ba akong dalawin ngayon?"

"Madaling araw na shania, 2am na dito eh. Pero, sige..."

"Salamat meray ah. Aasahan kita..."

Nagdadalawang isip man si meray na umalis ng bahay upang puntahan sa ospital si shania ay pinuntahan pa rin nya ito. Tumakas na lamang sya sa bahay, dumaan sa kwarto ng kanyang bintana at sumakay ng taxi. Nakarating naman sya sa ospital ng ligtas at tuwang tuwa dahil kahit papaano ay hindi na sa kanya galit si shania.

"Hi shania! Buti naman tinawagan mo ako at pinapunta dito. Akala ko kasi hindi mo na ako kakausapin pa kahit kailan."

"Pwede ba naman yun meray? Eh magbestfriend tayo!" Bumangon si shania sa pagkakahiga nito at umupo. "Halika nga dito meray ng mayakap kita!" Ngumiti si meray at nagmadaling pinuntahan ang kama kung nasaan si shania. Nagyakap ng mahigpit ang dalawa.

"Meray, pwede bang humingi ng pabor sayo?" Bumitiw ng yakap si shania kay meray at yumuko.

"Ano ba yun shania? Sabihin mo sakin at gagawin ko..."

Tumingin muli si shaina kay meray at tinitigan ito ng maluha luhang mata. "Meray, naalala mo ba nung bata pa tayo? Kapag naoospital si tita, si mama mo. Nagpupunta tauo sa may rooftop at naglalaro tayo don..."

"Oo naman shania! Yun ba makakalimutan ko! Masayang masaya kaya ako pag naglalaro tayo dun. Minsan nga diba muntik na akong mahulog dahil sa paglalaro ko ng balanse balanse sa gilid ng coridor sa rooftop."

"Pero niligtas kita meray diba?" Matalim ang tingin ni shania kay meray ngunit hindi ito napansin ni meray dahil nakatingin sya sa kawalan. Tila sinasariwa ang magandang nangyaring iyon.

"Oo, niligtas mo ako shania." Napatingin si meray kay shania at kinuha ang mga kamay nito. Pinisil at nilapat sa kanyang pisngi. "Utang ko sayo ang buhay ko shania. Kung naisip mo o natakot kang hindi ako tulungan, baka patay na ako ngayon." Lumungkot ang mukha ni meray at dinama ang kamay ni shania sa kanyang pisngi. "Pero, tinulungan mo ako. At niligtas ako kaya gagawin ko ang lahat para sayo..."

"Kung ganon, magpunta tayo sa rooftop at maglaro muli. Pero ako na ang maglalaro ng balansehan meray."

"Shania, ano ka ba? Sa kalagayan mong yan. Mahina ka pa at..."

"Natatakot ka ba meray na iligtas ako? Akala ko ba gagawin mong lahat?"

"Oo shania ngunit... Wag kang magpapakamatay... Habang buhay ka pa, may pag-asa ka pang maligtas..."

"Meray, hindi ako magpapakamatay. Maglalaro lang ako. Tayo. Yun lang... At pwede ba, kung noon pa ako napagamot, hindi ako mag gaganito." Parang tinusok ang puso ni meray sa narinig. Bumuntong hininga na lamang ito at tumayo. Ngumiti at inabot ang kamay kay shania.

"Halika na shania. Maglaro na tayo!" Ngumiti din si shania at inabot ang kamay ni meray. Magkahawak kamay silang nagpunta sa rooftop.

"Ang daming ala ala ko dito meray. Ang dami dami. Yun una kong crush naalala mo? Yun pinagalitan ako ni tita... Yun ninakaw ko yun brief ng kapitbahay natin gwapo! Hahahahaha! Dito natin yun pinagsigawan sa mundo. Lahat ng tuwa, galit at kalungkutan. Itong rooftop na ito ang piping saksi!! Hay meray!!!"

"Shania, gawin na natin! 1 2 3...."

"Woooooooooooooooooo­­ooooooo!! Wooooooooooo!!!! Hahahahaha!" Sabay na sumigaw at tumawa ng malakas ang dalawa." Sabay nahiga sa lapag ng rooftop. Tiningnan ang mga bituin sa langit. Pagkatapos ay naghawak kamay at pinaghugis puso ang tag kabilang kamay.

