Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

Sabi nila

Story Rating:

Paakyat na si Linda ng makasalubong ang kumareng si Mary sa ......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

1000 peso bill (Short Story)

Story Rating:

Last year ito nangyari sa may kwarto ko, bali nakikitira lan......

White Lady

Story Rating:

Usong uso pa dati 'yung laro na "BANG SAK" 'yung parang tagu......

Doble (Short Story)

Story Rating:

Pasko nun,at alas 12 na ng hatinggabi,pero kami ay tuloy par......

Dalaw

Story Rating:

Nung mga panahon na yun ay pinaghahandaan ng parents ko ang ......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Jollibee Scare 3

Story Rating:

Ang sabi nya, nung tinitigan nya yung lalaki, nakita nyang n......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

ANG MANIKA KONG SI SAM

Story Rating:

I have this doll named SAM, binigay sya sakin ng lola nung 9......

Jollibee Scare 4

Story Rating:

Marami nang crew ang nakakakita sa multo ng isang bata sa is......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

New Fictional Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......

 Fiction Horror House

Story Rating:

Nang makalayo na ay hapung-hapo na tumigil sila sa isang tab......

 Fiction Hanggang sa Kabilang Buhay

Story Rating:

...


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 4 user(s)


Hi guys! This would be my first entry. Pasensya na, hindi ako masyadong magaling mag-tagalog. But I'll try my best with the help of Google. Hope you like this story about me and my unknown friend.


It started last September 30, 2007.


"Hanna, gising na anak. May naghahanap sayo." sabi sakin ni Mama.


Sunday yun nang ginising ako ni Mama. Nagulat ako kasi wala naman akong inaasahang bisita. Sa isip ko baka kaklase ko na nanghihingi ng pointers sa school exam namin.


"Sino raw Ma?" nakahiga pa rin ako. Di ako agad bumangon kasi parang kulang pa yung limang oras na tulog ko.


Hinila niya ako, "Di ko siya kilala pero parang malungkot eh. Bumangon ka nalang kasi at puntahan mo dun sa may sala."


Napakamot nalang ako sa ulo ko. Sa isip ko, sino naman ito? At bakit siya malungkot?


May salamin kami paglabas sa kwarto na kung titingnan mo eh makikita mo ka-agad ang sala at kung sino ang nandun. Nakita ko, isang babae, maitim ang buhok at medyo curly ang hair nito. Nakatingin ito sa sahig at nakatulala. Hindi siya pamilyar sa akin. Kaya dahan-dahan ko siyang nilapitan. Nang makita na niya ako, agad siyang napaluha at agad hinila ako palapit sa kanya.


"Hanna.." tawag niya sa akin.


Hindi ko siya kilala. Hindi rin pamilyar sa akin ang kanyang mala-anghel na mukha. Napakaputi nito at nakasuot siya ng maitim na corset. At yung mga make up niya sa mata ay parang nabura na sa kakaiyak.


"Ahm.. Sino po sila?" tanong ko. Medyo awkward nga kasi kilala niya ako.


"Hanna, tulungan mo 'ko." Diretsong sagot niya. "Ako si Mari Nicolai Flores, pareho tayo, graduating sa high school."


Nag-isip ako kung meron ba akong kakilalang Maria Nicolai Flores, pero wala. Hinawakan niya ang aking mga kamay na basang-basa sa pawis at bigla siyang napaluha.


"Graduating na sana ako, kaya lang nagpakamatay ako dahil nabuntis ako. Kaya tulungan mo ako."


Nagulat ako sa aking narinig. NAGPAKAMATAY? Pero pano niya ako nahawakan? Pano ko siya nakikita. At sino siya?


"Anong maitutulong ko sayo?" gusto ko sanang tawagin si Mama dahil natatakot na ako.


Huminto siya sa pag-iyak, "Samahan mo'ko sa impyerno."


Nang marinig ko yun, wala na akong inisip kundi samahan siya. At tumango nalang ako at sabay kaming tumayo sa inuupuan namin. Nagulat nalang ako nang bigla kaming napadpad sa isang lugar na kulay pula lang ang ilaw. May nakita akong mga babae na naka bra't panty lang na naka-kadena ang mga kamay at paa at humahagulgol. Ang iba naman, mga lalaki na sugatan ang kamay at sunog ang buhok na nakakadena rin. Sa totoo lang, hindi ako natakot sa aking nakita, humanga pa nga ako kasi ganun pala ang hitsura ng impyerno.


