Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

MATA

Story Rating:

I'm chad, 20 yrs old. I was born blind po. Pero naoperahan p......

School Stories

Story Rating:

Galing ako sa isang Catholic High School. Magkatabi ang scho......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

Ghost town

Story Rating:

Noong 2015 nag pumunta na po ako dito upang manirahan. Sa un......

Anino mula sa ibabaw ng sasakyan

Story Rating:

...

Barong

Story Rating:

Sa Bulacan noon merong bahay ang tita at tito ko kasama mga ......

Sa kwarto

Story Rating:

Nag-outing kami noon sa Pampanga. Umupa kami ng bahay na may......

Babae sa Terrace

Story Rating:

Bata pa lang ako sobrang close na ako sa pinsan kong si Ate ......

Ang dati kong boss

Story Rating:

Ang unang naging boss ko ay babae, pero makalipas ang isang ......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Ang Prosisyon

Story Rating:

Noong buhay pa ang aking lola ay hilig niyang mag tanim ng m......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......

 Fiction Magkasintahan (Short Story)

Story Rating:

Meron magkasintahan. Sobra nilang mahal ang isa't-isa. Konte......

 Fiction Lalaking Naka-itim

Story Rating:

Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at ha......

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......

 Fiction Kotse

Story Rating:

KOTSE Matagal nang magkasintahan si Francis at Ruth - 4......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (2/5)
by 1 user(s)


May ikukuwento ako sa inyo tungkol sa naging karanasan ko noong ako'y malapit ng magtapos sa elementarya. Sa Cavite kami noon nakatira. Nagkayayaan kaming magpi-pinsan na maligo sa ilog. Nagpaalam ako sa nanay ko. Pero hindi niya ako pinayagan. Dahil daw delikado sa ilog kapag walang kasamang nakakatanda. Pero dahil sa gustong-gusto kong sumama sa mga nakakatanda kong mga pinsan, tumakas ako.


Habang nasa daan papunta sa ilog, marami kaming nadadaanang mga taniman ng pinya, kape, mais at tubo. `Yung isa kong pinsan na mas matanda sa amin ng isang taon ay may dalang gulok. Pumipitas siya ng pinya at binabalatan. Habang nasa daan kumakain kami ng pinya at nagkakantahan. Nang makalampas na kami sa Pansol (lugar kung saan kumukuha ng inumin na tubig nanagmumula sa nga ugat ng mga puno) at marating na namin ang ilog, nagsitalunan na agad ang dalawa kong pinsan. Ako nama'y naiwan sa mababang parte.
`Di pa kasi ako gaano'ng marunong lumangoy no'n kaya ayaw kong lumusong sa mas malalim na parte. Nagkasya na lang ako sa pagtatampisaw sa habang nakaupo. Minsan nanghuhuli ng mga katang (tawag sa'min sa alimangong maliliit) na nagtatago sa mga bato-bato.


Nang bigla may makaagaw sa'king pansin. Nakita ko sa `di kalayuan may lumulutang na buhay na bato kung tawagin sa'min. Sinundan ko 'yon. Hanggang sa bigla na lang na parang may humila ng mga paa ko pailalim! Pinapasag-pasag ko ang mga binti ko, pero hindi ko talaga maigalaw. Kinakapos na rin ako nang hininga.


Iniisip ko 'MAMATAY NA BA AKO?'


Hanggang sa nilingon ko ang mga binti ko, para makita ko kung sino o ano ang humihila sa'kin. Nanlaki mga mata ko nang maaninag ko na tila mukha ng tao na berde at may mga dahon-dahon ito sa mukha. Ang ikinatakot ko nang makita ko ang bagay na humihila sa akin para malunod. Para `yong baging na napakataba at mahaba na korteng kamay. Natakot ako! nalis ko ang pagkakatingin ko sa nilalang na humihila sa akin. umingala ako at umiiyak na nagdasal.
Sabi ko, kung oras ko na 'yon tatanggapin ko na. Tapos, parang lahat ng mga nagawa kong mga bagay sa buhay ko lahat nag-flashback sa akin. Naiyak ako nang maisip ko ang nanay ko at ang pamilya ko.
Nagulat na lang ako nang bigla na lang may humila sa 'kin pataas.
Nawalan na ako ng malay-tao pagkatapos no'n.


Nagising na ako, nasa bahay ako ni lolo. Nabungaran ko ang aking nanay at mga tita ko na tinatalakan ang dalawa kong pinsan pinapagalitan sila.


"Mga hindi kayo marunong makinig at sumunod sa mga bilin at sinasabi namin sa inyo! Mga pasaway kayo!" sermon ni tita sa dalawa kong pinsan. Akala ko ligtas na ako sa sermon. `Di pala. Sumunod akong pinagalitan at pinagsabihan ng mga kamag-anakan namin. Ang tigas daw ng ulo ko.  Hindi naman pinayagan, lumarga pa rin kaya muntik nang mapahamak. Pasalamat daw at may nakapansin na nalulunod ako, kaya buhay pa rin ako hanggang ngayon. Ikinuwento ko sa kanila 'yong nakita ko. Ang sabi nila nag-hahallucinate lang daw ako ng mga oras na `yon, kaya kung ano-ano na ang nakikita ko.


Pero sumabat si lolo. Sabi niya, talaga daw may nangunguha nang buhay ng tao sa ilog na `yon. Si lolo lang ang naniwala sa mga ikinuwento ko. Hanggang may nabalitaan kami na isa sa mga kaklase ko ang nawala sa ilog na ring `yon. Iyak nang iyak ang mga magulang ni klasmeyt kasi pinigilan nila itong huwag pumunta at maligo sa ilog ngunit matigas rin ang ulo nito at hindi nakinig. Tumuloy pa rin ito. Tumungo ito sa ilog na nag-iisa.



Halos dalawang linggo bago nakita ang nawawala kong kaklase.



Malamig na itong bangkay. Nasisid ito sa ilog. Ayon sa nakakuha ng bangkay, kaya raw pala hindi lumutang ang katawan nito'y dahil may mga nakapulupot ditong mga halamang- baging. Sabi ng pamilya nito hindi raw iyon 'yong klasmeyt ko kasi bakit ang taba-taba na parang puputok na ang katawan, samantalang payat lang ito. At nagtataka sila kung bakit maraming lumot sa buong katawan nito. Pati ang labi ng klasmeyt ko kulay berde rin ang kulay. Sabi ni lolo hindi na 'yon si klasmeyt. Kinuha na raw ng engkanto na nakatira sa ilog. Naisip ko kung sigurong hindi ako nasagip noon. Siguro ako na ang iniiyakan ngayon.  At hindi na makakapagbahagi ng kwentong ito sa inyo.


Alam kong maraming hindi maniniwala at magtataas ng kilay sa kwento ko. Pero kung makakapasyal kayo sa lugar namin balita pa rin ito hanggang ngayon. Patuloy pa rin ang pagkuha ng engkantong nakatira sa ilog.


Kaya kayong mga nagbabasa ngayon ng aking munting kuwento MATUTO TAYONG SUMUNOD PARA HINDI TAYO MAPAHAMAK!


 


-----


Maymomoo Win-A-Load Monthly Promo Entry


  

Story Archive