Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Abortion

Story Rating:

Lamay kasi nung namatay naming kamag anak kaya kwentuhan kam......

Katok!

Story Rating:

Bale dalawa sila ng kaibigan niyang tumira sa boarding house......

Feet on the ground / white lady

Story Rating:

Simbang gabi, yan ang isa sa mga paborito kong gawin bago ma......

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

Headless Man

Story Rating:

Nasa 3rd year na yata ako nun nung nangyari ung encounter ko......

3rd eye

Story Rating:

Bata palang ako nakakakita na ako ng mga nilalang na d nakik......

Ang putol na daliri

Story Rating:

Naiwan si Tonyo nang siya ay 18 taong gulang pa lang at lolo......

Pasahero

Story Rating:

Kwento ito ng kuya ko nung gumamit siya ng kotse pauwi mag-i......

Triple D - Don't Dare Devil

Story Rating:

Galing ako nun sa prayer meeting namin dito sa Pasig and we ......

Twing gabi

Story Rating:

Nagising ako sa di ko maintindihang dahilan, parang may bum......

Top Horror Stories

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Titig

Story Rating:

Mga alas tres na ng hapon ay nasa daan pa rin sila Fritz. Al......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Estudyante

Story Rating:

1st year college ako that time at SA(Student Assisstant) ako......

Kasabay

Story Rating:

Tinatahak ko ang mahaba at bako-bakong daan na napapaligiran......

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


SI Meyah ngayon ang pagsamantalang nagtitinda sa puwesto ni Aling Flora sa palengke dahil may sakit ngayon ang ale. Bata pa lang si Meyah ay kinupkop at pinalaki na siya ni Aling Flora dahil ulila na ito sa mga magulang. Hindi na matandaan ng dalaga kung paano siya nawalay sa kanyang ama't ina kaya si Aling Flora na ngayon ang tumatayong ina niya.
Pagtitinda ng gulay ang kanilang ikinabubuhay. Doon nila kinukuha ang kanilang makakain sa pang araw-araw pati ang bayad nila sa renta ng bahay.



Isang araw ay may isang lalaking mayaman ang lumapit kay Meyah. Nakasoot ito ng polo na pang opisina at pulang neck tie. Naka black pants ito at makintab pa ang sapatos, kumbaga sa salamin ay bagong banlaw.



"Magandang umaga po. Ano ho ang bibilhin n'yo?" tanong ni Meyah sa lalaki.



Nakatitig ito sa kanya, wari'y may namumuong pagnanasa sa katauhan ng lalaking iyon.



"Isang petchay baguio at tatlong sayote," tugon ng lalaki, malalim pa rin ang titig nito sa dalaga. Sa dami ng mga nagtitinda ng gulay sa palengke ay dito siya naganahan bumili.



Agad naglagay ng isang petchay at tatlong sayote si Meyah sa plastic pagkatapos ay iniabot niya ito sa lalaki. Agad namang iniabot ng lalaki ang kanyang bayad.



Nagsimula nang magtaka si Meyah kung bakit hindi pa umaalis ang lalaki gayong naibigay na niya ang binibili at sukli nito.
"A-ano pa ho, sir?" natanong ni Meyah. Sa tinig nito ay mahahalata ang pagkailang.



"Ako nga pala si Joniel Perez."Ngumiti ang lalaki.



"Matanong lang kita, gaano ka na ba katagal nagtitinda rito?"



"Matagal na po. Ito na ang ikinabubuhay namin ng aking ina," mabilis na tugon ni Meyah.



"Muslim ka ba?" di sadyang naitanong ng lalaki dahil napuna nitong ang dalaga lamang ang bukod tanging nakataklob ng belo ang ulo. Kadalasan ay mga muslim lang ang nakikita niyang nagbebelo sa ulo.



"B-bakit n'yo po natanong?" Halos hindi malaman ni Meyah ang sasabihin.



Napatawa ang lalaki. "Ah, wala lang. Sapat ba ang kinikita mo para sa inyong panggastos?"



