Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Pssst... I heard it too!

Story Rating:

This story is not really a terrifying one. It was one of tho......

Totoo talaga ang aswang own experienced

Story Rating:

September 8, 2017 dito nagsimula lahat around 10:00 pm hindi......

APARTMENT FOR RENT

Story Rating:

Madami ng cobwebs sa loob kasi raw matagal na siyang di nabu......

Basement

Story Rating:

Bata pa lang ako ay nakakaramdam nako ng mga kakaibang bagay......

Creepy Stories ( Part 11 )

Story Rating:

Ako si Sharon. At ito ang ilan sa aking mga personal na kara......

DAYO

Story Rating:

Isang araw, niyaya ako ng kababata ko na magpunta sa Bicol d......

Clinic (by Vivien)

Story Rating:

This is my first time to write such story kaya pagpasensyaha......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

Lamay (Short Story)

Story Rating:

Isang araw may kapitbahay kaming namatayan ng anak. Maganda ......

Check-in

Story Rating:

Wala akong magawa kundi magpalipas ng gabi sa Baguio nang ma......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 2 user(s)


Noon hindi ako naniniwala sa sanib-sanib. Para sa'kin, nag iinarte lang yung mga taong nakikita ko sa balita na sinasaniban . Tumitirik ang mata, hindi maipaliwanag na lakas at pa iba-iba ang boses. Yan yung mga nakikita ko sa TV. Ngunit nag-iba ang paniniwala ko nung araw na namatay ang mama ng isa sa mga kaibigan ko. maniwala kayo! totoo sila! Takang-taka kami nun kung bakit dalawang araw nang hindi pumapasok si Jose. Sya yung kaibigan namin na pursigido sa kanyang pag-aaral. Ayaw na ayaw nyang umabsent o kahit na ma late man lang. Nalaman nalng namin isang araw, na namatay na pala ang mama nya. kaya pala dalawang araw na syang hindi pumapasok dahil nasa hospital yung mama nya. Dalawa lamang na magkapatid sina Jose. Hindi namin kilala yung kuya nya dahil hindi rin daw talaga sila malapit sa isa't-isa. Wala na silang ama, kaya ang mama nya nalng ang kumakayod para mabuhay sila. Naaawa talaga ako sa kaibigan ko. Bilang suporta sa kanyang pinagdadaanan, pumunta kami sa kanila kasama ang buong section namin. Nagdala kami ng bulaklak at nag ambag-ambag para may maiabot kami sa kanya. Nang gabing balak na namin mag vigil sa kanila, and dami daming mga balakid. Hindi sana ako papayagan ng mga magulang ko kasi nga raw hayskul pa ako. ngunit nag pumilit talaga ako. kaming lahat halos hindi pinayagan, ngunit nagpumilit lang upang maiparating namin kay Jose ang aming pakikiramay. Nang Kompleto na kaming lahat at naghahanap na ng jeep na masasakyan papunta sa kanila, bigla nlng bumuhos ang malakas na ulan. Nagtaggal din yu ng 20 minuto. Hindi parin kami nagpatinag sa ulan at pumunta parin kami kina Jose. pagbaba namin ng jeep, kinaylangan pa naming lakarin papunta sa mismong bahay nila sabi ng isang kaklase namin. habang binabaktas nmin ang daan papunta sa knila, bigla nlng may nagsitaholan na mga aso at biglang lumabas sa madilim na parte ng daan. Wala kaming nagawa kundi ang tumakbo. Hinahabol kami ng tatlong malalaking itim na aso na hindi namin alam saan talaga nanggaling. Takbo kami ng takbo hanggang sa hindi na namin alam kung nasaan na ang mga aso. Sabi ng kaklase namin na nandoon nadw kami sa bahay nila Jose. Tumambad sa amin ang isang malaking bahay, ngunit parang may nakakatakot itong awra. Tinatawag nami si Jose ngunit yung kuya nya ang lumabas at nagpapasok sa amin. Inaasahan nmin na maraming tao ang lamay ng kanilang ina, may mga nagdadasal at may mga kapitbahay na nakikiramay.


