Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

Sabi nila

Story Rating:

Paakyat na si Linda ng makasalubong ang kumareng si Mary sa ......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

1000 peso bill (Short Story)

Story Rating:

Last year ito nangyari sa may kwarto ko, bali nakikitira lan......

White Lady

Story Rating:

Usong uso pa dati 'yung laro na "BANG SAK" 'yung parang tagu......

Doble (Short Story)

Story Rating:

Pasko nun,at alas 12 na ng hatinggabi,pero kami ay tuloy par......

Dalaw

Story Rating:

Nung mga panahon na yun ay pinaghahandaan ng parents ko ang ......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Jollibee Scare 3

Story Rating:

Ang sabi nya, nung tinitigan nya yung lalaki, nakita nyang n......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

Jollibee Scare 4

Story Rating:

Marami nang crew ang nakakakita sa multo ng isang bata sa is......

ANG MANIKA KONG SI SAM

Story Rating:

I have this doll named SAM, binigay sya sakin ng lola nung 9......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

New Fictional Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......

 Fiction Horror House

Story Rating:

Nang makalayo na ay hapung-hapo na tumigil sila sa isang tab......

 Fiction Hanggang sa Kabilang Buhay

Story Rating:

...


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Sanay na akong makakita o makaramdam ng multo isa akong nurse sa isang kilalang hospital sa Manila. Marami akong ghost stories mula pagka bata hanggang maging nurse nako. I’m some what clairvoyant yan ang term na nababasa ko sa mga book ng PSICOM. I share ko lang ang mga stories ko and sana magustuhan ng mga readers. Tawagin nalang natin tong 1st story ko na MAN IN BLACK.

First year college na ako noon about 5 years ago, year 2004. Nag-aaral ako sa isang sikat na Nursing school sa Metro Manila, wala namang kakaiba sa 1st semester ko as college student. Ang kakaiba lang e marami na akong na mi meet na friends and naging mga barkada ko na. After namin matapos ang 1st semester, nag plano kami na magcelebrate dahil wala saming bumagsak mag kakaibigan, sa hirap kasi sa school namin maka kuha kalang ng grade na kahit 79.9% per subject eh, kick out kana. Kaya masaya kami at kumpleto pa kami dahil madami ang natatangal sa batch namin per sem.

Nagdecide kami na mag party nalang sa bahay ko sa Muntinlupa, walang tao doon dahil buong pamilya ko eh nasa Pasay nangungupahan. Mga 3 times a year lang kami umuwi doon at tita ko lang ang tumatayong caretaker ng bahay na kapitbahay lang naman namin doon. Nagpaalam ako sa aking mga magulang na mag paparty kami doon at agad naman silang pumayag dahil alam naman nilang nag sisikap kami mag-aral at yun ay pagrerelax lang after a stressful semester.

Nagparty kami dun, nagluto, nag-ihaw, nag-inuman hanggang gabi. Nalasing ako dahil marami akong nainom. Nagising na lang ako wala na ang mga barkada ko nakahiga na ako sa kama at may sulat sa tabi ko na nagpapaalam na umuwi na sila. Medyo nainis ako sa sarili ko dahil 1st time ko nalasing sa buong buhay ko at hindi ko tuloy sila naasikaso sa pag uwi nila.

