Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Ang Bahay Sa Ilalim Ng Punong Mangga

Story Rating:

Bago palang kami lumipat doon, marami na ang nagsasabi samin......

Bangungot (True Story)

Story Rating:

Nangyari to last May 2017, when my friend and girlfriend wen......

Mga Bantay

Story Rating:

Pangalawang kwento ko ito tungkol sa kababalaghan sa aming b......

Tatlo (Boardinghouse Stories)

Story Rating:

Isang old house siya. As in old house, sa paligid niya maram......

ALARM CLOCK

Story Rating:

Day off, wala ako pamasahe umuwi ng probinsiya so I don't ha......

ambon

Story Rating:

This story actually happened last sept 27 2017 around 2:00 a......

Totoo ba ang aswang?

Story Rating:

May asawa na ako ngaun at kasalukuyang nagdadalang tao. Naka......

Mama Double Ganger

Story Rating:

1996 nung lumipat kami sa bahay sa Silang Cavite village ito......

Balagtas-Horror Facial Clinic

Story Rating:

Clinic Assistant ako dun for 7months isa sa pinaka memorable......

WHO'S KNOCKING???

Story Rating:

It first started when I was still in my second year of colle......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......


Pinoy Horror Story


Punong Duhat


Story Rating

Rated (3/5)
by 2 user(s)


Pareho kaming walong taong gulang ng pinsan kong si Leo noon. Sa Baryo Roxas sa Capiz kami nakatira.


Dahil bakasyon, sinusulit namin ang maglaro at gumawa ng iba’t-ibang adventures. Kapag tulog ang dalawa kong kapatid sa tanghali, pumupunta ako kina Leo kahit medyo may kalayuan ang bahay nila sa amin para lang maglibang. Ganoon kami ka-lapit sa isa’t-isa.


Nag-iisang anak lang si Leo kaya laging nalulungkot at humihiling sa ina ng kapatid. Pero sa kasamaang palad, hindi pa rin nabubuntis si Tita Sandy.


Isang hapon, nasa bahay ako nina Leo at dalawa lang kami ang naroroon. Dumalo sa isang okasyon ang mga magulang nito.


Sumapit ang gabi nang hindi pa rin dumarating sina Tita at Tito. Natakot ako para sa aming dalawa, kaya niyaya ko si Leo na sa bahay nalang muna magpalipas ng gabi.


Ini-lock namin ang pinto at nagsimulang maglakad sa madilim at makipot na kalsada patungo sa bahay namin.


Sobrang nakakatakot ang dilim kahit may bitbit kaming flashlights. Kung bakit walang buwan nang gabing iyon ay hindi rin namin alam.


Halos gising ang lahat ng pakiramdamdam naming dalawa. Mabilis ang paningin, matalas ang pandinig, ganoon din ang pang-amoy.


Halatang takot na takot si Leo dahil nakakapit na ito ng mahigpit sa damit ko sa likuran habang dahan-dahan kaming naglalakad.


Napatalon kami sa gulat ng may biglang sumitsit sa amin. Naging mabilis ang pag-ikot ng ilaw ng aming mga flashlights. Nanindig ang lahat ng balahibo namin dahil pareho naming nakita ang isang nakakatakot na nilalang na animoy sanggol na may pula ang mata at nanlilisik sa galit sa may bandang unahan namin. Halos limang dipa lang ang layo.


Mabilis pa sa kidlat ang pagtakbo naming dalawa patago sa ilalim ng malaking puno ng Duhat. Sa dalawang malalaking ugat nito ay pinagsiksikan namin ang aming sarili para lang hindi kami matunton ng maligno.


Pinatay namin ang mga flashlights at puro buntong-hininga lang ni Leo ang maririnig. Sobrang malikot ang aking mga mata sa pagbabantay sa tiyanak.


Ilang sandali lang ang lumipas at may narinig na naman kaming sumitsit. Mabilis kong pinailaw ang dalang flashlight at hinanap ang maligno.


Pareho kaming napaiyak sa takot ni Leo ng makita namin ang nakangising sanggol sa sanga ng Duhat.


Hindi namin inaasahan na ang noon ay akala naming kwentuhang bayan lang ay aming masasaksihan, kaya simula noon ay hindi na kami lumalabas kapag madilim na at madalang na din ako pumunta kina leo.


hanggang ngayon ay di ko malilimutan ang aming karanasan ni Leo.


 


JR


CAPIZ-1990


  

Story Archive