Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Katok!

Story Rating:

Bale dalawa sila ng kaibigan niyang tumira sa boarding house......

Feet on the ground / white lady

Story Rating:

Simbang gabi, yan ang isa sa mga paborito kong gawin bago ma......

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

Headless Man

Story Rating:

Nasa 3rd year na yata ako nun nung nangyari ung encounter ko......

3rd eye

Story Rating:

Bata palang ako nakakakita na ako ng mga nilalang na d nakik......

Ang putol na daliri

Story Rating:

Naiwan si Tonyo nang siya ay 18 taong gulang pa lang at lolo......

Pasahero

Story Rating:

Kwento ito ng kuya ko nung gumamit siya ng kotse pauwi mag-i......

Triple D - Don't Dare Devil

Story Rating:

Galing ako nun sa prayer meeting namin dito sa Pasig and we ......

Twing gabi

Story Rating:

Nagising ako sa di ko maintindihang dahilan, parang may bum......

Lalaki sa ilalim ng lababo (Short Story)

Story Rating:

Nanunuod kami ng TV ng mga pinsan ko sa kwarto ng lolo't lol......

Top Horror Stories

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Titig

Story Rating:

Mga alas tres na ng hapon ay nasa daan pa rin sila Fritz. Al......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Estudyante

Story Rating:

1st year college ako that time at SA(Student Assisstant) ako......

Kasabay

Story Rating:

Tinatahak ko ang mahaba at bako-bakong daan na napapaligiran......

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......


Pinoy Horror Story


Radio Hell Fiction 


Story Rating

Rated (2/5)
by 1 user(s)


KAIN, tulog at higa ang palaging trabaho ni Kerby sa bahay. Pagkatapos kumain ay muling babalik sa kuwarto, hihiga at maglalaro ng games sa cellphone pero nang mga oras na iyon ay facebook ang inaatupag niya.


Nagbabasa siya ng mga trivia sa Spookyism page. Balak niyang gumawa ng panibagong horror novel kaya dinadalasan niya ang pagbabasa ng mga post sa Spookyism para makasagap ng bagong idea.


May isang post doon na pumukaw sa kanyang atensyon. Nakalagay sa post ang tungkol sa isang radio station na pinamumugaran daw ng mga kaluluwa dahil sa mga boses na maririnig dito. Nakalagay sa post ang channel ng istasyong iyon na 107.9 kaya nagkaroon ng dahilan si Kerby para buksan ang kanyang patapon na de bateryang radyo. Iyon ang libangan niya dati sa pakikinig ng mga awitin noong wala pa siyang cp. Kinuha niya iyon sa drawer at hinabaan ang antena. Nang mahanap na niya ang 107.9 station ay wala naman siyang ibang narinig kundi ang pagkalaskas, patunay na blangko ang channel na iyon at walang signal dahil hindi ginagamit ng kahit anong radio network.


Sinubukan pa niyang lumabas ng bahay at itinutok ang radyo sa itaas para makasagap ito ng signal ngunit wala talagang nagbago. Pinakinggan niya ng mabuti ang pagkalaskas, wala naman siyang naririnig na mga boses doon. Halos kumalaskas na rin ang tenga niya pero wala siyang mga boses na narinig.


Sinubukan niyang ilipat sa ibang istasyon, malakas naman ang signal at malinaw sa pandinig ang boses ng mga DJ at mga awiting ipinapatugtog pero kapag ibabalik na niya sa 107.9 ay nawawala muli ang signal. Naisip niya na baka kalokohan lamang ito para utuin ang mga tao. Nagbalik siya sa kuwarto at muling binasa ang post. Kaunti lamang at kulang ang mga detalyeng nakalagay doon. May mga nabasa siyang comment na narinig na daw nila ang boses ng mga kaluluwa sa istasyong iyon. Ang ibang mga comment ay ibinahagi pa ang kanilang mga nalalaman kung paano makasagap ng signal sa 107.9 station.