Ngunit mali pala kami. Ang tanging nandodoon lang ay ang kanilang ina na nasa kabaong, mga barkada ng kuya ni Jose at si Jose na nagkukulong di umano sa kanyang silid. Parang kinakabahan na kami ng mga kaklase ko sapagkat gumagamit ng pinagbabawal na gamot ang kaibigan ng kuya ni Jose habang naglalaro ng baraha sa gilid ng kabaong ng kanilang ina. napakatahimik ng gabing iyon at tanging mala demonyong tawa lamang ng mga adik ang naririnig namn. Lumabas si Jose sa kanyang silid at pilit na ngumiti ng makita nya kami. kompleto ang section namin na may 12 babae at 30 lalaki.


pinaupo kami ni Jose sa kaknilang Sala kung saan nakalamay ang kanyang ina. Awang-awa ako sa itsura ng masayahin kong kaibigan. Pumayat sya at pagod na pagod na ang itsura. Iniabot namin ang tulong na naipon anmin para kay Jose. Inilagay din nmin ang bulaklak sa paanan ng kabaong ng kanyang ina. Nung pumatak ang alas nuebe ng gabi, biglasng nagsalita ang isa sa mga kaklasenming lalaki at sabi nya na "parating na sila" "Wag kayong mag-ingay. May masasama sa kanila" nagtaka kaming lahat pagkat hindi namin alam kung sino at ano ang tinutukoy ni Fred. Si Fred, ang kaklase nmin na di umanoy nakakaramdam at nakakita ng multo. Hindi nmin masyadong pinansin ang mga katagang bininigkas ni Fred, bagkos naaaliw kami habang naglalaro ng baraha sa labas habang ang iba sa amin ay nandoon sa Kusina nina Jose. Dumako ang alas Dose ng hindi namin namamalayan.


Bigla nlng lumabas si Fred at sinabihan kaming pumasok na dahil delikado na raw. Medyo natakot kami sa sinabi nya, kaya mupasok nalng din kaming lahat at nanatili sa kusina. Sa lood ay may nagkakape, ang iba nmn ay kumakain ng biscuit. nagkukwentohan kaming magkaklase na parang walang lamay sa labas. Hindi narin nmin pinapansin ang mga barkada ng kuya ni Jose na pilit kaming pinapasali sa kasamaang ginagawa nila.


