Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Abortion

Story Rating:

Lamay kasi nung namatay naming kamag anak kaya kwentuhan kam......

Katok!

Story Rating:

Bale dalawa sila ng kaibigan niyang tumira sa boarding house......

Feet on the ground / white lady

Story Rating:

Simbang gabi, yan ang isa sa mga paborito kong gawin bago ma......

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

Headless Man

Story Rating:

Nasa 3rd year na yata ako nun nung nangyari ung encounter ko......

3rd eye

Story Rating:

Bata palang ako nakakakita na ako ng mga nilalang na d nakik......

Ang putol na daliri

Story Rating:

Naiwan si Tonyo nang siya ay 18 taong gulang pa lang at lolo......

Pasahero

Story Rating:

Kwento ito ng kuya ko nung gumamit siya ng kotse pauwi mag-i......

Triple D - Don't Dare Devil

Story Rating:

Galing ako nun sa prayer meeting namin dito sa Pasig and we ......

Twing gabi

Story Rating:

Nagising ako sa di ko maintindihang dahilan, parang may bum......

Top Horror Stories

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Titig

Story Rating:

Mga alas tres na ng hapon ay nasa daan pa rin sila Fritz. Al......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Estudyante

Story Rating:

1st year college ako that time at SA(Student Assisstant) ako......

Kasabay

Story Rating:

Tinatahak ko ang mahaba at bako-bakong daan na napapaligiran......

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......


Pinoy Horror Story


Sapi


Story Rating

Rated (4/5)
by 2 user(s)


Ako si Drake  21 years old at ito ang kwento ko…


Naniniwala ba kayo sa Elemento, Demonyo at kung ano ano pa? Kung ako ang tatanungin nyo nung bata pa lang ako masyado ng malawak ang imahinasyon ko kung kaya naman hindi na bago sakin ang mga kwentong kababalaghan, mahilig din ako manood ng mga horror movies kahit hating gabi na ako abutin.


Nung high school ako dahil sa mga hilig ko sa kung ano anong kababalaghan ay naisipan ko mag search ng tungkol sa mga witch craft , mga spells na pang mabubuti nmn, tapos nasubukan ko na dn mag tawag ng kaluluwa isang beses. Sumali na din ako sa mga kulto kulto na akala ko eh wala lang nmn yun pero napansin ko simula nung sumali8 ako sa groupo n yun eh tila nagka sunod sunod ang pagkamatay ng mga kamag-anak ko.. Kaya napgpasyahan ko na itigil na ang ginagawa kong kalokohan, nawindang ang mga kasama ko noon dahil hindi ako nagpakita pa sa kanila.. Ngunit dko akalain na pagtapos niyon ay syang pagkamatay din ng aking ama.. Ang sabi ng  mga doctor ito ay dahil sa Komplikasyon nya sa bato at kung ano ano pang sakit.


Hindi naging madali para sa akin ang lahat dumadating pa sa punto nais ko na din mamatay, ilang beses ako nagpatiwakal ngunit laging napupurnada kaya minsan naisip ko ay baka ayaw ako tanggapin sa taas at kahit man lang sa baba. Naging pala barkada ako , palainom hanggang tumuntong ako ng kolehiyo. Fresh men ako noon at ng try out ako sa basketball team at agad nmn ako natanggap. Dun ko nakilala si Nick bakla sya pero ayos lang nmn sa coach , sya ang dahilan kung bakit masaya ang team. Hindi sya tulad ng mga bakla na malalaswa at manyakis kaya nmn magaan ang loob naming sa kanya, palagi syang may kasamang babae tinutukso nga naming sya baka nagbababkla baklaan lang talga sya para mapalapit sa mga babae ngunit hindi naman daw. Katatapos lang ng practice namn non at nagpaalam ako sa kanya inaya ko pa nga sya sa inuman ngunit umiling na lamang ito at sinabing may gagawin pa sya.


Nagkibit balikat na lamang ako , baka nais lamang nya mapag – isa di naman kasi sya ganon katahimik. So inabot na ako alas kwatro ng medaling araw sa pag totoma, ng makauwi ako ng bahay agad ako dumiretso sa kwarto at nahiga ngunit bago maisara at magdilim ang aking paningin nasilayan ko si Nick na nakatayo sa gilid ko at nakatingin na tila may gustong sabihin. Gusto ko imulat ang aking mata upang kausapin sya ngunit di ko na nagawa tuluyan na akong bumagsak at nahimbing sa pagtulog.


Kinaumagahan pag gising ko ay sobrang sakit ng aking ulo , halos wala akong matandaan sa mga nangyari. Hinanap ko ang aking cellphone ngunit wala ito sa aking tabi kaya naisip ko na baka naiwan ko lamang ito sa kotse. Pinuntahan ko ito ngunit habang palabas ako ng pinto ay napaisip ako sa pagkaka alam ko ay pumasok ako ng kwarto at hindi sa sala nagtulog.Ngunit hinayaan ko na lang baka nga lasing lang talga ako. Pag kakuha ko ng cellphone  missed call ang aking natanggap mula sa numero ni Nick ngunit wala itong mensahe na kung ano pa man. Kaya hinayaan ko na naisip ko baka itatanong lang nun kung may ensayo kmi ngayon, dahil sobrang adik nun sa laro namin.. Naligo at kumain na ako , at pag tapos ay pumasok na ako.


Hindi ko akalain o lubos mang isipin ang aking natanggap na balita na usap-sapan na pagpasok ko pa lang sa gate ng school. Isang babae ang lumapit sakin at ng sabi isa daw sa basketball member sa school ang nagpatiwakal. Iniisip ko kung sino yun ng biglang mag ring ang aking telepono. Si Rc ang tumatawag isa sa point guard namin


“Hello Rc pare nabalitaan mo na?” agad kong tanong sakanya.


