Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Ghost in the flat

Story Rating:

Isa po akong OFW dito sa Dubai, at 15 years na akong naninir......

Meditation for 3rd eye aftermath

Story Rating:

Simula pa nung bata ako malakas na pakiramdam ko sa mga di n......

Sleep Paralysis Nga Ba? (A Short Story)

Story Rating:

Im from QC. Usually ang mga tao late na talaga natutulog dah......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

Kaluskos sa FVR

Story Rating:

Buntis ako ng panahon na nasa Pinas ako para magbakasyon. Hi......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

Airport ghost story 3

Story Rating:

Habang ako ay nag pipicture, nasa walkalator ako nun nang ma......

Baby Handprints

Story Rating:

This is a true story told by my officemate. Last October 19,......

Lolo's Experience

Story Rating:

Ang kwento po ngayon ay kwento ng lolo ko noong binata pa po......

Ghost Town Explanation

Story Rating:

So bale higit 3 years na po akong nag tatatrabaho dito sa Al......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 2 user(s)


College student kami noon sa isa sa mga university sa UBelt. Yung isang friend namin, si Alyssa, malapit lang ang tinitirhang condo dun sa school namin kaya doon kami madalas tumambay. Alam ng mga kaibigan ko na nakakaramdam ako at minsan ay nakakakita ng mga kakaiba at hindi maipaliwanag na nilalang.


Unang beses akong nakadalaw sa condo unit ni Alyssa nung may nakita akong anino. Well, hindi talaga anino, korteng lalaki, walang mukha, puro itim lang, pero hindi rin naman mukhang usok. Basta solid na  itim lang na hugis lalaki. Meron kasing butas dun sa pader na parang maliit na elevator kung saan mo ilalagay yung mga garbage mo at diretso na syang mapupunta sa garbage area/room na nasa basement. Una kong nakita yung lalaking itim na yun na tumatakbo papunta dun sa butas na yun, tapos biglang tumalon! Nung una di ko pinansin, kasi sa gilid ng mata ko lang sya nakita. Pero nung pangalawang beses na nagpunta ulit ako sa condo ni Alyssa nakita ko na naman sya, lumalabas galing dun sa butas sa pader! Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang yun, at wala kong balak na alamin. Nasanay nalang akong andun sya sa tuwing pupunta ko sa condo ni Alyssa, pero pilit ko syang hindi tinitignan dahil nakakatakot sya.


Minsan naman kaka-park ko lang ng kotse, sa condo pa rin ni Alyssa sa parking lot, paglabas ko ng pinto ng kotse biglang nag-iba yung paligid. Parang naging black and white, naging luma at marumi yung mga dingding na sa totoo ay napipinturahan ng puti. Isang kisap ng mata ko ulit at bigla ring bumalik sa dati yung paligid. Binalewala ko, first time ko kasing mag-park sa floor na yun, sa Basement 3. Minsan kasi kapag bago ako sa isang lugar para bang nakikita ko ang itsura non noon, nung ginagawa palang, o kahit nung hindi pa tinatayo ang kung ano mang establishment dun. 


So hindi ko nga pinansin at naglakad na ko papunta sa elevator. Pagkapindot ko ng UP button, biglang may bumulong sakin.


"TULOOOONG!!" 


Shit! Yun lang nasabi ko sabay hawak sa kaliwa kong tenga! Naramdaman ko kasi yung hininga sa tenga ko na para bang nasa balikat ko lang yung ulo nung bumulong! Boses babae. Alam ko na agad na hindi tao yun! Lintek sinong matinong tao bubulong ng ganun! Lumingon ako sa paligid, ako lang mag-isa dun sa parking lot. Pinindot ko ulit yung UP button kahit alam kong napindot ko na yun, medyo kinakabahan na ko eh. 


Tapos biglang sa isang kisapmata naging luma na naman yung paligid, nawalan ng kulay yung mga dingding ng parking lot, yung elevator naging marumi na parang may talsik talsik pa ng basang semento. Narinig ko na naman yung babae.


"Tulooongg"


Hindi pasigaw, pabulong lang, matinis ang boses nya na parang boses ng teenager, pero nakakakilabot! Tayuan na balahibo ko sa batok. Lumingon ako sa kaliwa, nakita ko may babae! Luma pa rin yung paligid, yung babae nakatayo lang, nakatingin sakin, umiiyak. Naka-pink syang t-shirt at stripe na shorts, walang tsinelas. Buntis sya, hawak nya tyan nya habang umiiyak, pero puro dugo yung shorts nya umaagos na hanggang hita. Nakita ko nagsasalita sya pero wala kong marinig.


"Shet shet shet!!" Yun lang paulit ulit kong binubulong habang dini-dikdik ko na ng daliri ko yung UP button nung elevator. Bakit ba kasi ang tagal nung elevator!!!


Nakita ko sa gilid ng mata ko andun pa rin yung babae. Luma pa rin yung paligid. Tapos nakita ko humahakbang na palapit yung babae sakin, nagsasalita pa rin sya at umiiyak habang hawak yung tyan nya. Parang nagmamakaawa sya sakin, pero takot na takot na ko! Maiihi na ko at kasabay ng pagpindot ko sa UP button ipinapadyak ko na rin yung paa ko na para bang ready na ko tumakbo anytime! Tinakpan ko ng isang kamay ko yung mata ko habang pinipindot pa rin yung UP Button. 


Hanggang sa "TINGGG!", tumunog na yung elevator, bumukas na pinto, karipas ako ng takbo sa loob! Dali dali kong pinagpipindot yung CLOSE! Pero hindi na luma yung paligid, malinis na ulit yung elevator wala nang mga talsik ng semento, at lahat ng dingding may puting pintura na ulit. Hanggang sa sumara na rin yung pinto ng elevator. Saglit pang nagpatay-sindi yung ilaw sa elevator, akala ko susundan ako nung babae dun!


Pagdating ko sa condo unit ni Alyssa kinwento ko yung nangyari, sabi nila baka yung babaeng nagpakita daw sakin ay nakunan o nalaglagan ng anak saka namatay. Naging kababalaghan na naman ang topic ng kwentuhan namin nong hapong yun, at as usual ang mga kaibigan ko excited sa mga nae-experience ko, pero ako hinde! Halos tumalon na palabas yung puso ko! At never na ko nag-park ulit sa Basement 3 pagkatapos ng nangyaring yun.


  

Story Archive