Nawiwirduhan na si Meyah sa mga itinatanong sa kanya ng lalaki. Kung di lang malikot ang imahinasyon niya, hindi niya iisipin na may gusto sa kanya ang lalaking iyon at nais siyang bigyan ng magandang kabuhayan. Itsura talagang mayaman ang lalaki mula ulo hanggang paa.



"Kahit papaano, may kinikita rin po ako," ang tugon niya.



"Ah ganu'n ba? May i-o-offer sana ako sa 'yo. Kung okey lang, payag ka ba na maging maid sa aking mansyon sa kabilang bayan? Malaki ang suweldo ng mga naninilbihan sa akin at mabait din akong amo," paliwanag ng lalaki.



Pero bigo itong mapapayag ang dalaga.Mukhang matigas ang puso nito.



"P-pasensya na po. Kailangan kasi ako ng aking ina sa negosyo niyang ito. At saka hindi ho ako sanay na maging katulong. Pasensya na po, iba na lang ang kunin n'yo. Huwag lang ako," pagtatapos ni Meyah sa usapan. Nangako siyang hindi na siya sasagot sa anumang sasabihin ng lalaking iyon sa kanya.



Tumangu-tango lang ang lalaki habang patuloy pa ring nakangiti. Mayamaya ay naisipan na rin nitong umalis.


"ANAK, kamusta ka naman sa palengke? Marami bang binili ang mga suki natin?" tanong ni Aling Flora kay Meyah na nagbibilang naman ng pera nang gabing iyon. May lagnat ang ale at nakahiga ito ngayon sa kanilang papag sa kuwarto.
"Matumal ang benta inay. Masyado na kasing dumami ang mga nagtitinda ng gulay tapos paubos na rin 'yung mga tinda natin kaya halos wala ng mapili 'yung mga kostumer. 200 lang ang benta ko tapos bumili pa ako ng gamot n'yo kaya nabawasan pa," paliwanag ni Meyah sa ina. Hindi maitatago sa mukha nito ang lungkot dahil sa kulang na kita.



"Hayaan mo. 'Pag magaling na ako, maghahanap ako ng bago nating negosyo na may mas malaking kita," anang ina niya.
Hindi na tumugon si Meyah dahil palagi namang sinasabi ni Aling Flora iyon sa kanya kaya hindi na iyon bago sa kanyang pandinig. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang mahanap na puwedeng pagkakitaan, 'yung may mas malaking kita. Hindi mapawi-pawi ang kanyang lungkot dahil sa kanilang kahirapan. Isang kita na hindi pa sapat para sa pambayad sa ilaw, tubig at sa bahay.


SA kalagitnaan ng hatinggabi ay bigla na lamang nagising si Meyah nang marinig niyang muling bumubulong ang kanyang kambal na nasa likod ng kanyang ulo.



Ipinanganak siya na may pangalawang mukha sa likod ng ulo niya, at ang mukha na iyon ay may kaanyuang matandang babae at lawlaw ang pisngi. Hindi ito nakapagsasalita ng malakas at nakakakain pero nagagawa nitong tumawa o umiyak.
Dati pa ay balak na ni Meyah na ipa-opera at ipatanggal ang mukhang iyon dahil palagi siyang binubulungan nito ng mga nakakatakot na bagay tuwing gabi subalit wala siyang sapat na pera.



Muling nangilabot si Meyah sa mga ibinubulong ng kanyang kakambal na nagngangalang Flohr. Palagi siya nitong binubulungan ng mga bagay tungkol sa impiyerno.



"Darating ang panahon, sa impiyerno tayo ibabagsak ng panginoon. Lulunurin tayo sa nag-aapoy na dagat. Papakainin tayo ng mga dumi ng tao. At iluluto tayo ng buhay sa malaking kawa ng mga gutom na demonyo. . ." Ang mga bulong ni Flohr ay masyadong mahina na tanging si Meyah lamang ang nakaririnig.



