Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Mga Bagay na Hindi Natin Maintindihan

Story Rating:

Isang araw ay sama-sama kaming kumakain ng tanghalian sa bah......

12Noon

Story Rating:

Lagi kaming tambay ng mga kaibigan ko sa rooftop ng building......

Siya pala

Story Rating:

December 6, 2016 nung namatay ang tatay ng kaklase namin na ......

Ang Matandang Kapit bahay

Story Rating:

Nakatira ang pamilya ko sa isang liblib bayan sa Cebu. Bago ......

Ang Bahay Sa Ilalim Ng Punong Mangga

Story Rating:

Bago palang kami lumipat doon, marami na ang nagsasabi samin......

Bangungot (True Story)

Story Rating:

Nangyari to last May 2017, when my friend and girlfriend wen......

Mga Bantay

Story Rating:

Pangalawang kwento ko ito tungkol sa kababalaghan sa aming b......

Tatlo (Boardinghouse Stories)

Story Rating:

Isang old house siya. As in old house, sa paligid niya maram......

ALARM CLOCK

Story Rating:

Day off, wala ako pamasahe umuwi ng probinsiya so I don't ha......

ambon

Story Rating:

This story actually happened last sept 27 2017 around 2:00 a......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated 0(/5)
by 0 user(s)


Actually kuwento ng nanay ko ito. Heto daw ayon sa kanya.

Sa dating bahay ng aking kapatid, madalas akong makaramdam ng mga multo. Pinipilit ko na lamang na huwag pansinin ang mga iyon dahil lalo lamang ako natatakot.

Kung minsan, nararamdaman ko na sa tuwing ako ay natutulog sa sahig, sa may bandang sala ng aming bahay, madalas na ako ay nagigising na para bang hindi ako makahingang mabuti. Para bang may isang mabigat na bagay ang nakadagan sa aking dibdib.

Ngunit napapansin ko rin na kapag maisip kong matulog sa sala set ay maganda naman ang aking tulog. Nararamdaman ko lamang ang mabigat na bagay na iyon kapag ako ay natutulog sa sahig kung saan ang aking puwesto ay nakatapat sa pintuan ng bahay na katapat at papasok naman sa aming kusina.

Ang bahay ng aking kapatid ay may dalawang palapag. Isang hapon, ako at ang aking pamangkin ay nasa ibaba ng bahay. Pinapakain ko noon ng kanyang meryenda ang aking pamangkin, mga limang taong gulang siya noon, nang bigla bigla ay bumukas ang pintuan na nasa sala ng bahay at pagkatapos ay sumara ng pagkalakas-lakas.

Akala ko ay malakas na hangin lamang iyon nang bigla bigla, nag-sisigaw ang aking pamangkin habang tinuturo sa aking bandang likuran na "may mama, may mama!" sabi niya ng tuloy-tuloy at pasigaw.

Nagulat ako sa sigaw ng aking pamangkin, akala ko ay may pumasok na ibang tao sa bahay. Kaya't ang sabi ko ay "Nasaan, nasaan ang mama?"

"Ayun o, umakyat sa hagdan sa taas!" sabi niya.

Sa takot ko na baka may mag-nanakaw na pumasok, tumungo ako agad sa hagdan paakyat sa ikalawang palapag ng bahay at habang dahan dahan kong tinitingnan kung may tao nga na umaakyat, laking gulat ko at takot dahil wala naman akong nakikitang tao na umaakyat ngunit rinig na rinig ko ang kalabog ng bigat ng sapatos habang papaakyat sa hagdang kahoy ang mama na sinasabi ng aking pamangkin.

Sinundan ko paakyat ang tunog ng sapatos ngunit wala akong nakitang sinuman sa itaas ng bahay.

Nalaman ko mula noon na ang aking kapatid ay nakakaranas din pala ng bigat ng dibdib sa tuwing siya ay mahihiga sa sahig sa aming sala. Nalaman din namin sa dating may-ari ng bahay na mayroon palang nasawi sa bahay na iyon noon.

Isa siyang binatilyo at estudyante, nabagok ang kanyang ulo sa aming paliguan.

Sa palagay ko ay siya ang nakita ng aking pamangkin na isa ng multo. Sa palagay ko rin siya ay madalas na nag-daraan sa sala, sa may bandang pintuan kung kaya tuwing kami ay hihiga sa parteng iyon ay madalas kaming maka-ramdam ng bigat. Siguro ay kami ay kanyang natatapakan at dahil sa bigat ng kanyang sapatos, para bang nag-sisikip ang aming dibdib sa tuwing kami ay kanyang dinadaanan sa tuwing kami ay tulog o nakahiga sa sahig.


  

Story Archive