Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Meditation for 3rd eye aftermath

Story Rating:

Simula pa nung bata ako malakas na pakiramdam ko sa mga di n......

Sleep Paralysis Nga Ba? (A Short Story)

Story Rating:

Im from QC. Usually ang mga tao late na talaga natutulog dah......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

Kaluskos sa FVR

Story Rating:

Buntis ako ng panahon na nasa Pinas ako para magbakasyon. Hi......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

Airport ghost story 3

Story Rating:

Habang ako ay nag pipicture, nasa walkalator ako nun nang ma......

Baby Handprints

Story Rating:

This is a true story told by my officemate. Last October 19,......

Lolo's Experience

Story Rating:

Ang kwento po ngayon ay kwento ng lolo ko noong binata pa po......

Ghost Town Explanation

Story Rating:

So bale higit 3 years na po akong nag tatatrabaho dito sa Al......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 2 user(s)


Itago nyo nalang ako sa pangalan Zac.

Simulan po natin sa umpisa kung papano po ako nagkaroon ng gift or curse kung tawagin ng iba. Ako po ay panganay na apo ng panganay na apo (in short simula sakin ko hangang si pinaka lolo ng lolo ko ay panganay sa mothers side ko po. Sabi po ng isang manggangamot sa nanay ko ay nanggaling kami sa dugo ng babaylan na ninuno po namin ngunit dahil sa pagbabago ng panahon ay naka limutan na. In short daw po ay undeveloped po yung gift namin. Lahat po kami sa mothers side ko ay ay nakakaramdam ng hindi pang karaniwan ngunit sadyang ang mga panganay lang ang nakakakita parati. Yung mga tito and tito ko po ay pa minsan lang nakaka kita pero malakas ang pakiramdam nila sa kung anu man ang nasa paligid.

Ang kwento po ngayon ay kwento ng lolo ko noong binata pa po sya. Pinanganak at namulat na ang lolo ko sa isang probinsya sa Iloilo. Napaka sutil at sobrang tapang ng aking lolo simula pa noon, si lolo ay mahilig mag liwaliw sa mga kakahuyan upang maghanap ng pwedeng pagka kitaan o makakain dahil sa hirap ng buhay noon. Madalas ginagabi o hindi naman ay inuumaga naman sya umuwi ng bahay. Isang araw si lolo ay pumunta na naman sa kagubatan upang maghanap ulit nang makakain. Meron daw siyang narinig na tawanan at kanta sa di kalayuan. Hindi nya alam kung saan nanggagaling kaya’t lalo syang na curious na hanapin ito, sinundan nya kung saan nanggaling ang tunog ng kasiyahan. Dahan dahan siyang nag lakad upang silipin ang mga nagsisiyahan. At dito tumambad sa kanya ang mga maliit na nilalang, mga babae at lalake na sobrang ganda at maputi, matangkad na mga tao na nagtatabako at iba pang nilalang, may mga hayop pa nga daw na hindi malaman kung anu ang uri.

Wala pang 10 seconds nang sa pagmamasid ni lolo ay bigla silang natigil sa pagsasaya at tumahimik. Ang mas nakatakot pa ay bigla silang napalingon sa kinaroroonan ng lolo ko. Ngunit sa mabuting palad ay pinili nalang nila na maglaho o magtago bigla at hindi hinabol and lolo ko. Hindi naman natakot ang lolo ko sabi lamang nya sa akin ay “subukan nila at may kalalagyan sila”. Nang papa uwi naman si lolo ay may nadaanan siyang dwende ng natutulog sa sanga ng kahoy, kumaway lang ang lolo ko at ganun din naman daw ang dwende. Hindi si lolo nakikipagkaibigan sa mga ito, ganun din ang sinabi nya sa akin na syang ginagawa ko. Karamihan daw mga nilalang na ito ay sadyang mapaglaro, may mga marunong tumupad sa usapan, may mabubuti, at may mga masasama. Kung magkikipag kaibigan man daw sila ay huwag humingi, mag demand, o umasa ng ano mang gantimpala dahil minsan daw ay may kapalit na sadyang napakamahal ang kabayaran. Halos araw araw na ni lolo nakikita ang mga nilalang na ito kaya nasanay na sya, minsan pa nga daw ay sinubukan syang paglaruan ngunit tumigil sila nang magalit na si lolo. Iba kasi magalit si lolo at marami siyang alam na pangontra sa mga ito kaya't tumutigil sila kapag nagalit sya dagdag pa ang tapang nya na sobra sobra. Sabi lang nya sa akin ay “Nasa dugo din natin ang dugo ng Kastila at Hapon, kaya wag kang magugulat kapag magalit tayo ay sobra sobra”. Talaga namang totoo, masisindak lamang sya sa una ngunit kakainin ng tapang nya ang takot nya.

