Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

3 Times Knock (Part 1)

Story Rating:

I am 21 years old, and at my age hindi talaga ako naniniwala......

Lalaking walang mukha 2

Story Rating:

Nangyari po this year lang, mga march po siguro ito ay bas......

lalaking walang mukha

Story Rating:

Ako po si kenie at dito po ako ako sa cebu ng tatabraho ......

"Kilabot Sa Bahay Namin"

Story Rating:

Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......

The Gifts

Story Rating:

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......

At The Kids' Camp

Story Rating:

This story happened last Friday (May 31, 2019) to my mother ......

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

Creepy Stories (Part 12)

Story Rating:

Nagtatrabaho ako noon sa isang opisina sa Ortigas. Meron kam......

Katok (based on personal experience)

Story Rating:

mauulan pa rin at malamig pa rin ang month n yun. 3rd week n......

SPIDERMAN

Story Rating:

Hello po sa inyo! Ako nga po pala si Jeff, gusto ko lang po ......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

The Gifts

Story Rating:

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

New Fictional Horror Stories

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Nangyari ang karanasan kong ito noong 2003 kung kailan pumanaw ang lola kong si Lola Karing dahil sa katandaan. Nakatira kami noon sa Tayuman at doon pa ako nag-aaral ng Grade 1. Dumating ang araw na tinawagan kami ni Tita Auring at sinabing patay na raw si Lola Caridad noong umaga matapos nitong magsuka.

Lumuwas kami ng Pampanga para pumunta sa lamay. Doon din muna kami matutulog sa loob ng tatlong linggo para samahan ang natitira kong dalawang lola dahil silang dalawa na lamang ngayon ang nakatira sa bahay na iyon dahil wala na ang kapatid nilang si Lola Karing.

Tandang-tanda ko pa noong malakas pa siya, siya ang nag-aalaga sa akin noon. Sa tuwing pumupunta kami sa Pampanga para magbakasyon ay palagi niya akong kinakarga at nilalaro. Ang huling pagkikita naming dalawa ay noong 2001. Natatandaan ko pa nga noong maluto na ang tanghalian ay sabay kaming lumabas ng kuwarto at binuhat pa niya ako papunta sa kusina. Siya rin ang nagsubo sa akin ng pagkain.

Noong sumilip kami ng aking ina sa kabaong ay nakita kong nakahimlay doon ang lola ko. Walang ekspresyon ang mukha nito. Halata pa rin ang kulubot nitong balat sa mukha dahil sa katandaan. Masuwerte siyang umabot pa sa edad na nobenta.

Kinagabihan nang matapos akong kumain ng hapunan ay naisipan kong sumilip muli sa kabaong. At ganoon na lamang ang gulat ko nang makita kong literal na kumukurap-kurap ang mga mata niya na para bang gusto niyang imulagat ang kanyang mga mata pero wala nang sapat na lakas ang kanyang katawan dahil patay na siya!

Buti na lamang ay maraming tao sa salas at maingay ang boses nila habang nagkukuwentuhan kaya hindi na ako gaanong nakaramdam ng labis na takot para sumigaw pa. Sa halip ay pinuntahan ko ang pinsan kong si Reymart na kasing edad ko rin (7 years old) at sinabi ko na sumilip siya sa kabaong dahil nakita kong kumukurap ang mga mata ng lola.

Ginawa naman niya. Nagpunta siya sa salas at sinilip ang kabaong. Ako naman ay nakaabang sa kanya sa komedor. Nang lumapit siyang muli sa akin ay tumango siya, nangangahulugang maging siya ay nakita ring kumukurap ang mga mata ni Lola Karing sa kabaong. Bakas din sa kanyang mukha ang pagkagulat.

Nagpunta na lang kami sa kuwarto para maglaro ng mga laruan na dala-dala ko galing sa bahay namin sa Maynila.

Kinaumagahan, nang muli akong sumilip sa kabaong ay nakita kong payapa na muling nakahimlay si Lola Karing sa kabaong nito. Maayos na ring nakapikit ang kanyang mga mata at hindi na gumalaw.

Sa paglipas ng ilang mga taon ay madali kong nakalimutan ang nakakatakot na pangyayaring iyon sa buong buhay ko. At ngayong malaki na ako at graduate na ng high school ay saka ko pa lang naalala ito dahil nakahiligan kong magsulat ng horror stories.

Dahil sa muli kong naalala ang karanasang iyon ay nagtanung-tanong ako sa mga kaibigan at nakatatandang kakilala ko kung ano ang ibig sabihin kapag gumalaw ang mata ng isang patay sa kabaong. Marami ang isinagot nila, iba-ibang opinyon. Ang isa sa mga sagot na natandaan ko ay kapag daw nakita mong kumukurap-kurap ang mata ng isang patay ay nangangahulugang meron pa raw itong gustong makita sa isa sa mga mahal niya sa buhay.

Ewan ko kung totoo nga ba ang sagot na iyon. Pero totoo man o hindi, isa lang ang alam ko: Mahal na mahal ako ni Lola Karing. Naalala ko ‘yung kinuwento sa akin ng isa ko pang lola, si Lola Tayang. Sinabi raw niya kay Lola Karing na kung sakaling mamaalam na raw siya sa mundo ay huwag daw sana niya akong mumultuhin dahil alam naman nilang lahat na matatakutin ako noong bata ako. Pero ang sagot daw niya ay hindi raw puwedeng hindi niya ako multuhin dahil mahal na mahal daw niya ako at nais daw niyang makipag-communicate sa akin kahit wala na siya.

  

Story Archive