Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

White Lady

Story Rating:

Usong uso pa dati 'yung laro na "BANG SAK" 'yung parang tagu......

Doble (Short Story)

Story Rating:

Pasko nun,at alas 12 na ng hatinggabi,pero kami ay tuloy par......

Dalaw

Story Rating:

Nung mga panahon na yun ay pinaghahandaan ng parents ko ang ......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

Call Center Office Encounters

Story Rating:

Let's start noong 2010 sa World Trade Building sa Shaw Blvd ......

Ang Babae sa Bakanteng Lote.

Story Rating:

Ang kwentong ito ay hango sa isang totoong pangyayari. Ito ......

Lipat Bahay

Story Rating:

Nangyari ang aming paglipat ng bahay noong March 15, 2015 sa......

Kusina (Short Story)

Story Rating:

Natutulog ako ng mahimbing sa aking silid, ng magising ako n......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Jollibee Scare 3

Story Rating:

Ang sabi nya, nung tinitigan nya yung lalaki, nakita nyang n......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

ANG MANIKA KONG SI SAM

Story Rating:

I have this doll named SAM, binigay sya sakin ng lola nung 9......

Jollibee Scare 4

Story Rating:

Marami nang crew ang nakakakita sa multo ng isang bata sa is......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......

 Fiction Horror House

Story Rating:

Nang makalayo na ay hapung-hapo na tumigil sila sa isang tab......

 Fiction Hanggang sa Kabilang Buhay

Story Rating:

...

 Fiction Laruan

Story Rating:

Nabunutan ng tinik si Alma. Ganunpaman, parang hindi pa rin ......

 Fiction Patungo sa kamatayan

Story Rating:

Tinangka niyang iangat ang takip ng kabaong pero hindi niya ......


Pinoy Horror Story


Scream and Shout


Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


EPISODE I: VOODOO



ISANG taon nang magkasintahan sina Maymay at Mack. Nakatira sila sa probinsya ng San Carlos, Pangasinan. Kusang loob nakipag-tanan si Maymay sa kanyang kasintahan dahil mahal na mahal niya ito. Sa kanilang tahanan ngayon ay masaya silang namumuhay. Hindi pa nakadanas ng kahit anong problema si Maymay sa kanilang pagsasama.

Isang araw dumating si Cathy sa bahay nila. Si Cathy ay isang matalik na kaibigan ni Mack mula pa noong High School pa sila. Agad sinalubong ni Mack si Cathy sa pintuan at pinatuloy niya ang babae sa loob ng bahay.

“Oh buti bumisita ka ditto Cath anong kailangan mo?”

Bati ni Mack sa kanya. Umupo sa upuan si Cathy.

“Wala lang bumisita lang ako… Nasan nga pala si Maymay hindi mo yata kasama ngayon?” Sabi ni Cathy sa kanya.

“Ah namalengke siya eh bakit?”

“Ah… Mack kailan kayo balak magpakasal ng kinakasama mo?”

“Siguro kapag dumating na yung nanay ko sa America. Siya kasi magbibigay sa amin ng budget eh. Mag-aabono lang kami ng kaunti.”

“Ganun ba, hindi kaba natatakot sa kanya?”

Nangunot ang noo ni Mack sa sinabing iyon ni Cathy.

“Ha? Ano? Bakit naman ako matatakot sa kanya?”

“W-wala lang… Eh galling kasi siya sa probinsya ng Capiz eh. Atsaka madalas kong mapansin ang kilos niya masyado siyang weird eh!”

“Ano ka ba naman Cath, paano mo naman nasabi yan?”

“Eh kasi hindi siya mahilig makiharap sa maraming tao. Kapag lumalabas ng bahay hindi naman siya lumilingon o namamansin. Atsaka kapag kumakain ayaw niya ng may bawang o asin ang pagkain, baka aswang yan ha!”

Natawa naman si Mack sa sinabi sa kanya ni Cathy.

“Haha ano ka ba naman Cath, naniniwala kapaba sa mga kwentong ganyan eh hindi na uso yan no panahon pa yan ni kopong kopong!”

Pagbibiro pa ni Mack.

“Ah wala lang, natanong ko lang. Basta mag-ingat ka nalang ha?”

Bilin pa sa kanya ni Cathy.

Napakamot ng ulo si Mack at sabay tawa.