Muling ginapangan ng kilabot si Meyah sa narinig. Ramdam niya ang pagtaas ng kanyang mga balahibo.
"Naglalakad tayo sa lupa ng kasalanan. . . Kaya mapapadpad tayo sa mundo ng mga makasalanan. . ." pagpapatuloy ni Flohr.



"Paulit-ulit nating mararamdaman ang kirot, hapdi at sakit na nagmumula sa init ng apoy. Isang parusa na magdudulot ng pang habang buhay na pagdurusa at walang kamatayan, walang katapusan. . ."



Ibig nang lumuha ni Meyah dahil sa mga naririnig niyang ibinubulong ng kanyang kambal. Madalas siyang hindi nakakatulog dahil palagi itong naglalaro sa kanyang isipan. Walang ibang alam sabihin ang kanyang kambal kundi mga masasama at nakakatakot na mga bagay. Takot at pangamba naman ang epekto nito kay Meyah.


KINAUMAGAHAN ay muling nagbalik ang lalaking si Joniel na nakipag usap sa kanya kahapon. Nagbalik ang ilang na nararamdaman ni Meyah.



"A-ano po'ng bibilhin n'yo?" tanong niya.



"Actually hindi ako bibili. Nagpunta ako dito para sana tanungin ka ulit kung payag ka na ba sa offer ko. Siguradong hindi mo pagsisisihan kung papayag ka," pagkukumbinsi ng lalaki sa kanya.



"Pasensya na talaga, sir.Ayoko!"



Bahagyang nabigla si Meyah nang pumasok ang lalaki sa loob ng kanyang puwesto at bigla itong humawak sa kanyang likuran.



Nagulat siya at lihim na inayos ang pagkakatakip ng belo sa kanyang ulo para hindi lumantad ang mukha ng kakambal niyang si Flohr.



Gumagapang na ang pangamba sa buong katawan ni Meyah.



"Magkita tayo bukas sa dulo ng Smith looban kung payag ka na sa offer ko. Hihintayin kita doon." Ang mga kamay ng lalaki ay palihim na humipo sa kanyang bewang. Lalong nailang si Meyah. Parang gusto na niyang sumigaw at magwala. Baka may makakita pa sa ginagawa sa kanya ng lalaki. Ngayon lang niya natuklasan na sa likod ng pagiging mayaman nito ay may itinatago pala itong manyak na ugali.



"Unang kita ko pa lang sa 'yo, mahal na agad kita. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, magkikita tayo bukas. At kapag hindi ka sumipot, may mangyayaring masama sa iyo!" banta sa kanya ng lalaki pagkatapos ay kiniliti pa nito ang bewang ni Meyah at tinapik pa ang kanyang puwit saka ito tumawa ng patahimik at lumisan.



Binalot ng kahihiyan si Meyah.Iginala niya ng tingin ang mga nagdaraang tao. Mabuti na lamang at walang nakakita sa kanila. Di niya maiwasang matakot. Nangingilid na ang kanyang mga luha. Ayaw na niyang maging mahirap dahil palagi lang siyang inaapi-api ng mga tao. Kung siya ay umiiyak, ang kanya namang kakambal na natatakpan ng belo ay nakangiti ng makahulugan. Tila alam na nito ang mangyayari.


KINABUKASAN ay tumupad si Meyah sa usapan. Papunta na siya ngayon sa Smith looban para makipagkita kay Joniel. Maingat na hawak niya ang belo sa kanyang ulo para hindi lumantad ang kakambal niya sa likod ng kanyang ulo.
Walang kaalam-alam si Meyah na may masamang balak sa kanya ang lalaki. Meron itong modus kung saan mga dalagang katulad niya ang bibiktimahin.



Pero lingid din sa kaalaman ni Joniel na may dahilan kung bakit sisiputin siya ngayon ni Meyah sa tagpuan nila. Isang malalim at makahulugang dahilan.