Kinaumagahan nagpunta ako sa tita ko para magkape at kamustahin sila. Wala naman naging problema sa pag-uwi ng mga barkada ko dahil inasikaso naman pala sila ng tita ko habang tulog ako. Pagkatapos ko mag-agahan bumalik uli ako sa aming bahay para maghugas ng mga kalat na naiwan sa lababo. Nang mapatingin ako sa sala meron akong nakitang lalaking matangkad, balingkinitan ang katawan, nakakulay black na t-shirt. Hindi siya mukhang multo dahil hindi siya malabo, para lang siyang ordinaryong tao. Nakatalikod siya kaya hindi ko nakita ang mukha. Sa pagkurap ng aking mata bigla nalang siyang naglaho. Sabi ko pa sa sarili ko multo lang yan, bakit ako matatakot. Hindi naman ako takot sa multo dahil sanay na nga ako makakita, so pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Nang matapos ako maghugas, nagwalis naman ako sa may kwarto. Doon nakita ko siyang nakaupo sa harap ng computer, hindi gumagalaw pero this time in a form of smoke na siya na hugis tao. Hindi ko pa rin siya pinansin kasi nga hindi naman ako takot sa multo. Nang palabas na ako sa pintuan, para bang nagalit siya dahil hindi ko man lang siya pinapansin at hindi manlang ako nakakaramdam ng takot. Ang mga sumusunod na mga pangyayari ay 1st time ko lang naranasan sa buong buhay ko sa experience ko sa mga multo. Biglang nagbagsakan ang mga gamit sa kwarto. Sarado lahat ng bintana at pintuan. Ako lang ang tao sa bahay. Yung mga teddy bear, barbie, doll house ng kapatid ko biglang nagbagsakan. Doon nakaramdam na ako ng takot at agad akong pumunta sa tita ko. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari, tinanong niya ako bigla na "Dada (nickname ko), lumabas ka ba sa front door ng bahay? Kanina mga ala sais ng umaga at nakakulay black kang damit?" Sabi ko "Hindi tita, 7 na ako nagising pumunta pa nga ako sa inyo diba at nagkape, at hindi ako naka-black, white ang suot ko." Nagulat siya sa sinabi ko. Ayon sa tita ko nagwawalis daw kasi siya sa labas ng bakuran ng may naaninag na lalaking naka-itim na lumabas sa pinto ng tignan niya kung ako daw yun nagtaka siya na wala naman pa lang tao. Dun namin napagtugma na yung lalaking nakita ko at nakita niya ay iisa. Natakot kami ayaw na niya akong paluwasin pabalik sa Pasay dahil natatakot siya mag-isa dahil ang mga anak niya ay pumapasok pa. Tumawag ako sa amin sa Pasay kinuwento ko ang mga nangyari at nag pasyang samahan nalang ang tita ko hanggang bumalik ang kanyang asawa na naka destino sa isang probinsya.

Hindi ako natulog noon sa bahay namin, naki tulog ako sa tita ko sa takot sa lalaking naka itim. Nang sumunod na araw may bumisita sa tita ko na kumare niya.Ikinuwento namin ang mga naganap sa aking bahay. Maya maya kakaiba ang aking naramdaman bilang isang taong malakas ang pakiramdam sa mga spiritual na bagay. Mayroon akong naramdaman na galit sa aking paligid. Tila may nakatingin sa amin at nagagalit. Sabi ko tita tama na wag na natin siyang pag kuwentuhan andun siya sa kusina niyo nagagalit at pinag uusapan natin siya. Natakot kami pero kailangan ni tita na pumunta sa kusina dahil may niluluto siya. Nang papunta na siya sa kusina biglang tumalsik ang kutsara o spoon mula sa lalagyan nito at tumama sa kanyang likuran. Kitang kita namin ng kumare niya kung panu tumalsik sa kinalalagyan ang kutsara patungo sa tita ko. Doon ko napatunayan na tama ang pakiramdam ko na galit na nga ang lalaking itim.