“Hehe ikaw talaga Cath palabiro ka.” Nagtawanan silang dalawa at ilang sandali ay dumating na si Maymay at dala-dala nito ang mga pinamili.

“Oh ayan na yung asawa mo!” Sambit ni Cath. Tumayo na ito sa kinauupuan at nagpaalam na kay Mack.

“Sige ha pards, nextime na lang tayo mag-usap may gagawin pa ako eh.”

“Oh sige Cath, masatos ya labi ed sika!”

Pagkapasok ni Maymay sa loob ng bahay at saktong palabas ng bahay si Cath. Nagkatinginan sila pero ngumiti na lamang si Maymay at tuloy-tuloy sa kusina. Sumunod naman si Mack sa kanya.

“Oh ano itong mga pinamili mo?” Tanong ni Mack sa kanya.

“Wala, gulay lang.” Mahinang sambit ni Maymay.

“Anong pinag-usapan ninyo kanina ni Cathy?” Tanong ni Maymay kay Mack.

“Ha? Wala… Ah nangamusta lang siya kanina sakin.”

Nilingon ni Maymay si Mack at sabay sambit na “Sigurado ka?”

Natawa naman si Mack sa kanya.

“Ano ka ba naman syempre oo, wala kang dapat ipagselos dahil ikaw lang naman mahal ko no.” Giit naman ni Mack sa kanya.



GABI. Tulog na si Maymay sa kwarto nito habang si Mack ay nasa sala pa at kausap nito sa telepono ang kapatid nito na nasa Cebu.

“Oh Kevin kamusta na pud diay ka?”

“Ok raman uy dong! Kumusta ka pud?”

“Maayo naman jud. Uy kelan ka man mauwi didto?”

“Siguro mga after one week mauli napud ko dyan! Oh kamusta pud si Maymay?”

“Arang kasuplada man pud uy! Pero atlis mabait din paminsan-minsan.”

“Mao ba?”

“Mao jud! Kamusta ang pagiging albularyo mo dyan?”

“Ok raman dong! Medyo marunong na pud ko hehe bakit jud?”

Magsasalita pa sana si Mack pero narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Maymay na nasa kwarto.

“Oh Kevin matulog na pud ko bukas nalang ha!”

“Oh sige sige bye pre.”

Binaba na ni Mack ang telepono at nagpunta na sa kwarto.

“Sige hintayin mo ako malapit na ako dyan.”

Pagkapasok ni Mack sa kwarto ay muli siyang sinita ni Maymay.

“Sino na naman ba yung kausap mo kanina?” Naiinis na tanong nito sa binata. Napakamot ng ulo si Mack at sabay sabing “Wala yung kapatid ko lang sa Cebu bakit ba laging mainit ang ulo mo?” Naiinis din niyang tanong pagkatapos ay nagpalit ng damit na pantulog.

“Wala lang, sige na matulog na lang tayo.” Mahinhing sagot ni Maymay at sinaradong muli ang mga bintana at sinindihan ang bentilador nila.

PAGSAPIT ng umaga ay nagbihis ng pang-biyahe si Mack.

“Oh saan ka pupunta?” Tanong ni Maymay sa kanya nang paglabas nito ng kwarto.

“Ah hon, pupuntahan ko lang yung inaalok sa akin na trabaho nung kapatid ko yung kausap ko kagabi, mamayang gabi babalik din ako agad.”

“Hindi ka ba kakain muna?”

“Hindi na bibili nalang ako ng pagkain ko.”

Bago umalis si Mack ay hinalikan muna niya sa pisngi si Maymay.

“Sige ingat ka nalang.” Sambit naman ni Maymay at muling pumasok ng kwarto dala-dala ang walis at daspan nito para maglinis.

Una niyang inayos ang mga gamit sa aparador nito. Sa ilalim nito ay may nakapa siyang tila isang bagay kaya kinuha niya ito, nagtaka siya dahil nakita niya ang isang manika. Ang manikang iyon ay matagal na niyang hinahanap. Namana niya pa iyon sa yumao niyang lola. Palihim muli niya itong tinago sa kasuluk-sulukan ng aparador at tinakpan pa ng ilang mga abubot at mga lumang gamit.



TANGHALI na ng makarating si Mack sa isang Restaurant. May kasama siyang isang babae na nangangalang Kelly.

