Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

I believe in God

Story Rating:

Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot sa naranasan ko ......

Third Eye

Story Rating:

Hello avid readers! I had shared my personal story here befo......

Silip

Story Rating:

Nangyari ito way back May 2016 sa isa sa trabaho ko bilang s......

Life never ends, and Love never dies.

Story Rating:

I would like to share my own experience on this page, hindi ......

Weird na Kapitbahay sa Arpartment

Story Rating:

Hi ako nga pla si Jandel. 20 years old galing probinsya. Bag......

Babae sa Upuan

Story Rating:

Yung bahay ng lola ko dun up and down. Siya nalang ang mag i......

The Man in My Sleep

Story Rating:

This is one of my creepiest experience in my first dormitory......

Balsa

Story Rating:

Nung minsan bumagyo sa kanila kailangan iligpit ang mga bang......

Haunted in Australia: A pinoy horror story

Story Rating:

Naniniwala akong sa mundong ito may ibang nilalang pa tayong......

Matandang Babae na nakalutang sa Lupa

Story Rating:

Halos lahat na ata ng kwento dito sa page na ito ay nabasa k......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

New Fictional Horror Stories

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......

 Fiction Kotse

Story Rating:

KOTSE Matagal nang magkasintahan si Francis at Ruth - 4......

 Fiction Herika

Story Rating:

Nakatulog na ang mag asawa ng biglang may narinig sila na ka......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

 Fiction The road

Story Rating:

Papunta ako sa bahay nang pinsan ko nang may makita ako sa d......

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung puso ko at biglang parang nalalaglag ang kaluluwa ko mula sa katawan ko kahit nakahiga lang naman ako, dahilan kaya nagising ako... nandito ako sa kwarto kasama si mama.


Malinis ang paligid ng kwarto at maliwanag, tatawagin ko sana si mama kaso tulog sya sa paanan ko.

Di ko maintindihan kung anong nangyare,bakit ansakit ng katawan ko ngayon... ang naalala ko lang, kasama ko sila patrick , norman at jill, si jill, napakaganda talaga niya lalo na nung nagkakatinginan kami at ningitian niya ako habang umiikot ang baso sa aming magkakaibigan. Nandun din si Kuya roger, ang utol ni norman, nang marinig kong sabi nya " tra, uwi na tayo, kaya nyo pa ba ?" ang alam ko siya ang magdri-drive sa amin pauwi, dahil nakahandusay na din si norman sa kalasingan, sila lang kasing magkapatid ang marunong magdrive samin magkakaibigan.


Oo, pauwi na kami at katabi ko sa likod si jill, napakaganda talaga niya, tulog na tulog syang nakasandal sakin, kahit nakapikit, napakaganda pa din ni jill, pagkakataon ko na yon para mahawakan ang mapuputi niyang pisngi nang biglang isang liwanag pumutong sa pagkakataon kong yon, ang naalala ko, nakakasilaw, masakit sa mata ang liwanag na yon at malakas na pagsabog ang narinig ko.

Biglang nagising si mama, tumakbo si mama sa pinto palabas, di ko marinig ang sinisigaw niya sa labas pero alam ko sumisigaw siya, natataranta, di ko maitindihan, umiiyak si mama, naiiyak na din ako, natataranta silang lahat na lumalapit sa akin, masakit lang ang katawan ko..... sinubukan kong gumalaw pero ansakit ng lalamunan ko, parang may kung anong nakapasak sa lalamunan ko,di ako makabangon, di ako makasigaw, gusto ko tong tanggalin kasi di ako makahinga sa bagay na nakapasak sa bibig ko... pilit kong tinuturo itoo para tanggalin nila pero di nila ako pinapansin, pinupukpok ko na yung kamay ko sa kama para maintindihan nilang masakit talaga, na tanggalin na nila... pero hinawakan nila ang dalawang kamay at paa ko,

Biglang pumasok sila norman, si patrick at si jill... oo si jill, anganda niya talaga, ang ngiti niya, ang ngiting di ko makakalimutan sa buong buhay ko, habang sila norman at patrick kinakausap ako pero di ko sila marinig ni maintindihan, nakangiti sila.. nagtatawanan, parang dati sa tambayam, ang naiintindihan ko lang sa kanila, kumalma ako.


Hinawakan ni jill ang kamay ko, gusto ko nang umamin tungkol sa nararamdaman ko kay jill, noon pa, simula ng magkakakilala kami nila norman at patrick at ni jill, gusto ko na siya, kaibigan ko sa norman, ayoko masira ang pagkakaibigan naming apat kaya pinigilan ko ang sarili ko at kinalma ko ang sarili ko para kay jill, bigla kong narinig si jill, oo si jill, binulungan niya ako na "walang iwanan diba? pangako natin yang magkakaibigan..." sabay ngiti sakin ni jill na may kasabay na pagluha.

"Oo jill, di kita iiwan, di ko kayo iiwan nila patrick, at ni norman.." gusto kong isigaw pero di ko kaya, tinignan ko sila patrick at norman, palabas na sila ng pinto at kinawayan nila ako, gusto ko silang sigawan na dito lang sila sa tabi ko, pero ningitian lang nila ako at tuluyan nang umalis sa pinto. Piniga ko ang kamay ni jill,,, "jill wag kang aalis, dito ka lang", pero wala akong sapat na lakas para hawakan siya ng matagal... lalo akong nalulunod sa hanging loob ng lalamunan ko, umiiyak na ko,, bakit nyo ko iiwan...

Bigla niyang binitawan ang kamay ko at nakita ko siyang umiyak at tumakbo sa labas,,


biglang tumahimik ang buong paligid, hinihintay ko silang bumalik kasi baka pinagtri-tripan nanaman nila ako, kaso antagal nila, inaantok na ko.... pinipigil kong idilat ang mata ko kasi ayokong matulog, anhirap huminga pag natutulog... nang biglang narinig ko yung malakas na pagsabog, oo naalala ko ang tunog na yon, nung pauwi na kami, yung narinig ko kasabay ng ilaw na nakakasilaw.  Biglang may kumatok sa pinto, si kuya roger, si kuya roger binubuksan niya ang pinto, si kuya roger na nakatingin sakin, nakangiti siya sakin at nakatabingi yung ulo niyang nakatinging naglalakad papalapit sa akin, ngayon ko lang nakita nang ganun si kuya roger, mabait si kuya roger, palabiro siya pero di tulad ngayon, masama ang pakiramdam ko kaya walang dahilan para biruin niya ako ng ganto... di na siya iba saming magkakaibigan pero sa pagkakataong ito, parang di siya si kuya roger... papalapit siya sakin at natatakot na ko dahil nagiiba yung muka niya, namumutla at tumutunog ang mga buto niya sa panga dahil lumalaki ang bibig niya sa pagkakangiti, di talaga siya si kuya roger, bigla nalang nawala yung puti ng mga mata niya at biglang lumabas ang napakaraming dugo mula sa mata at sa bibig niya dahilan ng pagmantsa nito sa damit niya at sa kumot ko. Tumawa siya ng malakas, sobrang lakas, ansakit sa tenga, nakakatakot na yung tawa niya, di ko namalayan nasa tabi ko na siya at habang papalapit na yung muka niya sakin, pinatong niya ang isang kamay niya sa dibdib ko, dumidiin, masakit, antatalim ng kuko niya, bumabaon sa balat ko.... di na ko makahinga,


sabay bulong sakin...

"Tara, uwi na tayo, kaya mo pa ba ?"


  

Story Archive