Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

momoo sa office

Story Rating:

nito lng November nagpalit ng gwardya dahil expire na yung k......

Abortion

Story Rating:

Lamay kasi nung namatay naming kamag anak kaya kwentuhan kam......

Katok!

Story Rating:

Bale dalawa sila ng kaibigan niyang tumira sa boarding house......

Feet on the ground / white lady

Story Rating:

Simbang gabi, yan ang isa sa mga paborito kong gawin bago ma......

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

Headless Man

Story Rating:

Nasa 3rd year na yata ako nun nung nangyari ung encounter ko......

3rd eye

Story Rating:

Bata palang ako nakakakita na ako ng mga nilalang na d nakik......

Ang putol na daliri

Story Rating:

Naiwan si Tonyo nang siya ay 18 taong gulang pa lang at lolo......

Pasahero

Story Rating:

Kwento ito ng kuya ko nung gumamit siya ng kotse pauwi mag-i......

Triple D - Don't Dare Devil

Story Rating:

Galing ako nun sa prayer meeting namin dito sa Pasig and we ......

Top Horror Stories

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Titig

Story Rating:

Mga alas tres na ng hapon ay nasa daan pa rin sila Fritz. Al......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Estudyante

Story Rating:

1st year college ako that time at SA(Student Assisstant) ako......

Kasabay

Story Rating:

Tinatahak ko ang mahaba at bako-bakong daan na napapaligiran......

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Hi, Krizzjae here. Ikalawang entry ko na 'to. Itong story na 'to nangyari sa isang classroom sa alma mater na pinasukan ko noon. Nasa second floor ang classroom at ito lang ang classroom na may aircon at malaki ang espasyo. Ang kwento kong ito ay sobrang haba, kaya pasensya na po :D

Kasali ako sa dance troupe dati sa nursing department namin. Everyday ang praktis namin no'n kasi palapit na ang intramurals namin, at may hiphop competition kaming sasalihan. Every 5pm kami nun nagrerehearse o kung anong oras man matapos ang last subject namin for the day. Dahil may hinire kaming choreographer no'n, expected na lahat na dancers ang nasa gitna ng room at ang choreohrapher lang malapit sa sound system. Nagrerehearse na kami no'n nang pinahinto kami ng choreographer dahil may nilinaw na steps samin. Pinatay nya yung music sa iphone niya na naka-connect sa speakers at lumapit sa grupo namin para ituro ang steps na gusto niyang ipagawa. Ilang minuto ang lumipas na boses lang ng choreographer ang narinig naming nagtuturo, ay narinig namin na parang may naglo-lock ng pinto ng classroom sa labas. Dahil sira ang doorknob ng room, at kapag wala nang pasok sa floor na iyon o sa room mismo, ay kinakandado ito ng janitor sa labas ng pinto bilang magsilbing lock sa classroom. Sumigaw kami at sinabing huwag kaming i-lock dahil marami pa kami sa loob ng room, ngpa-praktis. Hindi huminto ang narining naming paggalaw ng kandado na animo'y ilo-lock na talaga ang room, kaya lumabas ang isa naming kasama para sabihin sa kung sino man ang naglock na meron pang gumagamit sa room. Naririnig pa naming ginagalaw ang kandado nang buksan ng kasamahan namin, pero wala siyang nakitang tao sa labas ng room, at madilim na ang hallway papunta sa ibang classrooms. Sinabi na lang namin na baka di nakita ng kasama namin ang janitor dahil baka pumunta ito sa dulo ng hallway, at di niya makita ito dahil madilim. Nagpraktis na lang kami para matapos na ang gabing iyon.

Nagpraktis kami no'n with music, pero pinatigil kami ng choreographer namin dahil may ituturo siyang bagong steps, in-off ang music sa iphone niya at pumagitna sa grupo habang nagka-counting. Boses niya lang ang maririnig sa buong room nang biglang tumunog ang music mula sa iphone niya! Ang nakakakilabot pa, eh iba yung music na pinatugtog mula sa playlist niya. Nang ma-realize nang lahat ang nangyari, biglang nagsipagtakbuhan ang lahat sa sulok, at hinagip ako ng ibang mga kasamahan ko at napayakap sakin. Yung mga kasamahan naming mga lalaki nagsipagakbuhan na rin habang ang ibang mga babae ay nagsispag-iyakan. Bilang nakakatanda sa lahat, tumayo ang aming choreographer at nilakasan ang loob na lumapit sa sound system at pinatay niya ang music mula sa iphone niya. Hindi pa rin tumigil ang iba sa pag-iyak at ako, kasama ng iba pa ay pinakalma namin ang mga nagsisipag-iyakan. Nang mahimasmasan, sinabi ng choreographer namin na imposible raw na mangyari ang biglang pag-play ng music sa iphone niya dahil pinause niya talaga ang music player at ni-lock pa ang iphone niya bago lumapit samin para mgturo ng steps.

Nagpahinga na muna ang lahat, at mas inisip na kelangan pa namin tapusin ang buong routine para sa gabing iyon kaya napagdesisyunan naming ituloy ang praktis pagkatapos namin magpahinga. Dahil hindi kami umalis sa classroom, umupo kami sa mga nakapaligid na armchairs na itinabi namin para magamit ang buong room. Makalipas ang ilang minuto, tumili si J, kasamahan naming babae at biglang napatayo sa kinauupuan niya at dali-daling pinuntahan ang kaibigan at nakiusap na umuwi na lang. Di nagsalita si J kung bakit siya biglang napatili, pero sumang-ayon kami sa sinabi niya na umuwi na, at agad lumabas sa classroom. Nang makarating kami sa locker area sa ground floor, tinanong namin si J kung bakit siya napatili dun sa room, at nakita namin ang pamumutla niya at sinabing, "May malamig na kamay kasing humawak sa batok ko at parang may ibinulong."

  

Story Archive