“Pasensya kana ha kung ditto lang kita malilibre. Wala pa ako kasing trabaho eh.” Ang sabi ni Mack kay Kelly. Ngumiti naman ang dalaga.

“Hindi mo na kailangan magtrabaho eh, hiwalayan muna kasi ang kinakasama mo at magsama tayo! Mayaman naman ako at lahat ng gusto mo ibibigay ko.” Sabi pa sa kanya ni Kelly. Bahagyang hindi agad nakasagot si Mack doon. Dahil parang nakokonsensya siya dahil ang alam ng kasintahan niya ay naghahanap siya ngayon ng trabaho at wala itong kaalam-alam na may ka-deyt itong ibang babae. Kalian lang nakilala ni Mack si Kelly. Katunayan ang kaibigan pa naman niyang si Cathy ang naging tulay upang sila ay magkakilala nila Mack at Kelly. Walang kaalam-alam doon si Maymay. Nawiwirduhan kasi si Cathy kay Maymay kaya naghanap ito ng ibang babae na ipapakilala kay Mack.



SUMAPIT na ang gabi pero hindi parin umuuwi si Mack ng bahay. Kanina pa nag-aalala sa kanya si Maymay. Habang si Mack naman ay nasa Bar kasama sina Cathy at Kelly na nagpapakasayang nag-iinuman. Ilang oras ang lumipas ay nalasing na talaga si Mack kaya inuwi na lamang ni Kelly ang binata sa bahay nito at inihiga niya ito sa kanyang kama. Palihim pa niyang tinanggalan ng damit ang binata at niletratuhan pa.

Ilang sandali ay tumawag sa Cellphone ni Maymay ang kapatid ng kasintahan niyang si Kevin.

“Hello Kevin? Bakit?”

“Ah May, nandyan ba si Mack? Pwede ko ba makausap? Naka-off kasi ang phone niya eh hindi ko matawagan. Eh kanina tumatawag din ako sa telepono nyo pero walang sumasagot kaya ikaw nalang tinawagan ko.”

Natigilan si Maymay sa narinig.

“Ano? Umalis siya kanina pang umaga. Sabi niya pupuntahan daw niya yung inaalok mong trabaho.”

Bahagyang natigilan din si Kevin.

“Ano? Pero wala naman akong trabahong inaalok sa kanya. Bakit saan kaya siya nagpunta?”

“Hayaan mo tatawagan nalang kita ulit kapag nandito na siya. Cge bye.”

Nagtaka si Maymay dahil ang sabi sa kanya ni Mack ay may aaplayan itong trabaho. Hindi niya lubos maisip kung saan ito pumunta. May tila isang maitim na balak ang bumuo sa isip niya. Sinarado niya lahat ng bintana at pinto. Nagsindi siya ng mga kandila sa buong paligid at pinatay ang ilaw. Kinuha niya ang litrato ni Mack at binulungan ng isang salitang siya lang ang nakakaintindi.

“Mi herencia poder. mostrar en mi mente cuando mi novia. y donde quiera que se le diera un castigo!”

Pagkatapos ay kinuha niya ang manika at tinusukan ng malalaking karayom sa bawat bahagi ng katawan nito at pinatakan ng kandila. Pagkatapos ay pumikit siya. Lumabas sa kanyang isip kung nasaan si Mack! Nakahiga sa isang kama, sa ibang bahay kasama ang isang babae na parehong lasing! Biglang dumilat ang kanyang mga mata. Nanlilisik ito. Muli niyang kinuha ang manika at binulungan.

“alimentar mi herencia! me llevará a lugares que me has mostrado!”

Lumakas ang hangin sa paligid na halos mamatay ang apoy sa lahat ng kandila. Ilang sandali ay unti-unting nagbago ang kanyang anyo, tumuli sang kanyang ilong, tumalim ang mga mata at naging dilaw. Humaba ang buhok na naging puti, nangulubot ang kutis. Pagkatapos ay naglaho ito.



SAMANTALA masarap na ang tulog ni Kelly katabi si Mack. Nakasilip sa isang bukas na bintana si Maymay! Matalim ang tingin nito. Nakakatakot ang itsura.

“morir” “morir” ” morir” bulong niya at umalis na ito. Samantala, walang kamalay-malay si Mack na unti-unting nanunuyot ang balat niya. Pumapayat siya na hanggang sa lumitaw na ang mga kalansay niya sa katawan!