“Oo pare, si Nick daw yung nagpakamatay, may alam ka bang problema ng tao na yun?” tanong nya sa akin.


“Wala pre, lagi naman kasi nakikitang masaya yun, pero dako alam kninang umaga lang naka tanggap ako ng 20 missed call sa kanya, kagabi sya tumatawag pero di ko nasagot kasi lasing ako pre, kinikilabutan ako ngayon pre baka gusto nya mag open up kagabi kaso walang gusto kumausap sa kanya feeling ko pare kasalanan ko to” wika ko kay Rc.


“Pre wala kang dapat ipag alala ang importante muna sa ngayon ay madalaw natin si Nick baka tayo ang dalawin non” pagbibiro nya na di ko ikinatuwa. Nag paalam na ako sakanya dahil malalate na ako saking klase.


Lumipas ang mga raw ngunit hindi ko pa nabibisita si Nick, di ko alam pero natatakot ako pumnt. Sabado non at ngkayayaan ang magbabarkada na maginuman na syempre di ko hinindian, isinama ko si jake kasama ko sa basketball team para nmn may makulit ako haha, pagdating nmn sa venue ay may kasamang isang babae ang isa naming tropa maganda ito at makinis maputi at mukhang may kaya din nmn sa buhay. Si Devy, single daw ito sabi ng tropa ko kaya parang lumakas ang tibok ng dibdib ko ewan ko ba. Nakakatatlong bote na kami noon ng may tumawag sa telepono ni Jake, sinagot nya iyon at pag tapos non ay umupo ulit sya sa aking tabi at bumulong.


“Pare huling gabi na daw ni Nick ngayon sabi ni Captain baka daw gusto mong dalawin?” Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas at umuoo ako, inaya ko na dn pati mga barkada ko tutal kilala din nmn nila si Nick na agad naman sila pumyag. Ala-una ng madaling araw na ng makarating kami sa bahay nila Nick sobrang dami ng tao, ganun sya kabait. Nakaupo kami malapit sa kabaong nya habang nakikipag usap ako sa pinsan ni Nick nag mapansin ko na tila hindi mapakali si Devy lilingon lingon sya kaliwat kanan at tila naiiyak na sya. Nagulat kaming lahat ng tumakbo ito palabas ng bahay at nagumpisng umiyak , ng amin syang tanungin nakita nya daw si Nick umiikot ikot sa palagid nya may sinasabi ngunit ayaw nya ito pakinggan nais daw kasi ni Nick na hiramin ang katawan nya may gusto lang daw sya makausap.


Hindi na tumigil si Devy kakaiyak hanggang bgla na lang sya mawalan ng malay mabuti na lamang at nasalo ko sya, agad nmn sya dinala sa loob ng bahay nila Nick ngunit ng maihiga nmn sya ay nagumpis na ito mag sisigaw. Walo kaming lalaki na halos humawak sa kanya nagdasal na din kmi grabe ang takot ko nun nanlilisik ang mga mata nya parang nais pa ng kanyang katawan na lumutang sa ere. Ang mga dila nya na tila nangaakit halos lumabas na nga yung buong dila nya. Maya maya ay huminto ito , lahat ng mga tao sa paligid sa paligid nmn ay nakatitig at nagdadasl umupo muna kami sa isang tabi. Mayamya pa isang babae ang lumapit sa tabi ni devy nagising si Devy at umiyak nabigkas nya ang salitang "MAMA"  Lahat ay nagulat. Yun pala ang nanay ni Nick, umiyak talaga ang nanay Nick. Para po sainyong kaalaman hindi po namin kilala ang nanay ni Nick, lalo na si devy dahil bago lamang sya sa school. Lahat ay nagiyakan sa tagpong ito, nagumpisa na si tita magtanong


“Anak bakit mo naman ginawa yun?” sumagot si Devy


“Ma ang dilim dilim dito, ma”


“Bakit mo ba kasi ginawa yun anak”


“Hindi nyo ako tanggap, pagod na pagod na ako. Sorry ma” yun na ang huling matinong sinabi ni Nick at nagsimula na naman si Devy magwala. Sinabing hindi na sya aalis sa katawan na yun. Pinalayo ng isa sa mga taga roon ang nanay ni Nick dahil naniniwala sila na hindi na si Nick ang nasa katawn ni devy. Dumating ang isang mangagamot at agad na ginamot si Devy. Sinabi ng sumapi kay devy na sa puno sa likuran sya nakatira at nakikipaglaro lang nmn ito. Pinalayas ng mang gagamot ang engkanto, dun din nmn napag alaman na bukas pala ang third eye ni Devy , sinara na ito ng mang gagagmot ngunit binalaan nya si devy na hindi ito pang-matagalan.


Dun din namin na pag alaman na sa school lamang nailalabas ni NICK ang kanyang pag ka bakla at paguwi neto sa bahay ay lalaki na sya hindi daw kasi ito tanggap ng ama nila. At yung babae netong kasama palagi ay kanyang matalik na kaibgan ngunit ang alam ng pamilya nya ay kasintahan nya ito. Natagpuan daw si nick sa kanyang kwarto, puro chichirya ang kanyang nasa tabi at isang silver cleaner na dahilan ng pagkamatay nya. Simula na aksidenteng yun naniniwala na ako sa mga sapi sapi.


 


 


NOTE: BINAGO KO PO UNG MGA PANGALAN PERO TOTOONG PANGYAYARI PO LAHAT YAN


  

Story Archive