Gustong gusto naming mag sumbong na may gingawang masama ang mga kaibigan ng kuya ni Jose, ngunit nakiusap si Jose na kung maaari ay wag na lamng daw namin silang pansinin. Sumarap ang pag-uusap nmin na aking mga kaklase tungkol sa mga aswang hanggang dumako sa mga biruan at napunta sa mga masasamang ugali ng aming mga guro. Sa gitna ng masarap na pag-uusap nmin, bigla nlng sumingit sa usapan ang kaibigan nming si Ana at sinabi nya na totoo daw ang 666. ika nya'y nakapasok nadaw ito sa Pilipinas at marami ng sikat na personalidad ang naging myembro. Nagtaka kming lahat sa binuksan nyang paksa. Nagpatuloy sya, at sinabing " andito na ang 666, sa katunayan nga andito sila " kinilabotan talaga ako sa sinabi ni Ana. Nagpatuloy parin sya sa kanyang kwento. Sabi pa nya" andito na sila. Ang dami nila. umalis na kayo habang may pagkakaton pa" . Doon na na alarma ang mga kaklase ko at pinatigil na sya sa knayng pagkukwento. Habang pinagsasabihan namin si Ana, bigla nlng sumigaw yung isa pa naming kaklseng babae at namumutla na xa. Sabi nya sa amin na masakit daw ang katawan nya. Kumuha si Jose ng gamot sa kanilang medicine cabinet at ipinainom namin sa namumutla naming kaklase. Pinapaypayan nmin sya nang bigla nlng sumigaw ang isa pa naming kaklase at namumutla na rin. " ayoko!" ayoko!" yan ang sinisigaw nya habang nagpupumiglas. Bigla nalang nagsalita si Fred aniya " Nagsisimula na sila. Andito na cla. Maging matatag tayong lahat at tibayan nyo ang paniniwala nyo sa Dyos upang di sila makapasok sa inyong mga katawan!". Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Nagkakagulo na. Ang dami ng namumutla. Hindi ko alam kung sino ang una kong tutulungan. Tumunog ang Alarm ni Fred at sabi nya " alas tres na. ito ang pinakamalakas nilang oras! " pag kasabi ni Fred na alas tres na bigla nlng nahimatay ang kanina lang ay nagsisisigaw at namumutla naming mga kaklase. pinagtulungan namin silang ihiga sa lapag na inihanda ni Jose. Abala kami sa pag aalaga s mga kaklase nmin ng bigla nalng tumawa si Ana. Tawang demonyo na di ko mawari. Daig pa niya ang tawa ng mga adik na naglalaro sa labas. Nagsalita syang bigla, " akin na ang katawang ito. Isa syang mahina at malungkot na babae. Hindi nyo na sya mababawi!" sigaw ni Ana ngunit sa boses lalaki. Isang boses na napakalaki na waring isang napakalaking ato ang nagsasalita. Biglang tumakbo si Fred papunta sa kanyang bag at may kinuha syang isang rosaryo. humingi sya ng tulong sa mga kaklase kong lalaki upang pigilan ang nagwawalang si Ana. sampung lalaki ang umawat sa isang napakaliit at payat na babae ngunit hindi parin nila kayang pigilan ang pagpupumiglas niya.


Tumulong na ang iba pa naming kaklase hanggang sa naisuot kay Ana ang rosryo ni Fred. Nung humupa na ang kanyang pagwawala at unti-unti nang nanghina, biglang lumiit ang boses ni Ana na parang isang bata " tulungan nyo po ako, ang init init. ayoko na po dito" yan ang sinasambit ni Ana habang nakapikit. Hinawakan nmn ni Fred ang noo ni Ana at meron syang binigkas na isang dasal sa wikang Latin. Nagtaka man kami kung bakit may alam si Fred sa ganitong mga bagay, hindi nalng muna kami nagtanong. Biglang gumising si Ana pagkatapos ng dasal ni Fred. Nagsalita na rin sya. boses na ni Ana ang naririnig namin. " In Jesus name, ako na to." Anong nangyari?" Bkit nyo ako hinahawakan?" Takang-taka si Ana sa mga nangyayari. "Ikaw naba talaga yan Ana?" tanong ni Fred Nkakunot ang noo ni Ana at sumagot " uu naman, sino pa ba? pwd bang bitiwan nyo na ako, nasasaktan na kasi ako. " Hinintay namin na pumayag si Fred. Tumango nmn sya bilang pagsang-ayon kaya binitiwan namin si Ana. Bigla nalng tumayo si Ana at Nag unat. Hindi nmin inasahan ang sunod Nyang ginawa. Itinulak nya ang napakalaking cabinet nila Jose at tinaggal ang suot na rosaryo. Pinutol nya ito at tinapaktapakan. " Niloko mo kami!" sigaw ni Fred Tumawa na naman si Ana at bigla nalng turik ang kanyang mata. " mga lapastangan kayo! sino kayo sa inaakala nyo!" sigaw ni Ana ngunit sa pagkakataong ito ay isang matandang babae ang aming naririnig. kinakalmot ni Ana ang kanyang sarili at inuuntog ang ulo sa pader. Hindi na nmin alam ang gagawin. nagpapanic na kaming lahat at gusto na naming umuwi. " Hindi kayo makakauwi ng buhay!" bigla sigaw ni Ana at tumawa ng tumawa habang papunta sa lalagyan ng kutsilyo nila Jose. takot na takot na talaga kami nun. sabi ni Fred sa amin na magdasal sapagkat humihingi nadaw ng tulong si Jose.