Una, kailangan daw magpunta sa malawak na lugar na puno ng kalupaan. Pangalawa, kailangan daw gawin iyon kapag hatinggabi na dahil sa mga oras na iyon ay wala ng masyadong nakikinig ng mga radyo dahil halos lahat ng mga tao ay natutulog na kaya lumalakas ang frequency ng mga blangkong istasyon. Pangatlo, kailangan daw ilapag sa lupa ang radyong gamit upang makasagap ito ng signal sa ilalim. Mga cellphone na may radyo at mga de bateryang radyo ang mainam na gadget para doon. At kapag nagawa raw iyon sa tamang oras at tamang pagkakataon, maririnig nila ang boses ng mga kaluluwang namumugad sa diumano'y haunted station sa pilipinas.


Batay naman sa iba pang mga comment, marami daw ang sumubok nito noon at karamihan sa mga iyon ay nagka-trauma dahil sa takot matapos marinig ang aktwal at totoong boses ng mga kaluluwang nagsasalita. Kaya bawal daw gawin iyon kung mahina ang iyong loob. Kung 'takot' lang ang pag-uusapan, balewala iyon kay Kerby. Kaya nagpasya siyang gawin iyon mamayang gabi. May alam siyang isang malupang lugar na siguradong walang sinuman ang makakaalam at makakakita sa gagawin niya.


Pagsapit ng gabi ay pinuntahan na niya ang lugar na iyon, ang pinakamatandang sementeryo sa kanilang bayan. Sa bandang dulo siya nagpunta dahil wala ng masyadong mga nitso doon kaya malawak ang kalupaan at isa pa, malapit lang din doon ang puntod ng yumao niyang pinsan na dating basagulero at manginginom. Bago niya sinimulan ay napatingin siya sa kanyang soot na orasan sa pulsu-pulsuhan. Pasadong alas-dos na ng hatinggabi. Nakabibingi ang katahimikan at walang maririnig na kahit anong ingay. Muli niyang pinagana ang radyo at pagsamantalang hininaan muna ang volume. Kalaskas pa rin ang maririnig sa istasyong iyon.


Lumuhod si Kerby sa lupa at inilapag doon ang radyo pagkatapos ay itinutok niya ang tenga sa speaker nito.
Unti-unting humina ang pagkalaskas na tila may nasasagap na itong signal. Ilang sandali pa, nagsimulang makarinig ng mga kakatwang tunog si Kerby. Nakarinig siya ng tila malakas na hangin na may kasabay na mga ihip ng boses. Kasunod nito ay ang boses ng babaeng sumisigaw na tila mabigat ang dinaramdam at nag-echo pa ang pagsigaw nito na parang nasa loob ng kuweba. Muling umihip ang malakas na hangin at kasabay nito ang pagtawa ng isang malaking bulas na nilalang. Nag-echo ang nakakapangilabot nitong tawa na parang gustong lumabas ng literal sa speaker ng radyo.
Ngayon lang nakaramdam si Kerby ng hilakbot lalo na ng may marinig siyang boses na nagsalita ng mga lenguwaheng hindi niya maintindihan pagkatapos ay muling umihip ang malakas na hangin at maraming tao ang nagsigawan na animoy may dinaramdam silang labis na sakit. Sa lakas ng sigaw ng mga ito ay parang gusto nitong wasakin ang speaker ng radyo.
Tumayo si Kerby sabay patay sa radyo. Dinig niya ang malakas na pintig ng puso niya, dahil iyon sa takot.
Nang muli niyang sindihan ang radyo ay kumakalaskas na muli ito at wala ng signal.
Di na siya nagtagal doon at agad nang lumisan para umuwi ng kanilang bahay.


HABANG nag-aalmusal si Kerby ay naglalaro pa rin sa kanyang isipan ang mga kakatwang tunog na narinig niya sa radyo. Di niya maipaliwanag kung saan ba talaga nagmula ang mga nakakapangilabot na boses na iyon. Kahit bali-baligtarin pa niya ang kanyang utak ay malabong isipin na boses iyon ng mga gumagalang kaluluwa sa sementeryo dahil higit sa lahat, tahimik ang sementeryo nang puntahan niya kaya imposibleng galing rin sa sementeryo ang narinig niyang malakas na ihip ng hangin.


