Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Mga Bagay na Hindi Natin Maintindihan

Story Rating:

Isang araw ay sama-sama kaming kumakain ng tanghalian sa bah......

12Noon

Story Rating:

Lagi kaming tambay ng mga kaibigan ko sa rooftop ng building......

Siya pala

Story Rating:

December 6, 2016 nung namatay ang tatay ng kaklase namin na ......

Ang Matandang Kapit bahay

Story Rating:

Nakatira ang pamilya ko sa isang liblib bayan sa Cebu. Bago ......

Ang Bahay Sa Ilalim Ng Punong Mangga

Story Rating:

Bago palang kami lumipat doon, marami na ang nagsasabi samin......

Bangungot (True Story)

Story Rating:

Nangyari to last May 2017, when my friend and girlfriend wen......

Mga Bantay

Story Rating:

Pangalawang kwento ko ito tungkol sa kababalaghan sa aming b......

Tatlo (Boardinghouse Stories)

Story Rating:

Isang old house siya. As in old house, sa paligid niya maram......

ALARM CLOCK

Story Rating:

Day off, wala ako pamasahe umuwi ng probinsiya so I don't ha......

ambon

Story Rating:

This story actually happened last sept 27 2017 around 2:00 a......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Itago nalang natin siya sa pangalang Sir (Si Sir ay isang Manager sa isang drugstore sa Laguna (Hindi pwedeng sabihin ang pangalan ng drugstore). Mahal siya ng mga empleyado nya dahil sya ay mabait na Manager. Hindi sya talaga taga Laguna ngunit dahil dito sya na-assign kaya naman mag isa syang nanirahan dito. Malayo ang kanilang probinsya. Kailangan mo pang sumakay sa barko bago makarating sa kanila.


Nangungupahan si Sir sa isang subdivision. Isang araw ay bigla nalang nawala si Sir na parang bula. Lahat ng empleyado nya ay naghahanap sa kanya dahil biglang hindi na sya pumasok pagkatapos ng day off nya. Lahat ay nag alala sa kanya. Kinontak na nila ang pamilya ni Sir para malaman kung umuwi ba ito sa kanilang probinsya pero hindi pa daw nauwi doon si sir. Hanggang lumipas ang tatlong araw.


Kumontak ang Supervisor mula sa ibang branch ng drugstore sa kadahilanang nagpakita daw sa kanya si Sir. Tawagin nalang natin sya sa pangalang Mam (Si Mam ay may third eye kaya naman madali lang sa kanya makakita ng mga kaluluwa). Sabi daw ni Sir ay patay na daw sya. Hinoldap at pinatay daw sya ng isang tricycle driver. Hanapin nalang daw ang bangkay nya sa matalahib na lugar. Lahat ay nalungkot sa balitang ito. Kaya naman nagsimula ang paghahanap ng mga empleyado sa bangkay ni sir. Pati ang pamilya ni sir ay umuwi galing probinsya para na rin maghanap. Hindi sinasabi sa pamilya na nagpakita na si sir dahil baka mag alala lang o hindi sila paniwalaan.


Kung saan saan naghanap ang pamilya ni sir. Kaya naman isang araw ay nagpakita ulit si Sir kay Mam. Pinapasabi nito sa pamilya nya na wag na syang hanapin kung saan saan dahil nasa malapit lang sya. Pero hindi pa rin ito sinabi sa kanyang pamilya. Lumipas ang ilang linggo ngunit wala pa ring balita kung nasaan si sir. Lagi daw nagpapakita si Sir kay Mam at ang huling sabi nito ay hanapin daw sya sa palayan. Nandun daw sya at nakalitaw ang paa nya (Sa subdivision kung san nakatira si Sir). Napagdesisyunan ng mga empleyado ni Sir kasama na rin ng ibang branch na magtulong tulong na sa paghahanap kay Sir. Hinanap siya sa buong subdivision (ph.1, ph.2, ph.3 at ph.4) at kung saan pwedeng pagtapunan pero bigo pa rin sila na mahanap. Sinabi ni Mam na kasama nila sa kotse si Sir habang naghahanap. Lumipas muli ang ilang araw nang magpakita ulit si Sir. Nasa babuyan daw sya at nangangamoy na daw sya. Hindi lang naaamoy gawa ng mga baboy (May babuyan bago pumasok ng subdivision kung nsaan ang TODA ng mga tricycle). At ayun nga. Hinanap nila si Sir sa babuyan pero walang Sir na nahanap. Maging sa ibang lugar na may babuyan ay naghanap sila pero wala talaga. Nawalan na sila ng pag asa sa paghahanap. Maging ang pamilya nito ay umuwi na sa kanilang probinsya dahil sabi nila ay mahirap daw hanapin ang taong ayaw magpahanap. Inakala ng mga ito na baka sumama lang sa ibang babae. Tatlong linggo ang lumipas nang may magandang balita ang dumating. Nakita na si Sir. Hindi bangkay pero ang buhay nyang katawan. Nakita si Sir sa kagubatan ng Aklan. Napakalayo. Nakita sya ng isang mangangahoy na nakahiga sa kakahuyan kaya naman ipinagbigay alam nito sa kapitan at itinawag sa pulis. Agad namang nagpunta ang pamilya para makita si Sir. Kung anong suot ni Sir bago mawala ay ayun pa rin ang suot nya nung natagpuan. Napakadungis, mahaba ang balbas at napaka payat. Kaya naman nung nakita sya ay napaisip kami kung sino o ano ang Sir na nagpapakita kay Mam. Doon ko napatunayan na mapanlinlang ang mga demonyo. Nagpanggap at pinaglaruan nya ang mga tao. Meron din nagsasabi na baka ligaw na kaluluwa ang nagpakita kay Mam. Kung paano napunta si Sir sa kagubatan ng Aklan ay naging palaisipan sa amin. At ang kasagutan ay si Sir lang ang tanging nakakaalam. Hindi sya nagsasalita kung anong totoong nangyari at ayaw nya ng pag usapan ang tungkol dito.


Ang hinala namin ay may mga taong naiingit o galit sa kanya kaya naman iniligaw sya sa pagkalayo layong kagubatan. Na kung walang nakakita ay marahil doon na sya namatay at hindi na nahanap. Pero salamat sa Diyos at may nakakita sa kanya at ligtas syang nakauwi. Ngayon ay kasama na sya ng kanyang pamilya sa kanilang probinsya. At retired na rin sya dahil nung nawala sya ay ilang buwan na lang ay magreretire na sya. Hanggang dito nalang.


Salamat sa pagbabasa. PS: Hindi natin masasabi ma baka nagloloko lang si Mam na nakikita nya si Sir dahil hindi lang sya ang nakakita sa kaluluwa ni Sir. Maging ang isang customer ng drugstore ay pinagpakitaan din ng kaluluwa at sinasabing nasa babuyan din si Sir.


  

Story Archive