Pinag iisipan namin kung bakit kaya nagkaron ng ganoong multo sa bahay. Sabi ng tita ko hindi na nakakapag taka dahil minsan lang kami sa isang taon umuwi doon. Laging walang tao kaya tinitirhan ng multo. Nang sumunod pa na araw dumating na ang tito ko mula probinsya. Kinuwento namin ang nangyari. Hindi siya naniniwala sa multo, sabi pa niya matakot kayo sa buhay wag sa patay, sakalin ko pa yang multo nayan e. Pakiramdam ko sinasabi niya lang na walang multo para hindi na kami matakot. Pero naniniwala naman siya. Tumawag ang mga lola ko na kilala bilang isang manggagamot. Hindi isang doktor kundi isang albularyo. Marahil sa kanya ko namana yung aking abilidad na spiritual dahil ang kuya ko at ang tita ko na kasama ko that time e malakas din ang pakiramdam sa mga hindi maipaliwanag na bagay. Sinabi ng lola ko na buksan lahat ng bintana sa bahay para lumiwanag, mag patugtog ng radio para mag alisan ang mga multong naninirahan sa bahay namin. Agad namin itong ginawa. Tanghali pa noon mataas ang sikat ng araw. Nasa bahay kami ng tita ko at sa lakas ng pagpapatugtog namin sa bahay namin e rinig padin sa bahay ng tita ko na katabi lang ng bahay namin. Maya maya biglang nawala ang tugtog. Nagtaka kami kaya pinuntahan namin ang karaoke sa bahay. Nagulat kami ng makita naming naka pihit na sa isang blank station ang karaoke. At ang tunog lang na maririnig e " shsssssss…… "

Nagpasya nakong umuwi sa Pasay kinahapunan. Tutal andun naman na ang tito ko para bantayan ang tita ko. Hindi na nila tinangkang pakialaman pa ang bahay. Nagpasya nalang kami na ipa bless ito sa lola ko pag uwi namin pamilya doon sa darating na undas o araw ng mga patay. Tutal isang buwan nalang naman yun. Pag dating ng undas umuwi kami doon buong pamilya at agad namin pinapunta ang lola ko para ipag dasal ang bahay. Gabi namin ginawa ang ritual gumawa kami ng insenso para pausukan ang bahay mula sa malawak na garden sa likod ng bahay na marami ding matatandang puno na maaaring tirhan ng mga hindi natin kauri. Sabi ng lola ko “Dada” ikaw nalang ang isasama ko mag suot ka ng pula para layuan ka ng maligno, ikaw lang ang isasama ko dahil sanay ka na, dahil kung sila mama mo ang isasamo baka hindi nila kayanin ang maaaring makita nila. Nilibot namin ang bakuran hangang loob ng bahay. Nagdarasal at nag papausok ng insenyo sa bawat sulok. Wala naman kaming nakita pero nararamdaman namin kung saang sulok ng bahay mayroon elementong namamahinga. Talagang pag mayroon sa sulok nayun tumitindig ang mga buhok ko sa katawan at nag kakatugma kami ng lola ko kung saan mayroon kakaibang energy kaming nararamdaman. After namin gawin ang mga ritual, nag dasal ang lola ko sa likod ng bahay mag isa. Meron siyang maliit na diary at andun ang dasal niyang naka sulat sa wikang Latin. After noon. Naging tahimik na ang aming bahay hangang bumalik kami sa Pasay. Ngunit hindi pa diyan nagtatapos ang mga katatakutan. Dahil kada taon iba ibang elemento ang nakakasalamuha namin sa bahay na iyon dahil nga hindi natititran e binabahayan muli ng mga multo. Madami ng mga nakapag patunay dahil lahat ng pinsan kong nag tangkang makitulog dun hindi tumatagal, kahit mga kamaganak o kaibigan na nakitulog dun hindi pinalalagpas ng katatakutan. Kadalasan naman daw nagpapakita sa kanila ay White Lady. And sa kwarto ko lagi nag papakita. Hindi ko pa nakita itong white lady na to kahit kailan. Naniniwala ako na baka binabantayan niya ako at ang bahay. Kaya kapag may ibang tao sa kuwarto ko tinatakot niya. Sana nagustuhan niyo ang istorya ko. Mahaba siya pero madami pa akong kababalaghan na maikukwento. Bilang isang Nurse ngayon mas lumalawak ang karanasan ko sa mga spiritual na bahay dahil madaming namamatay sa ospital at hindi maiiwasang makakita ako ng multo lalo na kapag Night Shift ako.

-wakas-


  

Story Archive