Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

3 Times Knock (Part 1)

Story Rating:

I am 21 years old, and at my age hindi talaga ako naniniwala......

Lalaking walang mukha 2

Story Rating:

Nangyari po this year lang, mga march po siguro ito ay bas......

lalaking walang mukha

Story Rating:

Ako po si kenie at dito po ako ako sa cebu ng tatabraho ......

"Kilabot Sa Bahay Namin"

Story Rating:

Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......

The Gifts

Story Rating:

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......

At The Kids' Camp

Story Rating:

This story happened last Friday (May 31, 2019) to my mother ......

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

Creepy Stories (Part 12)

Story Rating:

Nagtatrabaho ako noon sa isang opisina sa Ortigas. Meron kam......

Katok (based on personal experience)

Story Rating:

mauulan pa rin at malamig pa rin ang month n yun. 3rd week n......

SPIDERMAN

Story Rating:

Hello po sa inyo! Ako nga po pala si Jeff, gusto ko lang po ......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

The Gifts

Story Rating:

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

New Fictional Horror Stories

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated 0(/5)
by 0 user(s)




"Look, hon, tingnan mo," nakangising sabi ng lalaki sa nobya sabay turo sa isang batang pulubing nakaupo sa labas ng isang fast food chain.

May hawak kasing cell phone ang bata, kakatwa para sa isang pulubing tulad nya, naiisip ng lalaki. Palinga-linga ang bata sa babaeng katabi nito, na malamang ay nanay nya. Umiling ang babae, sabay nguso sa kinaroroonan ng lalaki. Maya-maya pa'y tumayo ang bata at lumapit sa sasakyan nila.

"Naku, hon, manlilimos ata," sabi nito sa nobyang abala pa rin sa pagpi-facebook.
Naipit kasi ang kotse nila sa traffic at halos magkakalahating oras na sila roon.

Sa wakas ay nag-angat ng mukha nya ang nobya mula sa pagpi-facebook at tumingin sa papalapit na bata. "Sandali, hon." May kinuha ito sa wallet, binaba ang bintana ng kotse, at tinawag ang bata. "Hon, kunan mo nga kami ng picture, dali!" Sabay ngiti habang iniaabot sa bata ang beinte pesos. Tuwang-tuwang tumakbo pabalik sa nanay nya ang pulubi.

"Saan kaya nya nakuha ang cell phone? Malamang na-snatch."

"Malay mo naman..." anang nobya nito. Balik na ito sa facebook at ipinost ang nakuhang larawan ng batang pulubing may cell phone at ang ginawa nyang charity work. Mabilis na kumalat sa social media ang post nyang iyon.

*********************

"Tingnan mo nga naman ang mga taong 'to. Wala nang makain inuna pa ang load!," ang nasa isip ng tinderang binilhan ng load ng batang pulubi.

"Buti pa sila nakakapag-cell phone pa! Iba na nga panahon ngayon!" At bumalik na ito sa naantalang pagbibilang nya ng kita sa oras na 'yon.

**************************

Malakas ang tunog ng text notification. Nabitawan ng isang matandang lalaki ang lubid at bumaba mula sa bangkitong kinatatayuan nya. Nangangatal na binasa nya ang message sa cell phone:

"Tay musta ka na dyan? Sana mareceive mo text na to. Hindi ko nga alam kung ito pa rin number mo o kung me cp k pa.

"Si Nonong to tay. Tanda mo pa ko? Kami ni nanay? Nakapulot ako ng cp kagabi hehe. Sa me pas pud dito. Nanlilimos ako sa loob, napansin ko sa ibabaw ng mesa. Hinabol ko yung babae di ko naabutan.

"Kagabi tumawag. Sabi ko sige po kunin nya sa kin. Sinamantala ko na habang nasa kin pa. Akala ko nga me load pero expired n ata. Buti na lang at may mabait na aleng nagbigay ng beinte kaya nakapagload ako.

"Musta daw sabi ni nanay. Pasensya raw sa nangyari sa inyo nun. Sana daw mapatawad mo na sya. Kami. Mag-iipon lng kami ng pera para makauwi n kmi dyan. Sana magkita pa tayo. Miss na kita tay. Hintayin mo kami ha?"

Napahagulgol ng iyak ang matandang lalaki sa nabasa. Nanginginig ang kamay na binura nya ang suicide message na sinave nya sa cellphone at nagsimulang magtext: "Oo, Nonong. Miss ko na kayo ng nanay mo. Umuwi na kayo rito. Hihintayin ko kayo!"

End


  

Story Archive