Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

momoo sa office

Story Rating:

nito lng November nagpalit ng gwardya dahil expire na yung k......

Abortion

Story Rating:

Lamay kasi nung namatay naming kamag anak kaya kwentuhan kam......

Katok!

Story Rating:

Bale dalawa sila ng kaibigan niyang tumira sa boarding house......

Feet on the ground / white lady

Story Rating:

Simbang gabi, yan ang isa sa mga paborito kong gawin bago ma......

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

Headless Man

Story Rating:

Nasa 3rd year na yata ako nun nung nangyari ung encounter ko......

3rd eye

Story Rating:

Bata palang ako nakakakita na ako ng mga nilalang na d nakik......

Ang putol na daliri

Story Rating:

Naiwan si Tonyo nang siya ay 18 taong gulang pa lang at lolo......

Pasahero

Story Rating:

Kwento ito ng kuya ko nung gumamit siya ng kotse pauwi mag-i......

Triple D - Don't Dare Devil

Story Rating:

Galing ako nun sa prayer meeting namin dito sa Pasig and we ......

Top Horror Stories

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction Titig

Story Rating:

Mga alas tres na ng hapon ay nasa daan pa rin sila Fritz. Al......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Estudyante

Story Rating:

1st year college ako that time at SA(Student Assisstant) ako......

Kasabay

Story Rating:

Tinatahak ko ang mahaba at bako-bakong daan na napapaligiran......

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Medyo mahaba kwento ko pero worth it naman pagbabasa niyo. May nabiling bahay/mansion ang lola ko sa kaibigan niyang chinese na na bankrupt na. Wala naman titira don dahil may sariling bahay naman sila kaya kami na lang nanay at kami magkapatid ang pinatira don. Napakalaki ng bahay na ito, as in malaki. Ang garahe pa lamang nito e pede na magkasya ang 8 sasakyan. 2 ang floor ang bahay na ito, na may hagdan na may 20 steps paakyat. Ang salas niya e malaki, kasinlaki ng upper part ng sinehan. Ganon din sa itaas na may 4 na kwarto. Ang ginawa ng lola ko para di kami aalog aalog at tatatlo nga lang kami don, pinatayuan niya ng maliliit na kwarto sa garahe para may mag board. Pero kahit may kwarto ng 3 na maliliit e napakalaki pa din ng garahe. Mga naunang araw o linggo e ayos naman kami. Until one time, nong nagpapaabang ang nanay ko sa kin sa ibaba dahil may mga dalang grocery. Nakaabang ako sa gate at napatingin ako sa sala na that time e patay ilaw dahil lagi naman kami nasa taas lang. May nakita ako na puting tela na nalipad pero di ko alam kung may katawan, dumerecho siya sa pader. Ng dumating ang nanay ko, sabi niya namalikmata lang ako. Ng may mga female boarders na tumira sa ibaba namin, nakakaramdam na din sila. May time na nakikinig nila na may nagtatadtad at gamit ang sangkalan sa kusina, may times na nagbubukas ang gas stove, may time s na kita nila na may silhouette na dumadaan sa bintana nila kaya pinilit nila nanay ko na magpalagay ng kurtina sa bintana nila, pag nagsisiplyo sila sa kusina e may nakikita sila na anino na nadaan sa likod nila at parang may nakatingin sa dulo ng banyo nila na pinakamadilim na parte ng garahe, ni hindi na nga sila naihi sa gabi at nagbili na sila ng arinola para di na sila magbabanyo. Naririnig ko din palagi na parang nagluluto sa ibaba ng madaling araw na naggagalawan mga kaserola at nagtatadtad. Minsan may kausap ang boarder namin sa fone nag sabihin nnong kausap niya na may nagdadasal na parang chinese don background nong boarder namin. Ng nabuntis kapatid ko, may nakikita lagi siya na lalake na maitim sa may kwarto ko. One time, nagising ako sa pagkakatulog dahil may humampas sa braso ko. Eksaktong pagkagising ko hinampas na naman ako kaya di ako nagkakamali na guni guni lang yon. Bumakat pa nga ang kamay sa braso ko. May sikat na resto bar ang tita ko dito sa lugar namin so yong ibaba na salas e pinaglagyan na lang niya ng mga gamit niya sa catering, otal, sa taas naman kami nagsasalas. One time na nagbaba kami, don sa may parte ng mga gamit, may bakas ng paa na tatatlo lamang ang daliri at maliliit ang imprint ang nakabakat sa sahig. ANg nakakatakot pa don, puro nasa gitna lamang nong salas nakapalibot ang paa at wala bakas na umalis ito sa salas. Marami pang iba kakatakutan dito sa bahay na to pero hanggang dito na muna.

  

Story Archive