"Shania, mahal na mahal kita."

"Ganon din ako meray. Pero, natatakot ako... Natatakot akong mamatay." Bumangon si shania sa pagkakahiga at humagulgol nalang habang nakasubsob ang mukha sa palad.

"Shania, wag ka mawalan ng pag-asa. Halika na! Wag ka na umiyak at maglaro na tayo." Ngumiti muli si shania at tumayo silang dalawa. Nagpunta ang dalawa sa dulo ng rooftop at doon ay naglalakad lakad. Nagsasayaw, nagkakangtyawan at nagtatawanan. Sabay lumakad palayo si shania kay meray.

"Meray" tumayo si shania sa pinakadulo ng lapag, nakangiti sya at nakangiti pa rin si meray. Pumikit naman si shani at sinabing:"Tingnan natin ngayon meray kung totoong may pag-asa akong mabuhay." Nagulat si meray sa sumunod na ginawa ni shania! Nagpatihulog ito mula sa 45th floor ng gusaling iyon! "Waaaagggggggggg!!!"­­ Tumakbo ng mabilis si meray, at tumalon din upang habulin ang nahuhulog na si meray.

Nagising nalang si shania dahil sa sakit ng kanyang likod. Bumukas ang kanyang mga mata ngunit wala syang makita dahil sa napakadilim. "Meray? Meray nasaan ka?" Tawag nya at napan sin nyang sya ay nakahiga. Nang babangon na sya ay hindi sya makagalaw. Masikip ang kinalalagyan. Tinaas nya ang kanyang mga kamay at ginalaw ang mga paa ngunit sa gulat nya ay may harang sa kanyang pwedeng gawalan! "Meray! Meray!"

Kinalampag nya ang nkaharang sa kanyang harapan at nagsisigaw. "Meray! Meray!!" Ginapang nya ang mga kamay nya sa gilid ng kanyang katawan hanggan sa may makapa syang bagay sa kanyang bulsa. Kinuha nya itong agad at hinawakan mabuti. Isa itong cellphone kaya dali dali nya itong pinagpipindot. Dahil sa walang ilaw ito ay pinindot nya ang switch on nito. Nanginig sya sa takot ng makita nya na nasa loob sya ng isang kabaong! "Meray!! Tulong! Tulungan nyo ako!!! Tulungan nyo ako dito! Palabasin nyo ako!!!" Pinagkakalampag ni shaina ang takip ng kabaong at nagsisigaw.

Nagising muli si shania ngunit nasa ospital na sya. Kwarto nya iyon sa ospital at kita pa nya ang dextrose na nakasabit sa bakal na sabitan nito. Nakita nya sa bandang kanan ang kanyang kinikilalang magulang na magkayakap. Bumangon sya sa kanyang kinahihigaan at. Ito'y napansin ng kanyang magulang. Naghiwalay ang dalawa ng mapansin na gising na si shaina. Lumapit naman ang kanyang kinikilalang ina sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Hinawakan ang kanyang kamay. "Shania, wala na si meray. Kasama na nya ang ating may kapal." Nakangiti ang kanyang ina at nang tumingin sya sa ama na nakatayo sa likuran ng ina ay nakangiti din ito.

"Wala na si meray? Wa-wala?" Gulat na gulat si shania sa narinig kaya napaurong ito at binawi ang kamay. "Oo meray. Nasa masayang lugar na sya ngayon!" Tila ay excited pa ang ama nito sa sinabi. Dahil sa nagtataka si shania ay galit ang naging reaksyon nya. "Ok lang kayo? Namatay si meray! Namatayan kayo ng anak pero tuwang tuwa pa kayo?? Nababaliw na ba kayo???"

"Anak, hindi sa ganoon. Natutuwa kami dahil kasama na nya ang ating Dios. Ang lumikha sa atin!" Masaya at maaliwalas ang hitsura ng ina.

"Pinagloloko nyo ako! Umalis kayo dito! Umalis kayo!!!" Lumabas ang mag-asawa sa kwarto ni shania habang nagtataka sa reaksyon nya. Si shania naman ay napasubsob sa kama at humagulgol sa sakit na nararamdaman dahil sa nalaman.

