Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Ang MIsteryosong Sakristan

Story Rating:

Matagal na kong wala sa serbisyo bilang isang sakristan, emp......

Paranormal

Story Rating:

Nakakakita ako ng mga bagay na hindi nakikita ng isang norma......

Handa sa Bisita

Story Rating:

Isang gabi nag babasa ako ng bibliya, hindi ko namalayan na ......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

Ang madilim na bahay

Story Rating:

May isang bahay silang napuntahan na madilim at nakakatakot ......

Kambal

Story Rating:

Ang istoryang ito ay tunay na karanasan ng bestfriend ko. An......

Bisita

Story Rating:

Short story lang pero sana mag iwan ng takot at kiliti sa in......

Tradisyon

Story Rating:

Way back 2003 first year high school palang ako nun nung nam......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

Sanib

Story Rating:

Noon hindi ako naniniwala sa sanib-sanib. Para sa'kin, nag i......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 2 user(s)


-Story told to me by a friend

Bagong pasok lang ako noon sa isang candy factory sa Pasig na pinagmamay ari ng isang pamilyang instik. Tatlo lang kaming security guard na naka assign doon at ako ang pinaka bata sa kanila. Wala akong naging problema sa trabaho doon yun nga lang ay nagtataka ako kung bakit hindi natutulog yung dalawa kong kasama sa security room namin sa may warehouse. Napuna ko rin na ni minsan ay hindi pa pumapasok dun ang mga kasama ko sa kwarto ng mag isa. Hindi ko yun pinansin. Isang umaga pumasok ako ng mga isa sa kwartong yun para magpalit ng damit, napansin kong nangangamoy ng sunog na karne at di lang yun, napansin ko rin na parang mabigat huminga at parang sasabog yung dibdib mo sa matinding kalungkutan. lumabas ako at tiningnan kung merong nasusunog sa tabi at ininspeksyon ko and warehouse kung may nasusunog. Wala naman akong nakita. Sa sumunod na araw ay pumasok din ako uli dun at ganun pa rin ang naamoy ko at naramdaman, nagtaka na ako. Tinanong ko si fred yung sekyu na bisaya kung may naamoy sya sa ware house na sunog o kung may alam ba syang nagluluto malapit sa area doon. Wala daw sabi nya at wag ko lang daw pansinin yun. Naisipan ko ring itanong sa kanya kung bakit malimit syang pumunta dun na mag isa pati na rin si efren. Sinagot nya ako, di mo ba alam? may multo dyan na nagpapakita! Last year kasi nasunog ang warehouse na yan at namatay sa sunog and isang sekyu. Natawa ako kasi paniwalang paniwala talaga ang bisayang kasama ko sa multo at di naman ako naniniwala sa multo. Sabi ko bat naging sekyu ka pa, matakot ka lang sa buhay at wag sa patay sabay tawa. Nakipagpustahan sya sa akin, sabi nya mamaya daw matulog daw ako dun mag isa at sya mag releber sa duty ko at kung matagalan ko daw na makatulog dun hanggang umaga eh bibigyan nya ako ng 300, pero pag hindi e babayaran ko sya ng 300. Sabi ko okey! Napansin kong panatag at seryoso si fred kaya kinahapunan tinanong ko ang mga worker dun ang tungkol sa multo sa security room. Ang sabi ng ibang worker totoo daw na talagang may multo dun na nagpapakita at pang anim na daw ako na pumalit sa mga naunang sekyu na di na tumagal sa factory. Ang kwento daw ay tinangka ng namatay na sekyu na makuha ang celfon nya na naiwan sa kwarto nung nangyari ang sunog pero hindi na sya nakalabas at namatay sa sunog. Hindi pa rin ako naniniwala sa multo at sabi ko guni guni lang nila yun. Pagsapit ng alas nwebe ng gabi bumalik si fred bisaya at sabi nya simulan ko na daw ang matulog dun. Tinawanan ko lang at sabi ko okey pero natakot din ako ng konte kaya lang ayokong magpatalo kay bisaya ng 300. Bumili ako ng isang boteng red horse para pampatulog bago pumasok sa kwarto. Nag dasal ako at natulog. Kakapikit ko pa lang ng mga mata ko at napansin kong parang may nangangamoy na namang sunog na karne. Di ko ito pinansin at tuloy lang sa pagpikit ng mata. Maya maya pa ay napansin ko na kahit nakapikit ang mga mata ko ay parang may anino na nakatayo sa gilid nang higaan ko at nagmamasid sa akin. Dito na tumayo ang balihibo ko, hindi ako gumalaw sa takot ko. Ilang segundo pa ang lumipas at narinig ko may naglalakad na tao sa kwarto papunta sa parteng paanan ng higaan ko. Biglang my humawak sa paa ko at ramdam na ramdam ko mainit ang kamay ng humawak sa paa ko! Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko may lalaking naka uniporme ng sekyu na sunog ang mga kamay at katawan pati ang mukha nya at wala syang mga mata! At hinahawakan nya ang paa ko! Lumundag ako sa takot sabay sigaw habang kumakaripas ng takbo palabas. Hindi ko na maalala kung ano ang sumunod na nangyari basta nagising na lang ako na masakit ang ulo habang sinasampal sampal ako ni fred at nang factory driver. Nawalan daw ako ng malay sa pagkauntog ng ulo ko sa gate. Pagkatapos ng insedenteng yun ay hindi na ako muling bumalik pa sa factoring yun at di na rin ako nag duty pa doon.

  

Story Archive