Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

"MAG INGAT SA MGA SANGLA TIRA"

Story Rating:

Mag ingat tayo sa mga kinikuha nating sangla tira. Gaya nala......

OUTING

Story Rating:

This is the first time that I will share creepy things durin......

HAUNTED HOUSE

Story Rating:

Itago niyo nalang ako sa pangalan na Pathcuhay. Mero......

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

Sundo

Story Rating:

Ang kwento ng aking ama bago siya namatay!...

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......

Humihinga

Story Rating:

gusto ko lang i-share ang aking karanasan nung akoy medyo ba......

Babaeng nakaputi

Story Rating:

Ito ay nangyari sa aking pinagtatrabahuhan sa bandang taguig......

Multo sa kuwarto (Short Story)

Story Rating:

Noong na tutulog ako may naramdaman akong lamig sa paa ko, e......

First Ghost Encounter

Story Rating:

Napasunod na lang si Marie pero nang lumingon siya sa kanyan......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Sa Zambales

Story Rating:

Itago nyo nalang ako sa pangalang Kristy. Mga 19 years old a......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......

 Fiction Black lady sa Bahay

Story Rating:

I remember na Saturday pala ngayon. So Uuwi na ako samin kas......

 Fiction Kasakay

Story Rating:

Sabi ko imposible, nakasabay ko pa sya kanina sa dyip ng ala......

 Fiction Manananggal

Story Rating:

Ilang linggo palang nakakalipas ay nakaramdam na ako na may ......

 Fiction Ang Nakaputing Babae (Short Story)

Story Rating:

oong 2010 lumipat ang pamilya nina kuya ng bahay. Wala pa si......

 Fiction Sa Aming Bahay (Short Story)

Story Rating:

Minsan sa aming hagdan mayroon akong nakitang isang lalaking......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang supultorero si Ivan sa isang cemetery ng Laguna.Siya a......

 Fiction BARANG

Story Rating:

Nagsimula lang naman siyang magduda nang minsang makatanggap......

 Fiction Valentine Message

Story Rating:

"Look, hon, tingnan mo," nakangising sabi ng lalaki sa nobya......


Pinoy Horror Story


Sumpa


Story Rating

Rated (3/5)
by 2 user(s)


Uumpisahan ko ang lahat kung saan nagmula ang sumpa na hanggang ngayon ay bumabalot sa isang kalapit naming bahay dito sa Nueva Ecija. Ako si Zein, 21 taong gulang at saksi sa mga nangyayari sa bahay na isinumpa.


Family #1:


Unang tumira sa bahay na iyon ang mag-asawang Cris at Sarah (di totoong pangalan). Bata pa lamang ako noon, kwento sa akin ng aking mama ay masaya ang mag-asawang ito noong una. Ngunit bigla na lang daw nagbago ang lahat. Bigla na lang na halos araw-araw ay nag-aaway sila. Minsan nga habang natutulog daw si Sarah ng tanghali, bigla siyang maaalimpungatan sa malalakas na yabag sa kanilang kusina. Maliit lamang kasi ang bahay na ito at halos dikit lang ang kwarto sa kusina. Pagpunta niya sa kusina, nagimbal siya sa isang malaking tao na kumukuha ng pagkain nila. Kanyang napagtanto na kaya pala madalas masira ang kanilang pagkain ay dahil sa may ibang elemento na nakikikain dito. Pagdating ng kanyang asawa sa bahay matapos mamasada (isa itong tricycle driver), sinabi nito sa asawa ang pangyayari ngunit imbes na makinig ito, naging sanhi lamang tuloy ng kanilang pag-aaway. Nakausap ni mama noon si Sarah at nabanggit nito na kapag nasa loob na ng bahay silang dalawa ng kanyang asawa, sobrang init daw ng kanilang pakiramdam na parang sila ay pinapaso. Palagi rin daw na masakit ang kanilang ulo at parang nadedemonyo ang kanyang asawa. Tumagal ang pitong taon na doon sila nanirahan. Ngunit isang hapon habang nag-aagaw ang dilim at liwanag,  bigla na lamang may maingay na kumakatok sa pintuan ng bahay nila Sarah, inakala niyang ito ang kanyang asawa dahil halos mag-gagabi na ay wala pa ito. Pagkabukas niya ng pinto, ibinalita ng mga pulis na patay na si Cris dahil naaksidente daw ito habang nasa daan papauwi sa kanila. Pagkalipas lang ng isang linggo ay umalis na si Sarah sa bahay na iyon at ipinaupa ito sa aking tito na may asawa.


 


Family #2:


Ang aking tito kasama ng kanyang asawa at dalawang anak ang sunod na nanirahan sa bahay na ito, itago natin sa pangalang Win at Lisa. Ang kanilang mga anak ay sina Mark at John. Isang Barangay Tanod ang aking tito at kadalasan ay wala ito sa kanilang bahay. Sa una, maayos naman daw ang lahat. Nakakaraos sila sa pamumuhay dahil malimit na manalo sa jueteng ang aking tito. Wala naman silang naramdaman na kakaiba bukod sa napakainit nga ng bahay na iyon at masakit lagi ang kanilang ulo. Hanggang sa dumating ang ikapitong-taon nilang mag-asawa, nasa harap ng bahay ang aking tito noon, may mga kainuman na pinsan niya. Masaya silang nag-iinuman ng kanyang mga pinsan. Ako naman ay nasa bahay noon,  malapit lamang sa lugar ng kanilang pinag-iinuman. Mga dakong 10pm, nagulat kami sa isang malakas na sabog sa harapan. Hanggang sa may mga nagsisigawan na, ayun pala ay may naghagis ng granada sa mismong pinag-iinuman nila tito. Nakatakbo pa raw ang aking tito noon ngunit wala na rin dahil sa leeg ang tama niya kaya't binawian din siya ng buhay. Ang aking tita pagkatapos ng burol ay umuwi sa bahay ng kanyang mga magulang kasama ang kanyang dalawang anak.Matagal na walang tumira sa bahay na iyon hanggang.....


 


Family #3:


Ang aking mismong ina at kanyang kinakasama. Wala pa sa isip namim noon ang sumpa ng bahay na iyon kaya naman humalili ang aking ina sa pagtira sa bahay na iyon. Okay naman ang lahat, pero akala lang pala iyon. Sa una ay maayos ang kalusugan ng kinakasama ng aking mama, hangang sa dumating ang ikapitong taon, bigla na lamang itong nanghina sa di malamang dahilan. Matagal pa itong namalagi sa hospital hanggang sa bawian na rin ng buhay. Umalis si mama sa bahay na iyon dahil napag-alaman namin sa isang albularyo na may nakatira talaga doon. Hindi lang daw iisa kundi marami sila. Halo-halong elemento at demonyo,at ang masaklap pa ay galit daw ang mga ito sa lalaki.


 


Ngayon ay may nakatira ulit sa bahay na iyon, dalawang taon pa lamang silang nagsasama at may bagong silang na sanggol. Kung sakaling dumating ang ikapitong taon at mangyari iyon. Nais mo bang humalili?


  

Story Archive