sa kabilang banda, habang kami ay hirap na hirap na at takot na takot, tatawa tawa lamang na nag vivideo ang mga barkada ng kuya ni Jose. Pinagkakatuwaan nila ang nangyayari sa amin. habang kumukuha sila ng video gamit ang kanilang cellphone, bigla nlng silang tiningnan ni Ana ng masama at sabay2 na nahulog ang kanilang mga cellphone at ng kunin nila ito at sinubukang bukasan, ayaw ng mag On. Ilang ulit nilang sinubukan ngunit ayaw na talagang mag On ng kanilang mga cellphone. Dahil dun, biglang natauhan ang kaninay nagloloko na mga kabataan at ngayo'y naniniwala na sila na kami ay nasa isang seryoso at delikadong sitwasyon. Bigla nalng silang nagsitakbuhan at iniwan kami doon nga aking mga kaklase. Iniwan din nilang nakatulala ta nag-iisa ang kaibigan nila na kuya Ni Jose. nung may hawak2 na na kutsilyo si Ana ay una nya itong itinutok kai Fred. " Ikaw ang uunahin ko sapagkat hadlang ka sa mga gusto kong gawin!" sigaw ni Ana Nang akmang susugod na si Ana, napatigil ito at napasigaw. Nkatingin lamang sya ng masama kay Fred at bigla nlng naglulupasay sa sahig. may binubulong si Fred habang hawak2 ang isa pang mas malaking rosaryo ng kulay itim. Hindi ko na maintindihan ang nangyari, nagdadasal nlnmg din ako at humihingi ako ng tawad sa aking mga magulang sapagkat naging matigas ang ulo ko at hindi sumunod sa knila. Nakaupo ako sa harapan ng kabaong ng ina ni Jose kasama ang iba ko pang mga kaklase nang biglang dumating si Jose kasama ang isang may katandaan na lalaki. Meron silang dala dalang isang langis at dali dali itong ibinuhos ng matanda kay Ana. pumunta kami sa kusina at tiningnan namin ang nangyayari. Bigla nlng nahimatay si Ana. Isang katahimikan ang lumipas at bigla rin itong nagsalita " Anak, anak ko? nasaan ang anak ko? " yan ang sinasambit ni Ana habang umiiyak. " Jose, hawakan mo ang kamay ng iyong Ina." ani Fred umiiyak na rin si Jose, hinawakan nya ang kamay ni Ana na ngayon ay sinasaniban di umano ng kanyang ina. " Ma, tama na. magpahinga ka na. Ok lang po kami. " sambit ni Jose sa kanyang ina. Hindi parin tumitigil sa pag sambit si Ana ng " aking anak, nasaan ang aking anak!" Biglang nagsalita si Fred " Jose, hindi ikaw ang hinahanap ng mama mo, nasaan yung kuya mo? parang sya ang sinasambit na anak ng iyong ina." tinawag ni Jose ang kanyang kuya. napag alaman namin na bago pala mamatay ang kanilang ina ay nagkaalitan pa ito at ang kuya ni Jose. May nasabi pa ang kanyang panganay na " mamatay ka na! hindi ka na kita kelangan!" unti unting lumapit ang kuya ni Jose kay Ana. Hinawakan nya ang kamay nitong nakalahad at sinabing " patawarin mo na si mama anak. pagpahingahin mo na ako. ihatid mo ako sa huling hantungan ng walang kinikimkim na galit sapagkat nasasaktan parin ako sa aking kinaroroonan. mahal na mahal ko kayo" " Ma, tama na po. pinatawad ko na kayo. patawarin nyo rin ako sa mga nasabi at nagawa ko. " umiiyak na sambit ng kuya ni Jose. biglang ngumiti si Ana at bumaling ang tingin sa matanda " Ikaw na ang bahala sa mga pamangkin mo. " yan ang huling kataga na narining namin bago na tuluyang mupikit si ana na may luha ang mata ngunit nakangiti ang labi. Iyak ng iyak sina Jose . magkayakap ang magkapatid habang humihingi ng tawad sa isa't- isa.