Nang makapag asawa na ang lolo ko ay doon parin sila nanirahan liblib nilang baryo. Unang pinanganak ang mama, lumaki syang wala namang problema. Pagkatapos ng isang taon ay nabuntis ulit si lola. Isang hapon nang papauwi si lolo galling sa bayan (take note: wala pang masasakyan noon mula bayan so podpod tuhod na 5 to 8 kilometer marathon ang gagawin mo). Nasa kalagitnaan na ang lolo ko noon ng maramdaman nya na may sumusunod sa kanya sa daan. Ang ginawa ng lolo ko ay lumiko sya papunta sa mga puno at sinubukan na harapin ito. At doon tumambad sa kanya ang napa kalaking pusa, sinlaki daw ng Labrador na aso. Kulay green ang mga mata nito, golden brown ang kulay, matulis ang mga kuko at pangil na nakalabas. Bigla daw tumalon ito pa punta sa kanya upang lapain sya ngunit handa ang lolo ko. Hindi siya naglalakad mag isa ng walang pangontra at sandata, sa likod ng bewang nya nakatago ang mahaba at matalim nyang kutsilyo na bigla nyang hinugot ang ginamit pansalo sa pusa. Nangisayngisay ang pusa dahil sinigurado ni lolo na puso ang tatamaan nya. Agad naman siyang umalis at bumalik sa paglalakad pauwi. Kinabukasan ay sinabi nya ito sa kaibigan at binalikan nila kung saan ito iniwan ni lolo ngunit wala na ito. Agad silang tumakbo sa albularyo at nagpa tingin ang sabi nito kay lolo ay “Alaga ito ng isang engkanto at may kapalit ang buhay nito”. Pinagsawalang bahala lang ito ni lolo, pagkalipas ng ilang lingo ay nanganak si lolo ng isang batang lalaki. Isang araw lang nabuhay ang bata at namatay pagkatapos magdumi ng dugo. Malungkot na pinabinyagan ni lola at lolo ang bata at saka inilibing.

Sumunod na taon ay nabuntis at nanganak ulit si lola ng isang malusog na batang lalake. Wala naman naging problema sa bata dahil malusog ito sa unang mga araw. Ngunit kalaunan ay umi yak ito kapag gabi na at masakit ang tyan. Hindi alam ni lolo at lola ang gagawin kaya’t na isipan nalang nila na itakbo ang bata sa hospital. Kinarga ni lolo ang anak nya at tinakbo (oo literal ni tinakbo) ang bata sa hospital, sumunod naman si lola at kapatid ni lolo na naglakad pa punta ng hospital. Habang tumatakbo si lolo ay ramdan daw nya na may wakwak na sumusunod sa kanya na para syang dadagitin nito. Nang marating nila ang hospital ay hindi daw umabot ang sanggol at sinabi ng doctor na infection daw sa pusod ang dahilan. Ngunit alam ni lola at lolo na aswang ang dahilan kung bakit pumanaw ang anak nila. Pina binyagan nila ang kawawang sanggol at agad na inilibing. Pinayuhan si lolo ng isang manggagamot na kapag magka anak sila ulit ni lolo ay pabinyagan daw ito agad at kumuha ng isang ninong o ninang na aswang upang hindi na ma aswang ang susunod nilang anak. Sinunod naman ito nina lola at lolo at doon sunod sunod na nagka anak sila ng tatlo, dalawang lalaki at isang babae. So bale 4 na sila ngayon yung mama ko, ang tito ko, tita ko at bunsong nilang tito ko din. Nagsimula na din silang sumunod at magtiwala sa magaling na albularyo sa amin.

Hangang dito nalang po muna kasi mahabo na po.

Salamat sa pagbasa,

Zac

 


  

Story Archive