Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Katok!

Story Rating:

Bale dalawa sila ng kaibigan niyang tumira sa boarding house......

Feet on the ground / white lady

Story Rating:

Simbang gabi, yan ang isa sa mga paborito kong gawin bago ma......

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

Headless Man

Story Rating:

Nasa 3rd year na yata ako nun nung nangyari ung encounter ko......

3rd eye

Story Rating:

Bata palang ako nakakakita na ako ng mga nilalang na d nakik......

Ang putol na daliri

Story Rating:

Naiwan si Tonyo nang siya ay 18 taong gulang pa lang at lolo......

Pasahero

Story Rating:

Kwento ito ng kuya ko nung gumamit siya ng kotse pauwi mag-i......

Triple D - Don't Dare Devil

Story Rating:

Galing ako nun sa prayer meeting namin dito sa Pasig and we ......

Twing gabi

Story Rating:

Nagising ako sa di ko maintindihang dahilan, parang may bum......

Lalaki sa ilalim ng lababo (Short Story)

Story Rating:

Nanunuod kami ng TV ng mga pinsan ko sa kwarto ng lolo't lol......

Top Horror Stories

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Titig

Story Rating:

Mga alas tres na ng hapon ay nasa daan pa rin sila Fritz. Al......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Estudyante

Story Rating:

1st year college ako that time at SA(Student Assisstant) ako......

Kasabay

Story Rating:

Tinatahak ko ang mahaba at bako-bakong daan na napapaligiran......

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......


Pinoy Horror Story


Nagambala


Story Rating

Rated (5/5)
by 1 user(s)


Noong bata pa ako, madalas akong sabihan ng aking mga lolo't lola at maging ng aking ama't ina na mag tabi-tabi pag may mga bagay akong ginagawang na maaring makasakit sa mga nakapaligid sa atin na hindi natin nakikita.


Ang aking ibabahagi ay isang karanasan ng aking kaibigan na kanyang ikinuwento sakin upang aking maibahagi sa Maymomoo!


Nakatira sila sa isang probinsya sa Mindanao doon sila'y namumuhay ng payak at masagana. Ang kanilang pangunahing pamumuhay ay ang pagtatanim. Mayroon silang malawak na taniman ng mga gulay at mga prutas na mismong silang buong pamilya ang nangangalaga.


Sa gitna ng taniman  nakatayo ang kanilang bahay malayo sa mga kapitbahay. Tila ba namumuhay ka sa kagubatan dahil ang makikita mo lamang ay mga pananim.


Sa gabi ay purong simoy lang ng hangin, kalaskas ng mga dahon at paminsan minsang kahol ng mga aso. Masasabi nating payapa ang kanilang pamumuhay sa lugar na iyon hanggang sa mangyari ang hindi nila inaasahan.


Isang araw ng sabado ng mapagpasyahan ng mag-anak na mamitas ng mga bunga ng kalamansi at sabay nitoy magtabas nadin ng mga damo at ng mga tangkay ng puno. Magkakasama ang aking kaibigan, na nung mga panahong iyon ay mga nsa walong taong gulang pa lamang ang kanyang ama, ina at ate. Masaya silang umaani ng mga bunga ng kalamansi habang ang kanyang ama at ate ay nagtatabas ng damo at tangkay. Maghahapon nadin ng sila'y makauwi galing sa pag aani. Normal naman ang lahat hangga't ng sa kinagabihay tila nag iba ang kilos ng kanyang Ate. Tulala at para bang malalim ang iniisip. 


Sa kanilang pag-aalala ay agad nila siyang nilapitan ang sinuro. Nalaman nalang nilang inaapoy na ito ng lagnat at naghihina na ang kanyang buong katawan. Gabi na at malayo ang mga doktor kaya't pinagpasyahan nilang ipagpabukas na lamang ang paghanap ng tulong.


Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng mga aso sabay sa pag-ihip ng malakas na hangin. Mga hanging malamig na nanonoot sa buto. Halos lahat daw sila ay nakaramdam ng kakaiba at kinikilabutan. Ang kanilang mapayapang gabi ay biglang nagbago.