Iyon ang nag-udyok sa kanya para tuluyang maniwala na may haunted station nga sa pilipinas. Pero ang nais niyang malaman ay kung ano ang nakaraan ng station na iyon at kung bakit ito naging haunted. Pumunta sya sa computer shop ay agad niyang ni-research sa google ang tungkol sa haunted station sa pilipinas. Doon pa lang niya natuklasan ang lahat dahil may nakita siyang isang news website na nagsasabing meron daw naging proyekto noon ang ilan sa mga matataas na nanunungkulan sa pilipinas na magpahukay ng pagkalalim-lalim sa ilalim ng lupa at nagpalagay sila ng isang matibay at waterproof na underground signal pagkatapos ay tinambakan nila itong muli. Ang underground signal na iyon ay may kakayahang humigop ng signal mula sa kaitaasan at dalhin sa kailaliman ng lupa, isang bagong teknolohiya iyon na ipinagawa pa sa ibang bansa.


Ang kalahating katawan ng underground signal ay parang poste na nakatayo sa lupang kinatitirikan nito habang ang kalahati pa nitong katawan ay nakalubog sa kailaliman ng lupa. Marami itong mga wire sa itaas at puno rin ng mga waterproof at underground wire sa kailaliman. Halos apat na taon ang lumipas bago iyon natapos. Ang purpose ng mga may kataasan kaya nila ipinagawa iyon ay para ma-detect nila ang mga kaganapan na nangyayari sa impiyerno na pinaniniwalaang nasa kailaliman ng mundo at doon babagsak ang kaluluwa ng mga makasalanan.
Mahirap paniwalaan pero matagumpay nilang nagawa ang eksperimentong iyon.Sadyang malakas makahigop ng signal ang nasabing underground signal experiment at kaya nitong ma-detect ang mga tunog sa kailaliman na kinatatayuan ng mundo. Naisipan nilang ipalagay iyon sa isang bakanteng istasyon sa radyo at karaniwan ay sadyang hatinggabi lang talaga nakakahigop ng malakas na signal ang teknolohiyang iyon. Katunayan ay ginawa na rin ang eksperimentiong iyon sa ibang bansa. 


Ang mga kakatwang tunog at mga boses na maririnig sa istasyong iyon ay ang aktwal na boses ng mga kaluluwang nagsisigawan at nag-iiyakan sa impiyerno dahil sa paghihirap na kanilang dinaranas mula sa nagbabagang apoy ng kaparusahan. At ang mga wirdong halakhak o pagtawa ng isang nakakatakot at malaking bulas na nilalang ay pinaniniwalang aktwal na boses ni satanas na pinagtatawanan ang mga kaluluwang dumaranas ng kaapihan at paghihirap mula sa mga kamay ng kanyang mga alipin na demonyo! Ang istasyong iyon ay pinangalanan nilang Radiohell Station.
Hindi makapaniwala si Kerby sa kanyang natuklasan. Para siyang nakahanap ng karayom sa gitna ng dayami dahil sa mala-tagumpay niyang nagawa sa pagtuklas kung bakit itinuturin na haunted ang 107.9 Radiohell Station.


SA muling pagsapit ng hatinggabi ay binalikan ni Kerby ang sementeryo dala ang kanyang de bateryang radyo. Muli niya itong pinagana at inilagay sa 107.9 ang channel. Kumakalaskas ito dahil walang kasignal-signal kaya ibinaba niyang muli sa lupa at lumuhod siya para maitapat ng malapitan sa speaker ang kanyang tenga. Tulad kagabi ay nakasagap itong muli ng signal at muli niyang narinig ang mga nagaganap sa impiyerno ng mga oras na iyon.