"Meray! Meray!! Bakit?! Bakit mo ako iniwan! Meray!!!" Hindi matanggap ni shania sa sarili na wala na ang pinakamatalik na kaibigan. Nakatulog sya sa kakaiyak at nagising dahil sa ginising ito ng kanyang ina.

"Anak, shaina, uuwi na tayo." Bumangon ito at nakita ang mga maleta at gamit nya na nakaayos na.

"Bakit ma, wala na ba tayong pambayad dito sa ospital? Hahayaan mo nanaman ba ako ulit na mamatay nalang sa bahay."

"Hindi anak. Magaling ka na! Wala ka nang sakit! Wala ka ng kanser!"

"Sinungaling!" Bigla ay dumating ang kanyang doktor sa kwarto.

"Hindi nagsisinungaling ang iyong ina shania. Wala ka ng sakit. Wala ng taning ang buhay mo!!!"

Napaiyak si shania sa narinig. Tuwang tuwa ito at nagpasalamat sa doktor. "Salamat doc. Salamat."

"Sa Dios ko magpasalamat anak. Sya ang nagpagaling sayo. Sige anak. Mauna na ako." Halos magtatalon sa tuwa si shania ngunit nalungkot din ng maalala si meray. "Meray, sana nandito ka... Sana nandito ka..."

Nakauwi ng gabing iyon sila shania at mga magulang nya. Naghapunan sila ng sabay sabay. Nagtataka naman si shania dahil namatayan na nga sila pero walang bakas sa mga magulang nya ang kalungkutan. Nagtatawanan pa ito habang nagkwekwentuhan.

"Ma, paano ba namatay si meray?" Natihim ang dalawa sa kanilang pag-uusap. "Hmmm, nakita nalang kayo sa hospital grounds na nakahiga. Nahulog ata kayo sa taas ng building. Yun lang."

"Ma, bakit ako buhay? Pareho naman kaming nahulog?"
"Wag na natin pag-usapan yan shania. Kumain ka nalang."
"No! You need to tell it to me!"
"Si meray, nakitang nakahiga sa lapag. Nabakok ang ulo, tapos ikaw... Ikaw nasa ibabaw nya. Nakadapa ka sa katawan nya."
"Whaaaat??? Ako! Ako ang may dahilan kung bakit sya namatay? Ako? Ako dapat ang namatay hindi sya!"
"No shania anak.. Hindi sa ganoon. Oras na nya kaya.."
"Kaya ano? Kaya sya namatay? Pinatay ko sya ma! Pinatay ko sya pero bakit ang saya saya nyo pa rin! Bakit hindi kayo magalit sakin o sisihin nyo ko! Bakit ganyan kayo?!"
"Shania, anak. Nasa mabuting kamay na ang kapatid mo. Nasa langit na sya. Walang paghihirap, walang pagdurusa." Tumayo si shania at binato ang kutsara't tinidor na hawak.

"Shit! Ako dapat ang mamamatay pero sya ang namatay ako! Buhay pa rin! At nawala ang sakit ko! Kahit sino magtataka eh! Kahit sino magagalit sakin lalo na at ako ang may kasalanan ng pagkamatay nya pero imbes na magluksa kayo! Tuwang tuwa pa kayo na namatay sya!! Anong klase kayong magulang!!!" Umalis si shania sa harap ng lamesa at lumabas. Ang kanyang mga magulang naman ay lumungkot ang mukha.

"Stupid! Stupid nila!! Namatayan na sila ng anak! Natutuwa pa rin! Mga weirdo! Hays... Meray! Bakit mo ako iniwan? Bakit??" Naglalakad si shania sa loob ng kanilang subdivision, kinakausap ang sarili at biglang tumunog ang cellphone.

Kinuha nya ito at binasa.

"Shania, andito ako..." Nabagsak ni shania ang cellphone dahil sa nabasa. Ngunit pinulot din ito at natawa sa sarili ng maalala na iba ang numero ng cellphone.

"Hoy gago! Kung sino ka man, wag mo akong lokohin!" Ito ang sinagot nya sa nagtext. Ibabalik na nya sana ang cellphone sa bulsa ngunit tumunog ulit ito.