Kinabukasan, agad na nagtungo ang kanyang magulang kasama ang kanyang ate sa doktor upang mapasuri ang kaniyang kondisyon. Niresetahan lang ng para sa trangkaso ang kaniyang ate sapagkat wala naman nakitang kakaiba ang doktor maliban sa mataas nitong lagnat. Umuwi sila at sinunod ang payo ng doktor kasama ang mga gamot na kaniyang inereseta. Makalipas ang isang linggo ay wala paring pagbabago ang kaniyang ate. Malayo din sa hospital ang kanilang bahay kaya't napagdesisyonan nilang subukang magpa albolaryo.


Nagtungo sila sa albularyo kasama ang kaniyang Ate. Agad nilang napukaw ang pansin ng albularyo habang sila'y paparating pa lamang. Bakas na sa pangangatawan ng kaniyang ate na may kakaibang nangyari sa kanya.


Matapos ang ilang orasyon ay sinabi ng albularyo na may nagambala daw silang lamang lupa habang silay may ginagawang mag-anak sa paligid ng kanilang bahay. Tila daw parang may nasaktan at ito'y bumabawi sa kanila.


Nagulat ang kanyang mga magulang sa kanilang nalaman. Halos di nadin gumagalaw ang kaniyang ate sa mga panahong iyon at nakatulala na lamang ito.


Inutusan ng albolaryo ang kanyang mga magulang na gumawa ng isang ritwal ng pag-aalay upang humingi ng tawad o paumanhin sa pagkakasalang di nila sadyang nagawa. Inutusan silang magluto ng ulam at ito'y kanilang iaalay sa paligid ng kanilang bahay pagdating ng takip silim.


Agad namang silang umuwi at ginawa ito. 


Takipsilim na at handa na ang pagkaing niluto ng kaniyang nanay. Inilatag nila ito sa mga malalaking lalagayan at inilagay sa paligid ng bahay. Nagtirik din sila ng mga kandila sa paligid. Ayon din sa utos ng albularyo ay sumigaw ang kanyang ama habang papalubog na ang araw na kung saan ang dilim at liwanag ay nag-aagaw. Habang isinisigaw nito ang mga sumusunod na kataga ay dahang dahang umiihip ang hangin sa kanyang paligid habang itoy palakas ng palakas. 


"Halina na kayo. Pinaghanda namin kayo ng inyong maka-kain! Halina kayo't ito'y inyong tanggapin! Humihingi kami ng tawad sa kung ano mang nagawa namin sa inyo na nakagambala o nakasakit sa inyo. Patawarin nyo kami. Maawa kayo sa aking anak. Humihingi kami ng tawad!" sigaw ng kanyang ama.


Sa mga oras na iyo'y umihip ang napakalakas na hangin. Nagsipatayan ang mga kandila at ang kanilang mga aso'y nag sitakbuhan na tila ba takot na takot.


Pumasok nadin sila sa kanilang bahay. Sa buong gabi'y umiihip ang malakas na hangin. Malakas ang pagpalagaspas ng mga dahon ng puno sa buong magdamag. Walang nakatulog sa buong gabing iyon maliban sa kaniyang ate. Tila daw ba may mga nagkakagulo sa labas ng mga oras na iyon.


Kinabukasan, pagsabay ng pagsikat ng araw. Laking gulat nila ng magsalita ang kaniya ate.


"Anong nangyari?" usal nito.


Bumaba nadin ang kaniyang lagnat at onti onting nakabawi ng lakas.


Tila ba gumana ang kanilang orasyong ginawa. Laking pasasalamat nila at naging maayos nadin ang lahat.


 


Magmula noo'y nakagawian na nilang magtabi-tabi sa kanilang paligid kapag may mga delikadong bagay silang ginagawa upang di na maulit muli ang mga nangyari.


 


May isa pa siyang kuwento sakin. Sa susunod ko na ibabahagi. Sana nagustuhan ninyo ang kuwentong ito.


  

Story Archive