Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

I believe in God

Story Rating:

Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot sa naranasan ko ......

Third Eye

Story Rating:

Hello avid readers! I had shared my personal story here befo......

Silip

Story Rating:

Nangyari ito way back May 2016 sa isa sa trabaho ko bilang s......

Life never ends, and Love never dies.

Story Rating:

I would like to share my own experience on this page, hindi ......

Weird na Kapitbahay sa Arpartment

Story Rating:

Hi ako nga pla si Jandel. 20 years old galing probinsya. Bag......

Babae sa Upuan

Story Rating:

Yung bahay ng lola ko dun up and down. Siya nalang ang mag i......

The Man in My Sleep

Story Rating:

This is one of my creepiest experience in my first dormitory......

Balsa

Story Rating:

Nung minsan bumagyo sa kanila kailangan iligpit ang mga bang......

Haunted in Australia: A pinoy horror story

Story Rating:

Naniniwala akong sa mundong ito may ibang nilalang pa tayong......

Matandang Babae na nakalutang sa Lupa

Story Rating:

Halos lahat na ata ng kwento dito sa page na ito ay nabasa k......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

New Fictional Horror Stories

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......

 Fiction Kotse

Story Rating:

KOTSE Matagal nang magkasintahan si Francis at Ruth - 4......

 Fiction Herika

Story Rating:

Nakatulog na ang mag asawa ng biglang may narinig sila na ka......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

 Fiction The road

Story Rating:

Papunta ako sa bahay nang pinsan ko nang may makita ako sa d......

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


 


sofa..


 


Noong ako’y nasa 12 anyos pa lang, lagi akong nasa bahay ng tita ko para manood ng tv. Kaya hindi ko inaasahan na mangyayari sa akin ito.


 


alas dose na nang hating-gabi ng dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng bahay namin.. galing ako sa bahay ng tita ko upang manood ng tv  at hindi ko na namalayan ang oras. Wala kasi kaming tv ng mga panahong iyon. Hindi naman delikado sa lugar namin lalo na at iisang compound lang kami ng mga pinsan at lola ko. Hindi naman naka lock ang pinto namin dahil nga hindi ganoon ka delikado noong mga panahong iyon. Kaya hinahayaan lang na hindi naka lock ang mga pinto.


Dahil sanay na ako, hindi ko na rin binuksan ang ilaw sa sala (kung saan ako dumaan), pumunta ako sa kusina dahil nakaramdam ako ng gutom. Binuksan ko ang ilaw ng kusina. Dahil nasisinagan ng ilaw ng kusina ang sala, napansin ko na nakahiga pala si papa sa sofa. “Hay, naunahan nanaman ako ni papa sa sofa.” Sabi ko sa sarili ko. Masarap kasi mahiga sa sofa na iyon dahil malapit rin sa bintana. Doon ako lagi nahihiga at natutulog lalo na at lagi akong nagagabihan lalo na at walang pasok kinaumagahan. 


 


Kumuha ako ng kanin at ulam, naisip ko lapitan at yayain si papa na kumain dahil kadalasan ay natutulog siya na hindi kumakain.


 


“Pa..pa.. tara kain.” yugyog ko sa balikat niya. Nasa may ulunan niya ako. Hindi ko alam kung nagising ko siya dahil madilim at di ko maxado kita mukha nya.


 


Tanging “uhmm” lang ang naisagot ni papa senyales na ayaw niya.


 


Bumalik ako sa kusina at kumain.


 


Pagkatpos kong kumain ay naghugas na ako ng pinggan at nag sipilyo. Mabagal ako kumain at kumilos kaya mga bandang alas 2 na ako natapos sa kusina.


 


Nang makaramdam na ako ng antok ay pinatay ko n ang ilaw sa kusina. Nasisinagan naman ng liwanag sa labas ang ilang bahagi ng loob ng bahay namin dahil bukas ang mga bintana at maliwanag din ang gabi gawa ng buwan (new moon ata noon). Naglakad na ako papuntang kwarto. At dahil nga ang kwarto namin ay tapat ng sala, nadaanan ko ulit c papa. Di ko na pinansin at maingat na lang ang paglalakad ko para wala akong masagi at baka magising ko pa si papa.


