Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Mga Bagay na Hindi Natin Maintindihan

Story Rating:

Isang araw ay sama-sama kaming kumakain ng tanghalian sa bah......

12Noon

Story Rating:

Lagi kaming tambay ng mga kaibigan ko sa rooftop ng building......

Siya pala

Story Rating:

December 6, 2016 nung namatay ang tatay ng kaklase namin na ......

Ang Matandang Kapit bahay

Story Rating:

Nakatira ang pamilya ko sa isang liblib bayan sa Cebu. Bago ......

Ang Bahay Sa Ilalim Ng Punong Mangga

Story Rating:

Bago palang kami lumipat doon, marami na ang nagsasabi samin......

Bangungot (True Story)

Story Rating:

Nangyari to last May 2017, when my friend and girlfriend wen......

Mga Bantay

Story Rating:

Pangalawang kwento ko ito tungkol sa kababalaghan sa aming b......

Tatlo (Boardinghouse Stories)

Story Rating:

Isang old house siya. As in old house, sa paligid niya maram......

ALARM CLOCK

Story Rating:

Day off, wala ako pamasahe umuwi ng probinsiya so I don't ha......

ambon

Story Rating:

This story actually happened last sept 27 2017 around 2:00 a......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......


Pinoy Horror Story


Tao - Tao


Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


(Entry 2 - May Load sa Maymomoo Promo Part 3)


--

Alam n'yo ba ang sinasabing na tao-tao ka?

Iba pa itong katawagan sa salitang kulam.

Ngayong alam n'yo na. Tatanungin ko ulit kayo.

Naranasan n'yo na bang makulam o pakialaman ng ibang tao?

Kung ako ang tatanungin n'yo ang sagot ko'y OO!

Basahin ninyo ang aking tunay na karanasan sa tinatawag na KULAM o TAO-TAO...

-

Nag-umpisa ang karanasan ko ng magpipitong buwan na ang pangalawa kong anak.

Noong una nakaramdam ako ng pananakit ng kaliwa kong tainga. Akala ko dahil sa madumi lang kaya nilinis ko ito. Ngunit pagkalipas ng ilang araw may tumutulong tubig sa tainga ko galing mula sa loob nito.

Ako naman natakot kasi noon ko lamang `yon naranasan.

Pinalinis ko ulit sa asawa ko ang loob ng tainga ko, kaso habang tumatagal parang lalong lumalala ang pagtutubig nito.

Marami ang nagsabi na baka napasukan ng tubig habang ako'y naliligo.

Marami rin ang nagsasabing baka luga na raw.

Ako naman tumatango lang. Natatakot na kasi ako sa maaring mangyari, lalo na 't habang tumatagal kumikirot at parang may nagkukutkot ng laman sa loob ng aking tainga.

Hanggang sa namaga na nga ang kaliwa kong tainga.

Sobrang sakit at kirot na din ang aking nararamdaman.

Dahil sa sakit hindi ko na makuhang magpa-breastfeed sa baby ko noon. Dahil kapag nadadanggil ang tainga ko napapahiyaw ako sa sakit.

Hanggang isang umaga nagising na lang kami ng mister ko, na may nakita kaming dilaw na tubig sa aking unan.

Purong tubig na dilaw. Hindi siya malagkit ngunit sobrang baho.

Nagulat kami dahil akala namin naimpeksyon na ang tainga ko kasi lagi kong kinakalikot ng cotton buds para linisin sana.

Marami ang nagsabi na baka binat o luga iyon.

Kaya maraming mga halamang gamot ang ibinigay sa akin upang ipang-lunas ko, pero wala pa ring epekto.

Hanggang sa nagsabi ako sa mama ko na hindi ko na kaya ang sakit.

Nagpadala siya ng pera para maipasuri ako sa doktor.

Gumastos kami ng libo sa mga gamot, pero lalo lang lumalala ang nararamdaman ko.

Ang masaklap pa, pati ang kanan kong tainga'y tila nahawa na rin sa pagtutubig. Parang nanang bulok na ang lumalabas sa tainga ko.

Awang-awa noon sa akin ang panganay kong anak kasi hindi na halos ako makakain. Pumayat at parang natuyo ang aking katawan. Hindi ko na rin naasikaso ang mga anak ko.

Hanggang sa nagsabi ako sa aking asawa na magpatawas ako .

Noong una'y ayaw niyang pumayag. `Di siya naniniwala sa mga ganoong mga manggagamot.

Tumahimik na lang ako.

Bawat gabi nagdarasal ako na pagalingin na ako dahil hindi ko na kaya ang sakit at kirot. Habang dumadaan ang mga araw at sa tuwing iniinom ko ang mga niresetang gamot sa akin, lalong lumalala ang aking kalagayan.

