Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

momoo sa office

Story Rating:

nito lng November nagpalit ng gwardya dahil expire na yung k......

Abortion

Story Rating:

Lamay kasi nung namatay naming kamag anak kaya kwentuhan kam......

Katok!

Story Rating:

Bale dalawa sila ng kaibigan niyang tumira sa boarding house......

Feet on the ground / white lady

Story Rating:

Simbang gabi, yan ang isa sa mga paborito kong gawin bago ma......

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

Headless Man

Story Rating:

Nasa 3rd year na yata ako nun nung nangyari ung encounter ko......

3rd eye

Story Rating:

Bata palang ako nakakakita na ako ng mga nilalang na d nakik......

Ang putol na daliri

Story Rating:

Naiwan si Tonyo nang siya ay 18 taong gulang pa lang at lolo......

Pasahero

Story Rating:

Kwento ito ng kuya ko nung gumamit siya ng kotse pauwi mag-i......

Triple D - Don't Dare Devil

Story Rating:

Galing ako nun sa prayer meeting namin dito sa Pasig and we ......

Top Horror Stories

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Titig

Story Rating:

Mga alas tres na ng hapon ay nasa daan pa rin sila Fritz. Al......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Estudyante

Story Rating:

1st year college ako that time at SA(Student Assisstant) ako......

Kasabay

Story Rating:

Tinatahak ko ang mahaba at bako-bakong daan na napapaligiran......

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......


Pinoy Horror Story


MANIKA


Story Rating

Rated (3/5)
by 2 user(s)



Share ko lang.. totoong nangyari ito sa buhay ko. Ewan ko. Di na dapat ikwento ito, pero gusto ko pa rin ishare. Gusto ko lang rin na malaman kung yung mararamdaman ninyo ay kaparehas ng naramdaman ko nung unang nakwento sa akin kung ano nangyari.

Sisimulan ko na. Member ako ng isang choir dito sa barangay namin. Every summer meron kami nakasanayan na nag a-outing kasama ang buong choir members. Sa San Felipe Batangas namin napiling magbakasyon. Sa bahay ng Kuya ko. Naikwento ko kse sa kanila na meron doon magandang isolated place na lawa na sarap paliguan. Kung meron taga Batangas diyan baka alam ninyo yung tinatawag na “Lungos” malapit sa Mt.Makulot.

Maghahapon na nung dumating kami sa bahay. Wala sila Kuya at pamilya niya. May pinuntahan daw na okasyon sa kamag anak nung asawa niya. Bukas pa raw ang uwi. Yung katiwala lang sa bahay na kapitbahay nila Kuya yung naassist sa amin. Sa madaling salita solo namin ang bahay. Yung masterbedroom nasa groundfloor. Tapos may dalawang room sa itaas. Sa kaliwang kwarto doon natulog kaming mga lalaki. Tapos sa kanan dun yung mga babae.
Sobrang pagod kami sa biyahe nun. Yung iba naidlip muna. Tapos nagprepare ng mga kakainin sa hapunan. Yung iba naglaro ng baraha sa hallway sa itaas.

Natapos ang pagluluto. Kainan na! Sarap ng kain. After kumain yung iba pwesto sa sala para mag inuman. Yung mga lasenggero nag stay sa ibaba. Yung mga di umiinom ayun yung nagstay sa itaas. Isa na ako dun. Di pa kse ako marunong uminom that time. Naglaro ulit kami ng baraha. Idescribe ko  muna yung pwesto namin sa hallway. May maliit lang na table sa gitna. Tapos lahat nakaindian sit. Walang nakatayo. Mga walo kami nun sa itaas. Limang babae,tatlong lalaki. Habang naglalaro sobrang nagkakasiyahan na, kaya sobrang maingay na. Nang bigla namatay yung ilaw. May narinig kaming “Tik!” ayun yung tunog ng switch ng ilaw. I-describe ko yung switch ng ilaw.. alam ninyo yung pabilog na matigas na kulay itim? Ganun yung switch ng lahat ng ilaw doon sa bahay. Tahimik lahat. Nagbukas ng celphone yung isa ko kachoir,yung cel na may flashlight.. inilawan yung sa parte kung saan nandun yung switch. Nang bigla tumili yung isa naming ka choir na babae. Syempre natakot yung iba. Pero sabi niya joke lang. then tumayo na ako para buksan yung ilaw. Medyo takot na kami sa taas kaya nagbabaan na lang, tapos nakijoin na lang kami doon sa mga nag iinuman.

Umaga. Nagising ako. Napainom pala ako kagabi. Lasheng..hehehe. Yung mga babae gumagawa na ng mga sandwiches, nakapagluto na rin ng almusal. Kainan ulit. Tapos prepare na ng mga dadalhin papunta sa Lawa. Pababa ng bundok iyon kaya nakashorts lahat. Pormang mountaineer kami. May mga dala kse malalaking bag na puno ng pagkain. Yung mga babae may bag din pero mga damit lang ang laman. Nasa kalagitnaan na ng bundok na may isa member na nagrequest na magpahinga. Sobrang pagod na raw siya kse ang bigat ng dala niya. Di namin alam kung nag iinarte lang o pagod lang. Pero actually maliit na backpack lang dala niya. Pinauna ko na yung ibang babae na nasa likod niya. Para makarating kaagad sa lawa. Para mahaba yung oras na makaligo.

