Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

Boses

Story Rating:

Kasalakuyan nag-aantay kami ng elevator paakyat sa flat nami......

Bangungot

Story Rating:

Simula pa nung bata ako malakas na pakiramdam ko sa mga di n......

Lady inside the car (A short story)

Story Rating:

Ito po totoong mga nangayari sa loob ng workshop kung saan a......

Ghost in the flat

Story Rating:

Isa po akong OFW dito sa Dubai, at 15 years na akong naninir......

Sleep Paralysis Nga Ba? (A Short Story)

Story Rating:

Im from QC. Usually ang mga tao late na talaga natutulog dah......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

Kaluskos sa FVR

Story Rating:

Buntis ako ng panahon na nasa Pinas ako para magbakasyon. Hi......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

Airport ghost story 3

Story Rating:

Habang ako ay nag pipicture, nasa walkalator ako nun nang ma......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 6 user(s)


Abril. Bakasyon naming mga mag-aaral ng Elementarya sa baryo ng Santo Domingo. Walang pasok kaya masayang masaya kaming magpipinsan ng malaman naming magbabakasyon sa aming lugar ang kapatid ng Lolo namin at ang pamilya nito.


Halos sampung taon na ring hindi namin nakita ang aming mga Tito Albert at Tita Mylene sa kadahilanang sa Mindanao ang mga ito nakatira. Ayon kina Mama Riza , may mga anak na rin daw ang mga ito kaya mas lalo kaming nanabik sa mga bago naming makakalaro.


Biyernes ng umaga ay sinundo na nila Papa sina Lolo Poypoy na kapatid ng Lolo namin sa bayan. Ang aga naming nagising na magpipinsan para hindi namin makaligtaan ang kanilang pagdating.


Halos magka-pista sa malaking bahay nina Lolo Poypoy dahil sa napakasayang selebrasyon na naganap ng dumating ang mga bisitang taga-Mindanao kinahapunan. Ang mga matatanda ay masayang nagku-kwentuhan at nagtatawanan habang may konting inuming alak sa lamesang kanilang napapalibutan. Samantalang kaming mga bata naman ay walang kapagurang nagtatakbo at naghaharutan.


Alas-syete at wala na ang araw ng magkaayaang maghapunan ang lahat. Napakasaya ng mga naging kaganapan dahil ang lahat ay nakapaikot sa isang sinadyang ipagawang mahabang hapag kainan. Kahit puro gasera lang ang gamit, makikita mo parin ang kasiyahan sa mukha ng bawat isa. Puring-puri ng mga taga-Mindanao ang adobong baboy at kalderetang kambing na niluto ni Mama Riza at Lola Daresa.


Sa haba ng tawanan, halos walang nakapansin na alas-diyes na pala ng gabi. Napatigil lang ang lahat ng biglang sumigaw ng napakalakas si Tito Tope.


“Nayyy!!!!” Ubod lakas na sigaw nito kay Lola Daresa kasabay ng pagkapatay ng ilang ilawang de-gaas.


Lahat kami ay napatingin kay Lola Daresa. Nagtatakang napatanong si Papa Jay kung anong nangyari dahil mukhang wala namang problema si Lola Dares.


Pagtingin ko kay Tito Tope, doon na nagsimula ang gabi ng lagim na bumalot sa buo naming pamilya.


Kasabay ng biglaang paglakas ng ihip ng malamig na hangin sa buong kabahayan, naging malikot na si Tito Tope sa kanyang kinauupuan. Likot na hindi mapakali na parang may kinakatakutan habang nagtuturo sa isang sulok ng bubungan na malapit sa may pintuan.


Nakaramdam na ng pagkataranta ang lahat. Nagsitayuan ang mga nakaupong malapit sa pwesto ni Tito Tope. May kumuha din ng flashlight at may nag-ipon sa aming mga bata.


Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Tito Tope na umabot sa puntong hinahawakan na siya ni Papa Jay at ng isa pang Tito namin. Takot na takot si Tito Tope na nakatingin at nagtuturo sa may bubungan na malapit pa rin sa pintuan. Sa tuwing papasadahan naman ng flashlight ang bubong, wala naman kaming nakikita.


“Nay, tulungan mo ako! Nandito sila!” Takot na takot si Tito Tope.


Nagsimula ng mag-iyakan ang mga Tita kong kinikilabutan sa nangyayari kasama ng iba kong pinsan na maliliit. Halos lumilinaw na sa kaisipan ng lahat na maligno ang nagpapakita kay Tito Tope.


Inilabas ni Lola Daresa ang baon nitong bibliya. Nagpupunit sya ng ilang pahina habang patungo kina Tito Tope. Humingi ito ng tulong kay Lolo Poypoy para gawing sinturon ang mga pinunit na pahina.


Habang ginagawa nila ang sinturon, naglulundag na sa takot si Tito na para bang papalapit na sa kanya ang maligno mula sa bubungan. Pawisan na din sina Papa sa kakahawak at kakapigil dito.


Nang akma ng ipupulupot ni Lola Daresa ang ginawang sinturon, biglang umangat at lumutang ang isang gasera sa harapan ni Tito Tope. Nagsigawan na ang lahat at malakas na rin ang aking iyak sa sobrang takot.


Ilang segundo itong lumutang bago bumagsak ng napakalakas sa lamesa at lumikha ng malaking apoy.


Kasabay ng malakas na sigawan ng lahat at pagtakbo ng karamihan, nakawala si Tito Tope at tumakbo palabas ng bahay diretso papasok sa gubat na puno ng kakahuyan.


Halos mahimatay na ang lahat sa dami ng kaguluhan. May naghahanap ng tubig, may sumisigaw na sundan si Tito Tope, may naghahanap ng anak. Malakas na rin ang iyakan.


Ilang sandali pa matapos maapula ang nagkalat na apoy ay nag desisyon na sina Papa na sundan si Tito Tope sa kakahuyan.


Sa kasamaang palad, pagkalipas ng ilang oras ay bumalik sina Papa Jay na hindi kasama si Tito Tope. Iyak ng iyak si Lola Konsing at mga anak nito. Inutos nito na ang mga anak nya naman ang maghanap sa gubat.


Mag-a-alas tres na ng tuluyang maging kalmado ang lahat bagama’t hindi pa nakakabalik ang mga anak ni Lola Daresa.


Napagkasunduan na ring patulugin kaming mga bata.


Nang papalabas na kami ni Mama sa pintuan patungo sa kabilang bahay namin, hindi ko maiwasang huling sulyapan ang sulok ng bubungan na itinuturo at kinakatakutan ni Tito Tope. Sa hindi inaasahang masasaksihan, nandoon si Tito Tope, nakadikit sa bubungan at nakangiti sa akin.


  

Story Archive