Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Nagkatitigan kami

Story Rating:

Sa probinsya ng Tarlac nakatira ang tita ko,pinsan ng mama k......

2nd Cubicle

Story Rating:

Gaya ng sinasabi ng karamihan sa nagseshare ng story, hindi ......

MATUTONG MAKINIG

Story Rating:

May ikukuwento ako sa inyo tungkol sa naging karanasan ko no......

White Lady sa Abandonadong Bahay

Story Rating:

Paambon-ambon na gabi, ako po ay lumabas para hintayin ang a......

Preserved Human

Story Rating:

kitang kita ng dalawa kong mata ang ginagawa nila, nakakadir......

Sa Zambales

Story Rating:

Itago nyo nalang ako sa pangalang Kristy. Mga 19 years old a......

Batang Itim

Story Rating:

...

Night Owl Chronicles: Gala

Story Rating:

I am a freelancer. Although US, UK and EU ang location ng cl......

Elevator

Story Rating:

So eto na, usap usapan na kasi sa company yung mga misteryo ......

Bata

Story Rating:

Kung ia-assess ko ang sarili ko, masasabi ko sigurong matapa......

Top Horror Stories

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Titig

Story Rating:

Mga alas tres na ng hapon ay nasa daan pa rin sila Fritz. Al......

Sa Zambales

Story Rating:

Itago nyo nalang ako sa pangalang Kristy. Mga 19 years old a......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Estudyante

Story Rating:

1st year college ako that time at SA(Student Assisstant) ako......

Kasabay

Story Rating:

Tinatahak ko ang mahaba at bako-bakong daan na napapaligiran......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Sleep paralysis

Story Rating:

Nilibot niya ulit ang mata, sa pagkakataong ito'y sa paanang......

 Fiction Trese

Story Rating:

Tinignan muna ng lalaki ang mga bayarang babae na nakapalibo......

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Sabi nila

Story Rating:

Paakyat na si Linda ng makasalubong ang kumareng si Mary sa ......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......


Pinoy Horror Story


Sabi nila Fiction 


Story Rating

Rated (2/5)
by 2 user(s)


“Uy, mars!”


 


Paakyat na si Linda ng makasalubong ang kumareng si Mary sa hagdanan ng tinutuluyan niyang 2-story apartment.


 


“O, mars. Namalengke ka pala,” sabi ni Mary habang tinitingnan ang bitbit na eco-bag ng kanyang kaibigan. “Mukhang marami ‘yan, ah.”


 


“Hindi naman. Paubos na rin kasi ang groceries namin. Teka, dumaan ka ba sa’min?”


 


“H-Ha?” sagot ni Mary. “Ah, oo. Hihiram sana ako ng DVD para may mapanood na pelikula.”


 


“Naku, marami kaming bago diyan. Nakakuha ka ba? Nasa bahay naman si Nestor. Wala siyang pasok ngayon.”


 


Hindi sumagot si Mary. Napansin ni Linda na nakatingin ang kanyang kumare sa kalsada. Lumingon din siya ngunit wala naman siyang nakitang tao o anumang kakaiba. Muli niyang tiningnan ang kaibigan. Dito niya napansing bagong ligo si Mary, basang-basa pa ang mahabang buhok.


 


“Ano ka ba naman, mars. Pumunta ka dito sa amin nang hindi man lang nagtutuyo ng buhok,” natatawang sabi ni Linda.


 


Biglang lumaki ang mga mata ni Mary at napatingin sa kausap. “H-Ha? Ah! Oo. Bigla ko kasing naisip manood ng pelikula. Wala kasi akong kasama sa bahay. Kaya pumunta kaagad ako dito. Tama! Yun nga!”


 


Tumawa ng malakas si Mary. Pagkatapos ay biglang sininok.


 


Si Linda naman ang humalakhak. “O, ayan. Sininok ka tuloy. Siguro nagnakaw ka ng itlog, ano?”


 


Muling nandilat ang mga mata ni Mary ngunit agad siyang tumungo at tinitigan ang mga kuko sa paa. Muli ay sininok siya, ang tunog ay pinalakas ng pagkakaipit ng kanyang leeg.


 


“A-Anong nagnakaw ng itlog?” mahinang tanong ng babae.


 


Napakunot ang noo ni Linda at tinitigang mabuti ang kaibigan. Sa pakiwari niya ay parang namutla ang mukha ni Mary ngunit hindi niya matiyak dahil natural na napakaputi ng balat nito.


 


“Ano ka ba, Mary? Biro lang ‘yun. Hindi mo pa ba naririnig ang pamahiin na kapag sinisinok ka daw, ibig sabihin ay nagnakaw ka ng itlog mula sa kapitbahay mo? Kailangan mo raw aminin para mawala ang sinok mo.”


 


“Hindi ako nagnakaw ng itlog!” bulalas ni Mary. “Ayoko ng itlog! Wala akong kasalanan!”


 


Napaatras si Linda dahilan upang mawala ang kanyang balanse. Buti na lamang at nakakapit ang kaliwang kamay niya sa dalaydayan ng hagdanan kundi ay tiyak na gumulong siya pabababa.


 


“A-Ano ka ba, mars!” Inilapag ni Linda ang bitbit at napahawak sa kanyang kumakabog na dibdib. “M-May problema ba? Sabihin mo. Baka makatulong ako.”


 


Parang biglang bumalik sa katinuan si Mary at ngumiti. “A-Ayos lang ako, mars. Pasensya na.” Isang sinok ang lumabas sa mga labi ng babae.


 


“Mabuti pa pumanhik ka na muna sa amin, mars. Nang makainom ka na rin ng malamig na tubig.”


 


Hinawakan ni Linda ang braso ni Mary upang igiya paakyat ng hagdanan ngunit biglang kumawala ang babae.


 


“Ayoko! Ayoko ng bumalik doon!” Halos lumulundag si Mary sa pagbaba ng hagdanan. Dire-diretso siya sa gate at sa kalsada, ni hindi man lang nilingon ang kaibigan.


 


“Diyos ko!” naibulong ni Linda. “Anong nangyari sa kanya?”


 


Wala na siyang nagawa kundi ang umakyat sa kanilang unit. Napansin niya kaagad na bukas ang kanilang pinto.


 


“Nestor. Nestor!”


 


Pumasok si Linda sa kanilang apartment at ipininid ang pinto. Dumeretso siya sa kusina at inilapag ang bitbit na eco-bag sa lamesa.


 


“Nestor. Dumaan daw si Mary dito. May nangya-“


 


Biglang natigilan si Linda ng pumasok siya sa kanilang kuwarto. Nanlaki ang kanyang mga mata at sunud-sunod na sigaw ang lumabas sa kanyang bibig.


 


 


Paumanhin sa mga kumakain at sa mga bata, mga kapuso. Medyo maselan po ang susunod nating balita. Isang lalake ang pinatay sa isang apartment complex sa Cavite. Nagtamo ng siyam na saksak ang lalaki sa iba’t ibang parte ng katawan. Maliban sa saksak ay pinutol din ang kanyang testicles o ang kanyang bayag. Hindi pa po alam ang motibo ng krimen. Hindi pa rin po nahahanap ang nawawalang… itlog.


  

Story Archive