"Hindi ako nagbibiro shania. Si meray ito at palagi mo akong kasama saan ka man magpunta." Nainis na si shania sa text na natanggap. Sinagot nya ito. "Kung ikaw talaga si meray. Prove it." Hinintay ni shania ang sagot ng nagtext ngunit limang minuto na ay wala pa rin. "Pwe! Poser talaga yun. Sinayang lang oras ko." Inilagay na ni shania ang cellphone sa bulsa ngunit maya maya ay tumunog itong muli. Kinabahan si shania ngunit kinuha pa rin ang cellphone. Dahan dahan na binuksan ang text message. Picture ang kanyang natanggap at unti unti itong lumalabas. Kinilabutan sya ng makita nya ang kanyang litrato, don mismo sa oras na iyon ang binigay ng nagtetext sa kanya. Takot man ay sinagot pa rin nya ito. Galit na galit na sya.

"Hoy hayop ka! Kung sino ka man stalker ka! I'm calling the police kaya tigilan mo na ako!!" Kakasend palang nya ay nagreply na ito agad.

"Shania, diba kelangan mo ng pruweba na ako ito? Hindi mo ba ako nakikita?" May kasama muling litrato nya ang sinend at nang titigan nya ng mabuti ay napatili sya sa takot! Binato na rin nya ang cellphone nya sa malayo at tumakbo palayo sa kanyang kinatatayuan. Sa litrato na nakita ay kitang kita ang hitsura ni meray na katabi sa kanan ni shania, duguan ang ulo at tila ay naagnas na ang mukha.

Hindi malaman ni shania kung saan sya pupunta. Basta ang alam nya ay aalis sya sa lugar na iyon. May biglang tumunog naman syang narinig. Hindi nya malaman kung saan iyon galing dahil sa kahit na tumatakbo sya ay malakas pa rin ang tunog nito. Napatigil sya sa pagtatakbo at hingal na hingal. Tumutunog pa rin ang kanyang naririnig at ang tunog ay nanggagaling sa kanyang katawan. Kinapa nya ang bulsa at napalunok ng maramdaman ang kanyang cellphone. May tumatawag sa kanya at ang lumalabas na numero dito ay ang cellphone number nya!! Kinakabahan man si shania ay sinagot nya ito.

"P*t*ng in* mo! Kung sino ka man! Tigilan mo na ako!!" Sigaw ni shania sa kanyang kausap ng sagutin ang tawag sa cellphone. Ngunit halata boses nito ang takot.

"Shania..." Isang malamig na boses ang narinig nya sa kanyang kausap.
"Ano! Ano pa bang gusto mo sakin!! Tantanan mo na ako!!!" Umiiyak na si shania dahil sa sobrang takot nito.

"Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting kalagayan ako ngayon. Wag ka ng malungkot pa o sisihin ang sarili mo sa pagkamatay ko. Hindi kita sinisisi o kahit sino pa man sa naging kapalaran ng buhay ko. Kaya sana, wag mo na din sisihin pa ang sarili mo. Kung panahon ko na, panahon ko na talaga shania. Masaya ako dahil makakasama ko na ang lumikha satin, ang Dios na maykapal. Shania, mahal na mahal kita. Ikaw lang ang kapatid na pinangarap ko..." Tumulo ng sunod sunod ang luha ni shania sa bawat salitang binitawan ni meray ngunit wala ka man anong tunog na maririnig mula sa kanya. Bago pa man bumuka ang bibig ni shania ay tumaginting ang "busy tone" sa kabilang linya. Napahagulgol naman si shania ng mapagtanto sa sarili na hindi na nya masasagot pa ang pagmamahal na inuukol sa kanya ni meray. Gusto man magsisi ngunit tumatak sa isip nya ang lahat ng sinabi ni meray. Napapikit si shania at napaluhod s kalsada dahil sa sakit na nararamdaman. Sakit, hindi dahil sa wala na si meray bagkus dahil sa mahal na mahal sya ni meray ngunit di nya napantayan ito.