Akala namin tapos na ang lahat dahil naging mahinahon na at hindi na muling nagwala pa si Ana. habang kinakausap ng matanda na Tito pala nila Jose ang kanyang mga pamangkin, bigla nalng lumapit si Fred sa matanda at tinapik ito sa likod. nagtaka ang tito nila jose maging sina Jose din. Ngunit ngumiti lang si Fred at lumapit sa amin. Nagtanong ako sa kanya" Fred bakit mo tinapik ang likod ng tiyo nila Jose?" nagimbal kami sa sagot nya " nakita ko kasi sya kanina na naglalakad ngunit wala syang ulo. sabi ng lolo ko yun daw ang sumpa, dahil possible daw na may mangyari sa kanyang masama." Hindi talaga kami makapaniwala sa nangyari. Takot ang naramdaman namin sa dalawang oras na bangungot na yun. lumipas ang alas singko at nagising na rin ang kawawang si Ana. nagtataka sya sapagkay puno ng pasa at may mga galos sya sa kanyang katawan. nanaginip din daw sya na napunta sya sa isang napakadilim na lugar at dinig na dinig nya ang sigawan namin na tinatawag ang kanyang pangalan. bago kami umalis sa lugar na iyon, nag alay kami ng dasal para sa ina ni Jose at sa mga nangambala na mga kaluluwa. Nangako rin ang Tiyo ni Jose na magpapadasal nadaw sila tuwing gabi at magpapa serbisyo sa kanilang simbahan.


Sya na daw bahala sa kanyang mga pamangkin at humngi rin ito ng tawad sa pagkat napabayaan niya ang mga ito. Nabalot man kami ng takot, ngunit may isa namng relsayon ang naayos. sa kabila ng lagim ng gabing iyon umuwi kami sa amin na may natutunan. Mahalin at respetuhin ang mga magulang bago pa maging huli ang lahat. Nang sa tingin namin ay taps na ang lahat ng kababalaghan ng gabing iyon, nagkamali pala kami. Pagkalipas ng araw ng libing ng ina ni Jose, bigla nlng nahimatay si Ana sa aming paaralan. nang magising siya ay sumisigaw sya na may kabaong daw na lumulutang sa bintana ng aming silid aralan. nabalot na namn kaming lahat ng takot sapagkat alam naming lahat ang nangyari sa bahay nila Jose. Iyak ng iyak si Ana. Wla kaming nagawa kundi ang sabihin ang totoo sa aming guro. nahimatay nlng bigla si Ana at tumitirik ang mata. humingi na rin ng tulong ang aming guro sa iba pang guro sa aming paaralan. habang ginagamot si Ana, nag alay nmn ang buo naming paaralan ng isang rosaryo para sa mga kaluluwang hindi matahimik at sumusunod kay Ana. Matapos ang mga orasyon na ginawa nila kay Ana at ng aming inalay na dasal, gumising sya at sinabi nyang " gusto nila akong dalhin!. " umiiyak sya habang isinasalaysay ang kanyang panaginip " hinahatak nila ako, at pilit na ipinapasok sa kabaong. ngunit naririnig ko ang mga dasal nyo. unti-unti silang nawawala ngunit sabi ng isang napakalaking tao dun na babalikan at balikan nya raw ako!" awang awa kami kay Ana dahil sya ang pina ka nahihirapan sa aming lahat. siniguro nmn ng aming guro na hind nila papabayaan si Ana. Pagkatapos ng kaguluhang iyon sa aming paaralan, ipinatawag ang aming pangkat sa principal's office at doon pinagalitan kami dahil sa paggawa ng isang hakbang na walang pahintulot ng paaralan at labag sa kagustuhan ng aming mga magulang. pagkatapos ng mga nangyaring iyon, nagsilbi itong aral para sa amin. nakakatakot at nakakagimbal. kaya maniwala kayo. nasa paligid lang sila.


  

Story Archive