Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

"Neneng"

Story Rating:

Hello po sa inyong lahat. Ako po si Philip. 1st time ko lang......

Haplos ni Lola at ang mga paru paro

Story Rating:

Sa burol malaki ang lugar may dumapong paro paro sa labas ti......

Kalampag ng Pinto

Story Rating:

Unang taon ko noon sa isang pribadong unibersidad sa Iloilo ......

Creepy Stories ( Part 9 )

Story Rating:

Bago niya patakbuhin ang kotse sabi nya groufie daw kami so ......

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Pangitain

Story Rating:

Nangyari ito years ago pa, nasa college ako noon. Meron akon......

Sino Ba 'Yun?

Story Rating:

I have 2 stories. The first was told by my mother. The secon......

School Stories 2

Story Rating:

Hi ako nga pla si Jandel. 20 years old. Gusto ko lang ishare......

OPISINA (Story 1)

Story Rating:

Sa office namin, natural na ang takutan. Itinayo ang Buildin......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......

 Fiction Magkasintahan (Short Story)

Story Rating:

Meron magkasintahan. Sobra nilang mahal ang isa't-isa. Konte......

 Fiction Lalaking Naka-itim

Story Rating:

Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at ha......

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (2/5)
by 1 user(s)


Alam ni Adam kung anong nangyayari sa kanyang katawan, sa dinami-dami ba namang article sa mga facebook page na nabasa niya tungkol dito. Sleep paralysis -- sigurado siya.



Hindi makapagsalita, hindi maigalaw ang mga kamay pati na ang paa. Wala. Tanging mga mata lang at pag-iisip ang gumagana sa kanya, para lang siyang isang CCTV camera sa loob ng kanyang kwarto, nakahiga.



Ramdam niya ang pamamawis sa noo, ang malakas na pagtibok ng puso sa kanyang dibdib na halos kumawala na sa kaba. Tanging ang mga kamay at paa ang hindi niya maramdaman, iniisip kung sa kanya ba talaga ang mga ito? 



Nilibot ni Adam ang mga mata sa loob ng tinutulugan, purong kadiliman, maliban sa orasan sa tanging pinto na nasa kanang bahagi ng kwarto. 3:36 -- kulay pula ang mga linyang bumubuo sa mga numero. 



Nilibot niya ulit ang mata, sa pagkakataong ito'y sa paanang parte ng kama, kung saan nakalagay ang cabinet ng mga damit at isang maliit na mesa at upuan kung saan siya nag-aaral at nagsasanay ng pagguhit. Masyadong madilim ang kwarto pero naaaninag niya pa rin ang kabuuan ng bawat bagay na bumubuo sa kanyang silid.



Inikot niya ang paningin sa kaliwang bahagi, sa lugar kung saan matatagpuan ang tanging bintana na pinapasukan ng hangin kapag mainit ang panahon. Sa una'y inayos niya muna ang pagtitig sa labas ng bintana. Dalawang beses siyang kumurap upang palinawin ang paningin, itinutok niya ulit ang mata sa bintana. 



Halos lumuwa ang mata niya sa nakita. Hindi niya alam kung dala ba ng imahinasyon, o baka sa kaantukan, o maaaring dahil sa nanlalabo niyang mga mata. Nakita niya ang isang nilalang, nakatayo sa labas ng bintana, nakangiti, habang nakatitig sa paralisado niyang katawan. 
Malaki ang nilalang, sumobra ang ulo nito sa pinakataas na bahagi ng kwadradong bintana kaya hindi niya makita ang buhok nito. Pula ang balat, mas mapula sa numero ng digital clock na nasa may taas ng pintuan, ang mga labi ay kakulay ng uling. Patulis na tenga, malaking pangangatawan. Ngunit ang pinakakakaiba sa katangian nito ay mga mata. Mga matang kasing itim ng gabi.



Pinilit ni Adam na alisin sa isipan ang nilalang sa may bintana, pinikit niya ang mga mata. Walang kwenta, nakaukit na sa imahinasyon niya ang itsura ng nilalang. Kung paanong nakatitig lamang ito sa kanya habang may ngisi sa mukha. 



Unti-Unti niyang binuksan ang mata, nagdarasal na sana sa pagbukas ng mata ay wala na ang halimaw. Tumingin si Adam sa bintana sa kaliwa -- wala na ang nilalang. Tanging ang malaking puno ng mangga sa labas ang nakita niya. 



Napabuntong-hininga si Adam, inilabas ang hangin sa dibdib na hindi niya napansing kanina pa pala pinipigilan. Naramdaman niyang lumuwag na ang paghinga niya, at paunti-unti na rin niyang nararamdaman ang mga daliri sa kamay. 



Sinilip niya ang daliri sa kaliwang kamay, nakita niyang gumalaw ang isa sa mga ito. Paisa-isa, hangang sa tatlo nang daliri ang kumikislot sa kamay niya. 



Matagumpay ang paunti-unti niyang paggalaw sa mga daliri, nararamdaman niyang kayang-kaya na niyang itaas ang kaliwang kamay. Puwersahan niya itong inangat, na parang humahawak lang ng isang mabigat na bagay. 



Naitaas na niya ang kamay ng biglang may pulang mga daliring pumulupot dito, kasabay ng pagbigat ng kanyang mga dibdib. 
Nakadagan ang nilalang na kanina'y nasa bintana sa kanya, ang dalawang paa ay nakatungtong sa hubad niyang mga dibdib. Korteng 'S' ang katawan, nakayuko habang ang mukha ay tila ba nakapatong sa mga tuhod. 



Sinakal siya nito gamit ang kaliwang kamay, habang nararamdaman niyang mas lalong bumabaon ang dalawang palad ng paa sa kanyang dibdib. Kasabay nito ay ang pakiramdam ng init sa lahat ng balat ng halimaw na nakadikit sa kanyang katawan, parang isang nagbabagang uling. 



'Akakaaak'



Hindi na siya makahinga, nauubos na ang lahat ng hangin sa kanyang dibdib, nakatitig lang siya sa nilalang na nasa harapan niya. Nakangisi pa rin.
'Akakakaaka'



Kaya na niyang makagalaw, at nagawa niyang kumawag-kawag mula sa pagkakasakal ng halimaw. Ngunit sobrang lakas nito, at sobrang bigat na halos mapiga na ang leeg niya at mapipi ang dibdib. Nanlalabo na ang kanyang mata, kasabay ng pag-ikot ng kwarto sa kanyang paningin. Kalaunan ay mas lalo pang dumilim ang paligid, mas lalong bumilis ang pag-ikot ng paningin. Wala na siyang hinihigop at binubugang hangin, hindi niya na kaya. Tapos ay liwanag.



TAK!
Malakas ang tunog ng orasan sa tahimik na gabi sa loob ng maliit na kwarto, alas-kwatro na nang umaga. 


  

Story Archive