Pagkalipas ng ilang minuto ay may natanaw si Joniel na isang babaeng nakabelo sa di kalayuan. Pamilyar sa kanya ang babaeng iyon. Natitiyak niyang iyon ang dalaga na nakilala niya sa palengke.



Napangiti siya ng abot tenga at nilapitan ito. May nakasiksik pang baril sa kanyang bulsa at natatakpan iyon ng mahaba niyang polo para kung sakaling maglaban ang dalaga ay may panglaban siya, subalit nang maaninag niya ito ng malapitan ay huklubang matanda ang kanyang nakita. Nakabaligtad pa ang mga paa nito, nakaharap ang talampakan sa likuran. Kunot noong napaatras siya habang pasan ang takot. At ganoon na lamang ang sindak niya nang biglang humarap ang tunay na mukha ng babaeng iyon. Si Meyah, may hawak na palakol! Galit na galit ito.



Nagulat si Joniel at napaatras pa lalo. Nanlaki na ang mga mata niya. Akmang huhugutin na niya ang baril sa kanyang bulsa subalit naunahan na siya ni Meyah sa aksyon. Iniwasiwas nito ang palakol sa leeg ng lalaki. Napugutan si Joniel at tumilapon ang ulo. Nilabasan ng dugo ang butas nitong leeg bago bumagsak sa lupa ang katawan.



Sa pagkakataong iyon, parehong nakangiti sina Meyah at Flohr, isang mala-demonyong ngiti.


ANG tapang ni Meyah ay naging pagsamantala lamang. Dahil sa pagpatak ng gabi ay muling nagbalik ang kanyang takot nang muling bumulong ang kanyang kakambal.



"Nandito siya. . . Nagmamasid sa ating dalawa. . . At sabi niya, nalalapit na ang araw na tayo'y magpapaalam na sa mundo ng makasalanan at tayo'y dadalhin sa mundo ng kaparusahan. . ."



Ipinikit na lamang ni Meyah ang kanyang mga mata habang nakayakap sa kanyang ina-inahan na himbing nang natutulog. Nagtataka si Meyah at siya'y napaisip kung bakit pinagpapawisan siya sa sobrang init gayong umuulan naman sa labas.
"Nandito siya sa ating silid. . . Binabantayan tayo. . . Nagliliyab ang kanyang katawan at nagsasabog ng matinding init sa buong paligid. . ."



Mautak din ang kanyang kakambal dahil alam din nito kung ano ang nasa isip ngayon ni Meyah. Alam nito ang lahat kung ano ang sagot sa mga katanungan ni Meyah.



Hilakbot na hilakbot ang dalaga. Parang gusto na niyang maniwala sa kakambal na binabantayan sila ngayon ng diablo dahil sa kakaibang init na naglalaro sa loob ng kanilang silid. Butil-butil na ang pawis ni Meyah at halos hindi na siya makagalaw. Sa tindi ng takot na nararamdaman niya ay pakiramdam niya'y hindi na siya magigising sa oras na makatulog siya.
Nararamdaman na niya ang antok subalit pilit niyang nilalabanan ito para lang hindi makatulog. Iniisip niya na baka tuluyan siyang kuhanin ng diablo sa oras na makatulog siya.


MAHIGIT isang oras lamang ang tulog ni Meyah sa buong magdamag. Kung kailan maliwanag na ang sikat ng araw ay saka pa lang nawala ang kanyang takot na matulog pero muling naglayas ang antok niya ng makarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pinto.



Bumangon siya at agad nagsoot ng belo sa ulo. Pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang galit na mukha ni Siarwen, ang bumbay na may-ari ng bahay paupahan.



"Asan iyong nanay?" nakasimangot na tanong ni Siarwen.



"M-may sakit po. Bakit po?"



"Kapag kayo hindi bayad renta kayo layas na dito baka gusto n'yo kulong sa pulis dami n'yo atraso na utang sa renta!" galit na wika ng bumbay.



Nanlumo si Meyah. Naalala niya na tatlong buwan na pala silang hindi nakakabayad sa renta ng bahay dahil sa kakulangan sa kita. Maging ang bill nila sa kuryente ay umabot na ng walong libo pero wala pa ring kabayad-bayad.



