Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

Kaluskos sa FVR

Story Rating:

Buntis ako ng panahon na nasa Pinas ako para magbakasyon. Hi......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

Airport ghost story 3

Story Rating:

Habang ako ay nag pipicture, nasa walkalator ako nun nang ma......

Baby Handprints

Story Rating:

This is a true story told by my officemate. Last October 19,......

Lolo's Experience

Story Rating:

Ang kwento po ngayon ay kwento ng lolo ko noong binata pa po......

Ghost Town Explanation

Story Rating:

So bale higit 3 years na po akong nag tatatrabaho dito sa Al......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

Office Overtime

Story Rating:

First time ko mag overtime sa office dahil sa request ng amo......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 4 user(s)


Maraming nangyayari kapag sumapit na ang alas tres.


Pangalawa pa lang kami na tumira dito sa apartment na to dahil bago pa lang at kagagawa pa lang, pero bakit may nagpaparamdam?


yung unang tumira dito mga trabahador sa Alaska mga pito sila wala naman daw anumang nasaktan,nararamdaman oo kaya nga umalis na.


Ang pangalawa kong kwento siguro nabasa niyo Sino nilalaro ng aso ko,May aso kasi ako pet dog sa loob ng kwarto ko natutulog.alam naman natin na ang aso kaunting ingay lang natahol na maliban na lang sa ibang aso na walang pakialam.


Ang apartment na ito napakalaki para saamin pero dahil mas gusto naming malawak kahit medyo may kamahalan eh go na din.


Unang naramdaman ko nung lumipat kami, para bang may sumalubong saakin na kung ano pagbukas ko ng pinto para ilagay yung mga gamit na ililipat,pag bukas ng pinto eh napaatras ako bigla na hindi naman ako na out of balance or what parang may dumaan na hindi ko nakikita pero dedma lang sa bigat ba naman ng bubuhatin ko eh wala na akong pakialam.


Pang unang gabi, naalimpungatan ako dahil naiihi ako paglabas lang ng kwarto namin ay banyo na agad sa kanan, binuksan ko pinto at hindi ko na sinara kasi puputok na talaga ang pantog ko, habang naihi ako unti unting nabukas yung pinto samantalang wala namang hangin kasi close na close ang bahay kasi ang bahay na ito puro salamin na iniislide para kung balak mo ipa aircon ang buong bahay okay lang, so ganun na nga ginawa namin hindi naman siguro kayang itulak ng aircon ang pinto ng dahan dahan diba.


Hindi ko na tinapos pag ihi ko hindi ko na nga naipahid yung tissue sa gulat ko sabay pasok at ginising ko asawa ko, sabi ko bheb gumalaw yung pinto ng dahan dahan eh sa tulog mantika hindi ako inintindi kaya nagtalukbong ako ng kumot hindi naman na ako takot kasi nasa gitna ako,napapagitnaan ng anak ko at asawa ko.


Hindi pa ako inaantok eh kaya nag cellphone muna ako nakita ko pag kuha q cp 3:03 na, nag facebook muna ako nung aantukin na ako pagbaba ko ng cp ko nasinghot singhot yung aso namin sa ilalim ng pinto parang may inaamoy tapos grrrrr akmang kakahol na siya diba ganun aso naingit bago kumahol parang bwelo nila sa pagkahol, shhhhhh motchi!! sabi ko umalis siya sa pinto tapos bumalik na sa ilalim ng kama nakatulog na rin ako.


Kinabukasan hindi ko pa rin nakakalimutan kaya nasabi ko sa asawa ko na "kaninang madaling araw ginigising kita eh umihi ako unti unti nagalaw yung pinto" "hala ka may nasilip sayo isarado mo kasi pinto" tinarayan ko na lang.


Pang ilang araw din na hindi ako nakakaramdam kasi hindi ko iniisip hindi ko iniintindi ayoko naman na buong araw ko yun lang isipin ko, hindi ako maniniwala hanggat hindi ako nakakakita sa isip lang din kasi minsan tinatakot natin sarili natin hanggat isang gabi nanaman,


Nagising ako sa alarm, 3:03 am inisip ko nang inisip na hindi naman ako nag alarm ng 3:03 at bakit naman? para umihi? sabay naiihi tuloy ako ayoko na maexperience yun nuh kaya ginawa ko ginising ko aso ko at sinama ko sa pag ihi sinarado ko pinto, habang naihi ako inaamoy amoy yung pinto tapos na grrrrrrr nanaman siya sabay kahol!! motchi!! dali dali nanaman ako eh paglabas ko nauna siya pumasok sa kwarto kitang kita ko talaga na gumagalaw nanaman yung pinto sa CR dahan dahan talaga siya!!! hindi ko na nga napatay ang ilaw.


hindi ko talaga iniisipan ng kung ano man kasi baka mamatay ako sa UTI kakapigil ng ihi ko at hindi na kako ako iihi ng madaling araw magdadala ako ng tabo lalagyan q ng plastik kasi wala akong arinola!!