 


Dalawang kwarto ang katapat ng sala, sa kabilang kwarto ay apat kami na natutulog doon, mga kapatid kong babae, sina Jane, at Jade na kambal, at si Sandra na nasa 6 na taong gulang pa lang at ako. Pero kadalasan ay sa sala ako natutulog. Sa kabilang kwarto ay sina mama at papa, pero kapag naiinitan si papa ay sa sala siya natutulog (hindi uso ang eletricfan sa amin. hehe). Ang kapatid kong lalaki ay may asawa na kaya ibang bahay na sila.


 


So ayun n nga, dahan dahan akong naglakad papuntang kwarto, bahagyang nakabukas ang pintuan ng kwarto nina mama. Iniisip ko na tulog n tulog na si mama. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto namin para doon na lang matulog nang marinig ko na may umubo sa kwarto nina mama. Lalaki ang umubo kaya nagtaka ako dahil tanging si papa lang ang lalaki sa bahay at nasa sala siya. Dahan dahan akong lumapit sa pintuan nina mama para buksan pa ng kaunti dahil iniisip ko na may ibang tao sa loob o baka may magnanakaw.


 


Tiningnan ko ulit si papa sa sofa pero mukhang tulog n tulog ito. Hindi ko na siya ginising kasi baka nagkamali lang ako ng pandinig. Kaya sinigurado ko muna kung ano ang narinig ko.


 


Sa dahan dahan kong pagbukas ng pinto, sumilip ako sa kwarto nina mama.. Madilim pero naaaninag ko ang nasa loob ng kwarto, dalawang tao ang nakahiga. Sigurado ako na si mama ang isa. Lumapit ako sa higaan nila para Makita ko kung sino ang isa pa dahil baka yung kapatid ko, dahil hindi ko pa nkikita kung sino sino ang natutulog sa kwarto namin. Pero napapaisip ako kasi lalaki ang narinig kong umubo. Mas nilapitan ko pa ang higaan nina mama. Merong katabi si mama na Malaki ang katawan kya mas lalo akong naguluhan. Pag lapit ko, at dahil bukas ang bintana ng kwarto nina mama, pumapasok ang kakaunting ilaw galing sa buwan.. kitang kita ko ang mukha, katawan at hilik na hilik na natutulog sa tabi ni mama..si papa!!! Nanlaki ang mata ko nung nkita ko siya at talagang napa atras ako sa mula sa higaan nila.


 


Gulong gulo ako, at napatanong sa isip ko, ‘Sino yung lalaki na nasa sofa?’ agad kong nilingon ang pintuan ng kwarto nina mama dahil bahagya parin itong nakabukas. Unti unti ko tong nilapitan at sinilip ang labas (sala). Hinanap ng mata ko ang sofa na hinihigaan ng lalaki kanina na napagkamalan kong si papa.


 


Laking gulat ko nang Makita ko siyang nakatayo sa gilid ng sofa at naka harap sa akin! Di ko nakikita mukha niya pero kitang kita kong nakalutang siya, bahagya siyang gumalaw na tila lalapit sakin..Sa sobrang takot ko ay naisara ko ng napakalakas ang pintuan ng kwarto nina mama dahilan para magising sila.


 


Gulat n gulat sila at nagtanong kung anong nagyari. Sinabi ko kay mama na may lalaki sa sala.. Binuksan ni papa ang ilaw at pumunta sa sala..at walang tao doon.. guni guni ko lang daw iyon at matulog na raw ako.


 


 


 


Kinabukasan, ikinwento ko sa pamilya ko ang nagyari. Naniwala naman sila at baka daw iyon ay nagambala at walang mapuntahan..kaya wala na sa amin ang pinapayagan matulog sa sala.. kahit si papa.


 


 


 


 


 


 


 


  

Story Archive