Nakayukong tumugon si Meyah, "P-pasensya na po. Bigyan n'yo pa po kami ng isang linggong palugid. May sakit kasi ang aking ina ngayon kaya hindi pa siya makapagtinda. Gagawan po namin 'yan ng paraan."



Lalo lang nainis ang bumbay sa sinabi niya at laking gulat ni Meyah nang bigla siyang sinampal nito.



"Tang ina mo! Puta ka! Kahit iyong nanay palage iyan dahilan. Basta kapag hindi pa kayo bayad bukas ako punta dito at baril ko kayo!" pagwawakas ng bumbay sa usapan pagkatapos ay agad itong umalis ng padabog.



Dahil sa ginawa ng lalaki ay muling nabuhay ang galit ni Meyah sa katauhan, kasabay nito ang pagngiti ng makahulugan ng kanyang kakambal dahil tila alam na nito kung ano ang susunod na mangyayari.



Kasalukuyang kumakain ng tanghalian si Siarwen nang may kumatok sa pintuan. Agad siyang tumayo para buksan ang pinto.Pagbukas niya ay ibang tao ang nakaharap niya. Isa itong matandang babae na nakabelong itim, hindi niya ito kakilala.
"S-sino ka?"Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. Nangunot ang noo niya nang makitang baligtad ang mga paa nito, nakaharap sa likuran.



"Hala!" nasambit niya dahil sa pagkabigla.



Lalo pa siyang nasindak nang tumalikod ang matanda at pagharap nito ay nasilayan ni Siarwen ang tunay na mukha ng taong iyon. Si Meyah, ang anak-anakan ni Aling Flora!



Napanganga si Siarwen. At bago pa siya makagawa ng aksyon ay inilabas na ni Meyah ang baon niyang palakol at tulad ng ginawa niya kay Joniel, pinugutan din niya ng ulo si Siarwen, hindi na niya ito hinintay na makasigaw pa. Pagbagsak ng katawan nito ay agad na tinakpan ni Meyah ng belo ang mukha ng kanyang kakambal sa likod ng ulo pagkatapos ay nagmadali siyang makauwi bago pa may makakita sa kanya.



Parte na ng buhay ni Meyah ang pagpaslang sa mga mayayaman na may masamang ugali dahil kahit noong bata pa siya ay mga mayayaman din ang nagpahirap sa kanya.



Pagsapit naman ng gabi ay sising-sisi si Meyah sa kanyang ginawa. Palihim siyang umiiyak ngayon sa banyo upang hindi siya marinig ni Aling Flora na nagpapahinga naman sa kuwarto. Aminado siya na marami na siyang napatay na mga mayayaman mula pa noong bata pa siya.



Kung siya ay umiiyak, ang kanyang kakambal na si Flohr ay nakangiti naman na tila walang iniindang problema.
"Nalalapit na ang araw ng paghuhukom. . ." bulong nito kay Meyah.



"Bakit ba palagi tayong hindi magkasundo pagdating sa ibang bagay? Bakit pa sa tuwing makakapatay lang ako ng tao ay du'n pa lang tayo nagkakaisa'ng dalawa? Ganito ba talaga ang ibinigay sa atin ng Diyos?" umiiyak na wika ni Meyah.
"Hindi tayo galing sa Diyos. . . Tayo ay nagmula sa impiyerno. . ." bulong ni Flohr.



"Kasalanan mo ang lahat ng ito, Flohr! Kaya ako nakakapatay dahil sa 'yo!" sumbat ni Meyah sa kakambal.



"Wala akong kasalanan, Meyah. Kahit kailan, wala akong naging kasalanan dahil wala naman akong mga kamay na puwedeng makagawa ng iba't-ibang kasalanan. Ikaw ang may kasalanan dahil ikaw ang pumapatay. . ."



