Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

3 Times Knock (Part 1)

Story Rating:

I am 21 years old, and at my age hindi talaga ako naniniwala......

Lalaking walang mukha 2

Story Rating:

Nangyari po this year lang, mga march po siguro ito ay bas......

lalaking walang mukha

Story Rating:

Ako po si kenie at dito po ako ako sa cebu ng tatabraho ......

"Kilabot Sa Bahay Namin"

Story Rating:

Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......

The Gifts

Story Rating:

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......

At The Kids' Camp

Story Rating:

This story happened last Friday (May 31, 2019) to my mother ......

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

Creepy Stories (Part 12)

Story Rating:

Nagtatrabaho ako noon sa isang opisina sa Ortigas. Meron kam......

Katok (based on personal experience)

Story Rating:

mauulan pa rin at malamig pa rin ang month n yun. 3rd week n......

SPIDERMAN

Story Rating:

Hello po sa inyo! Ako nga po pala si Jeff, gusto ko lang po ......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

The Gifts

Story Rating:

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

New Fictional Horror Stories

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 2 user(s)


Isa sa mga Totoong Kwento na nangyari sa buhay ko.

Halos lahat na ata ng kwento dito sa page na ito ay nabasa ko na.
Sa katunayan sa kadahilanang nabasa ko na lahat wala na akong mabasa pa kaya naman napag isipan ko na ibahagi ang aking kwento.


Nangyari ito ng mga panahong ako ay nasa elementarya pa lamang, tinatayang mga grade 5 or 6 ako noon.
Nauso sa probinsya namin ang pang huhuli at paglalaban nga mga gagamba.
May sabi sabi din na sa gabi manghuli ng gagamba sapagkat sa gabi umuuwi ang mga ito para gumawa ng kanilang bahay.
May kasama ako na mas nakakabata sakin, mga 2-3 siguro ang tanda ko sa kanya.
Napili nmin na mang huli sa halamanan ng gumamela, matataas ang mga ito.
Sa gilid ng parking area ng baranggay mobile.
Ang parking ng mobile ay hindi simentado, puro graba lamang ito.
Kaya nman bawat hakbang namin, maririnig mo ang ingay ng graba.
Sa ulunan namin, ay isang malaking puno ng Aratilis at Star apple tree.
Habang pinasok namin ang sulok ng gumamelahan, may bigla kaming narinig na Paniki.
Kikik- kikik.... kikikik... parang ganyan ung sounds.
Binalewala nman ito sapagkat nakatuon ang aming utak sa panghuhuli ng gagamba.
After mga 10-15mins namin namamalagi doon.
Biglang nawala ang tunog ng paniki or ng kikik.
kahit malapit kami sa main road, biglang feeling mo na tumahimik ang buong paligid, kahit mga insekto wala ka maririnig.
Tumayo ang balahibo namin, ako feeling ko lumaki ang aking ulo.

Paglingon ko sa aming likuran, may matandang babae na naglalakad patungo saming dereksyon.
Yung klase ng lakad na, malalaking hakbang na dahan dahan, nakataas ang dalawang kamay na parang dadakmain kami.
Sa sobrang takot ko, hindi ko maitutok sa kanya ang dala namin maliit na spiderman flashlight.
Ang naaaninag ko lng is parang matandang nakasuot ng pang sinaunang damit, ung may parang palikpik sa balikat. pang Filipiniana style, tapos naka pusod ang buhok.

And matindi pa nun, humahakbang sya pero hindi nakalapat ang kanyang paa, kasi, hindi mo maririnig ang bawat yabag nya sa mga graba.

Sa sobrang takot ko, nagsisigaw ako ng AASSSWAAAAANGGGG!! asssswwwwaaaannnggg!!! tapos tinalon ko ung bakod na kawayan, siguro nung mga time nayun, lagpas bewang ko ung bakod, pero natalon ko sya ng walang kasabit sabit,.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa tapat ng maliit na tindahan, may malaki kasi silang ilaw sa labas ng tindahan, sumandal ako sa pader na habol hininga.

Ngunit ang masama nito, paglingon ko sa dereksyon ng pinagtakbuhan ko, wala ung kasama ko.
naiwan ko pala sya....

Lumakad ako ng konti habang inaaninag ang pinagmulan...

Biglang sumulpot sa dilim ung kasama ko...tinanong ko sya kung bakit sya nawala..
Naiwan daw nya ang kanyang tsinelas sa may poso... kaya binalikan nya...malayo layo na sa poso ung pinag huhulihan namin nang gagamba..

sa sobrang takot namin, bumili kami ng ice water dun sa tindahan...

Ang tindera, nagulat ako... buntis sya, at ang laki laki ng tyan nya.

Pumasok sa isip ko, sya kaya ung sadya nung aswang na matanda... tinanong nya kami bakit mukha kaming takot na takot...
tapos kinuwento ko sa kanya ang nangyari...

Sabi nya lng, may madalas daw syang naririnig na paniki sa gabi, tapos kapag nawala ung tunog, mga yabag na sa kanilang bubungan ang kasunod..

Sabi pa nya, naku,, aswang lakad ang na enkwentro nyo...
Ang aswang lakad daw is ang mga aswang na kumakain ng tao, lalong lalo na daw ang mga bata dahil alam ng mga ito na ang mga bata ay sariwang sariwa pa ang mga lamang loob,(wala pang bisyo)...
May iba iba pa daw kasing klase ng aswang, aswang lipad, na kung madalas tawagin na IK IK. or WAK WAK sa ibang lugar, ito ung mga madalas na nang bibiktima ng mga buntis or may sakit.

18 years na mahigit ang nakakalipas mula ng nangyari samin ang mga ito, pero sariwang sariwa pa rin sa aking ala ala ang mga nangyari..

Meron pa akong i sheshare sa inyo about sa mga encounter ko sa ibat ibang klase ng nilalang, mostly ASWANG or Ghost.

Pero sa susunod na, kasi medyo busy ako sa trabaho..and medyo tamad kasi akong magsulat.
Kapag sinipag ako, lahat ng naranasan ko ibabahagi ko sa inyo..
sana magustuhan nyo ang maikising kwento na ito, at hango sa totoong karanasan ko.


  

Story Archive