Hanggang isang gabi `di ko na kaya ang sakit.

Inaya ko ulit ang asawa ko na pumunta sa magtatawas ngunit tumanggi siya at sinabing magpahinga na lang ako.

Dahil sa kagustuhan ko ng matapos ang nararamdamang kong sakit na hindi naman gumagaling sa mga gamot.

Umalis akong mag-isa at pumunta sa bahay ng magtatawas.

Ang haba ng pila.

Nag-antay ako. Habang nag-aantay ako nararamdaman ko ang pagtulo ng mabahong dilaw na tubig sa tainga ko. Kumikirot din.

Sa sobrang sakit na aking nararamdaman, kinakagat ko na lang ang aking labi.

Hanggang sa ako na ang tatawasin. Natakot ako sa tingin ng magtatawas. Pinaupo niya ako at binulungan. Sabi niya bumalik ako kinabukasan umagang-umaga.

Ako naman tumango at nagpaalam.

Nagtaka pa ang mga tao sa bahay ng dumating ako sabi nila saan daw ako galing, na dingot ko naman na galing ako sa magtatawas at pinababalik ako kinabukasan.

-

Kinabukasan...

Kasama ko na ang asawa ko sa magtatawas.

Tulog pa ang mga kasama nito sa bahay ng dumating kami.

Halatang inaantay niya ako dahil nakaabang na agad siya sa pasimano ng kanilang pintuan.

Agad niya akong pinaupo at sinabing...

"Masakit ang mga tainga mo ?" Aniya.

Sabi pa niya na unang kita pa lang niya sa mukha ko alam na niya ang dahilan ng pagpunta ko roon.

Napatango na lang ako bilang pagsang-ayon.

Hinilot niya ang buo kong katawan. Pati ang aking dalawang tainga. Nagulat pa nga ako dahil namamaga ang mga ito ngunit nang umpusahannitang hilutin wala akong maramdamang sakit. Bawat hilot niya sa tainga ko may binubulong siya.

Pagkatapos noo 'y kumuha siyang puting babasaging pinggan at kandila.

Idinarang niya ang puting pinggan sa ningas ng kandila.

May unti-unting nabuong imahe mula roon.

Habang gingawa niya `yon , sabi niya na tao-tao ako o nakulam.

Nagkatinginan na lang kaming mag-asawa.

Natanong ko pa, bakit ako makukulam.

Sagot ng magtatawas. Dahil daw sa inggit.

Ano naman ang ikaiingit sa buhay ko?

Hanggang sa ipinakita na niya sa amin ang pigura na nabuo sa pinggan.

Kitang-kita namin...

Babaeng mahaba ang buhok at kulot-kulot ... Nakangidi ito nang parang natutuwa sa dinaranas ko.

-

Sabi pa ng magtatawas;

"Kilala n'yo siya. Natutuwa siya na naghihirap ka."

-

Naluluha na lang ako. Sinagot ko ang magtatawas na wala naman dapat ikainggit sa akin/amin. Saka tuwang - tuwa pa siya na halos dalawang buwan ako nagdurusa sa sakit at kirot.

Napatango na lang ang magtatawas.

Sabi niya babalik daw ang ginawa sa akin no'n nagpakulam sa akin.

Sabi ko na lang bahala na si karma sa kaniya.

-

Bago kami umalis ng asawa ko sa bahay ng magtatawas nilagyan niya ako ng pangotra. Natawa pa nga ang mister ko kasi mukha daw akong aning.

Pero hindi ko siya pinansin.

Pagkagising ko kinaumagahan.

Himalang nawala ang pamamaga ng aking dalawang tainga.

Nawala na rin ang kirot, hapdi at sakit.

At lalo na ang kulay dilaw na mabaho na parang nabubulok na nana.

Natuwa ako no'n at sinabi ko pa sa mister ko na "Sabi na sa'yo eh, kailangan ko lang magpatawas." Napatango na lang siya.

Nagpasalamat rin ako sa Diyos dahil pinagaling niya ako.

-

Doon naman sa nangialam ng katawan ko.

Hanggang ngayon may mga kamalasang dumarating sa pamilya nila.

Sabi nang magtatawas ng minsa'y nagkita kami `di na muli ako mapapakialaman ng mga iyon dahil mas malala pa ang babalik sa kanilang karma.

-

Ngayon kahit kapag nakakasalubong namin iyong nangialam sa akin nakayuko lagi at hindi makatingin ng diretsyo sa aking mga mata.

---


  

Story Archive