Saglit na natahimik si Meyah bagamat patuloy pa rin sa pag-iyak at pagsingot ng sipon. Masakit para sa kanya na tanggapin ang katotohanan pero tama ang kanyang kakambal. Siya ang tunay na gumagawa ng kasalanan dahil may mga kamay siya na kanyang ginagamit sa pagpatay.



"Hayooop!!!" naisigaw niya sa kanyang kakambal. Di niya napigilang magmura dahil sa pinaghalong galit at lungkot na nararamdaman.



Di nagtagal ay nakaisip siya ng paraan kung paano wawakasan ang lahat ng paghihirap niyang ito. At habang nasa isip niya iyon ay gumuguhit ang ngiti sa mga labi niya bagamat tumutulo pa ang kanyang natitirang luha.



At sa pagngiti ni Meyah, ang kanyang kakambal naman ang napaiyak. Ganoon silang magkapatid, palaging magkaiba ang emosyon at ekspresyon ng kanilang mukha.



Pero sa tuwing makakapatay ng tao si Meyah ay doon pa lang nagtutugma at nagkakapareho ang emosyon na lumalabas sa kanila.



Nagbalik tanaw si Meyah sa mga lumipas na panahon kung kailan nawalay sila sa kanilang tunay na mga magulang. Di niya maiwasang malungkot sa tuwing maaalala niya ang dalawang tao na pumatay sa kanyang ama't ina dahil sa inggit ng mga ito sa maunlad na negosyo ng mga magulang niya. At nang nakahanap na siya ng pagkakataon ay gumanti siya at kanyang pinatay ang dalawang tao na iyon. At magmula noon, kung saan-saan na siya napunta at kung sinu-sino na ang mga umampon sa kanya na lahat ay pawang mayayaman. Pero pagkatapos matuklasan ng mga ito ang pagkatao ng kanyang kakambal na pangalawang mukha sa likuran ng kanyang ulo ay tinataboy na siya ng mga ito. Sa lahat ng mga umampon sa kanya, si Aling Flora lang ang tumanggap sa kanya pati sa pagkatao ng kanyang kakambal.



Pero hanggang doon na lamang ang lahat ng paghihirap niya. Iyon na ang huling beses na magbabalik tanaw siya sa lahat ng mga paghihirap na dinanas niya. Dahil ngayong araw na ito, wawakasan na niya ang buhay niya at nasa kanyang mga kamay na ang bote ng asido na kanyang gagamitin para paslangin ang sarili. Tama nga si Flohr. Si Meyah ang tunay na gumagawa ng kasalanan dahil taglay nito ang mga kamay na sadyang binuo para gumawa ng masama at kumitil ng maraming buhay, at ang mga kamay ding iyon ang kikitil sa buhay nilang magkambal.



Nasa loob pa rin ng banyo si Meyah habang hawak nito ang bote ng asido. Pangiti-ngiti pa siya habang ito'y binubuksan. Para siyang loka-loka na nasisiraan pa lalo ng bait. Parang alak na tinungga niya ang bote ng asido! Sa loob lamang ng limang segundo ay nasunog ang mga laman sa katawan niya sa katawan. Nangisay siya sa sahig ng banyo. Nagsuka siya ng nagsuka. At di nagtagal ay sabay silang namatay ni Flohr.



Huli na ang lahat bago pa matuklasan ni Meyah na may katotohanan ang lahat ng mga ibinubulong ng kanyang kakambal na sa impiyerno tutungo ang kanilang buhay dahil isa silang makasalanang nilikha. Ang mga bulong na akala niya'y pananakot lamang ni Flohr ay talagang may katotohanan. Dahil ang pagpatay sa sariling buhay ay isa ring malaking kasalanan sa Diyos! Kaya ngayon, ang diablo na ang bahala sa kanilang magkambal.


Sino kaya ang mas higit na makasalanan kina Meyah at Flohr?


(This story is based on the case of Edward Mordrake. This story is half fiction and half true to life.)


- The Case of Meyah Flohr -


  

Story Archive