Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

MATA

Story Rating:

I'm chad, 20 yrs old. I was born blind po. Pero naoperahan p......

School Stories

Story Rating:

Galing ako sa isang Catholic High School. Magkatabi ang scho......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

Ghost town

Story Rating:

Noong 2015 nag pumunta na po ako dito upang manirahan. Sa un......

Anino mula sa ibabaw ng sasakyan

Story Rating:

...

Barong

Story Rating:

Sa Bulacan noon merong bahay ang tita at tito ko kasama mga ......

Sa kwarto

Story Rating:

Nag-outing kami noon sa Pampanga. Umupa kami ng bahay na may......

Babae sa Terrace

Story Rating:

Bata pa lang ako sobrang close na ako sa pinsan kong si Ate ......

Ang dati kong boss

Story Rating:

Ang unang naging boss ko ay babae, pero makalipas ang isang ......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Ang Prosisyon

Story Rating:

Noong buhay pa ang aking lola ay hilig niyang mag tanim ng m......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......

 Fiction Magkasintahan (Short Story)

Story Rating:

Meron magkasintahan. Sobra nilang mahal ang isa't-isa. Konte......

 Fiction Lalaking Naka-itim

Story Rating:

Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at ha......

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......

 Fiction Kotse

Story Rating:

KOTSE Matagal nang magkasintahan si Francis at Ruth - 4......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 2 user(s)


Isang taong ang tanging nais lamang ay makatulong sa mga may sakit na nangangailangan.


Si lolo jose ay kilala sa aming lugar noong kapanahunan niya. Isa daw itong magaling na manggagamot na nakatira sa paanan ng bundok malapit sa amin. Maituturing na isa sa mga ninuno ng aming lahi.


Hindi siya isang doktor sa medisina, kundi isang albularyo. Lahat ng uri ng sakit, kahit na mga pilay o iba't-ibang bali ng buto ay kaya niyang pagalingin. Ngunit may isa siyang lihim. Isang lihim na napatunayan ng kanyang kalapit na bahay sa paanan ng bundok. 


Oo nanggagamot si lolo jose, pero hindi dahil sa marunong siyang gumamit ng herbal, kundi dahil sa kanyang mga kaibigan na laman lupa at engkanto. Hindi lang iisa kundi marami sila.


Isa sa mga napagaling ni lolo jose ay si Aling Martha, 48 anyos na ngayon. Si Aling Martha ay dalaga noong nangyari ang aksidente sa kanya, nahulog daw siya sa hagdan at di sadyang naitungkod niya ang kanyang kamay kaya ang nangyari ay nabali ang kanyang buto at medyo tumusok sa bandang siko. Kaya naman agad daw nila itong itinakbo kay lolo jose dahil wala naman silang pera na maaaring panggastos sa hospital.


Ilang hilot lamang daw ang ginawa ni lolo jose, at nagamot na niya ang siko ni Aling Martha. Naiayos pa niya ang buto nitong nabali.


Isang patunay si Aling Martha na magaling si lolo jose sa panggagamot.


Isa pang napagaling niya ay ang aking pumanaw nang tita. Noong bata si tita ay lagi daw itong napagkakatuwaan ng ibang nilalang.


Nagpapahukay daw noon sila lolo ng lupa dahil nga sa magpapagawa ng poso para hindi na sila makikiigib sa kapit-bahay. Napanaginipan daw ng pinsan ni lolo na magkakaroon lamang ng tubig ang poso kapag dugo ni tita ang ibinigay na kapalit. Kaya ang ginawa ni lolo ay nagpatay siya ng manok sa mismong pinaghuhukayan saka ipinatulo ang dugo dito.


Nang magawa ang poso ay wala daw itong tubig na inilalabas. Nakakapagtaka dahil sagana sa tubig ang ibang poso ngunit sa kanila lamang ang walang tubig.


Napanaginipan daw muli ng pinsan ni lolo na gusto nila ang dugo ng aking tita na ialay para magkaroon ng tubig. Siyempre ayaw ni lolo na mapahamak si tita kaya pinatibag niya yung poso.


Hindi pa rin daw tinigilab si tita ng mga ibang nilalang. Andiyan na kapag maglalaro sila tita noong bata mahihimatay daw agad tapos pagkalipas ng ilang oras magigising ito na walang alam.


Kaya pinatingin nila ito kay lolo jose. Ginamot ni lolo jose si tita at kinausap niya ang mga nilalang na nanloloko diumano kay tita.


Bumalik tayo kay lolo jose, sabi ng kapit-bahay nito na tuwing gabi daw ay maririnig mo talaga yung mga gumugulong na malalaking bato papunta sa bahay ni lolo jose.


Kapag sinabi na daw ni lolo jose yung 'halina kayo mga kaibigan', nandiyan na raw ung mga malalaking bato na gumugulong na para bang may landslide pero wala naman.


Tapos kapag nahinto na yung ingay ng mga bato, maririnig mo na si lolo jose na may kausap na malalaki ang boses sa lenggwaheng parang latin, hindi mo na ito maiintindihan. Iba daw yung laki ng mga boses na parang nanggaling sa ilalim ng lupa.


Pagkatapos ng ilang pag-uusap ay maririnig mo na lamang daw ang mga ito na kumakanta sa taas ng puno ng kawayan. Hindi kapani-paniwala pero totoo ang mga pangyayaring ito. Sa tanglaw ng buwan ay maaaninag mo ang mga ito sa taas ng kawayan na nagkakantahan sa di malamang lenggwahe.


Isa lamang daw ang bilin ni lolo jose sa kanyang kapit-bahay. Ito ay ang kahit ano pa ang mangyari, wag na wag silang sisilip at titignan ang kanyang mga kaibigang nilalang. Dahil kapag ito daw ay di nila nakayanan at sila ay nagkasakit, wala nang lunas at hindi ito magagamot ni lolo jose.


Naririnig pa nga nila na ang tawag ni lolo jose sa isang malaki ang boses ay BARAMBUWAN.


Matagal nang pumanaw si lolo jose, ngunit ang kanyang ala-ala ay mananatiling kakaiba at walang katulad.


Sa ngayon ay naghahanap pa siguro ng magiging kasangkapan sa panggagamot ang kanyang mga naiwang kaibigan.


  

Story Archive