Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

MATA

Story Rating:

I'm chad, 20 yrs old. I was born blind po. Pero naoperahan p......

School Stories

Story Rating:

Galing ako sa isang Catholic High School. Magkatabi ang scho......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

Ghost town

Story Rating:

Noong 2015 nag pumunta na po ako dito upang manirahan. Sa un......

Anino mula sa ibabaw ng sasakyan

Story Rating:

...

Barong

Story Rating:

Sa Bulacan noon merong bahay ang tita at tito ko kasama mga ......

Sa kwarto

Story Rating:

Nag-outing kami noon sa Pampanga. Umupa kami ng bahay na may......

Babae sa Terrace

Story Rating:

Bata pa lang ako sobrang close na ako sa pinsan kong si Ate ......

Ang dati kong boss

Story Rating:

Ang unang naging boss ko ay babae, pero makalipas ang isang ......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Ang Prosisyon

Story Rating:

Noong buhay pa ang aking lola ay hilig niyang mag tanim ng m......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......

 Fiction Magkasintahan (Short Story)

Story Rating:

Meron magkasintahan. Sobra nilang mahal ang isa't-isa. Konte......

 Fiction Lalaking Naka-itim

Story Rating:

Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at ha......

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......

 Fiction Kotse

Story Rating:

KOTSE Matagal nang magkasintahan si Francis at Ruth - 4......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 2 user(s)


Lumaki akong kasama ang lola ko sa tuhod (great grandmother). Lola Espe ang tawag namin sa kanya, Espectacion ang tunay nyang pangalan. Nagisnan ko nang sobrang tanda nya. Nagtatawas sya at sabi nya ang kaibigan nyang puting dwende ang tumutulong sa kanya sa pagtatawas. 


Kinwento ni mama na minsan isang gabi, sumilip si lola sa bintana. Bigla itong nagsalita ng "Oy, huwag muna kayong lalabas, maraming kalansay na naglalakad." 


Ang sabi sabi, ipinagdasal daw ni Lola Espe ni kuhanin na o mamatay na ang isa sa mga anak nyang babae na noon ay may malubhang sakit. Gabi gabi kasi itong dumadaing ng mga sakit sa katawan. Sa awa daw ni Lola Espe, pinagdasal nyang sana ay pumanaw nalang ang anak nya. At hindi nagtagal, namatay nga ang anak nito. 


3 araw ibinurol ang anak ni Lola Espe, at sabi ni mama kakaiba daw ang paligid sa 3 araw na yun. Umaalulong ang mga aso, nagiingay ang mga pusa pati ang mga alagang manok. Walang tigil sa loob ng 3 araw. Ang mga kapitbahay natatakot dumalaw sa burol. Sabi nila tuwing gabi daw ay nagpaparamdam sa kanila ang anak ni Lola Espe. Kinakatok daw ang mga pinto nila ng 2 beses. Natutulog ang mga tito ko nung huling araw ng burol nang magising sila sa ingay. Nagulat silang lahat nung makita na gumagalaw ang arenolang ginagamit noon ng anak ni Lola Espe. Tapos biglang nag-patay sindi yung ilaw. Hindi daw malakas ang hangin non pero nakita nila gumagalaw nang bahagya yung kurtina. Nakaramdam din sila ng mahinang pag-vibrate ng sahig. Takot na takot ang mga tito ko. Sabi nila baka daw hindi matahimik ang kaluluwa ng anak ni Lola Espe, baka daw hindi pa handang mamatay. Nang mailibing ito, nawala rin lahat ng paramdam.


Nung bata pa ko takot na takot ako sa CR namin. Hindi ko alam kung bakit. Ang sabi ng mga pinsan ko may naririnig daw silang mga maliliit na boses na nagsasalita sa likod bahay, na katapat ng cr namin. Minsan, pinilit tumayo ni Lola Espe, naglakad papunta sa likod ng bahay. Nagsaboy ng asin sa puno ng makopa na matagal nang nakatayo dun. At sabi nya "Mga duwendeng itim. Isang pamilya." Pagkatapos nun bumalik sya sa loob ng bahay. Kahit nahihirapan, naglakad sya papunta sa banyo, tumayo sya sa harap ng pinto at binuksan yun. Lalo akong natakot nung narinig kong sinabi nya "Babaeng itim. Magulo ang buhok. Nakatingin sakin, nanlilisik ang mata." Saka sya nagsaboy ng asin habang nagsasalita ng dasal na hindi ko maintindihan.


Hindi ko alam kung anong nangyari pagkatapos ng ritwal na yun. Nawala na ang takot ko sa CR namin kahit hindi ko alam kung napaalis ba ni lola ang babaeng itim na nakita nya. Namatay na rin si Lola Espe nung year na yun, 85 years old sya. At hanggang ngayon naalala ko pa rin ang mga bagay na kanyang naririnig at nakikita, na hindi nakikita ng iba. 


  

Story Archive