"Wow, ganito pala ang impyerno." napangiti ako.


"Wag kang ngumiti, bawal yan rito."


At bigla akong ginising ni Mama.


"Hanna, gising na! Mag sisimba na tayo."


Dun ko nalaman na panaginip lang pala yun. Pero, di ko yun kinalimutan, dahil hindi lang hanggang dun nagpakita si Maria Nicolai Flores sa'kin.


-THE SECOND ENCOUNTER-


October 26, 2007. Sembreak na at 4 days to go birthday ko na rin. Nagising nalang ako mag isa sa bahay. Wala sina mama at yung kapatid ko, baka siguro namalengke. Di ko na namalayan, it was quarter to 7 in the evening na pala. Umandar na naman kasi ang pagiging tulog-mantika ko. Gutom na rin ako kaya agad akong bumangon at pumunta sa kusina. Nang paglabas ko, nagulat ako ng may nakita akong lalaking tumatakbo patungo sa akin. Hindi ko siya kilala at sa isip ko baka magnanakaw yun. Naghanap ako ng matitigas na bagay para ihampas sa kanya pero parang di niya ako nakita. Nilampasan niya lang ako. At paglingon ko..


"Maria?"


"Walang hiya ka! Ba't mo pinatay ang anak natin?!" sigaw ng lalaki sa kanya.


Sinampal ng lalaki si Maria. Oo, si Maria Nicolai Flores. Nagulat ako sa aking nakikita. Para kaming nasa iisang kwarto. Nang sampalin niya ulit ito, tumakbo ako patungo kay Maria upang ipag-tanggol siya pero nang palapit na ako, bigla ko nalang nakita ang lapida nito.


MARIA NICOLAI FLORES / DOB: FEB 27, 1991 / DEATH: SEPTEMBER 30, 2007.


"Anak! Bangon na. Buong araw ka ng tulog!"


Dahil nagpakita ulit siya, na alarma ako. Sinumbong ko yun kay mama at sabi niya sa akin ipagdasal ko raw ang kaluluwa niya upang matahimik na ito


"Pero Ma, di ko siya kilala."


"Kilala mo siya, binigay nya sayo pangalan niya. Pinakita pa nga sayo ang lapida. So kilala mo siya. Malapit na ang undas, kaya ipagdasal nalang din natin siya."


November 2, 2007. Dahil hindi ko alam kung taga saan siya, hinanap ko siya sa internet pero wala akong makita. Maraming Maria Nicolai Flores pero hindi kamukha nung babae sa panaginip ko. Matangkad, maputi, tama lang ang katawan, hindi mataba at hindi rin payat, curly at sobrang kapal pa ng buhok at may kalakihan masyado ang kanyang mga mata. Manipis ang mga labi nito at medyo maliit ang shape ng kanyang mukha. 


Sabi ni Mama, sa malaking cross ko nalang daw siya ipagdadarasal dun sa sementeryo.


"Eternal rest grant unto them, O Lord; And let perpetual light shine upon them. May they rest in peace. Amen" Dasal ko para sa kanya.


-LAST ENCOUNTER-


November 5, 2007. Back to school na kaya maaga na naman akong gumising.Suot ko na ang aking uniform at inaayos ang aking sarili sa harap ng salamin. Body sized yung salamin ko sa kwarto. At kasya ang dalawang tao. Sinadya yun ni Mama para di kami mag-aaway ng kapatid ko. Habang sinusuklay ko ang aking buhok, biglang may malakas na hangin. I checked the AC at off naman ito. At wala namang bintana ang kwarto ko. Lumingon ako sa likuran baka naka-andar yung stand fan namin pero hindi naman. Nang tumingin ako ulit sa salamin. Nakita ko na naman siya. This time, she was wearing a white long dress and she's smiling. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at ng makita ko to, nakalutang ito sa tubig at palapit siya sa akin sabay sabi, "Salamat".


Ngumiti ako at pinikit ko nalang ang aking mga mata sabay nag sign of the cross. By then, di ko na nakikita si Maria Nicolai ni paramdam man lang. Siguro yun lang talaga ang kailangan niya. So hanggang dito lang ang kwento ko tungkol sa kanya. Salamat.


***P.S if by any chance you know her, please let me know.***


 


 


 


  

Story Archive