PAGGISING ni Kelly ay nakaamoy siya ng isang napakabahong amoy. Nagtaka siya kung bakit ang daming insekto sa paligid. Nagulat siya nang pagkatingin niya sa tabi ay isa ng bangkay si Mack! Halos punit-punit ang balat nito, puro kalansay nalang at ginagapangan pa ng iba’t-ibang klase ng uod, bulate at insekto! Napasigaw si Kelly at nagmadaling tumakbo at lumabas ng bahay sa sobrang takot. Halos bumaligtad ang sikmura niya sa sobrang takot. Marahil ay gumamit si Maymay ng isang Voodoo na karaniwang may kakayahang makapagpabuhay ng mga patay, nakakapagbago ng anyo at may kakayahang magbigay ng sakit o sumpa na walang lunas! At magmula noon ay wala narin si Maymay sa tirahan nila. Wala nang nakaka-alam kung saan ito nagpunta.



WAKAS



EPISODE II: ANG LANGIS



SI ANDY ay isang mabait na bata. Isang mabait na estudyante. Banal na tao at hindi marunong magalit pero kung gaano siya kabait ay ganoon naman kasama sa kanya ang mga kaklase niya at ibang mga kaibigan. Kahit anong mga kapintasan ang sinasabi nila kay Andy na siyang nagdudulot ng kalungkutan sa bata.

Ang mga kaibigan na lamang niya ngayon ay sina Clave at Malou. Madalas niya itong kasama kahit saan man siya magpunta. Ngunit si Malou ay estudyante sa ibang pampublikong paaralan ngunit si Andy ay sa pang pribadong paaralan. Si Clave naman ay graduated na sa High School pero huminto na muna sa college dahil sa kahirapan. Bumuo sila ng isang Texter Clan na pinamagatang TLTC True Frendster Texter Clan na silang tatlo din ang mga founder.

“Sana sa clan na ito ay marami din akong maging kaibigan.” Sabi ni Andy habang naglalakad kasama si Malou papunta sa plaza para puntahan si Clave.

“Alam mo nandito naman kami para sa iyo. Hindi ka naming iiwan kahit anong mangyari dahil nga truefriend ka namin!” Sabi naman sa kanya ni Malou.

“Hindi mo masasabi yan! Ngayon pa nga napapansin ko parang excited ka pa na magkaroon na ng boyfriend eh ang bata mo pa magka-edad lang tayo eh!”

“Eh syempre masarap kaya magka-boyfriend pero hindi ka naman namin kakalimutan!”

“Talaga lang ha, hirap na magtiwala ngayon… Pero syempre kaibigan din naman kita umaasa ako na tutparin mo yang pangako mo.”

“Aba Andy syempre naman!”

“Tignan mo sina Billy at Melisa. Dating mag-bestifriend yon! Barkada ko din sila eh pero ngayong naging sila kinalimutan nako. Eh ako pa naman ang naging tulay para magkatuluyan sila tapos kita mo ang ginawa saken, Ayuuuuuuuun!!!”

“Weh? Ngayon ko palang nalaman yun ha?”

“Ako matagal na noh! Baka nga pati kayo ni Clave magkatuluyan pa nyan eh!”

“Hahahaha! OA mo! Never kasi 15 palang ako tapos 20 na sya. Baka makasuhan pa siya ng Child Abuse kapag nangyari yun noh!

Sabay nagtawanan sina Malou at Andy.

“Pero Andy, gusto mo ba na maging tayo?”

“Sympere no and never! Because nangako ako sa sarili ko na hindi ako mag-gigirlfriend o mag-aasawa noh! I hate relationship!”

“Haaaaaay naku! Yan ang hirap sayo Andy, kaya walang taong gustong makipag-kaibigan sayo kasi masyado kang masungit sa ganyang bagay! Bakit hindi moko i-try baka magbago ang isip mo?”

Tinapik naman ni Andy ang braso ni Malou at nagtawanan muli sila.

“Alam mo ikaw, OA ka din!” Sabi pa ni Andy. Nang makarating na sila sa plaza ay nakita nila si Clave na naglalaro ng basketball kasama ang ibang mga lalaki.

