Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

MGA LAMOK

Story Rating:

Ang kwentong ito ay isa sa mga pang yayaring hindi ko makaka......

Lola (True Story)

Story Rating:

Sabi nila, ang taong malapit nang mamatay, marami raw nakiki......

Si Lola Aswang

Story Rating:

I came from a underprivileged family kaya during high school......

"MAG INGAT SA MGA SANGLA TIRA"

Story Rating:

Mag ingat tayo sa mga kinikuha nating sangla tira. Gaya nala......

OUTING

Story Rating:

This is the first time that I will share creepy things durin......

HAUNTED HOUSE

Story Rating:

Itago niyo nalang ako sa pangalan na Pathcuhay. Mero......

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

Sundo

Story Rating:

Ang kwento ng aking ama bago siya namatay!...

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Sa Zambales

Story Rating:

Itago nyo nalang ako sa pangalang Kristy. Mga 19 years old a......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......

 Fiction Black lady sa Bahay

Story Rating:

I remember na Saturday pala ngayon. So Uuwi na ako samin kas......

 Fiction Kasakay

Story Rating:

Sabi ko imposible, nakasabay ko pa sya kanina sa dyip ng ala......

 Fiction Manananggal

Story Rating:

Ilang linggo palang nakakalipas ay nakaramdam na ako na may ......

 Fiction Ang Nakaputing Babae (Short Story)

Story Rating:

oong 2010 lumipat ang pamilya nina kuya ng bahay. Wala pa si......

 Fiction Sa Aming Bahay (Short Story)

Story Rating:

Minsan sa aming hagdan mayroon akong nakitang isang lalaking......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang supultorero si Ivan sa isang cemetery ng Laguna.Siya a......

 Fiction BARANG

Story Rating:

Nagsimula lang naman siyang magduda nang minsang makatanggap......

 Fiction Valentine Message

Story Rating:

"Look, hon, tingnan mo," nakangising sabi ng lalaki sa nobya......


Pinoy Horror Story


Tiktik


Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Naniniwala ba kayo sa aswang/tiktik? Ako nuon never. Siguro nga hindi ka maniniwala sa isang bagay hanggat di ito nakikita ng dalawa mong mata.


 


Way back 1997 nuong nagbubuntis mama ko tiniktik daw yung kapatid ko. Sya lang tiniktik saming apat. 1993 ng lumipat si mama dito, pero si papa since birth taga Valenzuela na sya.


Year 2007 or 2008 ata nakalimutan ko na kung anong year. Yung tita ng pinsan ko duon muna tumira sa amin habang nagbubuntis sya ng 7 mos hanggang sa manganak sya. I was in my elementary days nuon ng una akong makarinig ng sinasabing tunog ng tiktik. By the way si Ate Sita(not her real name) yung buntis sa 1st floor room sya nagstay, underground tawag namin dun eh kase may hagdan pababa mula 1st floor. Mga unang linggo nya okay naman daw pero yung mga sumunod na linggo ang weird na. One time may nakita syang malaking itim na aso sa labas ng gate namin hindi lang sya ang nakakita nun pati yung kapitbahay namin. Kami naman pala sa 2nd floor natutulog gabi gabi kaming binubulabog ng mga yabag ng paa sa bubong namin. Minsan parang may kung anong tumalon sa bubong at yung pinaka malala mga 15-30mins na nagiingay sa bubong parang may nagwrewrestling sa lakas ng mga kalabog. Sabi ng lola ko siguro kaya ganuon kaingay dahil nahihirapan hanapin yung amoy ni Ate Sita since nasa underground sya. Sinabihan nya kame na maglagay ng mga bawang at asin sa bintana, pinahiran narin nya yung tiyan nya ng bawang. Ayun unti unting nawala at nakapanganak naman sya ng maayos sa bahay.


 


MOST UNFORGETTABLE EXPERIENCE,


 


Year 2009 ng magbuntis ate ko at July 2010 naman sya nanganak. Noong panahon na nagbubuntis sya sa una nyang anak sa iisang kwarto lang kami natutulog(2nd floor) at yung kasambahay namin sa underground. Hindi ko makakalimutan ang pagbubuntis nya nuon kase dahil duon nakita ko na rin sa wakas ang famous na aswang ,ang tiktik.


So eto na nga ber months na siguro nuon may mga gabi na may kumakalabog sa bubong namin. Naglagay na kami nuon ng mga bawang at asin sa bintana dahil sa takot na nga na matiktik ate ko pero hindi padin natigil eh. Eto na talaga isang gabi late na ako natulog kaka psp around 1am na nuon ng may biglang kumalabog ng napakalakas sa bubong. Sa isip ko ayan na naman sya. So nagtalukbong nalang ako para makatulog na ko. Yung pwesto pala ng higaan ko ay nasa harap ng maliit na bintanang sliding window tinted, wala yung kurtina. So kitang kita ko yung liwanag ng buwan. At sa bintana na yun katapat naman ng bubong ng kapit bahay namin. Mejo manipis na puting kumot lang gamit ko that time ng magtalukbong ako so aninag ko pa yung liwanag, nagtaka ko ng biglang dumilim. Unti unti kong binaba yung kumot ko, hanggang sa makita ko yung humarang sa liwanag ng buwan.


Nangilabot ako sa nakita ko. May kung anong hugis tao na maraming tusok tusok ang nakatayo sa bubong ng kapitbahay namin. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kaya pumikit ako ng ilang beses pero andun parin sya. Sh*t anong gagawin ko sabi ko sa isip ko. Nagtalukbong nalang ulit ako at nagdasal tas maya maya na aninag ko na ulit yung liwanag, wala na yung kakaibang nilalang nayun. Nagdasal ulit ako hanggang makatulog. Kinaumagahan naman pagkadilat ng mata ko may ibon akong nakita sa tapat ulit ng bintana kakaiba sya kulay brown na kasing laki ng pusa at may tuka na singhaba ng lapis nakatitig sya akin,parang istatwa na hindi talaga gumalaw. Bumaba na ako nuon at agad ikinuwento sa mga kapatid ko. Tinanong nila anong itsura nuon tas ginogoogle ko image nya nagulat ako dun sa isang image dun katulad ng nakita ko. Dahil sa kakaibang experience na yun nagresearch kaagad ako nun about sa kanila. Nung hapon na nagkakwentuhan sa labas kami at mga kapitbahay, hindi ko pa inoopen sakanila yung nakita ko eh nagsabi na sila na ang ingay nga daw kagabi sa bubong nila. Duon sinabi ko na sakanila yung naexperience ko at sinabihan kami na magdagdag pa ng maraming bawang at maglagay ng gunting ang ate ko sa tabi nya. Hanggang sa mawala na nga yung ingay. Thank God! Nakapanganak naman yung ate ko ng maayos.


Nagbuntis ulit ate ko year 2012 pero this time mas handa na kami. Although may nagtitiktik parin pero hindi na sya ganuon ka wild. Parang thrice lang nambulabog.


Ayoko na tuloy magbuntis dito dahil sa takot narin matiktik. 


 


Sa mga taga Valenzuela jan, may naexperience din ba kayo?


Yun lang, pasensya na po mahaba salamat sa pagbasa ????


 


Blackwidow 


Valenzuela City


  

Story Archive