Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

I believe in God

Story Rating:

Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot sa naranasan ko ......

Third Eye

Story Rating:

Hello avid readers! I had shared my personal story here befo......

Silip

Story Rating:

Nangyari ito way back May 2016 sa isa sa trabaho ko bilang s......

Life never ends, and Love never dies.

Story Rating:

I would like to share my own experience on this page, hindi ......

Weird na Kapitbahay sa Arpartment

Story Rating:

Hi ako nga pla si Jandel. 20 years old galing probinsya. Bag......

Babae sa Upuan

Story Rating:

Yung bahay ng lola ko dun up and down. Siya nalang ang mag i......

The Man in My Sleep

Story Rating:

This is one of my creepiest experience in my first dormitory......

Balsa

Story Rating:

Nung minsan bumagyo sa kanila kailangan iligpit ang mga bang......

Haunted in Australia: A pinoy horror story

Story Rating:

Naniniwala akong sa mundong ito may ibang nilalang pa tayong......

Matandang Babae na nakalutang sa Lupa

Story Rating:

Halos lahat na ata ng kwento dito sa page na ito ay nabasa k......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

New Fictional Horror Stories

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......

 Fiction Kotse

Story Rating:

KOTSE Matagal nang magkasintahan si Francis at Ruth - 4......

 Fiction Herika

Story Rating:

Nakatulog na ang mag asawa ng biglang may narinig sila na ka......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

 Fiction The road

Story Rating:

Papunta ako sa bahay nang pinsan ko nang may makita ako sa d......

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Mommy Wag Mo Na Akong Itulak Ulit
   

“Please bear with the contractions,” utos ng doctor sa kanya.

“Aammpphhh!!!!!” impit na sigaw ni Annie. Kasalukuyan syang pinaaanak isang doctor.

Lagpas na sa kalendaryo ang edad nya kaya todo ang hirap nya sa panganganak. Di muna nya piniling magasawa ng maaga dahil inuna muna nya na bayaran ang hirap ng magulang sa kanilang magkakapatid, pagkatapos mag-graduate.

Nung tingin nya na handa na nyang tapusin ang kanyang ‘single life’ nagpakasal na sya sa long-time BF nya. Oras na para kaligayahan naman nya ang isipin nya.

Masaya ang unang yugto ng buhay nya bilang may-bahay.Di kalaunan ay biniyayaan na sila ng anak. Labis ang tuwa nya sa buhay na nasa sinapupunan nya. Todo ang pag-alalay ng kanyang asawa sakanya. Sinusunod lahat ng gusto nya mula sa pagkain habang paglilihi, damit at anu pa.

Di nya maiwasang mag-imagine tungkol sa anak nya. Ang itsura nito, ilong, mga labi, mga mata, maliliit nitong mga kamay, una nitong ngiti, tawa at kung pano sya tatawagin nitong “Mama…”

Di na sya makapaghintay!

“Nagka-crowning nap o, Doc.” anunsyo ng nurse. Ibig sabihin lumalabas na ang ulo ng sanggol.

Parang pinaghihiwalay sa dalawa ang balakang nya sa sobrang sakit. Nang marinig nya ang sinabi ng nurse ay ginanahan sya ng husto at umiri ng malakas.

“Now, push very hard! Push!”

“Argh!” kumapit sya sa railings ng kama para makahugot ng pwersa.

“It’s a baby boy! Time of birth: 10:06 pm,” sigaw ng doctor at narinig nya ang malakas na iyak ng sanggol. At ipinatong ito sa kanyang dibdib.

Niyakap at sinulyapan nya ito. Moment na nyang makita ang munting anghel na 9 months nilang pinaghandaan at kinasabikan. Muli na naming lumitaw sa isip nya ang mukha ng anak.

Sa wakas ay natitigan na nya ang bata. Di nya alam kung gano sya katagal na nakatingin rito. Kinakapa nya ang sarili nya baka sakaling maramdaman nya ang pagkasabik o lukso ng dugo, ngunit wala. Parang Di nya anak ito. Yun ang rumehistro sa isip nya.