Pagdilat muli ni shania ay nasa isng kwarto sya at kung ano anong aparato ang nakasuksok sa bibig, at katawan nya. Nakikita nya ang maraming doktor at nars na hindi magkandaugaga sa loob ng kwartong iyon, nasa kanyang harapan. Naririnig nya ang isang aparato na nagsisimbolo ng kanyang paghinga. Nang silipin nya ay "straight line" na ang makikita mo sa monitor. May isang doktor na ginagawa ang CPR sa kanyang katawan at tinanggal ang aparato sa bibig upang bugahan ito. Kumukurba ang "straight line" sa monitor ng aparatong iyon ngunit bahagya lamang. Pinasakan muli sya ng "oxygen mask" sa bibig at kung ano ano ang iniindyek sa kanya. Kinuha na rin ang "electric wave" na aparato at nilagay sa kanyang dibdib ngunit unti lamang ang pagkurba nito at hindi ma-stabilize ang ganoong pagkukurba, hindi rin makamit ang standard na kurba na nagsasabing mabubuhay ang pasyente. Maya maya ay pumasok si shania na nagmamadaling lumapit sa kanya at umiiyak ng umiiyak. Ang mga doktor at nars naman ay pinigilan pang makalapit ng tuluyan si meray kay shania at pinalalabas ng kwarto. Kaya naman buong lakas na inalis ni shania ang "oxygen mask" sa kanyang bibig.

"Meray, meray." Gumagaralgal na tawag ni shania sa kaibigan. Natigil naman sa pagpapalabas kay meray ang mga doktor at hinayaan na nila itong makalapit kay shania.

"Shania, nandito lang ako. Labanan mo sakit mo shania. Labanan mo. Kaya mo yan. Wag mo akong iiwan. Huhuhuhu" hagulgol ni meray habang nakaluhod ito at nakahawak sa kamay ni shania at umiiyak.

"Meray, wag kang iiyak. Hindi na ako takot mamatay. Makakasama ko na ang Dios, ang lumikha satin lahat. Wala akong sinisisi sa kapalaran ko. Hanggang dito nalang ang binigay na buhay sa akin ng Dios. Ang pinahiram na buhay ng Dios. Mahal na mahal kita meray. Mahal na mahal kita. Patawarin mo ako sa mga nagawa kong mali sayo at sa mga magulang natin."

"Wala kang kasalanan shan..." Hindi na natuloy pa ni meray ang sasabihin dahil pinigilan na ito ni shania. Nilagay ang hintuturo sa sa kanyang bibig senyales na wag na syang magsalita pa.

"Ssshhhhhhh... Madami akong kasalan sa magulang natin, lalo sayo. Kaya humihingi ako ng tawad. Patawarin mo ako. At salamat sa lahat meray. Salamat sa pagmamahal mo na hindi ko kayang pantayan..." Dalawang luha lamang ang pumatak sa magkabilang mata ni shania at napapikit na si shania...

"Teeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet" isang "straight line" na muli ang nasa monitor ng aparato ng buhay. Nagmamadaling lumapit ang mga nars at doktor kay shania at ang isa ay pinalayo si meray dito. Humagulgol naman si meray habang naglalakad palayo kay shania, ngunit nakaharap pa rin ito sa kanya. Nirerevive ng mga doktor si shania ngunit wala ng nangyayari. Isang mahabang linya pa rin ang nakikita sa monitor.

"Dios ko, dios ko. Si shania, dios ko...." Malakas na iyak ni meray habang nakikita ang ginagawa ng mga doktor. Ilan minuto pa ang lumipas ay tumigil na ang pagrerevive kay shania.

"Time of death, 10.23pm." Nang marinig ni meray ito mula sa doktor ay sinugod nito ang ngayon ay bangkay na ni shania. Sinubsob ang sarili sa katawan ng matalik na kaibigan at nagsisiiyak. Halos magwala na ito doon dahil sa sakit ng pagkawala ng pinakamamahal na kapatid. Nang muli pa nyang silipin ang mukha ni shania ay napatigil sya sa kanyang pag-iyak. Kitang kita sa mukha ng kaibigang si shania ang kasiyahan, kapayapaan at pagmamahal.

"Wag natin sayangin ang ating buhay dahil ito ay HIRAM lamang. Magpasalamat sa Dios at mahalin ang mga taong karapat dapat sa ating pagmamahal. Wag sisihin sinuman bagkus ay pahalagahan ang bawat isa. Hindi natin masasabi kung kailan tayo kukunin ng Dios, pero alam natin kung kailan natin ipapakita ng buong buo ang pagmamahal sa ating pamilya, kamag-anak at kaibigan. Magmahalan po tayong lahat."

WAKAS


  

Story Archive