Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

KAMA

Story Rating:

This happened to me when I was young, I think 13 palang ata ......

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

Ang lalaking walang Mukha 3 (Short Story)

Story Rating:

kararating lang ng kapatid kong lalaki dito sa cebu almost......

Hatinggabi

Story Rating:

Pumunta kami don sa probinsya namin sa Samar para mag bakasy......

Kalabog (Short Story)

Story Rating:

Ako po yung dating nagkwento ng " Anino". Gusto ko po ulit s......

Takot ako!

Story Rating:

Ako nga pla si Jia at ngayon ay 32 anyos na ako. Nais ko lng......

3 Times Knock (Part 1)

Story Rating:

I am 21 years old, and at my age hindi talaga ako naniniwala......

Lalaking walang mukha 2

Story Rating:

Nangyari po this year lang, mga march po siguro ito ay bas......

lalaking walang mukha

Story Rating:

Ako po si kenie at dito po ako ako sa cebu ng tatabraho ......

"Kilabot Sa Bahay Namin"

Story Rating:

Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

The Gifts

Story Rating:

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......

"Kilabot Sa Bahay Namin"

Story Rating:

Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Check-in

Story Rating:

Wala akong magawa kundi magpalipas ng gabi sa Baguio nang ma......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Mayroon akong pinsan na laging nakakakita ng mga iba't-ibang klase ng aswang o multo. Itago natin siya sa pangalang "Lisa."


Ito'y namana niya sa kanyang nanay na simula noong bata pa kami ay sobrang dami na ang naikwekwento.


Isang araw ay sama-sama kaming kumakain ng tanghalian sa bahay ng isa naming pinsan. Noong tapos na kaming kumain ay bigla siyang tumayo at tahimik na lumabas ng bahay. Malapit lang ang distansya ng aming mga bahay kaya ang relasyon namin ay napakalalim. Ilang oras ang lumipas, hindi pa rin siya bumabalik. Sinubukan namin hanapin siya hanggang napunta kami sa isang bahay kung saan binuburol ang mga kamag-anak naming namamatay.


Tatlo kami na umakyat sa itaas--ako, ang isa ko pang pinsan, at ang kanyang nakatatandang kapatid. Nadatnan namin siyang nakaupo sa isang sofa na para bang may kausap. Nagtinginan kaming magpipinsan na para bang nag-uusap ang aming mga mata.


"Hoy, Lisa. Anong ginagawa mo?" Tanong ng kanyang kapatid.


"Ha? Wala." Matipid na sagot ni Lisa.


Napatingin ako sa isa pang sofa na katapat ng kanyang inuupuan at napansin ko na ang isang parte nito ay nakalubog na para bang may nakaupo. Nangilabot ako at nag-iwas na lang ng tingin.


"Tara na." Aya ko.


"Bumaba ka na ah." Sabi ng isa ko pang pinsan. Tumango lang si Lisa at sabay-sabay na kaming bumaba. Sinabi ko sa kanila ang nangyari. Napansin din daw ng aking isang pinsan ang upuan kaya't hindi na nagdalawang-isip na sumang-ayon sa aking pag-agkat bumaba.


Mahigit dalawang oras na ang lumipas ngunit wala pa rin siya kaya naman sinubukan namin siyang balikan. Kami'y sabay-sabay na nagulat dahil nadatnan namin siyang nakahiga sa sahig. Nataranta kaming tatlo dahil iniisip namin ang mga posibilidad na pwedeng nangyari noong kami'y umalis.


Dahil natatakot ang pinsan ko na hawakan siya, binato na lang nito ng unan. Nagising naman ang aming pinsan. Normal ang kanyang boses at ang kanyang kilos. Tinanong namin siya kung ano ang naaalala niyang nangyari.


"Nakausap ko si papa kanina. Tapos ewan ko. Bigla niya kong hinalikan sa noo. Sobrang lamig tapos bigla na lang ako nakatulog. Alam kong hindi siya yun. Ramdan na ramdam ko."


Iyan ang kanyang eksaktong sagot.


 


Doon ko napagtanto na marami ang mga bagay na hindi natin maintindihan. Hindi natin alam kung bakit nagpapakita sa atin ang ating mga kamag-anak na patay na. Hindi natin alam kung sila nga ba ang mga iyon.


Sabi ng mga edukado at bihasa, huwag na huwag kang maniniwala sa isang demonyo na nagpapanggap lamang upan ikaw ay malinlang. Walang espiritu ang pwedeng makababa galing langit. Hindi hahayaan ng Diyos na makihalubilo pa ito sa mga tao dito sa mundo dahil Siya mismo ay hindi na ginagawa iyon. Lagi mo 'tong tatandaan, kaibigan. Huwag ka sanang matibag.


  

Story Archive