Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Lola (True Story)

Story Rating:

Sabi nila, ang taong malapit nang mamatay, marami raw nakiki......

Si Lola Aswang

Story Rating:

I came from a underprivileged family kaya during high school......

"MAG INGAT SA MGA SANGLA TIRA"

Story Rating:

Mag ingat tayo sa mga kinikuha nating sangla tira. Gaya nala......

OUTING

Story Rating:

This is the first time that I will share creepy things durin......

HAUNTED HOUSE

Story Rating:

Itago niyo nalang ako sa pangalan na Pathcuhay. Mero......

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

Sundo

Story Rating:

Ang kwento ng aking ama bago siya namatay!...

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......

Humihinga

Story Rating:

gusto ko lang i-share ang aking karanasan nung akoy medyo ba......

Babaeng nakaputi

Story Rating:

Ito ay nangyari sa aking pinagtatrabahuhan sa bandang taguig......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Sa Zambales

Story Rating:

Itago nyo nalang ako sa pangalang Kristy. Mga 19 years old a......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......

 Fiction Black lady sa Bahay

Story Rating:

I remember na Saturday pala ngayon. So Uuwi na ako samin kas......

 Fiction Kasakay

Story Rating:

Sabi ko imposible, nakasabay ko pa sya kanina sa dyip ng ala......

 Fiction Manananggal

Story Rating:

Ilang linggo palang nakakalipas ay nakaramdam na ako na may ......

 Fiction Ang Nakaputing Babae (Short Story)

Story Rating:

oong 2010 lumipat ang pamilya nina kuya ng bahay. Wala pa si......

 Fiction Sa Aming Bahay (Short Story)

Story Rating:

Minsan sa aming hagdan mayroon akong nakitang isang lalaking......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang supultorero si Ivan sa isang cemetery ng Laguna.Siya a......

 Fiction BARANG

Story Rating:

Nagsimula lang naman siyang magduda nang minsang makatanggap......

 Fiction Valentine Message

Story Rating:

"Look, hon, tingnan mo," nakangising sabi ng lalaki sa nobya......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (2/5)
by 1 user(s)



Ako nga pala si Mack 23 anyos at nagtatrabaho ngayon sa isang pabrika ng damit sa Laguna. Ako ay masayahin at pala-kaibigan at isa sa mga pinakamasipag na empleyado.

Nais ko lang i-share ang aking kwento nung ako ay nag-aaral pa ng High School sa isang tahimik na probinsya sa Laguna. Ang school namin ay katabi lamang ng simbahan. Medyo kalumaan na ito. Taon 1999 ako ay 4th year section B. Isa ako sa mga ordinaryong estudyante ika nga eh "average student" lang.
Pala-kaibigan at magalang sa mga kaklase at guro. Isang ordinaryong araw sa school, "Alas nuwebe na! Breaktime! Ano kayang bibilhin ko'ng merienda". Pumunta ako sa canteen para bumili palamig at marie biskwit. "Aling Rosing pabili nga po ng palamig". Sabay abot ng bayad.

Nag lakad palayo supsop ang straw ng palamig ko.
Naisip kong puntahan si pareng Roy na kaibigan kong lower year section C.
"Pareng Roy kamusta" sumagot ito " Okay naman Mack, Ano oras ka uuwi? itutuloy mo ba yung pagsali mo sa painting contest?"
"Hindi na siguro, kulang ang pera ko pambili ng color pencil, eh panibagong gastos na naman. Idadagdag ko na lang sa pambili ng bagong sapatos sa graduation."

"Macky, Roy! kamusta na kayo?" bati ni Lita.

Ako: Ok naman Lita, kamusta pag-aaral?

Lita: Heto medyo busy excited na din grumaduate para makapag trabaho na din at makatulong kina inay.

Ako: Hindi mo na ba itutuloy ang pag-aaral mo?

Lita: Mack, siguro hindi na para na din mapagtapos ko ang mga kapatid ko. O siya aalis na ako kelangan ko pang humabol sa klase.

Umalis si Lita bitbit ang kanyang libro.

Habang papalayo si Lita napansin kong putol ang kanyang ulo tila ba lampasan ang tingin ko at hindi ko maaninag ang kanyang buhok.
Nagkusot ako ng mata upang muling masipat ng maigi ang nakita.  Pero wala pa din syang ulo hanggang pag-akyat ng hagdan.

Tumindig ang balahibo ko at pinagpawisan ng butil-butil at naglakad papalayo. Bumalik ako ng classroom at umupo at pilit ko pa din iniisip ang aking nakita. Nag-ring ang bell, alas kwatro na at oras na para umuwi. Isinilid ko ang aking kwaderno at ang ballpen at lapis sa aking bag at umuwi.

Kinabukasan....

Papasok na ko sa school. Nagkakagulo sa labas ng gate ng school, ang daming taong nag umpukan. Tinanong ko sa isang schoolmate ko kung ano nangyari. "Si Lita patay na, nasagasaan siya kaninang umaga lasog-lasog ang katawan at hindi na halos makilala dahil sa pagkakadurog ng kanyang mukha."

Nagulat ako sa mga pangyayari. Hindi ako makapaniwala at natutulala. Hwebes ng gabi napagkasunduan naming magkakaklase pumunta sa burol ni Lita. Habang kami ay nagkukuwentuhan sa terrace ng bahay nila tungkol kay Lita nabanggit ko ang aking nakita bago siya maaksidente.

"Nakita ko si Lita kahapon walang ulo habang paakyat siya ng hagdanan" akala ko ay na malikmata lamang ako. Sabi ng mga kaklase ko ito daw ay isang "Signos" ng kamatayan ng isang tao, dapat daw ay sinabi ko ang nakita para makontra ang kamalasan dala ng signos. Sunugin at ilibing ang lahat damit at gamit nya nung oras na yun.

"Nanlumo ako sa nalaman ko at tila ba nanghihinayang sa nalaman. Kung nasabi ko kay Lita ang nakita ko, maaring makontra ang signos at maaring mailigtas siya sa kamatayan".

"Huli na ang lahat. nangyari na ang nangyari".

Umuwi na ako nang mabigat ang kalooban. Ako'y magpapahinga na at naghihilamos sa banyo. Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang sarili ko na walang ulo, muli kong pinikit at minulat ang mata at tumingin muli sa salamin at wala talaga akong ulo at katawan ko lang ang nakita ko.

Kilabot at lakas ng pintig ng puso ang nararamdaman ko, tila ba ako'y mamamatay sa takot. Naisip kong ito ay isang signos na ng aking kamatayan. Dali-dali kong hinubad ang damit, short, at underwear pati na din kwintas na krus na bigay sa akin ng lola ko. Nilagay ko ito sa plastic at tinalian.

Lumabas ako at pumunta sa likod bahay at naghukay gamit ang pala. Nakakatatlong hukay na ako at medyo may kalalaliman na, may tinamaan akong matigas na bagay. Kinapa ko ito at kinalkal ng kamay hanggang sa may nahawakan akong mainit at tila basa, at bilog na bagay. Nang tignan ko ang aking mga kamay, may dugo! Muli kong hinukay at sumambulat ang pugot na ulong naaagnas na. Halos masuka ako sa nakita! Nangangamoy ito at punong-puno ng bahid ng dugo. Nataranta ako sa nakita at takot na takot ng malaman ko na ito ang ulo ni Lita! Biglang nagmulat ang mga mata ng pugot na ulo at nagsalita "Tulungan mo ko. Tulungan mo ako".



KRINGG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


Alas 6:00 na ng umaga. At ako'y nagising. Panagninip lang pala.


  

Story Archive