“Heto na pala siya eh halika manood muna tayo hintayin nalang natin siya.” Sabi ni Malou at umupo sila ni Andy sa isang tabi.

Habang nanonood si Andy sa basketball ay napabalikid siya sa tabi at nakita niya sa isang tindahan na katapat ng basketball court ay nandoon sina Billy at Melisa na bumibili. Napaka-sweet ng dalawa na magka-holding hands pa.

Uminit ang dugo ni Andy. Ang masayang mood niya ay napalitan ng pagka-badtrip at pagsimangot ng mukha. Kaya nakipalit siya ng kinauupuan kay Malou para hindi siya Makita ng dalawa. Hindi na lamang niya pinaalam kay Malou na nakita niya si Billy at Melisa para hindi niya ito lapitan. Palihim na tinignan niya muli ang tindahan pero wala na sila doon.

Malamang ay nakaalis na ang dalawa. Kaya muling guminhawa ang pakiramdam niya at ini-enjoy na lamang ang panonood sa basketball.



LINGGO NG GABI. Lahat ng members ng Clan na binuo ni Andy ay nasa bahay ni Clave at doon ang Geb Place nila upang mag-celebrate. Naghanda sila ng mga pulutan at mga alak. Huli nang nakarating si Andy dahil marami itong ginawa sa kanilang bahay.

Pagkarating niya ay natuwa siya dahil maraming nagpunta sa geb nila.

“Oh hello Founder Andy kamusta bakit ngayon ka lang?” bati sa kanya ng isa nyang member.

“Marami lang ginawa.” Masaya niyang sambit. Ngunit muli siyang na-badtrip nang makita niya sa dulo ang kinaiinisan niyang sina Billy at Melisa habang kakwentuhan nito ang iba pang mga member. Nakita din niya si Clave na nasa harap ng pintuan at inaayos ang videoke. Nilapitan niya ang binata at kinausap.

“Hoy Clave! Anung ginagawa dito nila Billy at Melisa! Hindi ko naman sila member ah?!”

Pagalit niyang tanong.

“Kasi yung isa nating member ay barkada din sina Billy kaya hayaan mo na huwag mo nalang pansinin.” Sagot naman ni Clave.

Lalong uminit ang dugo ni Andy kaya hindi siya nagdalawang isip na puntahan sina Billy at Melisa para paalisin.

Lumapit siya sa kanilang dalawa.

“Anong ginagawa nyo dito?” mahinahon niyang tanong na nagpipigil lamang ng galit.

“Wala nandito kami para magsaya bakit?” maala-malditang sabi ni Melisa.

“Sorry pero hindi namin kayo member dito, hindi welcome dito ang hindi member kaya pwede naba kayong umalis?”

Si Billy naman ang sumagot.

“Bakit mo kami pinapaalis ha? Bakit galit kaba samen hindi porket hindi kana namin kinakausap dahil naging kami na? hoy kapal ng mukha mo maghanap ka ng kaibigan na bagay sayo Mr.Weirdo!”

Nanggigil si Andy sa sinabing iyon ni Billy kaya hindi nito napigilang sagut-sagutin ang binata ng masasamang salita.

“Sino kayo para manggulo dito sa clan ko? Pwede maghanap kayo ng lugar na mapagtatambayan ninyo! Gago kayo! Bagay nga kayo ni Melisa. Isang hudas na lalaki at malanding babae!”

Lalong nainis si Billy kaya tumayo siya at pinagbigatan ng kamay si Andy. Hinawakan niya ito sa braso ng mahigpit.

“Hindi porket clan mo ito pwede mo kaming ganyanin! Akala mo kung sino ka gago ka rin!”

Nakita ni Clave na nag-aaway na silang dalawa kaya pinuntahan agad niya ang mga ito at inawat.

“Hoy tama nay an Billy! Ano ka ba! Pati bata pinapatulan mo!” sermon niya.

Sa sama ng loob ni Andy ay agad siyang umalis at nagtatakbo pauwi.

“Andy!” tawag na pasigaw ni Clave pero hindi siya narinig ni Andy.

Samantala, nagkulong naman si Andy sa kwarto habang humahagulgol sa pag-iyak. Namumula na ang kanyang mga mata sa kaka-iyak. Punong-puno ng malungkot na emosyon ang kanyang mukha. Napansin niya ang isang bote ng langis na nakapatong sa kanyang lamesa.