Pagdating sa baba ng bundok. Sulit yung pagod namin. Sobrang ganda nung lugar. Totoo raw yung sabi ko na isolated kse walang ibang tao kundi kami lang tska yung dalawa friend ng kuya ko na guide namin. Ligo ligo. Tapos kain. Tapos jamming. May dala kse kami kahon at tatlong gitara. Sarap ng bakasyon. Naglatag din kami malaking kumot doon para latagan ng mga pagkain tska area ng kainan. Habang lumalangoy yung iba, napansin ko si Ate Irene na tahimik (isa po siya sa senior ng choir). May nawawala raw sa knya. Tinanong ko kung ano. Yung maliit na sukbit niya raw. Tinanong ko kung ano yung sukbit, yun pala yung maliit na pulang parang unan na pangkontra sa masama elemento. Biniro ko pa si Ate, sabi ko tanda tanda na niya tapos high-tech na ngyon nagsusuot pa siya ng ganun, tapos bigla nalungkot.kaya inamo ko,sabi ko baka naiwan lang niya sa bahay. Pero sabi niya dala raw niya kanina. Inaya ko na lang siya na lumangoy kesa magmukmok.

Nang mag sawa na kami sa Lawa. Bago maghapon umakyat ulit kami pabalik sa bahay. Yung iba pagod sa kakalangoy kaya di na maiangat yung katawan. Kaya yung iba tinutulak na lang namin. Yung iba na malalakas nauna na tapos nag latag na lang ng lubid para may hawakan yung ibang nasa baba.

Nakarating kami sa bahay sobrang pagod. Nandun na rin sila Kuya ko. Pinagluto kami ng masarap na hapunan. After kumain, inuman ulit. Si Ate Irene umakyat, nakita na raw niya yung sukbit niya. Nasa gitna nung kama ng mga babae sa taas. Tapos nun umuwi na kami pabalik ng Manila.



Siguro magtatanong kayo kung ano yung nakakatakot dun sa kwento ko?



Pagdating sa Manila. Siguro mga ilan linggo, napag kwentuhan namin ni Ate Irene yung bakasyon sa Batangas. Kinamusta ko pa kung suot niya yung sukbit niya. Wala na raw sa kanya. Dito niya sinabi sa akin lahat ng nangyari.

Ready na kayo???

Una.. kwento ko muna kung sino si Ate Irene, isa siya sa senior namin sa Choir na may 3rd Eye. Kaming mga Junior alam yung tungkol sa knya, pero yung mga batang member di alam yung ability ni Ate Irene. “Nakakakita siya nang mga bagay na di nakikita ng iba.”

Ok game.. balikan natin ang nakaraan kung ano yung mga nangyari… naikwento ko yung biglang namatay yung ilaw nung unang gabi… walang nagbiro nun. Totoong may nagpatay. Yung choir namin na tumili…si Ate Irene yun. Nakita kse niya kung sino yung nagpatay ng ilaw. Isang batang babae na nakaupo sa silya yung nailawan bago ko buksan yung ilaw.

Pustahan tumayo balahibo ninyo???... Hinde pa..?? ito pa isa…

Naaalala ninyo yung pababa  tapos may nagreklamo na pagod na. Nasa likod nun ni Ate Irene. Kaya niya binulong sa akin na mauna na yung iba. Dahil nakita niya yung batang babae na nakasalabay doon sa isa naming choir na babae at nanlilisik ang mata sa kanya.

Ako aminado.. habang tinatype ko ito.. tinatayuan pa rin ako ng balahibo. Pero di pa yan natatapos…

Kaya malungkot si Ate Irene nung nawala niya yung sukbit niya kse kinukuha raw ito sa knya nung bata na babae. Para mawala yung proteksyon sa knya. At nakuha ito sa knya nung time na nagpeprepare ng pagkain.

Tinanong ko si Ate Irene…sino yung batang babae? Then dinescribe niya sa akin yung itsura. Napamura ako. Naluha ako sa sobra takot. Ganito iyon. Yung napangasawa ng kuya ko. Nung bata pa siya mga 2yrs old yata. Niregaluhan siya ng Manika na nasa case. Yung nasa wooden box na salamin yung cover. May kwento dun sa manika. Habang lumalaki daw yung hipag ko. Medyo lumalaki din yung Manika. Ito totoo..nandun pa rin yung manika sa bahay. Sa room ng mga babae. Nakatagilid na sa kahon yung manika.. kung itatayo mo yung Manika. Imposible na.. kse di na kasya.
Nung nakita raw ni Ate Irene yung sukbit niya sa kama. Wala sa kahon yung manika.

Ano tuloy pa natin??? Dito ako kinilabutan tlga…

Nung pauwi na kami… nag aabang na  ng Bus pauwi.. napalingon raw si Ate Irene sa bintana sa itaas.. sa room ng mga babae.. nandun daw yung Manika. Nakasilip. Nanlilisik yung mata. Nakangisi. Kumakaway sa amin.. hawak yung Sukbit niya.. saka niya napansin.. nakuha pala ulit sa knya yung Sukbit.

Ayun.. until now kapag nagyayaya yung Choir na bumalik doon.. dami ko dahilan para di na makabalik doon.


  

Story Archive