Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction Kasakay

Story Rating:

Sabi ko imposible, nakasabay ko pa sya kanina sa dyip ng ala......

Psych ojt

Story Rating:

Share ko lang experience namin ng ojt kami way back 2015 at ......

Horror stories sa west

Story Rating:

Hi, first time ko lang po sa page/site na ito. Gusto ko lang......

Pitpit

Story Rating:

Nagsimula ang muli niyang pag gala nung sinimulang gawin ang......

Bakit laging Ako?

Story Rating:

Nasa 2nd Year Hs na ako Non, ng inihiwalay ako ng mama ng Kw......

Na-aswang

Story Rating:

Isa pang totoong kwento ng aswang. Kwento ito ng pinsan ......

Nakakakilabot na Karanasan

Story Rating:

We are on a late shift schedule, meaning 10am-12pm to 9PM an......

Wag Magbiro sa Patay

Story Rating:

Sa bisperas ng fiesta kami umalis, napaka tarik ng bukid na ......

 Fiction Manananggal

Story Rating:

Ilang linggo palang nakakalipas ay nakaramdam na ako na may ......

Ang Malignong Nagkagusto sa Tao

Story Rating:

ng kwento pong ito ay kinuwento sa akin ng aking lola na dat......

Top Horror Stories

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Sa Zambales

Story Rating:

Itago nyo nalang ako sa pangalang Kristy. Mga 19 years old a......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Kasabay

Story Rating:

Tinatahak ko ang mahaba at bako-bakong daan na napapaligiran......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Kasakay

Story Rating:

Sabi ko imposible, nakasabay ko pa sya kanina sa dyip ng ala......

 Fiction Manananggal

Story Rating:

Ilang linggo palang nakakalipas ay nakaramdam na ako na may ......

 Fiction Ang Nakaputing Babae (Short Story)

Story Rating:

oong 2010 lumipat ang pamilya nina kuya ng bahay. Wala pa si......

 Fiction Sa Aming Bahay (Short Story)

Story Rating:

Minsan sa aming hagdan mayroon akong nakitang isang lalaking......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang supultorero si Ivan sa isang cemetery ng Laguna.Siya a......

 Fiction BARANG

Story Rating:

Nagsimula lang naman siyang magduda nang minsang makatanggap......

 Fiction Valentine Message

Story Rating:

"Look, hon, tingnan mo," nakangising sabi ng lalaki sa nobya......

 Fiction One shot horror story

Story Rating:

Katatapos lang maghugas ng mga pinagkanan si Aling Dory at i......

 Fiction Wardrobe

Story Rating:

Nakatira ako bahay na medyo bagu-bago kumpara sa mga bahay n......

 Fiction Nakapagtataka

Story Rating:

Nakatira ako sa isang condominium sa maynila at Sa 2nd floor......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 3 user(s)


Bakasyon noon at eksaktong naipasa ko na ang aking thesis project sa Professor ko. Napagpasyahan ng mga magulang namin na dumalaw kina Lolo Poypoy at Lola Evelor sa probinsya.


Ganoon na lamang ang labis na kasiyahan namin ng Kuya Tope ko sa planong iyon. Halos dalawang taon na rin kaming hindi nakaka-bisita, kung kaya’t kinasasabikan na naming makita ang aming mga kamag-anak na doo’y naninirahan. 


Matapos ang mabilis na byahe sa eroplano, sumakay kami ng van ni Tito Proxy mula airport papunta sa bahay ng Lolo Poypoy. 


Nakakatuwang pagmasdan ang luntiang kapaligiran lalo na ang mga malalawak na palayan at maisan. Napakayabong din ng mga kagubatan lalo na sa pampang ng ilog. 


Ilang minuto pa’y narating na namin ang sementado ngunit may kalumaang bahay nina Lolo Poypoy. 


“Harren!”, sigaw ng pinsan kong si Daresa sa akin. Halos magkasabay lang kaming nagdiwang ng debut noong nakaraang taon.  


Mabilis naman akong bumaba ng van at patakbong sinalubong sya. Nagyakap at nag-beso sa isa’t isa. At kagaya ng inaasahan ko, ang sobrang kaputian ko na naman ang unang pinag-aksayahan niya ng panahon.  


May lahing Chinese si Papa kung kaya’t angat ang pagkaputi ng balat ko. Si Kuya Tom naman ay kayumanggi sa kadahilanang mahilig ito sa scuba diving at pag-akyat ng bundok. 


Isang napakasayang hapunan ang sumunod na nangyari. Bidang bida na naman si Lolo Poypoy sa kanyang mga kwento tungkol sa World War II na talaga namang nakakamanghang pakinggan.


Magkakasama kami sa kwarto nina Angela at nang dalawa ko pang pinsang babae na kaedaran lang din namin. Bago matulog, napagplanuhan naming tunguhin ang sirang simbahan sa tabi ng ilog kinabukasan. Malaki daw ang simbahan at maraming kagamitan sa loob kaya pwedeng pag-aksayahan ng oras. 


Tangay ang mga bisekletang pang-bundok, nilisan namin ang bahay nina Lolo Poypoy kinaumagahan pagkatapos kumain. 


Pawisang narating naming apat ang nasirang simbahan sa tabi ng natuyuang ilog. Halos tumalon kami sa pagbaba ng bisekleta dala ng pagkasabik na makita ang looban nito. 


Tinatayang kapanahunan pa ito ng mga Kastila dahil sa istruktura ng pagkayari dito. At kung susuriin, may hawig ito sa simbahan ng Paoay. 


Hindi mawari kung saan ako magsisimulang mag-usisa ng mga kagamitan sa loob. Naroong kukunan ko ng larawan ang rebulto ng anghel na nasira na sa tingin ko’y pinaglalagyan ng banal tubig sa simbahan noon. Naroon ding susubukan kong umupo sa mga nasirang upuang kahoy. 


Matagal din ang inilagi namin sa loob ng simbahan. Hapon na nang magpasya kaming lumabas. 


Sa sobrang kapaguran, napasalampak silang tatlo sa lupa samantalang mas pinili ko namang umupo sa malaking batong puti sa gilid ng puno ng Akasya. 


“Car, halos magkasing-kulay na kayo ng bato”, isang malakas na tawa ang idinugtong ni Daresa kasabay ng pagkuha ng litrato nito sa akin at sa bato. 


Kinagabihan, hindi na ako nakapaghapunan dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Sakit na waring binibiyak ito. Sinubukan kong tumayo para kumuha ng tubig pero sa hindi malamang dahilan, natumba nalang ako sa labas ng kuwarto. 


Nakakatarantang sigawan ng “Saklolo!” ang sunod kong narinig. Kasabay ng pagkawala ng aking malay ay pinatawag nila ang Albularyo sa bayang iyon. 


Paggising ko kinabukasan, isang nakakakilabot na kwento ang aking natunghayan. 


Ayon sa Albularyo, ang puting bato daw na inupuan ko ay trono ng Prinsipe ng isang grupo ng mga duwende. Naakit daw ito sa kulay ng aking balat kaya’t sinubukan nitong kunin ang buhay ko ng sa gayo’y maisama ako nito sa kanyang mundo.


Pinanindigan ako ng balahibo ng aking makita ang larawang nakuha ni Daresa sa kanyang camera. 


  

Story Archive