Pinagmasdan niya ng mabuti ang bote. Naalala niya ang sinabi ng kanyang ina bago nito ibigay sa kanya ang langis. Ang langis daw na iyon ay hinaluan ng voodoo at black rituals na kung sino man ang magpapahid at gagamit niyon ay magiging aswang at pwedeng maging mabangis at malakas.

Naisip niya agad ang sama ng loob niya kina Billy at Melisa.

May tila isang itim na balak ang namumuo sa kanyang isip. Pwede niya iyon gamitin upang gumanti kina Billy at Melisa. Kinuha niya ang langis at nagpunta agad sa likod ng bahay nila. Palihim na tinanggal niya ang kanyang mga damit at nagbuhos ng langis sa kanyang palad at ipinahid nito sa kanyang leeg. Ilang sandali ay pinuno niya ng langis ang kanyang buong katawan.

Hindi nagtagal ay nakaramdam siya ng init sa katawan. Ramdam din niya ang pagkulo ng kanyang mga dugo sa loob ng katawan. Ang kanyang mga boses ay unti-unting nagbabago. Nakakaramdam siya ng pagbabago sa iba’t-ibang parte ng katawan niya. Humaba ang kanyang mga kuko. Nagbao ang kanyang kutis, humaba din ang litaw niyang dila at kumapal ito. Hanggang sa maging ganap siyang aswang at hindi nagtagal ay lumipad siya upang balikan sina Billy at Melisa.

Habang sina Billy at Melisa naman ay kasalukuyang nagsasaya sa geb, ilang sandali ay pansamantalang huminto si Billy sa pag-inom. Nagpaalam ito sa girlfriend niya na mag-jijingel lamang sa likod bahay.

Nagmamadali siyang nagpunta sa likod bahay. Doon siya nagpwesto sa isang puno. Wala siyang kamalay-malay na nagmamasid sa kanya ang aswang sa itaas ng puno at anumang oras ay pwede itong umatake. Nang matapos siya ay may napansin siyang parang may gumagalaw sa itaas ng puno. Nilingon niya ang itaas. May napansin siyang kakaiba doon. Parang may isang mahabang bagay na nakalawit doon. Sinubukan niyang abutin pero biglang bumaba iyon at pumalupot sa kanyang leeg.

Sindak siyang nagsisigaw. Pero pahigpit ng pahigpit ang pagkakasakal ng bagay na iyon sa kanya kaya halos wala ng boses na lumalabas sa kanyang bibig.

Namumula na ang kanyang ulo na parang hihiwalay na sa kanyang katawan.



PAGLIPAS NG ILANG ORAS.

“Ang tagal naman ni Billy!” bulong ni Melisa sa sarili kaya pumunta na rin siya sa likod ng bahay para tignan si Billy pero laking gulat niya ng makitang nilalapa ng isang aswang ang katawan ni Billy. Kinakain nito ang lamang-loob ng katawan na sa bawat kagat ay dumadanak ang dugo.

“Aaaaaaaaaaaaaahhhh!!!!” malakas na sigaw ni Melisa pero bago pa man siya makatakbo ay hinablot siya ng aswang sa mahaba nitong mga kuko at pinalupot nito ang dila sa leeg ng dalaga. Pagkatapos ay ibinaon nito ang matutulis nitong kuko sa tiyan ng dalaga at dinukot ang mga lamang-loob.

Narinig ng mga clan members ang malakas na sigaw ni Melisa kaya nagmadali silang pumunta sa likod ng bahay pero pagpunta nila doon ay tumambad sa kanila ang bangkay ng dalawang magkasintahan. Wakwak ang kanilang tiyan at halata sa mukha nito ang pagkadilat ng mata na halatang nakakita ng kung anong nilalang.

Nagsuka ang iba sa nakita at nagsisigaw naman ang iba.



PAGKALIPAS NG ISANG LINGGO. Nang matapos ang misa ay dumeretso na sa sementeryo ang mga kamag-anak nila Billy at Melisa para ilibing sa huling hantungan nila. Panay naman ang iyak ng kanilang mga magulang. Habang inilalagay ang mga kabaong nila sa loob ng nitso ay palihim na nakamasid si Andy. May luha ito sa mga mata at parang may lungkot at pagsisisi na nadarama.



WAKAS

  

Story Archive