Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

"Neneng"

Story Rating:

Hello po sa inyong lahat. Ako po si Philip. 1st time ko lang......

Haplos ni Lola at ang mga paru paro

Story Rating:

Sa burol malaki ang lugar may dumapong paro paro sa labas ti......

Kalampag ng Pinto

Story Rating:

Unang taon ko noon sa isang pribadong unibersidad sa Iloilo ......

Creepy Stories ( Part 9 )

Story Rating:

Bago niya patakbuhin ang kotse sabi nya groufie daw kami so ......

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Pangitain

Story Rating:

Nangyari ito years ago pa, nasa college ako noon. Meron akon......

Sino Ba 'Yun?

Story Rating:

I have 2 stories. The first was told by my mother. The secon......

School Stories 2

Story Rating:

Hi ako nga pla si Jandel. 20 years old. Gusto ko lang ishare......

OPISINA (Story 1)

Story Rating:

Sa office namin, natural na ang takutan. Itinayo ang Buildin......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......

 Fiction Magkasintahan (Short Story)

Story Rating:

Meron magkasintahan. Sobra nilang mahal ang isa't-isa. Konte......

 Fiction Lalaking Naka-itim

Story Rating:

Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at ha......

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 4 user(s)


Hello, Magandang araw.


Gusto ko lang ishare ang experience ko and I don't know if maniniwala din kayo.


 


Nangyari 'to nung 4th year high school ako, sa school sa Cavite. Bagong tayo lang yung school namin noon, 4 years palang yung school. Doon na ko nag-1st year hangang 4th year. Hindi na rin naman bago yung mga sabi-sabi o  kwento about school na may nagpaparamdam, nagpapakita at kung ano-ano pa. At dahil bagong tayo pa nga lang yung school namin, isang building lang siya tapos mahaba, hanggang 3rd floor ang taas. Binubuo bawat floor ng anim na rooms, sa 1st floor, andun yung canteen, dalawang section ng 1st year, principal office, guidance at clinic. Sa 2nd floor naman, andun na yung 2nd year to 4th year, (bawat year dalawang section lang) samantalang ang 3rd floor ay walang mga rooms, ginawang library yung buong 3rd floor nung una, pero hinati yun kasi nga sobrang lawak, yung kalahati ginawang TLE room. So yun na nga, maraming nagsasabi na may nagpapakita daw na nakaputing babae sa school namin lalo na sa 3rd floor, kung titingnan mo nga naman ang school namin, talagang nakakatakot lalo na yung 3rd floor, dahil sobrang tahimik dun at bibihira lang ang tao.


 


Buwan ng December 2011 (23 years na ko ngayon), umaga palang iba na pakiramdam ko. Sumasakit ang ulo ko ng mga oras na yun. Start ng klase namin ay 7 ng umaga, math subject ang pinakaunang klase namin, pero sa araw na yun, hindi nagklase yung teacher namin pati yung sumunod na subject hindi na rin nagklase, kaya pinagbreak na kami, at dahil masama na nga  pakiramdam ko, hindi ako bumaba para bumili ng food, nasa labas lang ako ng room, nakatayo sa lobby. Maya-maya lumapit sakin yung frend ko.


 


"Akala ko ba masakit ulo mo? Bakit nasa labas ka ng room?" tanong ni jess (girl po siya)


"Wala lang, masarap kasi hangin dito sa labas" sagot ko naman sa tanong niya, nagpasama pa ko sa kanya sa labas ng mga oras na yun hanggang sa yayain ko siyang umakyat sa may 3rd floor, pumayag din naman siya, pero dun lang kami sa may lobby tumambay, may mga upuan kasi sa labas, nagtagal din kami dun ng mga 30 mins hanggang sa naisipan ni Jess na bumaba na kami, kasi baka gutom lang daw ako, pero ako tong nagmamatigas, ayaw ko talagang bumaba ng mga oras na yun, hanggang sa may dumaan na dalawa naming classmate, alam din nila na sumasakit yung ulo ko, kaya niyaya nila akong bumaba, baka daw gutom lang daw yun, pero ayoko talaga, hanggang sa pinilit nila akong tatlo, wala na rin naman akong nagawa kaya sumama na ko, pero pagtayo ko, bigla akong nahilo, kaya naman pinagtulungan nila akong ibaba sa canteen, pagdating namin sa canteen kasama ko na bestfriend ko, si Girlie, kasama ko pa rin naman si Jess, nasa canteen yung adviser namin (na yung mga time na yun eh siya rin may hawak ng susi ng clinic), sinabi saming tatlo na maghintay daw kami sa clinic tapos binigay niya samin yung susi. So pagdating namin dun sarado yung clinic kaya binuksan nila (kasi binigay samin yung susi ng clinic) walang tao, yung dalawa kong kasama nauna ng pumasok sa loob, pero ako nagpaiwan sa labas ng clinic, di ko alam, basta nagpaiwan lang ako sa labas nun, tapos niyaya ako ni Girlie na pumasok sa loob, pero ako yung ayaw hanggang sa hinila na niya ako papasok, nasa bungad palang ako ng pinto, may narinig na kong iyak ng sanggol, syempre ako nagtaka, inikot ko talaga yung paningin ko sa loob ng clinic tapos tinanong ko sila kung may sanggol ba sa loob, sumagot naman sila ng wala, pano nga naman magkakasanggol sa loob ng clinic diba? Edi syempre ako, kinakabahan na, ang lakas ng tibok ng puso ko ng mga oras na yun tapos dali-dali akong lumabas ng clinic, paglabas ko napasandal ako sa mag dingding. Di na ko makahinga! Kinakapos ako ng paghinga ng mga oras yun,  nagsisikip buong mundo ko ng mga oras na yun, alam kong nagkakagulo na sila, alam ko pa nangyayari sa paligid ko, pero yung pakiramdam ko nun, para akong nakalutang pero naninikip ang dibdib ko, hindi rin maramdaman yung ginagawang pagpisil-pisil ng teacher ko sa mga kamay at braso ko. Namamanhid na buo kong katawan. Wala akong maramdaman.


 


Tinatanong ako ng teacher ko nun kung may masakit ba daw sakin, ang sabi ko ulo. Ulo ang masakit sakin. Tapos niyaya ko pa silang umakyat sa 3rd floor, kasi doon, sariwa ang hangin, pilit ko silang pinapapunta sa 3rd floor nun, pero tumatanggi sila, bawal daw dun, pero nagpupumilit ako, nagwawala pa nga ako noon. Ang gusto ko lang sa mga oras na yun ay umakyat sa 3rd floor. Yun lang. Nagwawala na ko ng mga oras na yun kasi ayaw talaga akong payagan, hanggang sa pinagtulungan nila akong ilabas ng school. Ang daming nakahawak sa magkabila kong braso, mga classmate kong lalaki. Paglabas namin ng gate ng school, nawalan na ko ng malay, nagising nalang ako na nasa bahay daw kami ng albularyo. Ang sabi ng albularyo, sinapian daw ako ng isang nilalang na kulay itim ang balat, pero umalis daw yun nung lumabas kami ng school. Pero hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi ng albularyo.


 


At Simula noon, pinagbawal na may umakyat doon sa may 3rd floor. Maliban nalang sa mga teacher. 


  

Story Archive