Nagpahinga na sya sa kwarto ngunit di pa nya magawang mamahinga kahit groggy pa sya sa panganganak. Mariin lang syang nakatingin sa asawa habang niyayapos nito ang anak nila.

“Anak namin?” tanong sa isip nya. Nawala lahat ng pananabik nya. Di iyon ang pinapangarap nyang anak. Wala naming mali sa bata. Walang deformities o kapangitan pero may pakiramdam syang disgusto sa bata.

Lumaon ang ilang taon ay ganoon pa din ang pakiramdam nya rito. Ni isa ay wala syang napagsabihan tungkol dito. Inakala nya noon na meron syang Post-Partum Blues. Nagpatingin sya sa doctor para malaman na wala naman syang anumang sakit.

Dumating ang ika-apat na kaarawan ng anak nila. Pinagdiwang nila ito sa isang reforested area kung saan sila nagpicnic. Nag-iihaw ang kanyang asawa habang sya ay abala sa paghahanda ng pagkain.

“Annie, tignan mo nga ang anak mo. Baka mapunta yun sa gawing bangin.” Utos ng asawa at agad syang tumalima.

Sinimulan nyang hanapin ang anak daan papuntang bangin. Tinahak nya ang daan na liblib, maraming puno at maliliit na halaman. Di nga sya nagkamali at nakita nya ang anak na naglalaro ng lupa sa tabi mismo ng matarik at mataas na bangin.

Nakatalikod ito sa kanyang direksyon. Abala ito sa paglalaro kaya di nito namalayan ang paglapit nya. Tintigan nya ito. Biglang nakaramdam na naman sya ng pagkamuhi sa anak ng oras na yon. Unti-unting lumalala ang sama ng nararamdaman nya rito habang tumatagal.

Walang sabi-sabi ay tinulak nya ito ng malakas sa direksyon ng bangin. Mabilis man ang mga pangyayari ay nagawa pa rin na makakapit ng bata sa kanyang kamay habang ang buong katawan nito ay nakaamba sa bangin.

“Mama, bakit?” magkahalong tanong at pagkabigla ang nasa mata nito. Ngunit di sapat yon upang matauhan sya sa nagawa. Unti-unti nyang kinalas ang kamay nito mula sa pagkaka-kapit sa kanya. Hanggang sa bumulusok ito ng walang ingay sa mabato at matarik na bangin.

Hugas-kamay sya sa pagkamatay ng bata at pinalabas na aksidente ang lahat. Walang sundot ng kunsensya syang naramdaman.

Lumipas ang panahon at sila’y muling nagkaanak. Tuluyan ng nalimutan ang tungkol sa namatay na anak. Malayo ito sa kinamumuhian nyang anak. Eksakto tulad ng pinapangarap nya. Ang itsura nito, ilong, mga labi, mga mata, maliliit nitong mga kamay, una nitong ngiti pati tawa.

Nag-aasikaso sya ng mga bisita dahil ika-apat na kaarawan ng bago nyang anak. Namalayan nya na wala roon ang bata. Nagawi sya sa liblib na parte ng picnic grove. Bumabalik sa alala nya ang lugar na iyon kahit sabihin pang medyo nag-iba ang paligid. Kaya binilisan nya ang paglalakad papunta sa gawi ng bangin.

At doon nga nya natagpuan ang bata. Nakatalikod sakanya habang nakatitig sa bangin sa harapan nito. Bigla nya itong hinablot at inilayo roon.

“Anak, puntahan mo ang mga bisita mo at makipaglaro ka. Bakit ka ba nagawi dito? Delikado para sayo dito” alalang turan nya sa bata. Bago pa sila nakalayo sa bangin at di lumakad ang bata.

“Oh, bakit ka tumigil?” tanong nya.

Ngumiti ito ng ubod ng tamis. Bigla syang nanlamig. Tila pamilyar sa kanya ang tinuran nito lalo na nung nagsalita ito.

“…..Mommy, wag mo na kong itutulak ulit ah.”


  

Story Archive