Dumating ang ilang mga gabi hindi na ako naiihi kasi nga hindi na ako nainom, nagising kami sa ingay ng aso namin


Pag labas ko andun siya sa gilid natahol nanginginig na parang takot na takot nakalimutan pala namin papasukin kagabi, sabi ng asawa ko hindi pala to pumasok pag tingin ko sa orasan 3:03 am nanaman!! sabi ko ah iba na to nag imbsetiga na kami kasi nga ayaw nga maniwala ng asawa ko kala nag iimbento ako.


Pagdating ng hapon natulog kami para makapag puyat hanggang 3:03 am nag alarm na kami,kasi hindi namin kinaya eh. pag gising namin umaga na hindi nag alarm! "sabi mo nag alarm ka!" "oonga ayan oh 3:03 am hindi nag alarm." tinignan ko naka lagay naman siya, so hindi na lang din namin iniintindi sa dami din ng inaasikaso ko sa bahay parehas kasi kaming home based kaya pag nasa bahay lahat ng trabaho nasayo kasama ko din ang tatlo ko pang kapatid na inaasikso ko.


Te, kagabi nagising kami madaling araw ang ingay kasi sa CR flush ng flush nag e LBM ka ba? sabi ko hindi ah anong oras? "hindi daw nila alam anong oras na yun tapos nagkwento ako natakot tuloy sila ksi sila mas malapit sa CR. 


Kinagabihan nanaman nagtuturo pa ako 11 pm na ako natapos,chineck ko nanaman yung alarm baka mag alarm nanaman sumigaw yung kapatid ko akala q kung ano na lock yung pinto hindi namin mabuksan ng susi sa loob na siya hindi niya mabuksan nasira na kaya binutas na lang namin, sabi ko bukas na lang palitan kaya damit muna pang tapal namin.


Nagising nanaman ako ng alas tres pero ginsing ko na asawa ko at bumangon naman nakaupo pa siya sa higaan nang makita ko may mata na nakasilip sa Banyo!! nag eye to eye talaga kami nakatitig lang siya tapos nagulat ako tas napasigaw ng pagkalakas lakas gising lahat talaga ng mga tao hindi ko yun makakalimutan pag tingin ko wala na huhu ayoko pa naman ng natatakot mas nalapit daw sila sa matatakutin


Kinaumagahan hahatid na ng asawa ko ang anak ko at kapatid kong bunso sa school 5:30 am nabyahe na sila ako naman pagtapos ko mag asikaso at magluto ako maiiwan, papasok na ako sa kwarto sa peripheral ko may white na nakalutang na something pasok talaga ako sa kwarto!! kahit mabaho yung aso ko itinabi ko sa kama para habang inaantay ko asawa ko maya maya pag dating ng asawa ko niyakap ko iyak ako ng iyak naawa na saakin baka daw buntis ako nag hahallucinate na ako nag PT ako hindi naman eh.


Hindi na ako iniiwan ng asawa ko pag umaga nasa labas muna ako habang nag aantay sakanila para hindi kung ano ano nakikita ko, 5 am nag asikaso na kami papasok na lahat sila dalawang lalaki kong kapatid at babae at isang anak kong lalaki kasi may program sa school dapat 5:30 nasa classroom na daw. Umalis na sila, ako naiwan sa labas mejo madilim pa pero nag cellphone lang ako, nakita ko pangalawa kong kapatid dere deretso sa gate sabi ko ano naiwan mo nanaman ID mo noh? hindi ako inintindi sinundan ko papasok kinuha ko muna yung upuan baka mawala pagtingin ko sarado naman pinto andun na pala sa loob, pumasok sa kwarto hinanap ko din yung ID niya kasi madalas naiiwan." saan mo ba hinubad yun?ikaw kasi burara ka naman. pumasok ako sa kwarto para tulungan siya maghanap pag pasok ko wala tinignan ko sa kusina nakatitig sa lababo sabi ko hoy wala jan ID mo tagal niya nakatitig sa lababa humarap siya saakin nakangiti lang,hindi nakurap sabi ko para kang baliw! hanapin mo sa kwarto at malalate kana! tahol ng tahol aso ko kaya sinaway ko pag harap ko nasa harap na yung kapatid ko nakatitig saakin ng masama sinapak ko talaga siya sabay labas ng bahay pag habol ko para mag sorry wala na siya hindi rin bukas ang gate!! Dumating na asawa ko sinabi ko nangyari na sinapak ko kapatid ko kasi pinagtitripan ako! sabi ko kung nakasalubong niya hindi daw magtext na lang daw ako baka hindi umuwi at magtampo. "bhe,sorry wag mo kasi akong tinatakot,pano ka makakapasok wala kang ID?" "te,may prof ako wag ka text nasa akin ID ko"