Dinig niya ang humahampas na malakas na alon ng apoy na dagat at dinig niya ang hinaing ng mga kaluluwang nalulunod mula doon. Pati ang mga kaluluwang niluluto sa malaking kawa ay umuusal ng dasal na patawarin na sila at dalhin na sa langit. Muli niyang narinig ang paghalakhak ng tawa ng tila isang malaking bulas na nilalang na natitiyak niyang si satanas. Nag-echo pa ng paulit-ulit ang tawa nito na habang patagal ng patagal ay palakas ng palakas na parang ito na ang kumokontrol sa volume ng radyo.


Biglang umihip ang malakas na hangin at umulan ng mga batong nagliliyab sa apoy. Narinig niya ang mga kaluluwang nagkakagulo at nag-uunahan na makahanap ng masisilungan. Sunod naman niyang narinig ang maliliit na boses ng mga daga na tila dinadampot ng mga aliping demonyo at ipinapakain ng buo at sapilitan sa bibig ng mga kaluluwa habang pinapalo sila ng latigo na nagbabaga sa init.


Narinig niya kung paano magsuka ang mga ito at ang mga isinusuka nila ay muling ipinapakain ng mapagpahirap na mga demonyo. Ibig maiyak ni Kerby habang naririnig niya ang kalunos-lunos na daing ng mga kaluluwang nasa impiyerno.
Iyon ang nag-udyok sa kanya para magbago at itaboy sa sarili ang pagiging tamad. Wala sa loob na tumayo siya at lumipat naman sa ibang panig ng sementeryo. Nagpunta siya sa puntod ng yumao niyang pinsan at inilapag niya sa lupang kinatitirikan ng puntod ang radyo.


Nang muli niyang itapat ang tenga sa speaker ay nakarinig siya ng isang lalaking sumisigaw habang pinapalamon ito ng mga malalaki at matitilos na bubog. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon dahil iyon ang aktwal na boses ng kanyang yumaong pinsan! 


Ang ikinalulungkot lang ni Kerby ay ang mga nakakaawang palahaw ng kanyang pinsan na tila hirap na hirap na sa dinadanas ngayon. Muling umihip ang malakas na hangin at muli na naman niyang narinig ang ume-echong halakhak ni satanas kasabay ang boses ng mga dumadaing at naghihirap na kaluluwa.


Kasalukuyang nakikinig si Kerby sa lumalabas na mga kakatwang tunog sa radyo ng biglang may humawak na malamig na mga kamay sa kanyang balikat. Nanoot sa kanyang buto ang lamig na iyon na kanya namang ikinagulat. Pagkaharap niya sa kanyang likuran ay halos mapatalon na niya sa pagkagulat ng makita ang kanyang yumaong pinsan na puno ng bubog ang katawan at naliligo sa sariling dugo habang ang mga mata nito ay nanlalaki at umiiyak ng dugo at ang bibig naman nito ay nilalabasan ng mga uod.


Agad na dinampot ni Kerby ang radyo saka siya kumaripas ng takbo. Di niya namalayang umiiyak na pala siya na parang bata habang nililisan ang sementeryo. Lingon siya ng lingon sa kanyang likuran para makasiguradong hindi siya hinahabol ng kanyang yumaong pinsan na matalim pa rin ang titig sa kanya kahit nasa malayo na siya. Tumakbo siya ng pagkabilis-bilis. Dahil sa takot ay pakiramdam niya'y nag-i-slow motion ang kanyang katawan dahil bumabagal ang kanyang takbo.
Pawis na pawis si Kerby pagkauwi sa bahay. Dumeretso siya sa kuwarto at nagsindi ng ilaw. Namumutla siya at nanginginig pa rin ang buong katawan. Hindi mawala sa isip niya ang kasindak-sindak na mukha ng kanyang yumaong pinsan.
Pakiramdam niya'y magkakatrauma na siya dahil sa nangyari. Hinding-hindi niya iyon makakalimutan kahit kailan.


- Radiohell -


  

Story Archive