Sabay natigilan ako, hindi ko alam kung bakit inisip ko ulit nangyari,hindi nagsasara ng gate at pinto ang mga kapatid ko pag napasok o nalabas yan ang pinagtatalunan namin pero kanina nakapasok siya agad na sarado ang pinto at lumabas ng sarado ang gate at ibang iba titig niya saakin ang lakad niya dere deretso at kinakahulan siya ng aso namin


"lipat na tayo bheb ako lang kasi pinaparamdaman parang baliw na ako"


"bheb nararamdaman ko din pero hindi ko iniintindi wag mo na lang intindhin pa bless na lang natin tong bahay or kausapin natin may ari"


nagtext at tumawag na kami sa caretaker ng bahay at dahil bago lang wala syang alam yung may ari nsa America dw nagtravel pero uuwi na rin naman daw yun antayin na lang kasi sabi ko aalis na kami


kinwento ko nangyari sa takot nila sama sama kaming natulog sa kwarto kasi yung kapatid ko hindi naman umuwi kasi nasakanya daw ID niya, sabi ko na may kakaiba talaga.


tinry ko tanungin mga kapitbahay kasi sakanila rin nanggaling na pag gabi daw ang ingay sa bahay ng 3am noong may mga naupa na lalaking trabahador diyan sabi nila saakin dati daw yang bakanteng lote may bahay na nakatirik daw diyan noon pinagiba tapos ginawang apartment, magtanong tanong daw  ako sa mga matatagal na dito. eh dahil wala naman akong time kasi nagwowork din ako pinabayaan ko na muna.


Yung isang gabi ang hindi namin makakalimutan,


tabi tabi kami sa kama dito sa kwarto namin dahil takot na sila,may kumakaluskos sa pintuan ng CR yung mister ko binuksan yung pinto ng dahan dahan nakabukas yung ilaw sa banyo may nag hu hum, hmmmmm,hmmmm,hmmmmm sabi ng asawa ko sino yan? sabay lumagabog ang pinto!! sabi ko ivideo mo ivideo mo!! pag bukas namin ng pinto sarado na ang ilaw at sarado na ang banyo. kinabukasan puyat na puyat kami hindi na sila nakapasok sa takot sa banyo kinausap namin may ari sa phone sabi na may matanda raw na nakatira doon nasunog ang bahay nila kasi habang naliligo siya nakalimutan niya may niluluto pala siya hanggang sumabog ang gasul at namatay sa banyo na yan pero hindi naman ganyan daw na experience ng mga tumira na trabahador ang naririnig lang may naliligo lang pero hindi daw galit, baka daw kasi may nagawa tayo na kinagalit niya. naisip ko yung pinto na sinira namin baka iyon,baka nga doon kasi baka mas naalala daw nang sinira ang pinto nung nakuha ang bangkay niya.


Ibinalik na saamin ang deposit at advance ng bahay humanap na lang daw kami ng parerentahan o kaya ipa bless na lang daw kung gusto pa magstay, ayun nagsorry kami kahit hindi kami naniniwala pa talaga sa ganitong bagay simula noon hindi na siya nagpaparamdam ng grabe pag madaling araw naririnig pa rin namin minsan na may nabukas patay ng ilaw pero madalang na lang. kahit minsan takot hindi na rin namin naiintindi kasi madaling araw nga nagyayari hindi namin na namamalayan. nilalagyan na lang namin ng kandila minsan kaso kusang namamatay takot din ata siya talaga sa sunog.


  

Story Archive